Yong kaba ko ay nandito pa rin sa isip ko ang lagi kong nakikita ay ang nangyari sa amin ni Gabriel kanina at lagi itong pumapasok sa isip ko.
At hindi ako makatulog dahil gising na gising pa rin ako samantalang si Carla ay naghihilik na kaya napabangon ako.
Napakamot na ako ng ulo ko at kinuha ko ang panali ng buhok ko at basta ko na lang tinali ang buhok ko at saka tumayo.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto namin at naglakad papunta sa kusina ng malaking bahay para kumuha ng tubig.
Napatingin ako sa loob dahil bukas pa sa kusina sa loob kaya sinilip ko ang screen dahil nakabukas lang ito pero naka-lock naman.
Nagulat ako dahil nakita ko si Gabriel na nasa lamesa at parang nagkakape, kinabahan ako dahil baka makita ako nito kaya nagmadali ako na kumuha ng pitsel at baso sa ref at saka ako lumabas agad at muli kong ni-lock ang pinto.
Imbes na bumalik ako sa kwarto ay naglakad ako papunta sa garden at nilapag ko ang dala ko sa lamesa at naupo.
Napahinga ako ng maluwag at saka napatingala sa kalangitan, napangiti ako dahil may isang mas malaking bituin sa langit.
"Ikaw ba iyan tay? Pasensya ka na at hindi pa ako makatulog kasalanan ko naman kasi, huwag mo akong dalawin sa panginip ha." Kausap ko sa bituin habang nakatingala ako sa langit.
"Hindi ako makatulog tay dahil nagiging makasalanan ang anak mo." Dagdag ko kaya napatawa ako at biglang humangin ng malakas kaya napahawak ako sa braso ko at napatingala ulit.
"Tay naman eh huwag ka naman ganyan kinikilabutan ako." Sabi ko at saka ako natawa dahil sa naiisip ko kaya napailing na lang ako.
"Naniniwala ka sa ganito?" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa gilid ko at nakita ko si Gabriel na nakatayo at nakaharap sa akin kaya ang puso ko ay tumatalon na naman sa dibdib ko.
"Hala bakit ka nandito!?" Gulat ko na lang na tanong dahil sa pagkabigla ko kaya bigla kong natakpan ang bibig ko, lalo na at tumawa siya at lumapit sa akin kaya napausog ako ng upo.
"Hindi ako makatulog." Sagot niya sa akin kaya namula ako at napayuko.
"Ikaw rin pala." Bulong ko kaya nagkatinginan kami at kinuha niya ang kamay ko kaya nagulat ako.
"I'm sorry babe about what i did before, hindi ka tuloy makatulog." Sabi niya kaya namula ako lalo dahil sa sinabi niya at napailing lang.
Lumapit na lang ako sa kanya at yumakap sa kanya, kaya niyakap niya rin ako at walang nagsalita sa amin at dinama lang ang init ng bawat isa kaya napapikit ako.
Narinig ko na humihimig na siya at kumakanta na kaya nagulat ako pero nang tumitig siya sa akin habang kumakanta ay napangiti siya ng buong suyo.
Yumakap ako ng mas mahigpit sa kanya habang kumakanta siya at naging payapa na ang pakiramdam ko dahil ss napakaganda niyang boses, malamig at masarap sa pandinig.
Hindi ko alam na may talent siya sa maging sa pagkanta, ano pa kayang talent meron siya dahil halos lahat yata ay meron sa kanya.
Hindi lang ako makapaniwala na nandito sa tabi ko si Gabriel kinakantahan ako at pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang isang tulad niya pero iba ang sinasabi ng isip ko sa puso ko.
Ang puso ko ay sinisigaw ang lalakeng ito at alam ko na siya ang para sa akin, ang lalakeng ito ay sa akin lang.
"Bumalik ka na sa kwarto mo at pakinggan mo lang sa isip mo ang tinig ko at makakatulog ka na." Bulong niya mayamaya kaya napatitig ako sa kanya at saka ako hinalikan sa noo ko kaya napangiti ako.
Hinintay niya muna ako na makapasok sa kwarto namin ni Carla at saka na siya tumalikod kaya sinara ko na ang pinto ng kwarto namin.
Humiga ako sa kama ko at napapikit at pinakinggan sa isip ko ang boses niya saka ako unti-unting dinalaw ng antok.
Kinabukasan ay napakaganda ng gising ko alam ko na nagtataka si Carla sa ikinikilos ko pero nakangiti lang ako at hinihimig ang kanta ni Gabriel sa akin kagabi.
"Saan mo naman nakuha yang hinihimig mo bruha ka ang wirdo mo ngayon." Sabi ni Carla na natatawa lang sa akin kaya napatawa rin ako.
"Nanaginip ako at sa panaginip ko ay may kumakanta na isang prinsepe sa panaginip ko kaya hindi ko ito makalimutan." Kwento ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas at pinalo ako sa braso.
Sakto naman na pumasok si Gabriel dito sa kusina kaya napatigil kami bigla ni Carla at binati ito.
Tumango lang ito at umupo na sa kabisera at nagsimula na itong mag-almusal.
Nagtaka ako na parang masama ang gisong nito dahil nakakunot na naman ang noo nito.
Niyaya na ako ni Carla na bumalik sa dirty kitchen kaya sumunod ako sa kanya at hindi ko na muna inisip si Gabriel.
Ang mahalaga ay masaya ako at maganda nag gising ko.
"Sonata maglinis ka ngayon sa attic dahil baka maalikabok na naman doon, magdals ka nang garbage bag." Nagulat ako kay tiya na biglang pumasok dito at mukhang badtrip kaya nagkatinginan kami ni Carla kaya tumango lang siya sa akin.
Nagtataka man ay sinunod ko si tiya binati ko siya pero hindi niya ako pinansin kaya nagtaka ako.
"Tulungan kita." Sabi ni Carla kaya tumango ako at ngumiti.
"Dito ka lang Carla may nakatoka na trabaho sayo diba?" Biglang sabat ni tiya kaya nagkatinginan kami ni Carla kaya nagmadali na ako na kumuha ng mga panlinis ko.
Umakyat ako sa pinaka-attic ng bahay at naglinis ako kahit wala naman masyadong kalat o alikabok dito.
Napatanaw ako sa baba dahil umalis na ang sasakyan ni Gabriel kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Hindi yata maganda ang gising ni tiya kaya mainit ang ulo nito kaya napailing na lang ako.
Habang inaayos ko ang mga gamit dito ay may nakita akong isang lumang album kaya kinuha ko ito at napangiti ako dahil mukhang baby photos ito.
Umupo ako at tinignan ito isa-isa at sa gilid ay nakalagay ang pangalan ng baby at ang petsa nito.
Napalaki ang mga mata ko dahil si Gabriel ang batang ito kaya napangiti ako at napatawa dahil napaka-cute niya pala nong baby pa siya.
Nawili ako sa pagtingin ng mga picture ni Gabriel at napakaganda pala ng mama niya at ang papa niya ay gwapo pero napakaseryoso ng mukha nito at mukhang estrikto.
Hindi ko pa nga naitatanong dito kung na saan ba ang mga magulang ni Gabriel kaya sa susunod ay susubukan ko siyang tanungin.
Nang makita ko lahat ng picture ni Gabriel ay muli ko itong binalik sa kinalalagyan nito at saka ko na sinamsam ang panglinis ko at lumabas na ako sa attic at bumaba ng hagdan.
Pababa na ako ng hagdan ay nasa hapag-kainan na ang kambal at napangiti ako kaya pumunta na ako sa lagayan ng mga panglinis at naghugas ng kamay.
Pumasok ako sa kusina at binati ko ang dalawa na agad na ngumiti ng makita ako.
Naka-uniform na ang dalawa kaya napangiti ako lalo dahil hindi na ako tinawag ng mga ito, kaya naman na nila at gusto na rin ng dalawa na asikasuhin ang mga sarili nila.
Sumapit ang hapon ay mainit pa rin ang ulo ni tiya at walang nagbago sa malamig na pakikitungo niya sa akin.
Kaya kinabahan na ako dahil hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko, inalala ko kahapon kung may inutos ba siya na hindi ko nasunod na kinagalit niya pero wala naman.
Nakikipagbiruan pa siya sa amin kagabi habang naghahapunan kami, pero baka may problema lang sa bahay nila.
Baka nagpasaway na naman ang isa sa mga anak kaya baka ito ang alam ko kung bakit mainit ang ulo niya.
Papasok na ako sa kwarto namin ni Carla ay tinawag ako ni tiya kaya napatingin ako sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap Sonata." Seryoso niya na turan kaya napatango ako at saka niya ako pinasunod at pumunta kami sa garden kaya nanginginig ang kamay ko dahil hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin.
"Sonata tatanungin kita hija gusto ko sagutin mo ako ng maayos." Bigla niyang sabi kaya napatitig ako kay tiya at agad ako ng tumango.
"Ano ba ang pinunta mo rito? Diba para makatulong sa pamilya mo?" Tanong niya bigla na pinagtaka ko.
"Opo tiyang para po kina nanay at sa mga kapatid ko." Sagot ko sa kanya saka ako napayuko.
"Eh ano yong nakita ko kagabi? Ano ang ibig sabihin non Sonata? Nakikipag-relasyon ka ba sa amo natin?" Deretsahan na tanong ni tiya kaya bigla akong kinabahan at namula at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Alam mo madalas kitang maobserhaban minsan hindi ko alam kung sa kwarto ng mga bata ka natatagalan o sa kwarto ni Gabriel!" Bigla niya ulit na turan kaya lalo akong kinabahan at parang tinatambol ang dibdib ko.
"Tiyang magpapaliwanag po ako." Bulong ko naiiyak ako dahil hindi ko alam na may ganitong isip si tiyang.
"Hindi kayo pwede Sonata, si Gabriel lalake siya at balo may anak siya syempre nanganagailangan siya ng babae sa buhay niya. Pero hindi porket pinapakitaan ka niya ng ganun ay bibigay ka na! Napakabata mo pa may maganda ka pa na kinabukasan at hindi ito ang pinunta mo dito hija." Madiin at may galit sa boses ni tiya kaya napaiyak ako ng tuluyan.
"Tandaan mo ang malaki ang agwat ng edad niyo ni Gabriel at ang estado niyo sa buhay napaka imposible ng bagay na sa tingin mo ay fairytale sayo. Yan ang tandaan mo! Kaya habang maaga pa ay tigilan mo na ito." Sabi ulit ni tiya na parang karayom na tinusok ang puso ko sa mga salita niya.
Napaupo na lang ako nang umalis siya sa harap ko kaya napahaguhol na lang ako ng iyak at napahawak sa dibdib ko dahil tumagos ang mga salitang iyon sa isip at sa puso ko.