Chereads / The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 9 - Chapter nine

Chapter 9 - Chapter nine

Tumawag ako sa bahay at kinumusta ko ang mga kapatid ko at si nanay, umiiyak na naman ito sa pagka-miss sa akin.

"Nay wag ka nang umiyak, magbabakasyon ako diyan promise." Sabi ko dito na tumango lang ito at nagpunas pa ng luha.

"Siena alagaan mo si nanay at ang mga kapatid mo ha, huwag mo silang paglalaruin ng matagal sa labas." Sabi ko sa kapatid ko na tumango at ngumiti lang.

"Opo ate kong maganda mababait naman sina Simone at Sirone." Sabi niya kaya napangiti ako.

"May bigas pa ba kayo? May pera pa ba si nanay?" Tanong ko mayamaya kaya napangiti ito at sunod-sunid na tumango.

"Meron pa ate sobra yong pinadala mo kaya kasya pa iyon hanggang sa isang buwan." Sabi niya kaya napahinga na lang ng maluwag.

"Ate sino yon?" Biglang tanong ni Siena kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Gabriel na may kausap sa cellphone niya.

Nandito pala ako sa garden at nakaupo ako dito sa lamesa at nakita ko ang boss ko na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono.

"Boss ko yon may kausap." Sagot ko sa kapatid ko kaya napangiti ito.

"Ang gwapo ng amo mo ate." Sabi niya kaya napatawa ako at nang mapatingin ako kay Gabriel ay palapit na siya dito kaya kinabahan ako.

"Sino kausap mo?" Tanong niya kaya napatingin ako kay Siena na nakat8ngin rin sa screen.

"Ah kapatid ko po sir, at ang nanay ko." Sagot ko sa kanya kaya napatingin siya dito at bahagyang yumuko.

"Anak siya ba ang amo mo?" Tanong ni nanay na nasa screen na pala kaya napatingin ako dito kaya pinakilala ko si Gabriel sa kanila.

"Salamat ho sir sa pagtangap kay Sonata, may kakulitan ang batang iyan pero masipag yan at mabait." Parang gusto ko tuloy patayin ang tawag dahil sa sinasabi ni nanay.

"Masipag ho at mabait si Sonata lalo na sa mga anak ko." Sabi na lang ni Gabriel na ngumiti.

"Sige na po nay bukas naman ako tatawag kailangan ko nang bumalik sa trabaho." Paalam ko mayamaya sa kanila kaya nagpaalam na sila, napatawa ako ng mag-agawan na sila sa cellphone at isa-isa nang nagpaalam sa akin ang mga kapatid ko kaya napangiti na lang ako.

"Mababait ang mga kapatid mo at ang nanay mo." Komento ni Gabriel na nakaupo na sa harap ko habang nakatitig sa akin kaya tumango ako at ngumiti.

"Opo kaya mahal na mahal ko sila." Sabi ko sa kanya nang maalala ko na may gagawin pa ako ay tumayo na ako.

"Where are you going babe?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya saka ako napakamot.

"Babalik na ako sa trabaho." Sabi ko sa kanya kaya napahalukipkip siya at saka ako tinitigan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nagtatampo ka pa rin ba dahil biglaan ang pagsabi ko na isasama kita sa Singapore?" Tanong niya na nakangiti kaya napanguso ako at tumango.

"Hindi Davao at Manila lang yon, ibang dako yon ng mundo." Sabi ko sa kanya kaya napatawa siya.

"I want you to go there kasama ang kambal." Sabi niya kaya napahinga na lang ako ng malalim at napatingin sa kanya.

"Hindi ako pwedeng tumanggi diba?" Tanong ko sa kanya kaya umiling lang siya kaya napailing na lang ako at nagpaalam na sa kanya.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magtagal pa ako doon at dumiretso na ako sa loob ng bahay.

Nag-diretso ako sa taas para tignan kung gising na ang kambal dahil natulog yon kanina.

Kumatok muna ako saka ko binuksan ang pinto ng kwarto nila at napangiti ako ng gising na sila pareho at nag-aaral na.

Nag-aadvance na sila ng aral dahil magbabakasyon sila kasama nga ako at ng tatay nila na makulit pa sa balat ng kalabaw.

Napatawa ako sa kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

Dahil abala pa sila ay inayos ko na muna ang higaan nila at niligpit ang ilan sa mga nagkalat nilang laruan.

Mga rubics cube, monopoloy, jenga at chess pisces na nakakalat sa lamesa at sahig, mukhang nagbatuhan na naman ang dalawa kanina ng laruan nila.

Nilabas ko na rin pala sa closet nila at dalawang maleta na gagamitin nila para hindi na ako mahirapan pa, at magsisimula na akong mag-ayos ng gamit nila.

"Nanny Sonata come here." Tawag ni Anthony kaya lumabas ako ng closet nila at nakita ko ito na nakahiga na sa carpet.

"Bakit mahal na prinsepe gutom ka na ba?" Tanong ko dito na tumabi sa kanya kaya napayakap siya sa akin at naglalambing na naman.

"Opo gutom po kami ni Angelo." Sabi niya kaya napatawa ako.

"Tara baba tayo para makapag-miryenda tayo." Sabi ko sa kanila na agad naman na bumangon at hinila na ako palabas ng kwarto nila kaya napatawa ako.

Nagluto ako ng pancake at gumawa kanina si tiya ng homemade pizza at nagtimpla ako ng four season na juice na paborito ng dalawa.

Habang kumakain kami ay nagulat ako na pumasok si Gabriel dito sa kusina kaya napatigil ang dalawang bata sa pagkain at binati ang daddy nila.

"What is your food?" Tanong nito na lumapit at saka ako tinignan kaya napangiti ako saka ako kumuha ng plato at nilagay sa kabisera.

"Kain ka po sir." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya, pinagtimpla ko na rin siya ng kape.

Nang matapos ako ay nilapag ko ito sa harap niya nang mapatingin ako sa kambal ay napailing na lang ako.

Kanina madaldal ito pero nanahimik bigla nang dumating ang tatay nila.

Umupo ako sa tabi ni Angelo at saka ako kumuha ng isang slice ng pizza at nilagay sa plato ni Gabriel kaya napatitig siya sa akin.

"Kain na tayo." Masaya ko na turan kaya nagsimula na itong kumain saka ko tinignan ang dalawang bata.

"Ano nga pinaguusapan natin kanina?" Tanong ko sa dalawa na tinangal ang awkwardness sa paligid.

Nagsimula na kaming magkwentuhan tungkol sa advance lesson nila at habang kumakain, medyo nagingay na sa hapag at maya't maya ay napapatingin ako kay Gabriel na tahimik lang at may binabasa marahil sa cellphone niya.

"Ilan ang kapatid mo nanny?" Tanong Angelo kaya napangiti ako.

"Anim kaming magkakapatid, ako ang panganay, lalake ang sumunod sa akin si Samuel, si Siena, ang kambal si Simone at Sirone at ang bunso namin si Selia." Nakangiti ko na sagot kay Angelo kaya kita ko ang pagkamangha sa mukha nila.

"Wow! May kambal rin po pala ikaw na kapatid." Mangha na turan ni Anthony kaya napangiti ako at tumango.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at pinakita ko sa kanila ang picture ng mga kapatid ko at hindi matanggal ni Angelo ang tingin kay Selia ang bunso namin kaya napailing na lang ako.

"They are beautiful like you nanny." Mangha na turan ni Angelo kaya natawa ako at saka ako napatingin kay Gabriel na nakatingin na pala sa amin.

Si Selia ay eleven years old na at isang taon lang ang tanda dito sa kambal kaya napailing na lang ako, mukhang may crush pa yata itong isang anak ni Gabriel sa kapatid ko.

"Miss ko na nga sila, apat na buwan na rin mula ng makita ko sila pero lagi ko naman silang kausap sa video call." Sabi ko sa kanila kaya napangiti sila pareho.

"Gusto mo bang umuwi sa inyo?" Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot sa likod ko si Gabriel kaya napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Sa pasko at bagong taon balak ko magpaalam sayo." Napangiti ko na sagot kaya napangiti rin siya dahil alam niya na limang buwan pa bago ang araw na iyon.

"Kahit bukas pwede kang umuwi sa pamilya mo papayagan kita agad." Sabi niya kaya napailing na lang ako at napatalikod ako sa kanya ng marinig ko si Carla na papasok dito sa kusina.

"Huwag mong kalimutan ang kwarto ko linisin mo iyon mamaya Sonata." Sabi niya kaya napaharap ako sa kanya at agad na napatango saka na ito tumalikod.

Kinabahan ako pero ang galing ng naisip niya na palusot.

"Kahit kailan talaga walang pasintabi ang boss natin kung makapag-utos." Reklamo ni Carla kaya napatawa ako dahil sa utos ng amo namin.

"Huwag ka nang magtaka hindi ka na nasanay sa masungit natin na amo." Sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Tulungan na lang kita mamaya." Sabi niya kaya napatango ako at ngumiti na lang saka ako tinulungan sa mga nahugasan ko na plato.

Nang matapos kami ay magkatulong naman kami na magdilig ng halaman dahil hapon na at mainit kanina kaya kailangan ng tubig ng mga halaman.

Hindi naman mabigat ang trabaho namin dito sa mansyon dahil may kanya-kanya kaming toka sa trabaho at lahat ng kasama ko ay mabaabit lahat.

Nagtutulungan kami at walang lamangan sa trabaho, magaling kase mag-handle si tiya kaya bilib ako sa kanya.

"Carla samahan mo ako mamaya may mga bibilhin ako na kulang dito sa bahay." Sabi ng isa sa mga kasama namin kaya napatango lang ako sa kanya.

"Hindi naman mahirap mag-linis sa kwarto ni Sir Gabriel kaya sige na samahan mo na si ate." Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya at ngumiti.

Tinapos na muna namin ang trabaho namin at saka na siya nagbihis para samahan ang kasamahan namin at ako naman ay inayos ko na ang mga panlinis ko.

Pero ang sumpungin ko na amo ay tumawag mula sa telepono at hindi na raw muna ito magpapalinis ng kwarto kaya napasimangot ako at nainis lang dito.

Sabi niya ay sinabi niya lang iyon para hindi magtaka si Carla na magkausap kami kanina kaya napahinga na lang ako ng malalim at lalo lang akong napasimangot.