Chereads / The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 8 - Chapter eight

Chapter 8 - Chapter eight

Napahawak ako sa dibdib ni Gabriel at pilit ko siyang tinutulak at hindi ko binubuka ang mga labi ko.

Pero malakas siya at nakapinid ako sa pader at pilit pa rin akong lumalaban sa kanya.

Napaungol ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at maibuka ko ang bibig ko.

At wala na akong nagawa kundi ang tugunin na lang ang halik niya at napayakap na lang ako sa kanya.

"I miss you babe." Pareho kaming humihingal ng bitiwan niya ang labi ko at napadausdos na lang ako habang hawak ang dibdib ko na malakas ang kabog.

"Sabi mo mag-uusap lang tayo!" Inis ko na turan sa kanya sabay palo sa braso niya na ikinatawa niya kaya napailing na lang ako.

Akma akong tatayo pero inalalayan niya ako kaya napahinga ako ng malalim.

"Mag-usap lang tayo Gabriel pakiusap." Pakiusap ko sa kanya kaya napahinga siya ng malalim.

"Okay, now sit and we will talk." Sabi niya kaya napaupo na lang ako at napahinga ng maluwag.

"Gabriel sana wag mo naman pagmalupitan ng ganun ang mga bata." Lakas loob ko na turan sa kanya habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Is that what you want?" Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya at tumango.

"Then tatanggalin ko na ang parusa ko sa kanila." Sabi niya na ikinagulat ko at napahawak sa kamay niya kaya napatitig siya sa akin.

"Ganun lang? Hindi ka man lang magagalit sa akin?" Magkasunod ko na tanong sa kanya kaya napatitig siya sa akin at ngumiti kaya itong puso ko ay halos tumalon na sa dibdib ko sa lakas ng ng tibok.

"Basta para sayo gagawin ko, and i am thankful that you have concern to my child." Sabi niya na tila wala lang sa kanya ang sinasabi kaya napahinga ako ng maluwag.

"Mahal ko kase si Angelo at Anthony, nakikita ko sa kanila yong dalawa kong nakababatang kapatid." Sabi ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin at bigla na lamg akong kinabig at pinaupo niya ako sa kandungan niya kaya namula ako bigla.

"Did you miss them babe?" Tanong niya kaya tumango ako at napangiti.

"Araw-araw buong buhay ko kase ay ako na ang nag-aalaga sa mga yon at ngayon lang ako nahiwalay sa kanila." Sabi ko sa kanya kaya niyakap niya lang ako ng mahigpit.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang kamay niya na umaakyat ang haplos sa tagiliran ko kaya nakikiliti ako.

"Ano nga pala pag-uusapan pa natin?" Tanong ko bigla kaya napatitig siya sa akin na halos magkadikit na ang mga mukha namin, naaamoy ko tuloy ang napakabango niyang hininga.

"About us baby, i want you to be my girl." Bulong niya kaya napalaki ang mga mata ko at napalunok at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ako makapaniwala na basta lang niya itong sasabihin kaya ako ito na parang hinahabol dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi ka man lang ba manliligaw? Yan kase ang ginagawa ng isang lalake kapag gusto niya ang isang babae." Sabi ko sa kanya at umiral na naman ang pagiging madaldal ko.

"Then i will court you everyday, give you kiss and flowers and chocolate every munites." Bulong niya sabay halik sa pisngi ko kaya sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay napayakap na lang ako sa kanya.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil ito siguro ang alam ni Gabriel na bagay na pwede niyang gawin para sa isang babae.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at napatawa dahil sa itsura niya niya na tila nalugi.

"Gusto ko." Wala sa loob ko na turan pero napayuko ako at hindi alam ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil alam ko naman na napaka imposible talaga.

"Bakit parang ang lungkot ng sagot mo kung gusto mo naman?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tuwid niyang pagtagalog pero may accent.

"May magsasalita kase Gabriel. Baka sabihin ng iba na inakit lang kita baka isipin nila na masama akong babae alam mo naman kung ano ang katayuan natin sa buhay diba." Sagot ko sa kanya at kaya napahinga siya ng maluwag at niyakap ako ng mahigpit.

"Then we will keep this for awhile." Sabi niya kaya napatitig ako sa kanya at napangiti.

"Magtatago? Paano kapag nalaman ng iba? Baka makurot ako nito sa singit ni tiya ng wala sa oras." Bigla kong bulalas kaya napatawa siya ng malakas at napailing na lang.

"Then better not tell nor let them know or else we both mess." Sabi niya sabay tawa kaya napailing na lang ako at napahing ng malalim saka yumakap sa kanya.

"Can i kiss you now babe?" Mayamaya niyang tanong kaya nag-init bigla ang mukha ko at napatitig sa kanya.

"Kapag sinabi ko na hindi pwede?" Balik tanong ko sa kanya na ikinaungol niya kaya tumawa ako at ako na mismo ang humawak sa pisngi niya at hinalikan ko siya.

Agad niya naman tinugon ang halik ko kaya napaungol na lang ako at mas yumakap ng mahigpit sa kanya.

"I love you babe." Bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko kaya napatitig ako sa kanya at napangiti.

Saka ko kusang nilapit sa kanya ang mga labi ko na agad naman niyang sinubggaban kaya lalo lang akong napaungol pa.

Naramdaman ko na lang na kinarga niya ako at hiniga sa kama niya kaya napatingin ako sa kanya.

"We we're just kissing babe don't worry." Malambing niya na turan kaya napatango ako.

Dahil sa ginawa niya ay lalo lang akong humahanga sa kanya kaya buong puso kong sinasalubong ang mga halik niya.

Napahawak ako sa labi ko na namamaga dahil sa panggigigil ni Gabriel dito at saka ako napatingin sa kanya.

"Namamaga na labi ko." Nakasimangot ko na turan sa kanya kaya napatawa siya at napailing.

"Sabihin mo may kumagat sayo, kinagat ng malaking langgam na nagsisimula sa letter G." Sabi niya sabay tawa kaya napatawa na rin ako at dinamba ko na siya at napayakap sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na napakakulit pala ni Gabriel at nakita ko ito ngayon mismo, ibang-iba sa pinapakita niya sa ibang tao kaya napailing na lang ako.

Habang naghahain kami ni Carla ng hapunan ay panay ang titig niya sa akin kaya naiilang ako.

"Ikaw magtapat ka nga sa akin bilang kaibigan mo, anong nangyari diyan sa labi mo?" Bigla niyang turan kaya kinabahan ako at napahawak dito kaya napatingin ako sa kanya.

"May kumagat eh tapos kinamot ko kaya ito namamaga." Sagot ko sa kanya kaya napatango lang siya at napailing.

"Lagyan mo mamaya ng gamot para hindi lumala." Sabi niya kaya napatango ako at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

Mayamaya lang ay tinawag na namin ang mga bata at si Gabriel para sa hapunan dahil pinayagan na niya ang dalawa kaya mayasa ako.

Pababa pa lang ang dalawa ay agad ko na silang sinalubong kaya pareho silang napangiti.

"Pinayagan na kami ni daddy na bumaba." Sabi ni Angelo kaya napatango ako at ngumiti saka ko sila giniya papunta sa hapag-kainan.

Inasikaso ko ang kambal habang tahimik lang rin ang kanilang ama na palihim akong tinititigan.

"Kumain ka ba Nanny?" Tanong ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya kaya ngumiti ako at tumango.

Hindi ko sinasadya na mapatingin kay Gabriel na nakatitig pala sa akin kaya nginitian ko lang siya.

Matapos kong pakainin ang kambal ay pumunta na sila sa sala at hinayaan ko na sila doon, ako naman ay niligpit ko na ang mga pinagkainan nila at saka ko inayos ang mga natiran na pagkain.

"Kumain na kayo mamaya mo na yan asikasuhin." Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Gabriel sa gilid ko kaya napatango ako sa kanya.

"May meeting ako ngayon." Sabi niya habang umiinom ng tubig kaya napatango lang ako.

Tumalikod na ako dahik narinig ko si tiya at Carla na papasok dito sa kusina kaya inasikaso ko na ang paghugas ng mga plato.

"Manang iiwan ko na ang pang-grocery at pangsahod sa mga kasama mo, aalis kase ako papuntang Singapore." Narinig ko na sabi niya kay tiya kaya nagulat ako dahil aalis pala ito.

"Balak ko ipasyal ang mga anak ko at isama sila pati si Sonata." Lalo kong ikinagulat ang sinabi ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanila.

"Ibigay mo sa akin ang lahat ng dokumento na meron ka para maipagawa kita ng passport at visa." Sabi niya sa akin na tila nanghihingi lang siya ng resibo.

"Makakapunta ka ng Singapore ng wala sa oras." Natatawa na turan ni Carla kaya inirapan ko lang siya habang inaayos ko ang mga papeles ko.

"Naku pagnagsalita pa naman itong si Gabriel ay wala ka nang magagawa." Sabi ni tiya na napapailing na lang.

"Buwan po inaabot kapag kumuha ng passport tiya." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang ito at kinuha ang folder ko.

"Walang imposible sa amo natin kaya niya yan gawan ng paraan para mapadali ang proseso." Sabi ni manang kaya wala na akong nagawa pa at binigay na lang kay tiya ang papeles ko.

Nang sabihin marahil ni Gabriel sa mga anak niya na isasama sila nito sa Singapore na kasama ako ay tuwang-tuwa ang kambal.

Napahinga na lang ako ng maluwag at napailing pero meron parte sa puso ko na masaya ako dahil makakapunta ako sa ibang bansa.

At alam ko na walang imposible gaya ng sinabi ni tiya dahil si Gabriel ang may kagustuhan nito.