Isang malakas na pagsabog ang gumulantang kay Elysia, naramdaman na lamang niya ang marahas na paghampas niya sa pader at ang mabigat na pagbagsak niya sa lupa. Nabalot ng makapal na usok ang buong paligid ng dalaga at nang humupa ito, doon niya nakitang papalapit na sa kaniya si Vincent. Tila nababaliw itong nakatingin sa kaniya, naghahalo ang wangis ng isang dem*nyo sa wangis niyang bampira.
"Akin ang dugo mo, at hindi ako mapipigilan ng kapatid ko!" Sigaw ni VIncent at tila nauulol na aso itong sinunggaban si Elysia. Gamit ang buong lakas ng dalaga. umiwas siya at mabilis na inihampas ang kaluban ng kaniyang espada sa ulo nito. Bumagsak sa lupa si Vincent, ginamit ni Elysia ang pagkakataon para itarak ang talim ng soare sa lalaki ngunit mabilis itong nakaiwas at nakalayo sa kaniya.
"Hindi ako katulad ng naunang prinsesang pinaslang mo. Kung akala mong makukuha mo ang dugo ko, nagkakamali ka, dahil iisang tao lamang ang pag-aalayan ko nito, at hindi ikaw 'yon!" Hawak ang espada, mabilis siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Vincent, walang humpay niyang pinaulanan ng pag-atake ang lalaki na mabilis naman nitong naiiwasan. Gayunpaman, hindi ramdam ni Elysia ang pagod sa katagalan. TIla lalo pang gumagaan ang kaniyang katawan sa bawat pagwasiwas niya ng kaniyang espada. Nararamdaman niyang tila iisa na sila. Ngunit hindi sinasadyang nalingat siya sandali nang marinig niya ang sigawan nina Ruka at Esme, isang malakas na kalmot ang natamo niya, bagaman nakaiwas, tumama pa rin ito sa kaniyang balikat.
Sumigaw si Elysia dahil sa sakit at kamuntikan na niyang mabitawa ang kaniyang espada.
"Isa kang duwag Vincent, pakawalan mo ang mga bata." Sigaw ni ELysia. Humalakhak naman si Vincent at sumenyas habang prentent inaayos ang suot nito. Lumapit naman ang dalawang utusang bampira nito bitbit ang dalawang bata.
"Prinsesa, huwag niyo kaming intindihin, ayos lang na mamat*y kami, pero ikaw, hindi ka puwedeng mawala." Sigaw ni Ruka.
"Nakakaantig naman ng puso, Bitawan mo ang espada,m kung ayaw mong ihiwalay ko ang ulo nila sa kanilang katawan. Kaya mo bang sikmurain ang paggulong ng ulo ng mga batang ito sa lupa, Elysia? Alam kong hindi, kaya bitawan mo ang espada," utos ni Vincent, malapad ang pagkakangisi nito nang dinaklot ang kuwelyo ng damit ni ruka. NApaigik naman ang bata dahil sa sakit at pagkabigla.
"Huwag mong bibitawan ang espada Prinsesa, papat*ying ka niya kapag ginawa mo 'yan. Mas marami ang maghihirap kapag nawala ka, kung buhay namin ang magiging sakripisyo, ayos lang, makakasama na namin ang aming pamilya sa kabialng buhay, pero ikaw, marami pa ang umaasa na magiging reyna ka. Naghihintay pa sina MIguel na bigyan mo sila ng maraming kapatid. " Umiiyak na pagmamakaawa ni Esme.
Nangungunot ang noo ni Elysia at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha.
"Hindi, walang isasakripisyo. Akin ang mga buhay niyo at nais kong tumanda kayo kasama ako. Vincent, hangal ka kung inaakala mong matatalo mo ako dahil sa napakababaw mong taktika. Hangal ka, kaya si Valdimir ang napili ng inyong ama, hindi mo man maintindihan ang sigalot na namuo sa inyo, sa mga kilos at salita mo, halatang inggit ka sa kapatid mo. Oo, hindi siya puro, pero mahal siya ng nasasakupan niya at mahal siya ng mga tao sa paligid niya. Iyon ang wala ka, sinusunod ka lang ng mga tao mo dahil takot sila sa 'yo. Pero kapag nawala ang takot nila, ikaw ang una nilang papaslangin, tandaan mo iyan."
Matapos sabihin iyon ni Elysia, isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa kanila. Bago pa man nila mahinuha ang mga nangyayari, tumilapon ang dalawang bampira na may hawak sa dalawang bata. Mabilis na tumubo angmga pakpak ni Elysia upang saluhin ang dalawang bata bago pa man ang mga ito bumagsak sa lupa. Nasa ere sila at kitang-kita ni Elysia ang pagsalakay ng mga Yuri mula sa butas ng pader na nasira. Tarantang nagtatawag naman ng alagad si Vincent na dinaluhong naman ng atake ni Vladimir.
"Ely, ibalik mo sa loob ang mga bata, kaya na namin si Vincent." pasigaw na utos ni Vladimri. Napatango naman si Elysia, kampanti na siya dahil kasama na ni Vlad ang mga yuri at nakita rin niya na may dalawa pa itong kasamang dhampir.
Pumalahaw naman sa iyak si Esme nang mapagtanto niyang buhay pa sila ni Ruka. Maging si Ruka ay napahagulgol na rin. Nanginginig ang buong katawan ng dalawang bata habang nakayakap sa dalaga.
"Tahan na, ligtas na kayo. ANg tapang-tapang niyo kanina, pero bakit umiiyak kayo ngayong ligtas na kayo?" Natatawa, ngunit naluluhang tanong ni Elysia.
"Ikaw din naman Prinsesa, umiiyak." nakangusong sabad ni Ruka at natawa naman ang dalaga.
sa malaking bintana na ng bulwagan sila dumaan. Nang makita sila ni Loreen ay dali-dali nitong binuksan ang bintana at pumasok sila.
"Ayos ka lang Elysia? Napakarami mong sugat." nag-aalalang tanong ni Loreen nang daluhan siya nito.
"Ayos lang ako Auntie Loreen, kayo, ayos lang ba?" Tanong ni Elysia at inilibot ang mga matasa paligid. Naroroon ang lahat ng mga importanteng ato sa buhay ni Vladimir at sa Nordovia.
"Pasensiya na kung nararanasan niyo ang ganito. Kaunting tiis na lang, magiging maayos rin ang lahat. Gagawin namin ang lahat para maging mapayapa ulit ang Nordovia." Yumukod si Elysia sa mga ito.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, hindi niyo kontrolado ang isip ng kalaban. Nagpapasalamat kami dahil kahit nagkakagulo na, nakikita kong mas iniisip niyo pa rin ang kapakanan ng nakararami." wika ni Haring Leodas at lumapit sa dalaga. Walang ano-ano'y tinanggal nito ang bato sa kaniyang ulo at iniabot sa dalaga.
"Tanggapin mo ang batong ito, prinsesa Elysia, pag-ingatan mo ito, ipapahiram ko ang aking lakas sa 'yo. Sa ganitong paraan ay makakasama ako sa inyong laban. Matanda na ang katawan ko, at ayaw na ni Vladimir na makisali ako sa digmaan, bata pa si Zyrran at wala pa siyang karanasan, kaya ito lang ang magagawa ko." Wika ni Leodas at namamanghang napatingin si Elysia sa gintong bato na ngayon ay nasa kamay na niya.
"Hindi ko ito tatanggihan Haring Leodas, makakaasa kang ibabalik ko ang batong ito sa 'yo mamaya. Maraming salamat," tugon ni Elysia at muli na siyang lumipad palabas ng bintana. Saglit pa niyang kinawayan ang mga batang nakatanaw sa kaniya mula sa loob at mga taong pinahahalagahan ni Vladimir. Napahigpit pa ang hawak niya sa bato at maharas na bumuga ng hangin bago mabilis na lumipad pabalik sa labanan.
Mainit pa rin ang labanan nang marating ni Elysia ang lugar. Patuloy na nakikipagbuno naman si Vladimir at Vincent. Walang nais magpatalo kahit pa bakas na sa mga ito ang pinsala ng bawat isa.
Hindi malaman ni Elysia kung saan siya magsisimula, hanggang sa makitya niya ang isang dhampir na napapalibutan na ng tatlong bampira. Dehado na rin ito dahil sa malaking sugat nito sa dibdib. Bagaman nakakatayo pa, bakas na ang panghihina rito. Walang pagdadalawang-isip na dinaluhan ito ni Elysia, dinaluhong niya mula sa himpapawid ang unang bampira na mas malapit sa kaniya. Isang mabilis na hiwa ang kaniyang ginawa, mula sa itaas ng balikat nito palihis sa dibdib. Agad na bumagsak ang unang bampira at hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at sunod na sinaksak ang kasunod na bampira. Nang makakita naman ng pagkakataon ang dhampir, at sinunggaban na nito ang natitira pang bampira at nagtagumpay na itong pabagsakin ang kalaban.
"Maraming salamat, prinsesa," wika ng binata. Tinanguan lang niya ito at mabilis na tinungo naman ang kinaroroonan ng labanan ni Vladimir at Vincent.
Walang humpay ang sagupaan ng dalawa at halos patas lang din ang tunggalian ng mga ito. Nang makita niyang muling nadehado si Vladimir ay mabilis niyang dinaluhan ito at sinangga ang pag-atake ni Vincent. Ngunit mabilis na umiwas ito nang makitang nakaharang ang talim ng soare.
Napangisi si Elysia. "Duwag, nais mong maging hari ngunit takot ka sa isang espada?"
Naglikha ng malakas na hangin ang pagpagaspas ng malaking pakpak ni Elysia, nanlalaki naman ang mga mata ni Vincent nang makita ang kabuuan ng magkahalong kulay ng itim, puti at pula sa pakpak ng dalaga. Bakas na din sa mga mata ng dalaga ang pagpupursige nitong makitlan ng buhay si Vincent.
Sa kauna-unahang beses, nakaramdam si Vincent ng pagkabahala dahil sa makikita niyang mabangis na awra ni Elysia. Animo'y hindi na ito ang babaeng nakalaban niya kanina. Kakaiba rin ang nararamdaman niyang lakas nito kahit hindi pa man ito nakakalapit sa kaniya. At ang mas ikinakabahala niya ay ang nararamdaman niyang pagtibok ng espadang hawak nito.
"Dapat lang na matakot ka, dahil hindi na ako makakapayag na mat masaktan pa sa kahit sino sa nasasakupan ko. Kung kinakailangan kong tawagin ang mga kadugo ko para pasukuin ka, ay hindi ako magdadalawang-isip. Kailangan nang mawakasan ang kasamaan mo Vincent. Hindi ikaw ang maghahari, dahil hangga't nabubuhay ako, hindi ka magwawagi." Sigaw ni Elysia at walang humpay niyang inatake ng taga si Vincent. Hindi niya ito tinantanan hanggang sa tuluyan na siyang nakakatama sa bawat pagwasiwas niya ng espada rito. Magkahalong galit, gigil at paghahangad ng hustisya para sa mga nasawi dahil sa kalaban ang namayani sa puso ni Elysia.
Hindi niya namalayan na dahil sa laban nilang dalawa ni Vincent ay humupa ang kaguluhan sa paligid. Naestatwa maging ang mga kampon nito at mga alagad ni Vladimir. Walang kapares din ang reaksiyon ni Vladimir sa kaniyang mukha. Magkahalong gulat, pagkamangha at galak ang namutawi sa mukha ng binata. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at kulang na lamang ay ipagsigawan niyang, 'Iyan ang babaeng minamahal ko!'
Dahil sa sunod-sunod na pag-atake, tuluyan na ngang napangibabawan ni Elysia ang lakas ni Vincent. Ang maliliit na sugat na nagagawa niya ay dahan-dahang nagiging malubha sa bawat atake. Dahil doon, nanghina si Vincent at naging mabagal na rin ang pagkilos nito na naging sanhi naman ng pagkakaroon ni Elysia ng pagkakataong maitarak ang soare sa dibdib ni Vincent.
Hindi nagtagal, napaluhod si Vincent at tumarak rin sa likod nito ang espada ni Vladimir. Isang itim na usok ang lumabas sa katawan ni Vincent dahilan upang bumagsak rin sa lupa ang lahat ng mga alagad nito.
Nagulat pa si Elysia, dahil halos sabay-sabay na nagsibagsakan ang mga ito.
"A—anong nangyayari?" Tanong ni Elysia.
"Iyan ang kabayaran ng pakikipagkasundo ni Vincent sa dem*nyo. Dahil nabigo siyang paslangin tayo at madala ang kaluluwa natin sa impy*rno, lahat ng kaluluwa ng mga binigyan ng lakas ng dem*nyo ang kukunin ng sapilitan." Paliwanag ni Vladimir. Tumayo ang binata sa tabi ni Elysia at napayuko sa kapatid. Nakaluhod si Vincent habang tumatagas ang d*go sa mga natamo nitong sugat. Marahas namang binunot ng binata ang espada nito sa katawan ni Vincent at ganoon rin ang ginawa ni Elysia. Bumulwak ang d*go ni Vincent at napaubo.
"Hanggang sa huli, walang pagsisisi akong nakikita sa 'yo, Vincent. Sukdulan ang kasamaan mo na kahit ang sarili mong ama ay nakaya mong lasunin upang makuha lamang ang kapangyarihang nais mo. Kabayaran na ito sa lahat ng buhay na inutang mo. Ngayon, matatahimik na sila, kaya sana magpahinga ka na." Hinawakan ni Vladimir ang kamay ni Elysia, ngumiti ito at saka hinagkan sa noo ang dalaga.
"Ang akala ko talaga, darating sina Zuriel." Sambit ni Vladimir, saka mahinang natawa. Napangisi naman si Elysia at tinapik ang braso ng binata.
" Hindi na kailangan. Alam kong kaya natin ai Vincent nang magkasama. Salamat sa pagtitiwala at hinayaan mo akong samahan ka sa laban."
"Kung ako lang ang masusunod, hindi sana kita papayagan. Pero anong magagawa ko kung nakikita kong mas malakas ka pa sa inaakala ko. Salamat at ligtas ka, sa wakas, magiging payapa na tayo sa mga susunod pang siglo." Nakangiting sabi ni Vladimir saka niyakap ng mahigpit ang dalaga.