Chapter 76 - Chapter 76

Napasinghap si Elysia nang makabalik na sa kaniyang katawan ang kaniyang naglakbay na kamalayan. Tila kinapusan siya ng hangin at hingal na hingal nang mga sandaling iyon. Sapo-sapo ang dibdib, isang pamilyar na tinig ang kaniyang narinig.

"May nakatakdang oras para sa lahat, Elysia. At ang oras na itinakda sa 'yo ay nalalapit na."

Matapos iyon ay bigla namang tumahimik ang paligid. Nawala ang kahit anong pakiramdam na kanina ay nararamdaman niya. Sumalampak siya pabalik sa higaan at nangungunot ang noong napaisip.

Pangalawang beses na iyon, at sa pagkakataong ito ay buong gusali na mismo ang nakita niya. Pero ang tanong, may ganoong klaseng lugar ba sa mundo? Gusali na nakatayo sa mga ulap? Anong klaseng lugar iyon, mamamat*y ba siya kaya nakikita na niya ang langit?

Napakaraming tanong ang muling nadagdag sa kaniyang isipan na kahit anong gawin niya ay hindi niya mahanapan ng kasagutan. Sobrang naguguluhan na siya at sumasakit na rin ang ulo ni Elysia.

Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang imahinasyon. Dahil sa dami ng bumabagabag sa kaniya, hindi niya namalayang nakatulog na siya. Marahil dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi, mahimbing at walang panaginip ang naging tulog niya.

Naramdaman na lamang niya ang tila may humahaplos sa kaniyang buhok. Sinubukan niyang imulat ang kaniyang mga mata ngunit nakapagtatakang napakabigat niyon at hindi niya magawa. May presensiya siyang nararamdaman sa kaniyang tabi at hindi niya mawari kung kanino galing iyon. Hindi iyon kay Vlad, dahil sa tagal na magkatabi na sila sa higaan ay kilala na niya ang presensiya nito, imposible namang makapasok roon si Kael o ang iba pa dahil may kawal na nagbabantay sa labas ng silid niya.

Isang tao lamang ang agad na pumasok sa isip niya at 'yon si Zuriel, pero bakit hindi ito nagpapakita sa kanya? Bakit maraming beses na itong nagparamdamn subalit hindi pa rin nagpapakita?

Pinilit niyang iminulat ang kaniyang mga mata, ngunit tinatalo lang siya ng matinding antok na nararamdaman niya. Kalaunan ay hindi na niya napaglabanan pa at muli na siyang nahulog sa malalim na karimlan.

Lagpas tanghali na nang magising si Elysia, kahit paano ay naging magaan na ang pakiramdam niya dahil napahaba ang kaniyang tulog. Matapos maglinis ng katawan at magbihis ay lumabas na siya sa silid niya.

Habang nasa pasilyo, nakasalubong naman niya si Kael na noo'y patungo rin pala sa silid niya upang sunduin siya. Saglit na dumaan si Elysia patungo sa bulwagan upang magpaalam lang kay Vladimir, matapos ay agad na rin silang lumisan.

Sa daan na pinaliwanag ni Kael ang dahilan kung bakit niya hinahanap ang dalaga. Ayon pa rito, umaga nang dumating sa palasyo si Yraz upang ibalita ang tagumpay na pagsasanay ng mga batang manunugis at kailangan naroroon ang prinsesa upang kilatisin ang mga ito. 

"Ang sabi ni Tandang Gwirem, maaari ka nang pumili ng grupo na dadalhin mo sa palasyo, handa na sila para sa kanilang unang magiging misyon." saad pa ni kael habang tumatakbo ang kanilang mga kabayo. Pagdating nila sa bayan ng mga manunugis sa gitna ng gubat, naabutan nilang nagtitipon-tipon pa ang mga ito sa bungad upang salubungin sila. Pagkababa ni Elysia sa kaniyang kabayo, agad na siyang lumapit sa matandang Yuri at nagbigay galang rito, maging kay Olivia ay nagbigay galang rin siya.

"Ngayong narito ka na Elysia, malaya kang makakapili sa mga nakapasa sa pagsasanay, sinisiguro ko sa'yo na handa na sila upang magbantay at maging mata at tainga mo sa paligid ng palasyo." saad ni Tandang Gwirem. Inilibot naman ni Elysia ang mata sa paligid. Napangiti pa siya nang makita ang determinasyon ng mga kabataang iyon na halos ang iba ay kasing edad lang ya habang ang iba naman ay mas bata o mas matanda sa kaniya.

Sa huli, dalawang babae at tatlong lalaki ang kaniyang pinili. Ang dalawang babae ang magiging pangunahing bantay niya sa loob ng palasyo, habang ang tatlong binata naman ang sasama kay Kael bilang bantay sa labas. 

"Sa mga hindi napili, ipagpatuloy niyo pa ang pagsasanay niyo, dahil may mas mabigat kayong misyon na kahaharapin. Lahat kayo na natira rito ang magsisilbing hukbo natin sa darating na koronasyon. Lahat ng utos ay magmumula kay Tandang Gwirem at susundin niyo ito ng walang pagdududa." awtoritadong wika ni Elysia.

Sumang-ayon naman ang lahat, saglit na nagkaroon ng paalaman sa pagitan ng matitira at sasama sa grupo ni Elysia bago sila tuluyang nakaalis sa bayan ng mga manunugis.

Dapit-hapon nang makabalik na sila sa palasyo, tulad ng nauna nilang plano, ang tatlong binata ay sumama kay Kael at ang dalawang dalaga naman ay sumama kay Elysia sa palasyo.

Inilaan ni Elysia ang isang silid para sa dalawa niyang personal na tagapag-alaga. Iyon ang naging pakilala ni Elysia kay Vladimir na sinang-ayunan naman ng binata. 

"O, Vera, Diana, dito na ang magiging silid niyo simula ngayon, nasa dulo lang ang silid namin ni Vladimir. Alam niyo na ang gagawin niyo," saad ni Elysia at tumango naman ang dalawa. 

Wala namang nagung problema sa pagdadala niya sa dalawang dalaga sa palasyo. Hindi naman gaanong nagtanong pa si Vladimir at sinabihan na lamang si Alastair na hanapin ang mga pangalan nito sa talaan.

Tatlong araw pa ang lumipas at tuluyan na ngang nasanay ang dalawa sa kanilang gawain. Lagi lamang silang nakasunod kay Elysia saan man ito nagpupunta at sa gabi naman, isa sa kanila ang palihim na umaalis upang ipagbigay alam sa tatlong binata ang mga iniuutos ni Elysia.

"Mahal na hari, mukhang nagsimula na rin gumawa ng hukbo ang prinsesa, hahayaan lang ba natin siya?" Tanong ni Alastair habang nasa bulwagan ito kasama ang binata.

"Hayaan mo lang siya. Para sa kabutihan ng Nordovia ang ginagawa niya. At sang-ayon ako sa pagkakaroon niya ng sariling hukbo. Malaking tulong iyon sa atin," saad naman ng Hari habang malapad ang pagkakangiti.

Malaki ang tiwala ni Vladimir na hindi siya tatraydorin ni Elysia, dahil wala ni katiting na negatibong presensiya ang dalaga. Nais rin naman niyang magkaroon ng matatag na sandigan ang dalaga bukod sa kaniya at sa maibibigay niyang proteksiyon. Isang paraan na ang pagkakaroon niya ng malakas na hukbo. Hindi naman siya binigo ng dalaga, dahil ngayon, siya na ang itinuturing na pinuno ng mga manunugis.

Lahat ng ito ay naaayon sa kagustuhan niya. Hindi na siya masyadong mag-aalala at maitutuon niya ang buong atensiyon sa pagtalo sa kaniyang kapatid.

"Paano naman ang mag Yuri, Mahal n Hari? Hindi sila nakatala sa talaan natin at hindi natin malalaman kung sino ang tunay sa kanila." Paalala at tanong ni Alastair. Bilang kanang-kamay ng hari, napakarami niyang alalahanin at isa na roon ang kaayusan ng kaharian at kaligtasan ng hari at reyna.

"Ang mga Yuri ay kilala sa pagiging tapat nila sa kanilang pinagsisilbihan at ngayon, si Elysia ang taong iyon. Nasa kaniya ang lahat ng rason para sumunod at ibigay ng mga Yuri ang buo nilang katapatan." Sagot ni Vladimir at nanlaki naman ang mata ni Alastair.

"Ibig sabihin, nasa prinsesa na ang Solryndor?"

"Tama ka, kaya si Elysia na ang kinikilala nilang pinuno ngayon at maaasahan natin ang katapatan nila sa kaniya. At isa pa, ang epekto ng Solryndor sa mga Yuri ay katulad lang din ng epekto ng talaan sa mga tao at nilalang na nakatala rito." Paliwanag naman ni Vladimir. Natahimik naman si Alastair at napatango.

Samantala, naging abala naman si Elysia sa pagsasanay at nasa tabi lamg niya sina Diana at Vera. Kasalukuyan silang nasa gilid ng lawa at nilalaro ni Elysia nag maliit na apoy sa kaniyang daliri. Nagliliyab iyon sa ibabaw ng kaniyang hintuturo habang dahan-dahang pinapagapab ito patungo sa maliit na pisi na nasa harapan niya.

Kailangan niyang pagapangin ang apoy roon nang hindi tinutupok ang pisi. Hirap na hirap naman si Elysia sa pagkontrol ng apoy niya, bagaman kaya na niyang lumikha ng maliit na porsyento ng apoy sa kaniyang mga daliri, nananatiling hirap siya sa pagkontrol sa init nito.

"Mali na naman!" Marahaa na bumuntong-hininga si Elysia dahil sa hindi mabilang na pagkakataon, muling nasunog ang pisi, paglapat pa lamang ng apoy niya rito. Napakaimposible nga naman ng pagsasanay niya, gawa sa materyales na mabilis masunog o kapitan ng apoy ang pisi g iyon kaya naman imposibleng hindi ito masunog.

"Napakahirap naman nito, sigurado ba si Tandang Gwirem na maaari itong pinapagawa niya?" Reklamo ni Elysia at napahagikgik naman ang dalaga.

Nnag malaman kasi ni Tandang Gwirem ang balak niya na aralin ang pagkontrol sa elemento ng apoy, minabuti nitong tulungan siya sa pagsasanay. Apoy ang pinakamahirap kontrolin sa lahat ng elemento ng kalikasan dahil na rin sa mapusok nitong katangian, ngunti kapag napagtagumpayan, isa rin ito sa pinakamalakas na elemento.

"Prinsesa, ang sabi ni Tandang Gwirem, babantayan namin ang pagsasanay mo at isa sa amin ang mag-uulat sa kaniya kapag napagtagumpayan mo na ito." Wika ni Diana.

"Oo nga naman, prinsesa. At isa pa, malalagot kami kay Tandang Gwirem kapag nabigo kami sa misyon namin." Dagdag pa ni Vera.

Napairap naman si Elysia at napabuntong-hininga bago muling sinimulang ang ginagawa. Matinding konsentrasyon ang itinuon niya ngunit sumapit na lamang ang gabi ay hindi pa rin siya nagtatagumpay.

Related Books

Popular novel hashtag