Chapter 50 - Chapter 50

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nasa kusina na si Elysia para ipaghanda ng almusal ang kaniyang binuong pamilya. 

"Ang galing talaga ng prinsesa natin, hindi lamang sa pakikipaglaban, hindi rin siya nangingiming gumawa ng mga gawaing tayong mga tagasilbi lamang ang gumagawa." wika ng isang tagasilbi habang nakamasid lamang sila kay Elysia na abala sa pagluluto.

"Oo nga, napakasuwerte talaga natin at sila ang ating magiging reyna. Nasasabik na tuloy ako sa koronasyon. Sana pagkatapos ng kasal, biyayaan sila agad ni Haring Vlad ng malusog na prinsesa o prinsipe." wika naman ng isa.

"Oo tama! Sana nga magdilang anghel ka. Nakakasabik talaga. Sana nga magkaroon tayo ng mga batang aalagaan." Sabik na wika naman ng isang tagasilbi habang tila kinikilig pa.

"Naku, kayo talaga kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi niyo riyan. Huwag niyo naman masyadong lakihan ang ekspektasyon nito. Mamaya niya mahirapan si Prinsesa Elysia." 

"Ay oo nga pala. Hayaan na lang natin sila. Siguradong hindi naman tayo bibiguin ng Hari. Matagal na panahon na rin at kahit minsan hindi pa ako nakakarinig ng tawa ng isang sanggol sa apat na sulok ng palasyong ito."

Dahil sa pag-uusap na iyon ay nakuha nito ang atensyon ni Elysia. Kinalabit niya si Loreen na noo'y nasa tabi niya at tinanong ito.

"Dahil hindi natuloy ang koronasyon noon ni Prinsesa Theresa, hindi rin natuloy ang binubuo nilang pamilya. Hindi nagkaroon ng sanggol sa palasyo. Kaya sabik ang mga iyan na makita ang magiging supling niyo." nakangiting sagot ni Loreen sa mahinang boses. Pinamulahan naman si Elysia sa isiping magkakaroon nga siya ng anak kay Vladimir.

"Matagal pa naman siguro iyon. Siya nga pala sa tingin mo magugustuhan ng mga bata itong niluto ko?' Tanong ni Elysia na halatang iniiba ang usapan upang hindi na masyadong mapahiya. Mahinang humalakhak naman si Loreen at naitakip ni Elysia ang mga kamay sa kaniyang mukha.

Matapos maihanda ng almusal ay inutusan niya na ang isang tagasilbi na gisingin ang mga bata upang makapaglamusal na. Ilang minuto ang lumipas ay nagulat pa si Elysia nang makitang akay-akay ni Vladimir ang mga bata papasok sa hapagkainan nila.

"Buti naman ay gising ka na rin, upo ka na para sabay-sabay na tayong magalmusal. Naihanda ko na rin ang inumin mo, ako ang naghanda niyan para sa'yo, tinuruan ako ni Loreen." Wika naman ni Elysia at napangiti si Vladimir.

" HIndi ka ba nandiri?" Tanong ni Vladimir nang makaupo na ito sa upuan niya.

"Sa una, oo. Pero kinaya ko naman, maayos kong nagawa." nakangiti niyang tugon at bahagya namang natawa si Vladimir. Kinabig nito ang balikat ng dalaga at dinampian ng halik sa noo si Elysia.

"Mukhang gaganahan pa yata akong uminom ng dugo ngayon ikaw ang naghanda nito. Salamat mahal ko." wika pa ng binata at napangiti naman si Elysia. Parang may kumiliti sa puso niya at mabilis na siyang umupo sa tabi nito.

Hindi niya akalain na magagawa niyang magkatay ng buhay na hayop kanina para lang maihanda ang pagkain ni Vladimir. Naalala kasi niya na ginawa iyon ni Mariella kaya naman naisip niyang bakit hindi niya gawin iyon? Alam naman niyang ikatutuwa iyon ni Vladimir at nais niyang pagsilbihan ito kahit sa ganoong paraan man lang.

Matapos kumain ay muli nang nakipaglaro ang mga bata sa mga sirena sa lawa. Panatag naman ang loob ni Elysia dahil nandoon si Vivian na siyang nagiging kalaro ng mga ito. Habang siya naman ay nanatili sa bulwagan upang tulungan si Vladimir sa pag-aayos ng mga ulat na pinapasa ng mga mensahero doon.

Paunti-unting inaalam ni Elysia ang pasikot-sikot sa pamamalakad sa palasyo at sa kaharian upang maayos niyang matulungan si Vladimir kahit sa maliliit lang na bagay.

Sa kaniyang pag-aayos ng mga ulat na nabasa na ni Vladimir ay hindi niya namamalayang napapahikab na pala siya dahil sa antok at pagkabagot. Bahagya pa niyang tinatapunan ng tingin ang binata at ni hindi niya ito nakitang maghikab man lang.

"Hindi ka ba nababagot sa ginagawa mo, Vlad?" Tanong ni Elysia nang mapansin niyang napapangiti pa nga ang binata habang itinatatak ang selyo sa mga ulat na natatapos niyang basahin.

"Hindi naman, bakit?" Nakangiting tanong naman ng binata sa dalaga.

" Wala naman, ang tiyaga mo talaga sa gawaing ito. Siguro nga dahil matagal mo na itong ginagawa kaya sanay ka na. Hindi ka inaantok o nababagot. Nakangiti ka pa nga eh." Puna ni Elysia at natawa naman si Vladimir. Ibinaba nito ang binabasang ulat at tumingin sa kaniya ng masinsinan.

"Hindi ako nababagot dahil nandiyan ka. Natutuwa ako kaya ako nakangiti. Kung ganitong lagi kitang katabi ay sigurado mas magiging produktibo ako bilang hari." Wika ni Vladimir sa pinababa nitong boses. Pabulong lang iyon at ramdam niya ang mainit nitong hininga sa ilalim ng kaniyang tainga.

Halos manindig pa ang balahibo niya dahil sa mainit na sensayong gumapang sa kaniyang tainga. Wala sa sarili niyang naihampas ang kamay sa braso ng binata at hindi maipagkakaila ang namumula niyang pisngi.

"Ano ka ba Vlad, nakakahiya sa mga kawal mo, dito mo pa talaga ako nilalandi ng ganyan." Saway ni Elysia at napamaang naman ng binata.

Bakas ang kainosentehan sa mukha nito at tila ba siya lang ang nag-iisip ng hindi maganda nang mga oras na iyon.

"Wala namang nakatingin, mahal ko. Tingnan mo sila at sabihin mo kung may nakikita sila." Utos ni Vladimir.b

Kahit nahihiya, buong lakas ng loob niyang nilingon ang mga kawal at nakita nga niyang nakatalikod na ang mga ito. Nakaharap ang mga ito sa haligi ng bulwagan na kanilang binabantayan.

"Pinatalikod mo ba sila ngayon lang?" Nagdududang tanong ni Elysia at nasapo ni Vladimir ang noo habang humahalakhak ng tawa.

"Kanina pa sila nakatalikod nang magsimula tayo." Sagot naman ni Vladimir. Sa halip na mapanatag ay lalo lang nabahala si Elysia. Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa binata dahil sa halip na amuhin siya nito ay tila nanunukso pa talaga ito.

Muling lumipad ang kaniyang kamao sa binata na agaran din naman nitong naikulong sa mga kamay nito. Marahan pa nitong hinimas-himas iyon bago kintalan ng halik ang ibabaw ng kaniyang kamao.

"Bakit ka nananakit? Hindi naman ako kalaban. Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ni Vladimir na tila pinalungkot pa ang boses. Natigilan naman si Elysia. Ilang segundo rin bago siya mahimasmasan at humagalpak ng tawa.

"Hindi pala bagay sayo ang ganyang ekspresyon Vlad." Natatawa pa niyang wika. Tinapik niya ang balikat ni Vladimir at mabilis na lumayo rito.

"Ang mabuti pa iwanan na muna kita, paeang lalo kang walang nagagawa dahil sa pangungulit ko. Ipaghahanda lang kita ng makakain mo. Gusto mo ba ulit ng dugo? O may gusto kang kainin, ipagluluto kita ng inihaw na karne at patatas. " Saad ni Elysia at tumango naman si Vladimir.

Iniwan niya ng matamis na ngiti si Vladimir bago tuluyang nilisan ang bulwagan.

Abala siya sa loob ng kusina nang pumasok naman doon si Mariella kasama ang utusan nitong isa ring bampira. Bahagya niya itong nilingon at hindi na niya ito kinibo. Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawang pagiihaw habang nilalaga naman niya ang mga patatas sa isang kaserola.

"Mukhang nakita mo na kung saan ka nababagay. Mas bagay ka rito, bakit hindi ka na lang dumito habang buhay?" Tanong ni Mariella at napabuntong-hininga si Elysia. Kahit anong paglayo ang gawin niya sa gulo ay ito pa rin ang kusang lumalapit sa kaniya.

"Bakit kaya bigla na lamang nangamoy rito? Kanina, wala naman akong naaamoy. Lira, may naaamoy ka ba?" Maang na tanong niya habang inililibot ang sarili sa paligid ng kusina na tila may inaamoy-amoy sa hangin. Nang mapahinto siya sa kinatatayuan ni Mariella at ng alalay nito ay bigla naman niyang naitakip sa ilong ang kamay.

"Kaya naman pala nangangamoy, may napadpad na nilalang na hindi marunong maglinis ng bunganga rito. Umaalingasaw ang lansa ng dugo e, ano ba yan." Reklamo ni Elysia at humagikgik naman si Lira. Na kanina'y tahimik lang na nakadungaw sa maliit na basket na nasa mesa.

Agad na namula sa galit ang mukha ni Mariella at kitang-kita niya ang pagguhit ng inis sa mga mata nito.

"Pinapalabas mo bang mabaho ang hininga ko? Tampalasan kang tao ka." Sigaw ni Mariella sabay sampal kay Elysia.

Bago pa man lumapat ang kamay nito sa pisngi ni Elysia ay mabilis naman itong nasalo ng dalaga. Naniningkit ang mga mata niya bago marahas na iwinaksi ang kamay nitong sasampal sana sa kaniya.

"Bakit hindi ba? Inaano ba kita? Nananahimik ako rito, pilit na lumalayo sa gulo. Ikaw itong lapit ng lapit, wala ka ba talagang magawa? Bakit hindi mo kaya bilangin ang damo sa hardin para naman may pagkaabalahan ka. Hindi iyong ako lagi ang ginugulo mo." Inis na wika ni Elysia ay binalikan ang kaniyang niluluto.

Dahil sa kaniyang pagtalikod ay hindi niya nakita ang palihim na pag-atake ng babae sa kaniya. Mabuti na lamang at naroon si Lira. Mabilis itong lumipad at hinarang ang kamay ni Mariella. Gulat at sindak naman ang rumehistro sa mukha ni Mariella ng makita si Lira. Impit namang napasigaw ang alalay nito nang marahas na napaatras si Mariella dahil sa ginawang pagwasiwas ni Lira sa maliliit nitong kamay.

"Traydor ka kung umatake. Iyan ba ang pinagmanalaki ng mga tulad mo? Mahihinang uri lamang ang gumagawa ng ganyan kababang estratehiya. Bampira ka pa naman, tsk..." Patuyang wika ni Lira.

Related Books

Popular novel hashtag