#ROSAS
Pabalik-balik sa paglalakad ang isang binatang nagngangalang Art. Kung wawariin animo'y isang uod na Hindi mapirmi sa isang tabi. Mababakasan din ng lungkot ang sobrang amo nitong mukha na tipong Hindi makabasag pinggan sa kagwapuhan Bagkus nakakaawang pagmasdan.
Ilang Sandaling paninitig bago niya naisipang kumatok na sa pinto ng bahay kung saan siya naroon, kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ng babaeng lubos niyang pinapahalagaan sa buhay.
"Charmee, nagmamakaawa ako mag-usap naman tayo." Aniyang mababakasan ng lungkot ang tono ng pananalita. Ngunit kahit anong paki-usap niya'y wala ni isa ang sumagot sa kaniya.
Paulit-ulit na kinalampang niya ang pinto subalit nanatiling sarado ang puso ng mga taong nasa loob. Nanlulumong napatingin siya sa kaniyang hawak na mga bulaklak. Purong Rosas na Kulay pula at Lila, mga rosas na paboritong paborito ni Charmee na siyang kaniyang kasintahan. Pero Malabo na yata para sa kaniya, gayoong tila ayaw siya nitong makita pa.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang bintana sa kwarto ng dalaga. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang makapal nitong kurtina na tumatabon sa kabuoan ng Bintana upang tiyak na Hindi makita ang nasa loob. Maluha-luhang nagbuntong hininga si Art at inilapag na lamang ang pumpon ng rosas sa tapat ng pintuan at bagsak ang mga balikat na naglakad siya papalayo habang ang mga butil ng kaniyang mga luha ay nagsabayan sa pagtulo mula sa mga mata nyang puno ng nag-uumapaw na sakit at kalungkutan.
***********
---Itutuloy....
Hola Readers, hope you all like it. Feel free to hit that heart button below, it would mean so much to me. Muli, patuloy niyo pang subaybayan 'Ang Liham'💐🤍