#ANG LIHAM
Bumaba ang tingin ni Art sa kanina pang hawak na liham ng kaharap. Nanginginig man ay inabot niya pa rin iyon. Umupo siya sa isa sa mga silya at doon binuklat ang liham bago ito basahin.
Wala sa sariling napangiti si Art ng makita ang mismong sulat kamay ng dalaga.
"Iniibig Kong Artzel, kung mababasa mo man itong liham ko malamang ay wala na ako. Sa aking paglisan sanay Huwag mong maramdaman na ika'y aking tuluyang iniwanan. Wala man ako sa piling mo ang imahe mo naman ay nakatatak na sa puso ko. At kahit wala na ako, Asahan mong sa bawat paggising mo sa araw-araw ay may Anghel ka na tulad ko na gumagabay sa'yo at laging nasa tabi-tabi, nakaantabay kasama mo. Continue to live, My beloved Artzel. Mahal na Mahal kita."
Matapos basahin ang laman ng liham ay muling napahagulgol ng iyak si Art ngunit may kakaibang kislap ang mahihinuha sa mamasa-masa niyang mga mata.
Tumayo siya at muling lumapit sa kabaong ng dalaga. At Sa ikalawang pagkakataon ay hinagkan niyang muli ang kabaong ng kasintahan sabay sabing....
"Kung ganoon Aasahan ko, Anghel ko." May ngiti sa labing bulong ni Art at malamyos na hinaplos ang salamin ng kabaong ni Charmee.
__
Mabilis na nagdaan ang mga Araw at buwan matapos mailibing ang labi ni Charmee, Nagpursigudong humabol sa mga aralin at mga talakayin si Art. At dahil sa pagsusumikap na ipinamalas, Sa katapusan lang nang Abril siya'y nakapagtapos na ng kolehiyo.
Naging isang Suma Cum Laude sa pangkat nila at sa paglipas lang ng isa't kalahating taon siya'y naging isang kilala ng mahusay na pintor dahil sa sumikat niyang Obra Maestra na Isang Anghel na mismong bersyon ng namayapang kasintahan na si Charmee.
*******
Hola Readers, Don't forget to hit that heart button below and feel free to comment down what you think and feel💞 💐