Chereads / Ang Liham (Completed) / Chapter 6 - AL: WAKAS

Chapter 6 - AL: WAKAS

#BAGONG YUGTO

Sa paglipas ng panahon ay ang siya ring pagbabago sa takbo ng buhay Ni Art.

Ang bagong kabanata ng buhay niya na Hindi kapiling Si Charmee.

__

Mula sa astigong yayamaning sasakyan lumabas ang Isang Binata na may dala-dalang pumpon ng mga Rosas na kulay pula at Lila.

Marahan na naglakad ito sa Kulay berdeng damuhan ng Memorial park na kaniyang pinuntahan. Ang paligid ay napakatahimik, mababakasan ng sobrang payapang atmospera na siyang gustong gusto niya. Wala sa sariling napangiti siya ng matanawan ang Kulay puting nitso.

"Ilang taon na rin." Aniya ng makalapit. Walang pag-aalinlangang naupo siya sa damuhan. Inialay niya ang hawak na mga rosas sa Nitsong nasa tabi niya at pagkatapos ay sinindihan ang kandilang binili niya pa sa America.

"Na-miss kita." Sambit niya at hinaplos ang lapida. "Mga Ilang taon na din ang lumipas at napakaraming nabago sa buhay ko, Charmee." Tumingala siya sa kalangitan.

"At nababahala akong baka kapag nandito ka sa harap ko tanungin mo Kong sino ako?" Nangingiting sambit niya na ang tingin ay nasa lapida na. "Your's Truly, Artzel Jacob Guevara The one who stole your Heart (Wink). " pakilala niya sa sarili na Hindi nawawala ang sobrang lawak niyang ngiti.

"Sa bagong kabanata ng buhay ko isa na akong pintor tulad ng Pinangarap ko kasama ka, charmee. Alam mo bang inspirasyon kita palagi sa lahat ng mga gawa ko. Ikaw palagi ang laman ng isipan ko." Tinig na titig na litanya ni Art sa puntod ni Charmee. "Pero salamat sa lahat-lahat. Sa mga masasayang mga araw na pinasasaya mo ako, sa mga magagandang alaalang pinagsamahan natin noon at sa walang patid na pagmamahal mo sa akin. Lahat ng iyon ay ipinararating ko sa langit. Labis labis ang pasasalamat ko sa panginoon na nakilala kita at nakasama kahit pa sa maikling panahon na ikaw at ako ay magkapiling pa. Hinding Hindi kita malilimutan, Charmee." Mga katagang itinatak niya bago halikan ang nitso ng dalaga.

May ngiti sa mga labi ng tumayo si Art.

Bago tuluyang umalis ay mga Ilang minuto pa muna niyang tinitigan ang puting nitso ni Charmee sabay sambit ng mga salitang. "Paalam, hanggang sa muli." Aniya at naglakad na pabalik sa Kulay itim niyang kotse.

Habang binabaybay ang daan papauwi ay Hindi niya inasahan ang biglang pagtawid ng isang babae. Dagli ang naging pagkabig niya sa preno ng kanyang kotse dahil sa sobrang tindi ng

Gulat at kabang bumalot sa kanya.

Kinakabahang bumaba Kaagad si art sa Bugatti niya at saka mabilis na dinaluhan ang babaeng ngayon ay nakasalampak na sa semento.

"Miss, Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong niya ng Sandaling malapitan ito. Habol habol nito ang hininga ng Sandaling balingan siya.

Nang magkatitigan ay bigla siya nitong sinuntok na siyang Hindi niya inasahan. "Papatayin mo ba ako!" Galit na singhal Kaagad nito.

"Pasensya na miss, bigla ka kasing sumulpot----" mabilis siya nitong pinutol.

"Sumulpot?! ano ako multo. Ang sabihin mo sobrang bilis ng patakbo mo kaya Di mo napansin na Red lights na.!" Banat nito na siyang ikinarindi niya.

"Wala akong sinabing Multo, miss. Ikaw itong mismong naghambing diyan sa sarili mo. At kaya nga ako humihingi ng dispensa dahil Hindi ko nga napansin. Kung Hindi ka ba naman kasi pasulpot sulpot sa kung saan Hindi mangyayari 'to sa'yo." Aniyang naiinis na din.

"Ako pa ang sisisihin mo!--"

"Ang kitid naman ng utak mo miss! Sobrang daling intindihin ang hirap mong unawain. Sinasayang mo lang ang oras ko..." Art trailed off saka tumayo at kinuha ang wallet sa bulsa.

"....oh heto pera, gawin mo kung anong gusto mo!...wala ka namang sugat kaya Sige mauna na ako." Pabalang na sambit niya at bumalik sa loob ng kotse niya.

"Hoy hindi ko kailangan nang pera mo!! At akala mo ba Tapos na tayo!! Nagkakamali ka! Magkikita pa tayo! At sa oras na iyon humanda ka sa akin!! " huling mga kataga na narinig niya mula sa mabungangerang babae na muntik na niyang mabangga.

Napailing iling na lang si art at ditetsong binaybay ang daan pauwi sa bahay nila.

Mabilis na Nagdaan ang mga araw at sa Hindi inaasahang oras at pagkakataon nagkatotoo ang huling mga kataga na iniwan sa kanya ng babaeng muntik na niyang masagasahan.

"Art, meet Angell Nanya Fajardo the only daughter of your ninong Samuel, Your Fiancé." Katagang paulit ulit na nage-echo sa tenga ni Art matapos marinig ang linyang iyon sa ina.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at Hindi makapaniwalang napatitig sa dalagang ngayon ay nakangisi na sa kanya.

"No way!" Singhal niya. Kahit pa sabihing Maganda, Balingkinitan, Maputi at halos kalevel lang niya ang dalaga ay Hindi niya ito tatanggapin. Paulit ulit suyang tatanggi kung kinakailangan.

"Damn it."

"Artzel! Don't be harsh on her. Be a gentlemen naman." Anang ina na Di niya sinunod.

"Like what I expect, Tita. Your Handsome Son is Afraid of me." Tumaas ang kilay ni art.

"Dream on." Inirapan niya ang dalaga.

At masama ang tinging tinitigan ito. Pero tanging ang halakhak nito ang nanaig na siyang mas lalong nagpairita sa kanya.

"You really are my ideal type, Can I call you Jacob! Hahhahaha. I really really love all the things about you."

"Crap the shit! " Mura niya ng sa isang kisap mata ay nasa harap na niya ito. Hindi na siya nakaatras pa ng bigla siya nitong Halikan sa labi.

Natutulalang Napatitig siya sa mukha nito matapos ang Ilang segundong tinagal ng halik nito sa kanya. Sobrang lawak ng ngiti ng dalaga ng tumitig sa kaniya. Nakuha rin nitong kindatan siya na siyang ikinataas ng kilay niya.

*Wink*

Its just the wink and her genuine smile but.... it made his heart beat become faster in an instant.

"What the hell."

____*********______

----WAKAS------

Hola Readers, Hope you all like it as much as I do. Muli, Nagpapasalamat ako sa Inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal. Maraming~maraming salamat💌