#AMA NI CHARMEE
MULA sa labas ay makikita mo na ang mga ilaw na nagmumula sa mga kandila at bombilya.
Nagmala-waterfalls naman sa pagbuhos ang mga luha ni Art. Pagtakbo syang pumasok sa loob at ang una Kaagad na bumungad sa kanya ay ang malaking litrato ng dalaga na nasa tabi lang ng isang puting kabaong.
Sa oras na iyon, wala ng mas sasakit sa Hindi mo makita ang iyong kasintahan ng Ilang linggo kumapara sa katotoohanang kahit Kailan Hindi mo na talaga muli pang masisilayan, mahahawakan at makikita na kahit anong pilit mong gawin Hindi na kailanman maibabalik.
Pakiramdam na noo'y bumabalot na sa buong sistema ni Art. Walang patid na pagdadalamhati at kalungkutan para sa kasintahang kahit kailan Hindi na niya makakasama pa.
Titig na titig na naglakad siya palapit, Hindi inalintana ang lungkot at awang binibigay ng mga matang nakamasid. Nang Sandaling makalapit ay Kaagad niyang hinagkan ang kabaong ng dalaga at doon pumalahaw ng iyak.
Mabilis na dumalo sa kanya ang ama ni Charmee. Hinaplos siya nito sa balikat dahilan upang balingan niya ito. Pansin Kaagad niya ang mugtong mugto nitong mga mata ng Sandaling madako ang paningin niya sa mukha nito.
May iniabot itong liham sa kanya.
"Mahal na Mahal ka ng aking anak, Art at alam kong ganoon ka rin sa kanya. Alam mo bang kahit nag-aagaw buhay na siya sa Ospital dahil sa sakit niyang leukemia na itinago niya sa'yo ng Ilang buwan marahil sa ayaw ka niyang laging mag-alala sa kanya, ay ikaw palagi itong bukambibig niya At kahit sa mga huling sandali ng kaniyang hininga ikaw at ikaw pa din ang inaalala niya. Alam Kong mas masakit para sa'yo ang pagkawala ng aking anak dahil sa Hindi mo siya nakita't nakasama bago siya pumanaw pero, sa mga nalalabing mga minuto ng kaniyang buhay ay inilaan niya sa pagsusulat nitong lihan na para sa kaisa-isang lalaki na minahal niya ng higit pa sa kaniyang sarili. At ikaw ang taong 'yon, Art." may ngiti sa labing litanya nito. Para bang may malamyos na mga kamay ang humaplos sa puso niya ng marinig mismo ang mga salitang iyon sa ama ng pinakamamahal na kasintahan.
*****
--Itututloy....
*****
Hola Readers, Don't forget to hit that heart button down below, would really mean so much to me. Hoping that you all like this new chapt. Of "Ang 💌"