#HINAGPIS
Parang huminto sa pag-ikot ang mundo niya at pakiramdam niya'y Hindi siya makahinga.
"Ano bang pinagsasabi niyo, Ma. Hindi po magandang Biro. " pilit pinahihinahon ang sariling aniya ni Art.
Halata man ang gulat sa mukha ng ginang, ay nagawa pa rin niyang yakapin ang anak.
"Patawarin mo ako't kahapon ko lang Nabalitaan ang kaniyang pagpanaw. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad ay lilisan siya. Pasensya na rin at ngayon ko lamang ito nasabi sa'yo, Anak." Umiiyak na ding sambit ng ina.
Halos manginig-nginig na napatayo Kaagad si Art. Masama ang tinging pinukolan niya ang ina.
"Hindi! Hindi yan totoo! Nagsisinungaling ka lang!!" Galit na singhal niya sa ina at paulit-ulit na Napailing iling siya.
Tinangka siyang hawakan ng ina subalit iniwaksi lamang niya ang kamay nito at mabilis na lumabas sa silid na iyon.
Paika-ikang nagtatakbo siya palabas ng Ospital at kahit nanghihina pa ay nagawa niyang makasakay ng taxi patungo sa bahay ng kasintahan. Umaasang sa pagpunta niya roon ay makikita na niya ang kasintahang Ilang linggo na rin niyang Hindi nakikita at para na rin mapatunayang Hindi totoo ang sinabi ng ina.
Hindi nagtagal at nakarating siya sa bahay ng kasintahan, ngunit tila ba'y katotohanan na rin mismo ang sumampal sa kaniya sa pagpunta niya roon. Katotoohanang Hindi niya matanggap sa puntong iyon.
Parang sinasaksak ng Ilang libong patalim ang puso niya ng matanawan ang maliwanag na bahay ng kasintahan. Paghihinagpis ang Kaagad na lumukob sa buong himaymay ng pagkatao ni Art.
******
--itutuloy..
*****
Hola Readers, Don't forget to hit that heart button down below, would really mean so much to me. Hoping that you all like this new chapt. Of "Ang 💌"