KAHIT siguro ang mga labahan ng aking tiyahin ay malalabhan ko kahit wala akong tulog sa gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko maitago ang aking ngiti habang nagkukusot. Kasalukuyan kong ini-imagine ang bawat detalye ng nagdaang gabi namin ni Ate Issa nang kalabitin ako ni Tiya Dela.
"John Dave! Kanina pa kita tinatawag!"
"Huh? Bakit po?"
"Narito si Ate mo Issa, may naiwan ka raw."
Tumayo ako bigla sa pagkakapungko ko sa harap ng palanggana. Natapakan ko ang chlorox na ginagamit ko sa mga puting damit, pagbawi ko ng paa ko ay naitapak ko naman ang aking paa sa isang gilid ng palanggana na may lamang tubig, tumapon ang laman ng palanggana at chlorox.
"Naku! Ano ba 'yan!" sigaw ni Tiya Dela nang masiritan ng chlorox ang kanyang paa.
"Sorry po, namahay ako kasi hindi ako gaanong nakatulog," natawa ako.
"Mamaya mo na 'yan labhan kung puyat ka. Parang wala ka sa sarili mo."
"Tiya Dela, okay lang ako," sabi ko sa kanya na ngiting-ngiti. Inakbayan ko ang aking tiyahin na takang-taka sa akin pagkuway nagmadali na akong pumunta sa terrace kung nasaan si Ate Issa.
"Ate Issa!"
Excited akong makita syang muli. Parang ang bango-bango ng itsura nya. Bagong ligo, basa pa ang nakapuyod nang mahabang buhok. Naramdaman kong sumikip ang aking brief nang makita ko sya.
"Uyy Pogi, nakalimutan mo 'to oh."
Nakalimutan ko nga pala ang wallet at panyo ko sa banyo nya noong hinubad ko ang mga damit ko. Hindi nga iyon panaginip. Napangiti ako nang husto. Nagkakatitigan pa kami.
"Ay oo, salamat."
"Walang bawas 'yan," biro nya ng iabot nya ang wallet ko.
"Tingnan mo 'tong batang 'to. Wala talaga sa sarili," napapalatak si Tiya Dela.
"Naiwan mo 'yan sa ilalim ng sofa na tinulugan mo kagabi," pagdadahilan nya.
Pakiramdam ko may humahalukay sa loob ng tyan ko sa ganda ng ngiti nya sa akin.
"Oo doon nga," sakay ko naman. Para na akong tanga sa kakangisi-ngisi ko pero hindi ko talaga mapigilan.
"Matulog ka na nga muna, mamaya mo na tapusin ang labahan mo," pakli ng aking tiyahin.
"Namahay daw sya kasi kagabi kaya napuyat," ani Tiya Dela kay Ate Issa.
"Ay gano'n ba? Hindi ko alam," ani Ate Issa.
"Salamat pala sa ano kagabi ha, hindi ka tuloy nakatulog."
"Wala 'yon," kamot ko sa ulo na kilig na kilig," gustong-gusto ko nga 'yon eh. Sana maulit ulit. 'Yung paghuhugas ko ng malalaking kaldero mo."
Naubo si Ate Issa sa sinabi ko. Tuloy-tuloy ang pag-ubo nya na napaupo pa sya sa mahabang monoblock chair habang hawak ang dibdib.
"Ay sya! Hinihika ka na naman 'ata," alalang sabi ng aking tiyahin kay Ate Issa, "Janjan, kumuha ka nga ng tubig do'n!"
Nataranta ako ng sigawan ako ni Tiya Dela. Agad naman akong tumalima.
"Hindi, nasamid lang ako," nakatawang sabi ni Ate Issa nang mahimasmasan, "anlalaki kasi ng kaldero na pinaglutuan ko kahapon, buti kinaya ni Janjan hugasan lahat 'yon."
"Ay oo mare, sabi sa 'yo eh, sanay ang bata na 'yan sa ganyang mga trabaho. Sa probinsya kapag may handaan, mas malalaking kaldero pa ang hinuhugasan nyan," bida ng aking tiyahin.
"Hihiramin ko nga sana sya ulit, may ipapapukpok ako sa may kusina. Nakakita ako kasi ng malaking daga kagabi eh ipapasarado ko lang 'yung dinadaanan tutal sarado naman ang tindahan mo ngayon. Eh kaso naglalaba pa 'ata eh tapos puyat pa. Iba na lang siguro ang tatawagin ko—"
"Ako na Ate Issa, h'wag ka nang tumawag nang iba," dagli kong sabi nang marinig kong gusto nya akong papuntahin ulit sa kanila. Para akong nakainom ng dalawang tasang kape sa bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Eh naglalaba ka pa nga,"
"Matatapos ko na 'yan, saglit na lang. Kahit hintayin mo na 'ko."
*************************************
Wala pang isang oras ay natapos ko na ang labahin ko. Nataranta ako baka kasi magbago ang isip nya, isang banlaw lang ay sinampay ko na agad ang labahin ko.
Bahala na, uulitin ko na lang kapag bumaho.
Dumaan muna kami sa hardware para bumili ng wire mesh, pako, at alambre. Sobrang daldal nya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila. Matamang nakikinig lang ako sa kanya. Tumatawa kapag may nakakatawa syang kwento. Gusto ko magsalita lang sya nang magsalita, masarap pakinggan ang kanyang boses para sa akin.
"'Yung daga kasi, nakita ko kagabi no'ng kumukuha ako ng baso, napakalaki nya! Doon sa taas ng lagayan ko ng mga tupperware nakita kong sumuksok. Baka doon dumadaan 'yon. Ngayon lang ako nakakita ng daga na ganon kalaki sa tanang buhay ko!"
Tawang-tawa ako sa kwento nya. Parang hindi yata 'yung daga ang inilalarawan nya o baka nahawa na rin ako sa pagka-green minded nya.
"Sige Ate Issa, kapag nakita ko hulihin natin. Baka naroroon pa 'yon."
"Kapag nakita ko ulit 'yong daga na 'yon, pipicturan ko! Ang laki eh, ang taba pa!" sabay takip nya sa bibig ng dalawa nyang kamay, pinipigilan nya ang paghagikhik nya.
*************************************
"D'yan dumaan ang daga kagabi," turo nya nang makapasok kami sa loob ng bahay nila.
Inilipag ko ang mga binili namin sa kusina at tiningala ang sinasabi nyang butas na dinaanan ng daga.
"D'yan ba?" nameywang ako, "sobrang liit ng pasukan, mabuti kung nakapasok nga 'yun d'yan sa ganyang kaliit na butas." Grabe naman ang daga na iyon, halos kasinlaki lang ng dalawang tansan na pinagdikit ang butas pero kumasya ang napakalaking daga na minumustra nya kanina. Nagkunot ako ng noo.
Paglingon ko sa kanya ay bigla nya akong niyakap nang mahigpit. Sabik na sabik na tumingkayad sya para abutin ang aking leeg. Nabuhat ko sya sa kanyang pwetan nang walang ano-ano.