OO, nagseselos ako. Hindi ko pa nakita iyong lalakeng iyon ay selos na selos na ako. Bumili muna ako ng sigarilyo sa tindahang nadaanan. Ayokong dalhin ang nararamdaman kong ito pauwi dahil baka mapansin na naman ako ni Tiya Dela. Mahilig pa naman akong punahin ng tiyahin kong iyon.
"Janjan!" sigaw ni Cindy sa malayo. Tumatakbo ito na may dalang plastic na may tupperware sa loob.
Sinalubong ko sya sa gilid ng kalsada.
"Oh, pauwi ni Mama," hingal na hingal sya nang makalapit sa akin, iniaabot nya sa akin ng dala-dala nyang plastic.
"May ulam kami sa bahay," tanggi ko.
"Eh dalhin mo na rin! Pagagalitan ako no'n kapag binalik ko pa 'yan sa bahay," halos isungalngal nya sa akin ang plastic ng ulam. "Ang bilis mong maglakad!"
"Mabilis ba? Hindi ko napansin."
"Opo!" pasarkastikong sabi nya sabay nameywang.
Sinabayan nya ako sa paglakad.
"Bakit hindi ka pa umuwi? Kakain na 'ata kayo."
"Mamaya na lang, ihahatid na lang muna kita sa inyo. Sabi ni Mama baka hindi mo raw alam ang pauwi."
Mahina talaga ako sa direksyon lalo na kung lumilipad ang isip ko. Pero maliit lang naman ang subdivision nila, hindi naman siguro ako aabot ng dis-oras ay matutunton ko rin ang daan pauwi.
"Alam ko naman ang daan pauwi ng bahay, si Mama mo talaga," napangiti na rin ako. Kahit papaano naman pala ay inaalala nya ako.
"Ang ganda ng bracelet mo, mahal siguro 'yan," usisa ko sa bracelet na nakasabit sa kanyang kanang pulsuhan.
"Ay oo, ano daw 'to, white gold. Ganda no?" bida nya sa akin, "si Sir Josh 'yung nagbigay nito, pati na rin 'yung regalo ni Mama, galante 'yon, sobra!"
Pareho sila ng Mama nya, madaldal. Pero ayos lang dahil mukhang sa kadaldalan nya masasagot nya ang mga gusto kong malaman kahit hindi ko direktang itanong sa kanya.
"Nanliligaw 'yon kay Mama, matagal na! Almost 6 months na ako sa opisina eh, gano'n na rin syang nanliligaw kay Mama. Nakita nya si Mama noong first day ko, hinatid ako ni Mama sa office, tapos ayun na, mula noon lagi na akong kinukulit ni Sir Josh. General manager sya ng kumpanya na pinagtatrabahuan ko. Ako naman, sekretarya. Admin. Ewan ko ba, ayaw ni Mama eh kahit pinauulanan sya ng regalo. Andami nang niregalo ni Sir Josh sa kanya, grabe! Kaso parang ayaw ni Mama. Marami nang nanligaw kay Mama sa totoo lang, kaso ewan ko, ni isa wala namang sinasagot. Mas gusto nya 'yung ganyan, mag-isa sa life," kwento ni Cindy.
"Eh nasa'n ang Papa mo?"
"Matagal nang wala ang Papa ko, baby palang daw ako wala na sila, parang ano 'ata, naghiwalay lang. Sobrang bata pa si Mama kasi no'n, kinse lang sya nabuntis na sya sa akin. Ang aga nyang lumandi no? Hahaha! Pero noong lumabas ako, nagkahiwalay sila ni Papa. Wala na syang naging jowa after no'n, biglang naging pihikan."
Lihim akong natuwa sa kwento ni Cindy. Napaka-pogi ko talaga! Marami palang nanliligaw pero ako na isang hamak na pogi lang ang nakahimod sa buong katawan nya. Nabawasan na nang bahagya ang bigat ng nararamdaman ko.
"Kaya ako, kahit 21 na ako, nag-iingat pa rin ako. Ayokong makatulad kay Mama na nag-iisa lang."
"Pinili naman nyang mag-isa eh, mukha naman syang masaya," huminto kami sa labas ng gate ng tiyahin ko.
"Kunsabagay, pero iba pa rin 'yung may nag-aalaga, 'di ba? Hay nako! Baka nakagat na ni Mama ang dila nya, kanina pa natin sya pinag-uusapan."
"Oo nga no?" nakatawang sabi ko, "pakisabi kay Mama mo salamat dito ha, salamat din sa paghatid."
"Oo naman, Janjan. Basta ikaw, sana lagi kang magawi sa bahay kapag may oras ka," biglang lumambing ang boses nya.
"Oo, kapag may kailangan kayo, magsabi lang kayo, pupunta ako."
*************************************
Dumaan ang ilang linggo na ganoon ang set-up namin. Kapag wala si Cindy ay pupunta ako doon para gawin ang kung ano man ang kunwaring pinapagawa ni Ate Issa.
Ganoon pa rin naman si Ate Issa, araw-araw dadaan at dadaan pa rin sya sa bigasan ng Tiya Dela ko para makipagkwentuhan. Casual lang kami kapag may kaharap kaming ibang tao. Buti nga ay hindi napapansin ni Tiya Dela at ng mga kasama ko ang mga pahapyaw na landian at malalagkit na tinginan namin sa tuwing nagkakasalubong kami.
"Pogi, hatid mo naman ako mamaya sa kanto, andami kong dala eh."
"Janjan! Pakamot naman saglit ng likod, hindi ko maabot."
Naalala kong minsan ay hindi sya nakadaan sa bigasan, alalang-alala ako sa kanya dahil napakalakas ng ulan. Tinawag ako ni Tiya Dela.
"Janjan, nagtext si Ate mo Issa, sabi nya nasa bahay na raw sya. Nagpa-special daw sya ng tricycle kasi basang-basa sya ng ulan. Tsk, Tsk. Kawawa naman 'yon, bigla kasing bumuhos ng ulan na 'to."
Masaya naman ako sa gano'n, sabihin na nating wala kaming label. Pero at least alam kong akin lang sya. At kanyang-kanya rin lang ako. Buong pagkatao ko pati na ang puso ko.