Chereads / PERS TAYM NI POGI (TAGALOG/SPG) / Chapter 1 - 1 - BIGASAN NI TIYA DELA

PERS TAYM NI POGI (TAGALOG/SPG)

🇵🇭kapeng_mainit
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 85.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1 - BIGASAN NI TIYA DELA

JOHN DAVE MOLINA DELFIN ang buo kong pangalan, tubong Southern Leyte. Pero noong bata pa ako Janjan ang tawag sa akin ng malalapit kong kaibigan. 

Mahirap ang buhay namin ng aking pamilya sa probinsya. Magsasaka lang ang aking ama samantalang ang aking ina ay nasa bahay lang at inaalagaan ang tatlo ko pang kapatid na mga lalake rin. Mataas ang pangarap ko para sa kanila, hindi nagtatapos sa puro nilagang saging at kamote lamang ang kakainin namin buong buhay namin. Kahit paputol-putol ay nakatapos rin ako ng kolehiyo sa kursong Business Management. Nang ako ay maka-graduate ay napagdesisyunan kong lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran at maghanap-buhay. Namasukan ako bilang utusan sa malaking bigasan ng aking tiyahin, mabigat ang trabaho pero ayos lang dahil nakakapagpadala naman ako kahit papaano sa mga magulang ko sa Leyte at nakakaipon paunti-unti para sa pangarap kong makapunta at makapagtrabaho sa Amerika.

Doon ko nakilala si Ate Issa, ang kumare ng aking tiyahin. Close sila ng Tiya Dela ko, madalas siyang tumambay sa bigasan para makipagkwentuhan sa kanya. Halos araw-araw pagkagaling nya sa trabaho ay hihinto muna sya sa bigasan. Mabait si Ate Issa. Bukod sa hindi sya suplada ay maganda at sexy pa sya. Lagi syang nakikipagbiruan sa aming mga boy ng bigasan ni Tiya Dela. Napakahilig nya sa mga birong berde kaya nga naman hagalpakan kami ng tawa kapag nag-umpisa na siyang magbida. 

Minsan nga naiisip ko noon kaya sya nagpapapansin sa amin ay dahil sa akin. Bukod kasi sa ako ang pinakabata sa lahat, ako rin ang pinaka-pogi. 

"Hello! Pogi!"

Madalas din nya akong purihin. 

"Mare, ang swerte mo naman sa pamangkin mo na 'to, bukod sa masipag may itsura pa!"

"Sa height mo palang, pwede ka nang basketball player!"

"Naku magkakalat ka ng lahi. Sobrang pogi eh!"

Sa kakapuri nya sa akin ay nagkagusto tuloy ako sa kanya. Lagi ko nang inaabangan ang pagdaan nya sa tindahan. Napansin iyon ni Tiya Dela nang minsan ay nakulitan na sya sa akin sa kakatanong ko. 

"Tiya, dumaan na po ba si Ate Issa?"

"Hindi pa."

"Eh kanina po, noong umuwi ako ng bahay dumaan ba sya?"

"Hindi rin."

"Hindi po ba siya pumasok sa trabaho?"

"Naka-leave sya ngayon, birthday ng anak nya. Bakit ba?" puna ng aking Tiya Dela. "Parang tinanong mo na sa akin 'yan kanina ah!"

Napakamot ako ng ulo sa hiya. Nakukulitan na sa akin si Tiya Dela. 

"Miss mo, ano?"

"Hindi po!" depensa ko. Nag-init agad ang aking mukha.

"Makiki-birthday ako sa kanila mamaya. Sumama ka na lang sa akin."

"H'wag na po at nakakahiya naman," tutol ko. 

"Sumama ka na at kilala ka naman no'n. Halos kasing edad mo rin ang anak niyang may birthday ngayon, para magkaroon ka na rin ng kaibigan na ka-edad mo."

Napapayag ako ng aking tiyahin, pero ang totoo ay excited akong makita si Ate Issa. 

*************************************

"Hoy! Nagbuhos ka 'ata ng pabango," ani Tita Dela habang sinasarado ko ang roll-up ng tindahan nya.

"Hindi po! Naligo lang ako." 

"Ano'ng hindi eh hanggang kabilang kanto ang amoy ng pabango mo! Napakatapang! Magpalit ka ng damit at baka hindi lang lamok ang mapatay mo sa pabango mo na 'yan!" Tila bahong-baho ang tiyahin ko sa akin. Tinakpan nya ng pamaypay na dala ang ilong nya at pawisik-wisik sa ere na baka sakali ay dumako paibang direksyon ang hangin. 

Inamoy ko ang sarili. Oo nga, maamoy masyado ang mumurahing pabango na nabili ko. Hindi naman kasi ako nagpapabango talaga, kaya hindi ako marunong pumili. Nagkataon lang na nagbilihan ng pabango ang mga kasama ko sa trabaho kaya nakibili na rin ako.

"Teka lang po, magpapalit lang ako." 

Dagli akong pumasok sa bigasan at nagpalit ng damit. Nakakuha ako ng puting t-shirt na tira sa pinamigay ni Tiya Dela sa mga customer niya noong Pasko. May tatak pa itong pangalan ng tindahan nya. BIGASAN NI DELA. Nanghinayang ako dahil suot ko pa naman sana ang bagong bili kong polo. Kaso baka nga imbis na ma-pogi-an sa akin si Ate Issa ay mahilo ito nang dahil sa tapang ng pabango ko.

Di bale, pogi naman ako kahit anong suot ko, sabi ko sa sarili nang mapatingin ako sa salamin. 

*************************************

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved by the author.