Chereads / Loving This Shrew / Chapter 21 - JARED

Chapter 21 - JARED

Papasok na sana ako sa gate nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi.

"Ito, kain na kayo"

Maaga akong nakauwi kaya naabutan ko sila. Inilapag ko sa lamesa ang itlog na ulam nilang dalawa. Agad iyong kinuha ni Jessie at kinain samantalang si Genrie naman ay tahimik lang at mukhang hindi gusto ang ulam.

"Genrie, what's wrong? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin.

"Kuya, sabi mo bibilhan mo kami ng fried chicken?"

"Ah...ganoon ba? Sorry, nakalimutan ko," sagot ko sa kaniya. "Huwag kang mag-aalala, magpakabait ka lang at bukas may fried chicken na kayo"

"Bukas, bukas, lagi na lang bukas! Lagi mo na lang sinasabi 'yan! Tapos bukas wala naman." Sabi niya sa malakas na boses.

"Genrie, tingnan mo si Jessie behave lang. Dapat magbehave ka lang din" mahinahon kong sabi sa kapatid.

"Sinungaling ka," aniya at yumuko. "Si mama hindi nakakalimutan na bilhan kami ng fried chicken. Ngayon lagi na lang itlog ang kinakain namin. Ayaw ko na kumain!" Inurong niya ang plato saka tumayo at umakyat sa taas.

"Genrie! Bumalik ka rito!" Tawag ko pero hindi siya nakinig.

Bumaba ang tingin ko sa kapatid na babae na tahimik lang na kumakain. Hinaplos ko ang buhok niya habang tinitingnan siya.

Agad akong tumakbo papunta sa fast food chain para bumili ng fried chicken. Paborito nila ang chicken kapag dito binili.

Nang makabalik ako ay agad kong binuksan ang gate.

"Jessie! Genrie! May pasalubong si kuya..." nahinto ako sa pagsasalita nang makitang wala sila sa lamesa. Anong oras na rin kaya malamang ay nakakain na ang kambal.

They must be asleep.

Umakyat ako sa itaas habang dala-dala pa rin ang isang bucket ng fried chicken. Nakita ko ngang natutulog na sila nang mahimbing. Inilapag ko sa maliit na mesa sa gilid ang pagkain at lumapit sa kanila. Inayos ko ang pagkakahiga nila at ang kumot.

Kukuhanin ko na sana ang pagkain na inilapag ko sa mesa nang mapansin ko ang isang drawing. Kinuha ko iyon at tiningnan. Isa 'yong drawing ng lalaking naka-bike at may malaking box sa likod. May nakasulat pa sa itaas na bahagi ng drawing.

"I'm sorry, kuya. I love you..." basa ko sa nakasulat.

Tumingin ako kay Genrie. Mukhang siya ang gumuhit nito. Bahagya akong napangiti sa kanilang dalawa. Natutuwa akong kahit ganito lang kami ay may kabutihan sa aming mga puso. Natutuwa akong lumalaki sila na isang mabuting tao.

Pagkatapos kong ilagay sa maliit naming ref ang pagkain ay naglinis ako ng katawan bago umakyat. As usual, uupo ako sa study table at mag-aaral bago matulog.

Habang nagsusulat ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Genrie.

"Si mama hindi nakakalimutan na bilhan kami ng fried chicken."

I scoffed. Umalis ang nanay namin dahil hindi niya raw kaya. Tandang-tanda ko pa nung araw na umalis siya.

"Pa, umayos ka. Matutumba tayo," nahihirapan kong sabi kay papa dahil pagewang-gewang kami maglakad.

Tinawagan ako ng kaibigan ni papa dahil lasing na lasing na raw siya at kailangan na niyang umuwi. Sinundo ko naman agad siya.

"Pa, malapit na tayo," nahihirapan kong sabi kay papa dahil halos buhatin ko na siya. Nakaakbay siya sa akin at ang isang kamay ko ay nasa bewang niya para umalalay.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay biglang bumukas ang pinto at bumungad si mama na nakabihis.

"Ma..."

Bumaba ang tingin ko sa bag niyang dala.

"Hayaan mo na 'yan! Umalis siya!" Lasing na sigaw ni papa at bahagya pang tumumba. Mabuti na lang at nakaalalay ako.

Tumingin ako kay mama.

"Ma..."

Umiling siya. "Pasensya ka na, anak. Hindi ko na talaga kaya..."

Nakita ko ang nangingilid niyang luha. Narinig kong suminghal si papa kaya isang masamang tingin ang ibinigay sa kaniya ni mama. Pumara siya ng taxi at mabilis na sumakay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang uunahin ko. Hindi ko mapigilan si mama sa kagustuhan niyang umalis. Nakaalalay ako kay papa at hindi ko siya pwedeng iwan dito nang mag-isa.

Pinagmasdan ko lang ang sinasakyan niyang taxi na umalis. Wala akong magawa. Hindi ko alam ang uunahin. May mga kapatid akong maliliit pa.

Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang papel dahil sa kamao kong nakakuyom. Inalis ko na iyon sa aking isipan at nagpatuloy na lang sa pag-aaral. Hindi na mahalaga iyon. Tapos na. Nangyari na. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay mag-aral nang mabuti at magtapos para mabigyan ko ng magandang buhay ang mga kapatid ko.

I can't quit working for my living. I won't quit studying, that's for our future. Even though that school is a full of lunatic, I have to keep studying to get my scholarship.

"Here," sabi ni Niona, handing me the money. I looked at it and counted with my eyes.

"Isn't it just one thousand for each hour and a half?" Tanong ko dahil sobra ang binigay niya. Baka nagkamali lang siya ng bilang.

She nodded and took my hand, placing the money there.

"Just take it," She urged.

I looked at it and then lifted my gaze to her.

"Early payment?" Paninimula ko sa pagtatanong ngunit pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.

"No, don't say too much," aniya, sitting down on the long sofa. "Go home because your siblings might be looking for you," she said, leaning back against the cushion.

I hesitated for a moment, naninimbang pa ako sa nangyayari dahil hindi ko alam kung kukunin ko ba o hindi ang sobra niyang bayad. "Are you sure?" I asked, my voice tinged with skepticism.

She just shrugged nonchalantly, a hint of irritation flickering across her features. "Just take it," she reiterated with a tone firm.

After a brief pause, I finally nodded, reluctantly accepting the money. "Thanks," I mumbled, I know that my gratitude tinged with a hint of discomfort.

Hindi ako sanay. Nakakapanibago ang ganitong ugali niya.

She waved me off dismissively, maybe to bring the awkward exchange to a close. "No need to thank me. Just make sure you're prepared for our next session," she said curtly, already mentally moving on to other matters.

Pagkalabas ko ay tiningnan ko ang perang nasa kamay. Hindi ako sanay na hindi pinaghihirapan ang mga bagay na nakukuha ko. Masaya naman dahil biyaya, pero galing sa kaniya. I mean, she's Nionahlie Davies.

Dahil sobra ang ibinayad sa akin ng dalaga ay naggrocery ako kinabukasan. Sumahod din ako nung isang araw kaya marami akong mabibili ngayon. Una akong pumunta sa biscuits dahil kailangan kong unahin ang baon ng mga kapatid ko.

Limang balot ng mga biscuit ang binili ko pang-dalawang linggong baon na nila. Sunod akong pumunta sa mga canned foods. Pitong de lata naman ang kinuha ko. Hindi naman kami kadalas mag-ulam nito, kapag trip lang namin. Isa pa, madalas ay si Walter ang nagpapakain sa kanila tuwing dinner kaya ewan ko kung anong ipinapakain no'n sa mga kapatid ko.

Bumili ako ng nga sabon at shampoo, pati na rin ang sabon panlaba, powder, at downy. Kailangan ko na ring maglaba sa sabado. Sunod ay ang frozen foods. Kumuha ako ng tatlong balot ng hotdog, dalawang balot ng nuggets, at tocino. Bumili na rin ako ng isang tray ng itlog at sliced bread.

Pagkatapos kong mamili ay dumiretso ako sa counter. Medyo mahaba ang pila kaya ilang minuto rin ako naghintay. Habang naghihintay ay biglang akong napahinto ng tingin sa isang advertisement poster sa appliances. It was Nionahlie. Bahagya siyang nakangiti habang nakahawak sa isang malaking TV. Iyon na yata ang bagong size ng TV ngayon.

Napatitig ako sa mukha niya. Nakakapanibago dahil light lang ang makeup niya, pero bagay na bagay sa kaniya. Nakalugay ang buhok at simple lang ang damit. Mukha siyang anghel sa hitsura niyang 'yon.

She's really famous and rich.

"Next po"

Inalis ko na ang tingin ko sa picture niya at naglakad na papunta sa cashier dahil ako na pala ang next. Hindi ko namalayan.

"One thousand and six hundred ninety-two po, Sir"

Tumango ako at kumuha ng pera sa wallet.

"May advantage card kayo, Sir?"

Umiling ako. Wala rin akong credit card. Hindi ko na kailangan ng gano'n. Saka na lang kapag may ilalagay na ako. Mabilis lang ang kilos nila dahil nakaayos na agad ang mga pinamili ko.

"Thank you, Sir. Next po!"

"Salamat" sabi ko sa umabot ng mga pinamili ko.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong inayos ang mga pinamili ko. Una kong inayos ang mga prutas at inilagay iyon sa ref. Pagkabalik ko sa lamesa ay nakita ko na ang dalawa na nilalantakan ang chips na binili ko.

"Nalingat lang ako, may mga daga nang kumakain," biro ko kanila habang nakangiti.

Tumawa naman ang dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay tinulungan nila akong mag-ayos. Alam nila kung saan nakalagay ang ibang pagkain, lalo na ang baon nila. Sila na ang nagbukas no'n at nag-ayos sa isang transparent na lagayan.

"Thank you," sabi ko sa kanilang dalawa nang matapos kami at ginulo ang buhok nila. "Magtoothbrush na kayo"

"Opo, kuya!" Sabay nilang sabi at tumakbo papuntang banyo. Natawa ako sa kanilang dalawa habang tumatakbo. Nagsiksikan pa sila dahil maliit lang ang space sa pinto at nag-uunahan sila. Napailing ako at umakyat sa taas para magpalit ng damit.

Kinabukasan ay napansin kong wala nang gaanong estudyante ang pagala-gala. Habang naglalakad ay may natanaw akong kotse ang mga tao. Hindi ko sila gaanong maaninag dahil medyo malayo pa ako.

Nang makalapit ay nagulat ako sa naabutan. Si Sheldon ay nasa harap ni Nezel habang si Niona ay nasa kabilang side ng kotseng nakaharang at nanonood lang.

Kumunot ang noo ko.

"Nezel?" Tawag ko kaya pare-pareho silang napatingin sa akin.

"Oh, your knight and shining nerd is here" sabi ni Sheldon.

Tiningnan ko sila isa-isa. Tumagal ang tingin ko kay Niona. Nang magtama ang aming tingin ay agad din siyang umiwas at tumingin sa kung saan.

"What are you doing here? Male-late ka na" sabi ko kay Nezel at tumingin sa kaniya.

Nang tumingin sa akin si Nezel ay nakita ko ang sumisigaw niyang tulong sa pamamagitan ng kaniyang mata. Lumapit ako sa kanila.

"Can't you see that I'm talking to her" malamig na sabi ni Sheldon. 

"I'm sorry pero kailangan na naming pumasok. Baka ma-late kami" sagot ko.

Sheldon scoffed at humakbang palapit sa akin.

"You dare to talk back at me now, huh?" Matalim ang mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot sa kaniya.

"Pasensya na pero kailangan na talaga naming pumasok" sabi ko sabay hawak sa pulso ni Nezel.

Bumaba ang tingin niya roon. Sheldon laughed without humor. "I see that you two are friends" pinagkadiinan niya ang huling salita at umangat ang tingin sa akin.

"Sige, mauna na kami"

Humakbang ako paalis ngunit humarang siya.

"Sinong may sabing pwede na kayong umalis? I'm not done with you guys" malamig niyang sabi.

"Pasensya na, pero sa tingin ko ay hindi namin kailangan ng permiso ng kahit sino para pumasok" matapang kong sagot.

"What did you say..."

Hinawakan niya ako sa kwelyo. Hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Alam kong natatakot si Nezel sa nangyayari ngayon. Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Nezel sa braso ko.

"Sheldon, let's go" biglang sabi ni Niona.

Hindi siya tinapunan ng tingin ni Sheldon at nanatili ang matalim na tingin sa akin.

"Why are you still here, Niona? Just go."

"Just continue that later. Baka makita pa tayo ni Nate rito. Let's go" sagot sa kaniya nito.

"Sheldon..." tawag niyang muli sa lalaki. Marahas akong binitawan ni Sheldon. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay malamang lukot ang uniform ko.

Inayos ni Sheldon ang blazer saka maangas na naglakad papasok. Tumingin muna sa amin si Niona bago sumunod sa loob. Habang nakatingin sa likod niya ay tahimik akong nagpasalamat sa kaniya. Sa ginawa niya ay walang nangyaring gulo.

Narinig ko ang pagpapakawala ni Nezel ng malalim na buntong hininga. Tumingin ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Ayos ka lang?" Tanong ko

Nag-angat siya ng tingin at tumango. Tumingin muna ako sa loob kung saan pumasok si Niona bago naglakad. Binitawan ko na rin si Nezel dahil baka hindi siya komportable.

"S-salamat" sabi niya habang naglalakad kami.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Wala 'yon"

Kahit sino naman, basta makita kong ginagano'n ay poprotektahan ko. Hindi sa bayolenteng paraan, kundi sa maayos na pakikipag-usap. Pero pagdating kay Sheldon, mukhang hindi madadala sa maayos na pakiusap ang isang 'yon.

Dati ay ayaw kong nakakaharap siya. Ayaw ko ng gulo. Pero ngayon ay naisip kong bakit ako matatakot sa kaniya? Hindi naman siya ang nagpapasok sa akin dito. Hindi ako duwag. Ayaw ko lang talagang nai-involve sa kahit anong pangyayari na may kasamang violence.

"That's correct. Five choose two equals ten," sabi ko at ngumiti.

Natutuwa ako dahil kahit papaano ay may natututunan si Niona sa akin. Nakikinig naman siya at mabilis ding maka-gets. Minsan ay nagkakamali siya sa pagsagot pero ayos lang, nakikita ko namang nagbibigay siya ng effort sa mga ginagawa namin.

"I didn't know you're good-looking..."

Biglang sabi niya na ikinagulat ako.

"Ano?" Gulat ko pa ring tanong.

"Anong ano?" Nagtataka naman niyang tanong. Parang biglang nagka-amnesia.

"You just said something" sabi ko na mas lalo niyang ipinagtaka.

"I did? When?" Kunot noo niyang tanong.

Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming nagdoorbell at tunog ng pintong binuksan.

"Niona!" Tawag ng isang pamilyar na boses.

Nagkatinginan kami ng dalaga.

"I forgot to..." napahinto siya sa paghakbang at pagsasalita nang dumapo ang mga mata niya sa akin. Para siyang nakakita ng multo pero hindi agad na-process ng utak niya kaya wala siyang reaksyon at natulos lang.

Hinatak niya si Niona at dinala sa kung saan nang lumapit ito. Pag-uusalan yata kung bakit ako naririto. Maikling storya lang naman 'yon. Kayang-kaya i-summarize ni Niona. Knowing her, hindi siya mahilig magkwento sa mga tao. Napansin ko iyon kapag nag-uusap kami.

Nang makabalik sila ay nagpaturo si Rinoa sa akin. Mukhang maayos na siya ngayon. Mabilis din naman siyang maka-gets, mas mabilis nga lang kay Niona. Maya-maya ay meron na namang panibagong babae ang dumating.

Sa pagkakaalam ko ay siya yung nasa boxing club. Boxing club ang sinalihan ni Juls kaya minsan ay naik-kwento niya ang karanasan niya sa loob ng club. Sa kanilang tatlo, siya ang hindi nagpapakita ng emosyon. Madalang lang ngumiti. Nagulat ako nang magpaturo rin siya kagaya ni Rinoa. Ngayon ay napapaligiran ako ng tatlong sikat at mayaman na babae sa school.

Nakipag-apir sa akin si Rinoa nang makuha niya ang tamang sagot. Nakakahiya naman kung hindi ko gagawin kaya itinaas ko na lang ang kamay ko at nakipag-apir. Nang tumingin ako kay Niona ay hindi maganda ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa amin. Sa kanilang tatlo, siya ang mabilis magbago ang mood. Sala sa init, sala sa lamig ang isang 'to.

Magmula no'n ay lagi ko na silang tinuturuan. Binabayaran naman nila ako tulad ni Niona. Ibinabayad ko sa tuition at upa namin ang perang ibinabayad nila. Mabuti na lang at ako ang naging tutor ni Niona dahil kailangan ko na ring magbayad ng upa namin. Hindi ako nakabayad noong isang buwan.

"Finally, it's over" rinig kong sabi ni Rinoa matapos ang ilang oras naming pag-aaral. Hinayaan ko muna silang magpahinga at kumuha ng libro. Tahimik akong nagbasa habang sila ay nag-uusap. May quiz kami next week. Kailangan ko ring mag-aral.

"Alright," Rinoa suddenly said, clapping her hands once. Naagaw niya ang atensyon ko. "Since we're all here, why don't we play a game?" she suggested, and the three of us exchanged glances.

"What kind of game?" Ariena asked.

"A game?" Tanong ni Niona.

"Yeah, we could play Truth or Dare," Rinoa suggested, her eyes lighting up with excitement. Kumuha siya ng bote at pinaikot 'yon.

Naunang tumapat kay Niona. Nakasunod lang ako sa kanila habang ginagawa ni Niona ang dare. Lumapit siya sa grupo ng mga lalaki at kinausap ang napili niyang lalaki.

Napailing na lang ako nang bumalik siya habang si Rinoa ay tuwang-tuwa. Sumunod ay si Ariena. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ni Niona. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang tumitig sa bawat kilos niya. Lalo na ang ngiti niya. There was something about her smile that drew my gaze irresistibly.

Her smile was radiant, like the sun breaking through clouds after a storm. It illuminated her face, lighting up her eyes with warmth. There was a subtle curve to her lips, a gentle invitation to share in her joy. It seemed to convey a sense of inner peace and contentment, as if she held a secret happiness that she couldn't help but share with the world.

Hindi ko alam akalaing ganito kaganda ang ngiti niya. At school, she acts tough and mean, like she's always ready for a fight. People think she's snobby and stuck-up. But then, when she smiles, it's like she's a whole different person. She's still pretty when she's being mean, but when she smiles, she's like a shining star, lighting up everything around her. It's hard to believe how beautiful she looks when she's happy.

Nang ako na ang sumunod ay hinayaan ko na lang si Rinoa sa gusto niya. Since dare silang lahat, ang pangit naman kung ako lang ang maiiba. At ayon nga, pinagawa niya ako ng isang bagay na hindi ko pa ginawa sa buong buhay ko. Kung sana ay ganito siya mag-isip kapag nag-aaral, mas maganda 'yon. Kakaiba siya mag-isip pagdating sa kalokohan. Parang maraming laman ang utak niya.

Kahit na hiyang-hiya ay ginawa ko iyon. Binabasahan ko ng story ang mga kapatid ko noong bata pa sila kaya madali lang ang magbasa ng noon para sa akin, ang mahirap lang ay sa hindi ko kilalang tao. Nang matapos ay pinalakpakan naman nila ako. Tumingin ako kay Niona at bakas sa mukha niya ang pagkamangha. Napangiti ako.

I'm glad...

"Pre, pinapatawag ka ni dean" sabi ni Juls pagkapasok ko sa room. Hindi pa ako nakakaupo ay aalis na ulit ako.

"Pakilagay muna, pre" sabi ko sabay abot ng bag sa kaniya. Tumakbo ako papuntang dean's office dahil may kalayuan iyon sa building namin.

Inayos ko muna ang sarili at huminga nang malalim bago kumatok.

"Come in" rinig kong sabi ng kung sino.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si dean, ang president and vice president ng school, pati ang secretary.

"Good morning po, Sir" bati ko sa dean. Tumango lang siya at itinuro ang upuang nasa tapat ng lamesa niya.

"Sit down, Mr. Sayre"

Sumunod naman ako at dahan-dahang umupo.

"Perhaps you haven't heard yet, but there's going to be a competition next week," he began.

"What competition po?" I asked.

"You're always the first in the dean's list, and that hasn't changed. Based on your performance, you're improving even more, so we've chosen you to represent our school against others," he explained. "Don't worry, if you win here, I'll give you a reward. Whatever you want," he added before answering my question.

"What do I have to do?" I asked again. "Don't worry, it's just a battle of wits. It's like an exam, but with conditions. You'll be informed about them during the competition," he assured me.

He placed his hands on the table and leaned in slightly towards me. "You're the best when it comes to this kind of thing, so I believe in you, Mr. Sayre," he said with a smile. At first, I thought the dean was stern, but turns out he wasn't. I returned his smile.

"You can count on me, Sir."