Chereads / Loving This Shrew / Chapter 25 - CHAPTER 24

Chapter 25 - CHAPTER 24

"Oh my! Is this Nionahlie?!" Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Mommy.

Kararating ko lang. Hindi naman ako late pero marami-rami na agad ang mga bisita.

"Yes..." ani Mommy at dumikit sa akin. Bahagya naman akong umurong dahil hindi ako comfortable na magkatabi kami.

"My god! Ang laki mo na! At ang ganda-ganda mo pa," sabi niya.

Hindi ko siya kilala pero nginitian ko na lang para hindi naman mapahiya itong Mommy ko sa tabi.

"Hello po, Tita. Ang ganda mo rin po," plastik kong sabi kasabay ng pag-ngiti sa kaniya nang matamis.

"Oh, I love your daughter, Natalie."

Tumawa lang si Mommy. Natigil lang ang pakikipagplastikan ko sa kanila nang may dumating na butler at iginiya kami sa aming table. Inikot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lugar.

Tita Cerise's 42nd birthday and her wedding anniversary were celebrated together in a beautiful and elegant event. The party took place in the lovely garden of their mansion. The garden was decorated with fairy lights and white cloths. There was a large tent with tables set with pretty plates, glasses, and flowers.

Delicate fairy lights were strung throughout the garden, casting a soft, magical glow over the entire setting. They were carefully wrapped around the trees, creating a twinkling canopy that shimmered like stars above the guests.

Inside the large tent, elegant chandeliers hung from the ceiling, adding a touch of sophistication. These chandeliers provided a warm, inviting light that illuminated the beautifully set tables with their fine china and crystal glassware. The gentle light reflected off the glass and silver, creating a sparkling effect that added to the evening's elegance.

Additionally, small lanterns were placed along the pathways, guiding guests through the garden with their soft, flickering light. These lanterns added a cozy and intimate feel, making the entire garden seem like a fairy tale setting.

So perfect.

Maya-maya ay nagpalakpakan na ang mga bisita kaya napatingin ako sa bagong dating. It was Tito Izaac, kalalabas lang ng limousine. Umikot siya at pinagbuksan ang kabilang pinto at doon lumabas si Tita Cerise.

She's stunning.

Tita Cerise wore a stunning dress and greeted guests with her husband. Their daughter, Rinoa, helped plan the event and made sure everything was perfect. Pinasuot nga ni Rinoa ang garden dress na pinili ko. Pero parang may nagbago?

"Hi, Cerise, nice to see you again," bati ni Mommy sa kaniya nang lumapit ang dalawa sa amin. Nakipagbeso siya sa mag-asawa nang nakangiti. Ganoon din ang ginawa ko.

"Hey, Nat. It's been a while." Magiliw na sabi ni Tita Cerise.

"Yes, ang tagal na rin nating hindi nakakapag-bonding."

Tita Cerise laughed. "Oo nga e, sobrang busy kasi naming mag-asawa. By the way, I heard na ikaw raw ang nag-design ng dress ko for tonight?"

Nagulat ako sa sinabi ni tita at napatingin kay Mommy na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin at nakatingin kay Tita.

She what?

Maarteng tumawa si Mommy. "Yes, how was it? Nagustuhan mo ba?"

Tiningnan ni Tita ang dress na suot. "Yes, it's so comfortable and beautiful." She looked at Mommy, "After all these years, wala ka pa ring kupas sa paggawa ng mga gowns. Mabuti na lang at sa'yo ako nagpagawa."

My mother seemed flattered. I rolled my eyes.

"By the way, where's your daughter?" Biglang tanong ni Mommy sa kaniya.

"Oh right..." Tita Cerise looked at me, "Rin's looking for you. Nasa kwarto siya. Magpapaayos yata sa'yo."

I smiled at her. "Sige po, puntahan ko na lang Tita." Sabi ko at iniwan sila roon.

Malaki ang mansion nina Rinoa pero dahil madalas kaming pumunta rito noon ay medyo kabisado ko ang mga gawi rito. Habang naglalakad ay marami akong nakitang mga yaya at manservant na palakad-lakad habang may dalang mga pagkain.

Pagkarating ko sa kwarto ni Rinoa ay kumatok ako ng tatlong beses. Bubuksan ko sana agad kaso baka nagbibihis siya kaya kumatok na lang muna ako.

"Come in!"

I opened it at ang mailaw na kwarto ni Rinoa ang bumungad sa akin. May nakita pa akong audio mixer sa dulo ng kwarto niya. Malawak ang kwarto niya at maganda ang kulay.

"Hey, can you do my hair?" Aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa harap ng makeup vanity niya at naglalagay ng makeup sa mukha.

"Do I look like a hair stylist?" Sarcastic kong tanong at lumapit sa kaniya.

"My hair stylist suddenly said he's sick so..." tumingin siya sa akin mula sa salamin.

I rolled my eyes. "What hair style do you want?"

She smiled at may ipinakita sa akin mula sa cellphone niya. Tiningnan ko iyon at nagulat dahil hindi ko kaya ang ganoong tali ng mukha.

"No, I can't. Simple lang ang kaya kong gawin."

She pouted at nagscroll sa cellphone niya. Akala siguro nito magaling akong mag-ayos ng buhok porket magaling akong magmake-up. Siguro sa iba, kaya 'yon, pero ako hindi. Kaya nga madalas ay nakalugay lang ang buhok ko dahil wala akong alam sa pagtatali ng buhok. Kahit nga magtirintas ay hindi ko kaya.

"How about this?" Ipinakita niyang muli sa akin ang picture sa cell phone.

Umiling ako. "No"

She swiped it. "This?"

"Next"

"Okay, this?"

"Yung isa nga, hindi ko kaya, iyan pa kaya?"

"Edi ito na lang?" Ipinakita niya sa akin ang buhok na nakatirintas nang pabilog sa buong ulo.

"No"

Pabagsak niyang inilapag ang cell phone sa vanity table niya at tumingin sa salamin. Kinuha niya ang mascara at naglagay sa pilikmata.

"I-pusod mo na nga lang ako para matapos na tayo rito," mataray niyang sabi.

Tinarayan ko muna siya mula sa salamin at inis na kinuha ang suklay. Hindi naman ako natagalan sa pagsusuklay sa buhok niya dahil malambot at madulas iyon. Alagang-alaga.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay sabay kaming bumaba papunta sa garden nila. Maganda rin ang suot ni Rinoa. Ito yata yung isang nagustuhan ko pero hindi ko pinili noong nasa cafeteria kami. Bagay naman pala sa kaniya.

Maya-maya ay sinimulan na ang celebration. Kinantahan namin si Tita ng happy birthday at isa-isa naming ibinigay ang regalo. Hindi na muna niya iyon binuksan at itinabi muna nang maayos sa gilid dahil sobrang dami, pati si Tito ay tumulong na rin sa pagbuhat kapag may malalaking regalo.

A live string quartet played soft music, adding to the romantic atmosphere. Guests enjoyed a delicious dinner with some of Tita Cerise and her husband's favorite foods and wines.

Nagbigay ng speech si Mommy, Yena's mother, at ang mga matalik na kaibigan ni Tita Cerise para sa birthday niya at sa kanilang mag-asawa.

The special moment of the evening was a speech by Rinoa, who talked about her mother's beauty and her parents' lasting love. This was followed by a slideshow of family pictures, bringing smiles and memories to everyone.

A beautiful multi-tiered cake decorated with flowers and a small figure of the couple was brought out. Tita Cerise and her husband cut the cake together, symbolizing their happiness and togetherness. Nagpalakpakan kami matapos nilang gawin 'yon.

Nagulat ako nang magsigawan ang mga tao na parang kinikilig. Napatingin ako sa harap at nakitang inaalalayan ni Tito si Tita Cerise maglakad papunta sa gitna at biglang tumugtog ang kantang Through the years. Tanging Violin at Piano lang ang gamit. And ofcourse, si Rinoa ang nagp-piano.

Dahil sa mag-asawa ay isa-isa nang nagsisayawan sa gitna ang mga mag-asawang invited sa celebration. Sobrang lawak ng garden nila kaya ayos lang kung magkumpulan sila sa gitna dahil hindi naman sila nagsisiksikan. Kami ni Mommy ay nanatili lang na nakaupo sa table namin at pinagmamasdan sila.

"May I have this dance?"

Pareho kaming napatingin ni Mommy sa nagsalita. It was Mr. Windsor at nakalahad ang kamay niya kay Mommy ngayon. Ngumiti si Mommy at inilagay ang kamay niya sa kamay ni Tito. Nakisali sila sa pagsasayaw ng mga tao sa gitna.

Habang tinitingnan ko sina Mommy ay hindi ko maiwasang mapaisip. Their engagement...is it all about our company? Or there's something else that I don' t know?

"How lonely."

Napairap ako nang marinig ang boses ng nagsalita.

Why is he invited?

"Sweet, isn't it?"

Lumingon ako kay Sheldon na nakaupo sa pwesto ni Mommy kanina. Tumingin ako sa tinitingnan niya. Nakatanaw siya sa aming magulang na nagsasayaw sa gitna. They're both smiling at each other na parang para sa kanila ang event na ito.

"Do you think it's love?"

Kumunot ang noo ko at bumaling sa kaniya.

"Love?" Pagak akong tumawa. "Come on, Sheldon, we both know that it is only for our company."

He looked at me and smirked. "Is it really?"

Naningkit ang mga mata ko, "Whatever. Talk to yourself."

Bigla siyang tumayo at nagulat ako nang maglakad siya papunta sa harap ko at inilahad ang kamay gaya ng ginawa ng kaniyang ama.

"Don't say it." Inunahan ko na siya sa pagsasalita at tumayo mag-isa nang hindi ibinibigay sa kaniya ang kamay ko. "I can walk on my own."

Tinarayan ko muna siya saka naglakad papunta sa gitna, iniwan siya roon.

Nakangisi siyang naglakad papunta sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya at naghihintay.

I really hate his smirk.

"So, you're not living with Tita Nat?" Kuryoso niyang tanong na ikinakunot ng aking noo.

"Who told you that?"

He chuckled. "You know...Tita Nat and I are kinda close." Aniya habang isinasayaw ako nang marahan.

"Close my foot, Sheldon."

"Why are you living there, by the way? Nagpa-practice kang maging independent woman?"

"Why do you care ba? Just focus on your own f*cking life, yank."

Umakto siyang huminga nang malalim at tumitig sa mga mata ko. "Hay, kung hindi ka lang maganda at kung hindi lang kita magiging kapatid, baka nahila na kita palabas dito." Nakangiti  at mahina niyang sabi ngunit may kakaiba sa ngiting iyon.

I smiled at him too. "Kung ako ang tatanungin mo, gagawin ko talaga 'yon kapag hindi ka tumigil sa kakatanong." 

"Don't smile like that. You look like a witch."

Sa inis ko ay sinadya kong tapakan ang paa niya. At ang mismong heels ko talaga ang ginamit ko para naman ma-satisfy ako dahil kanina pa ako nanggigigil sa lalaking 'to.

Nakita kong dumaan ang sakit sa mukha niya at mahina siyang uminda.

"Opps, looks like I accidentally stepped on your foot."

"Oh? I like this side of yours, sister. It makes me want to bully him."

I stilled. "Him? Who?"

"You'll see." Nakangisi na naman niyang sabi. Bumalik na ang normal niyang reaction. "By the way..." lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "You look stunning tonight, Nionahlie." Pagkasabi niya no'n ay iniwan na niya ako at naglakad paalis.

"Seriously? What's wrong with that jerk?"

Bumalik ako sa table namin ni Mommy at doon naghintay na matapos ang event. Ang mga nagsasayawan sa gitna ay natapos na rin. Nakita ko pang may mga babaeng naluha sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako kina Tita Nat at Tito Izaac na ngayon ay magkalapat ang mga labi.

My goodness.

The night ended with dancing under the stars as the music became more lively. Family and close friends danced and enjoyed each other's company, making the evening full of warmth. I didn't enjoy at all.

Pagod na pagod ako pagkarating ko sa bahay namin. Sumabay na ako kay Mommy dahil wala ang driver niya. Gusto ko sanang tumutol sa desisyon niyang sa bahay na ako matulog pero naubusan na yata ako ng lakas. Nakatulog pa ako sa sasakyan at ginising na lang ako ni Kuya Joberth dahil nasa bahay na kami.

Sinalubong kami ni Manang sa pinto. Nagulat pa siya nang makita ako kasunod ni Mommy. Dumiretso ako sa itaas at agad-agad na sinalubong ang kama. I'm so f*cking tired now, and sleepy too. Hindi naman ako pinagpawisan dahil hindi naman ako gaanong nagalaw roon. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Walang pakialam sa hitsura o sa suot. Ramdam ko pang naka-heels ako.

The morning came at mabilis akong nag-ayos. Walang gumising sa akin. Just what the hell? Where's mommy ba? Kapag ganitong oras ay nakahanda na ako dahil maaga pa lang ay kinakatok na nila ang pintuan ko.

Sa labas na lang siguro ako kakain. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang inaayos ang long sleeve ko na polo. Dire-diretso na sana ako palabas nang makita ko si Mommy sa kusina kausap si Manang. She look serious. Lumapit ako roon at nagtago sa pader.

"Hindi mo pa ba sasabihin sa anak mo?" Tanong ni Manang at bakas sa boses niya na concern siya patungkol sa kung saan.

Sasabihin? Ang alin?

"Hindi."

"At kailan mo naman sasabihin?"

"Wala akong balak, Manang."

What are they talking about?

"Hindi magandang nagtatago ng sikreto, Natalie, lalo na at anak mo ang pinag-uusapan natin dito." Nakarinig ako ng paggalaw ng mga plato. "Alam mo ang kalagayan ng batang iyon ngayon, nahihirapan din siya. Isipin mo naman ang anak mo. Alam kong hindi maganda ang pagsasama ninyong dalawa ngunit kung patatagalin mo pa 'yan, baka ikaw lang din ang magsisi sa huli." Mahabang sabi ni Manang.

Secret? What secret? Just what the f*ck are they talking about?

"Mauna na ako, Manang. And knock on her door, she's going to be late."

"Shit..." agad akong tumakbo papunta sa hagdan at umaktong kabababa lang. Sakto namang nakalabas na si Mommy ng kusina at nakita ako. Sandali pa niya akong tinitigan bago tuluyang maglakad at nilampasan ako. Yeah, she's always like that.

Umalis ako nang hindi nagpapaalam sa kahit kanino. Nakasandal ang ulo at nakatingin lang ako sa labas habang nasa byahe. Bahagyang umangat ang aking ulo nang makita ang araw na unti-unting sumisikat. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang masilayan ang ganda nito.

The first rays of the sun peeked over the horizon, spreading a warm, orange light across the sky. The clouds turned pink and purple, like a beautiful painting. The world around me seemed to wake up. The trees by the side of the road were covered in a gentle light, and the dew on the grass sparkled like tiny diamonds. Everything looked fresh and new.

I love this kind of beauty.

Habang nakatitig doon ay napaisip ako. Kinuha ko ang cell phone at kinuhanan ng picture ang araw. I'll paint this later.

"Oh, gosh..." bigla kong naalala ang ipininta kong sunset sa school. I completely forgot about it.

As I walked down the corridor, I was surprised to see so many students in our building. The usual quiet hallways were now bustling with activity, and there were even students on the stairs leading up to our library. Curious about the commotion, I continued walking and then suddenly noticed Rinoa standing in front of my classroom door. She was watching the students with a thoughtful expression, looking at the students.

"What's happening? Why are there so many people here?" I immediately asked her as I approached.

"There are four books missing from our library, so Nate is inspecting upstairs," she replied while still looking at the students.

"And you? Why are you here?" I asked.

She looked at me. "I was looking for you because all the students in this building need to go to the library," she answered, which made me stop.

"Why should I go there? It's not like I read books in the library."

"Nate said so."

"Besides, it's just four books. We can easily buy those."

"For us, yes, but there's a rumor that a student from D class has been coming here," nagkibitbalikat siya. "I don't know if it's true."

Tumingin din ako sa mga estudyante. "If it's true, then that's a different issue."

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Rinoa, bagkus ay pumasok ako sa loob ng room at umupo sa aking upuan. Maging dito sa loob ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa nawawalang mga libro.

"Who do you think is the thief?"

"Maybe that girl?"

"Girl? Who's girl?"

"Yung pinag-aagawa nina Aelle at Sheldon. 'Diba nasa D class 'yon?"

"Pinag-aagawan? Pero 'di ba fiancé ni Sullivan si Aelle?"

I overheard them. Nagulat ang mga tao sa classroom nang biglang umingay ang upuan ng kung sino. Bahagya akong tumingin sa likod at nakita kong nakatayo si Chanel, masama ang tingin sa dalawang babae. Sila siguro yung maingay na nagbubulungan kanina pa.

"First of all, kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong kayo lang dalawa at walang makakarinig na iba. And second, yes, Aelle is my fiancé so stop saying nonsense na pinag-aagawan ni Aelle at Sheldon ang babae na 'yon. Third, they are just bullying her so, if you don't want to be like her, just shut the f*ck up." Mahaba at madiin na sabi ni Channel.

Natahimik ang lahat maging ang dalawang babae. Hindi ko napigilang tumawa sa hindi malamang kadahilanan. I just find it funny.

"Why the f*ck are you laughing, bitch?!"

"Nothing..." I laughed again. "This is so funny."

Dahil sa paghalakhak ko ay mas lalong kumulo ang dulo ng bruha.

"Oh? What's funny? Your face?" Taas kilay niyang sabi at mas lalong akong natawa.

I could clearly see the anger in her eyes because of the sharpness of her gaze. It seemed like smoke was about to come out of her nose and ears. She was also turning red with anger. I just kept laughing and laughing until I was satisfied. When I finally calmed down a bit, I faced her.

"You know what's funny? You. You're so pathetic."

"What?!"

"It's pathetic how you constantly brags about being Aelle's fiancée when everyone knows he couldn't care less about you." Nakangiti kong sabi, siningkit ko pa ang mga mata.

She's living in a fantasy world where she's the center of his universe, but in reality, she's just a clueless sidekick in his life story.

"Oh? Who's this with a mom eager to marry a man with a child? It's hilarious to imagine you getting a new dad, with a bonus, Sheldon becoming your sibling. I wonder what kind of life you'll have when you become a family." She insulted, even shaking her head.

I didn't back down and crossed my arms. "Well, at least my mom wasn't a desperate woman when she got engaged..." I stared into her eyes, "unlike some people here."