Nagsusulat ako ng outline para sa ipapasa kong part sa defense namin. Nasa roman number one pa lang ako. Wala na akong maisip. Nakakatamad ding gumawa kaya itinabi ko na lang at hinintay ang tutor ko. Maaga akong nakauwi ngayon. Hindi ko alam kung bakit, basta nitong mga nakaraang araw ay parang gusto ko na lang manatili rito sa bahay at magpaturo kay nerdy.
Nerdy...
Right, hindi ko pa pala alam ang name niya. Hindi ko rin naitatanong. He knows mine. Maybe I'll him later. Kinuha ko ang cellphone at kinalikot iyon. Wala akong magawa. Hindi rin nagtagal at itinigil ko ang ginagawa sa cellphone at sumandal.
Nakatingin lang ako sa kisame at nag-isip ng kung ano-ano. Ayaw kong magbilang ng sheep dahil baka makatulog ako. I pouted.
"This is so boring" kinuha ko ang unan at niyakap iyon. Pinatong ko ang baba habang nakatingin sa orasan. Pinanood ko kung paano iyon umikot. Bakit ang bagal ng oras?
Napaahon ako sa pagkakasandal nang marinig ko ang doorbell.
He's here.
Tumingin ako sa salaming nakasabit sa pader. Inayos ko ang aking buhok at damit bago naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at bumungad nga siya sa akin. Gaya ng dati ay niluluwagan ko lang ang pagkakabukas ng pinto at papasok na siya.
"Diyan ka lang, kukuha muna ako ng pagkain" sabi ko at iniwan na siya sa sala. Pumunta akong kusina at pinainit ang lasagna na binili ko kanina. Habang naghihintay ay kumuha na ako ng dalawang platito at kutsara. Inilagay ko agad ang lasagna nang tumunog ang microwave para hindi ito masunog.
Nang makabalik ako sa living room ay naabutan ko siyang prenteng nakaupo at may binabasang papel. Hinayaan ko lang siya at inilapag ang pagkain sa lamesa. Nahagip ng mata ko ang binabasa niya pagkayuko ko kaya nahinto ang pag-angat ko ng katawan sa ere matapos ilapag ang pagkain.
Mukhang napansin niya iyon. Tanging mata lang niya ang gumalaw, tumingin sa akin. Ang kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng papel. Mula sa mata hanggang noo lang ang nakikita ko.
Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Kahit nakaharap iyon sa kaniya ay nakikita ko pa rin ang mga letters dahil sa liwanag ng ilaw. And I know my f*cking penmanship.
"What...are you reading?" Tanong ko. Hindi pa rin gumagalaw.
"Hmm..." he looked at the paper he was holding. "Just an outline" sabi niya kaya mabilis ko iyong hinablot.
He's reading my dull outline.
Tumalikod ako sa kaniya at nilukot ang papel. I'm so embarrassed. Baka isipin niya na hindi ako nag-aaral nang mabuti dahil konti lang ang nasulat ko, at mali pa 'yon. Wala naman akong alam kasi sa ide-defend namin. Hindi nga ako nakikinig sa prof.
Bumalik ako sa kusina para itapon sa basurahan ang papel na nilukot ko sa palad. Medyo nanghinayang ako dahil iyon lang ang naisip ko, wala nang iba, kaya sayang kung itatapon ko lang. Pwede ko namang sabihin sa mga kagrupo ko na iyon lang ang maiaambag ko, atleast nag-ambag ako. Siguro ay kukunin ko na lang mamaya.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa kusina bago bumalik. Hindi makatingin nang maayos sa kaniya.
"You..." sabi ko habang nakatingin sa dibdib niya. "Hindi mo dapat pinapakialaman ang gamit ng iba" sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa mata at dibdib niya.
"Sorry, bigla ko lang kasing nakita rito" sagot niya.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kaniya dahil nahihiya ako.
"Don't get mad but...your outline's kinda..."
"I know," mahina kong sabi.
Nakayuko ako at pinaglalaruan ang dalawang hintuturo. Iniikot-ikot ko iyon sa isa't-isa. Nakita ko sa peripheral vision ko na pumantay ang mukha niya sa mukha ko kaya tumingin ako sa gilid. Sumunod naman siya kaya umiwas ulit ako. Dahil sa pag-iwas ko ay ngayon ay nasa likod ko na siya.
"Do you want me to help you?" Suggestion niya kaya napatingin ako.
Wrong move dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nakatukod ang isang kamay niya sa sofa habang ang isa ay nasa lamesa, pinaggigitnaan ako. I blinked twice, ganoon din siya. Sabay kaming napalayo sa isa't-isa.
Humigop ako ng hangin at inilabas iyon. Lumubo pa ang pisngi ko sa ginawa. It's hot here. May sira yata ang aircon ko.
"Uhm.." he cleared his throat, "I can help you on your outline. Ano bang topic mo?"
I pouted.
"Hindi na, kaya ko naman" sabi ko sa mababang boses.
Kumuha siya ng malinis na papel at ballpen. Tumingin siya sa akin habang hawak ang mga iyon. Ready na sa pagkuha ng information sa akin.
"Tell me your topic"
Umiwas ako ng tingin. Sinundan niya kung saan ako tumingin kaya lumipat iyon sa kabila. Tumagilid ang ulo niya para magtama ang mga mata namin.
"Hmm?"
Kumurap-kurap ako at napalabi.
Nakakurap din siya nang ilang beses.
"Don't tell me..."
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay.
"Hindi mo alam?"
So what? E sa hindi ko alam e. I don't know what to do. All I know is what we're going to defend. Plus, I won't be speaking anyway, so why bother? If it weren't for the grades, I wouldn't do this. I also don't open messages, so I don't know what my groupmates are discussing. I only hear their conversations in person when we're given time to meet. And even then, I don't really listen to them.
He took a deep breath, catching my attention. "What's the outline for?" he asked.
"It's for our defense," I replied, nodding in confirmation.
"Which chapter are you working on?"
I paused, unsure which chapter it was. I just kept working without keeping track. I looked at him and shook my head. I noticed how his eyelids drooped slightly, covering half of his eyes. He looked tired, even though he hadn't started teaching yet.
"Okay, tell me what you know, and I'll teach you how to do it," he said.
I nodded. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng alam ko. Konti lang naman 'yon. Mukha ngang hindi siya na-satisfied sa binigay ko. Pero kahit na ganoon ay tumango siya at tinuruan ako. Alam ko namang matalino siya kaya makukuha niya agad kahit na gaano pa kaliit na information 'yan.
He tried to explain it to me but I'm having trouble understanding it.
He leaned forward, sensing my confusion, and spoke in a gentle tone. "Let's take it one step at a time, Niona. I'm here to help you understand."
I nodded, grateful for Nerdy's patience. "Okay, but I'm still not sure where to start."
"That's okay," he reassured me. "First, we'll focus on the introduction."
I nodded, relieved to have a starting point. "What should I include in the introduction?" I asked, my voice tinged with uncertainty.
"In the introduction, you'll want to provide some background information about your research topic and outline the objectives of your study," Nerdy explained. "Think of it as setting the stage for your audience, helping them understand the context and significance of your work."
I nodded, slowly starting to grasp the concept. "And then what?" I asked, eager to continue.
"After the introduction, you'll move on to discussing your research methodology," he continued. "This is where you'll explain the methods you used to conduct your research, such as data collection techniques and analysis procedures."
I furrowed her brow, trying to process the information. "But what if I'm not sure about my research methodology?"
He offered me an encouraging smile. "It's okay to have questions, Niona. We can work through them together. Let's review your research process and see if we can identify any areas that need clarification."
Step by step, we worked through each component, with his offering explanations and answering my questions along the way. Somehow, I'm grateful for him. Dahil sa kaniya ay medyo ginanahan akong mag-aral.
"Have you created your presentation slides yet?"
I shook my head.
"Kailangan ba no'n?"
Umawang ang labi niya. "Of course"
Kinuha ko ang laptop at binuksan iyon. Nakatingin lang kami sa screen habang naglo-loading pa.
"Tingin ka sa group chat niyo, baka meron na silang gawa," aniya nang magbukas ang laptop.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Pagkatingin ko ay kung ano-anong message ang nabasa ko. May about sa defense, chismis kay chanel, at yung iba ay nagsend ng part nila sa group.
Habang nagscroll up ako ay bigla akong may nabasang message patungkol sa akin.
Misty: That Niona bitch, wala pa ring inaambag?
Mikha: Wala, hindi pa nga siya nagse-seen dito e.
Y/n: Oh, forget about her, girls. Kailan ba nagkasilbi 'yon sa grupo? Puro lang 'yon paganda, pabigay naman sa group.
Hindi ko na binasa pa ang iba pang messages about sa akin. Wala akong oras para sa kanila. Pasimple akong tumingin sa gilid ko para tingnan ang reaksyon ng lalaki. Nakita kong may kakababa niya lang ng papel na binasa niya at tumingin ulit sa laptop.
I'm glad he didn't saw it.
Halos mainip ako kakascroll dahil ang dami nilang unnecessary messages. Mabuti na lang at nakita ko iyon. Ipinakita ko sa kaniya ang ginawa nilang presentation. Siya na ang nagpipindot para sa next. Inisa-isa niya iyon.
Mula sa laptop ay lumipat ang tingin ko sa mukha niya. Dahil nakaharap siya sa laptop ay side view lang ng mukha niya ang nakikita ko. I glanced downwards, focusing on the lower part of his face where his jawline was. It looked firm and well-defined, like it was carved out of stone. The way it curved from his ear down to his chin gave his face a strong and determined look. It was clear that he took care of himself, and the sharp angles of his jaw added to his overall attractiveness.
"This is wrong," he suddenly said kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"What is wrong?" I asked and he just glanced at me.
"This?" Tumingin ako sa tinuro niya.
"Dapat 'proponents' ang ginagamit niyo, hindi 'we'," aniya.
I shrugged.
"Malay ko sa kanila"
"Tapos ito..." may tinuro na naman siya, "mali ang pagkakalagay ng citation"
Pinalitan namin ang lahat ng kailangang palitan. Halos isa't kalahating oras din ang inabot namin dahil sa dami ng kailangang palitan. Gusto kong irapan isa-isa ang mga kagrupo ko. Ang kapal ng mukha nilang magsabi sa akin na wala akong ambag e mali-mali naman pala ang mga pinaglalalgay nila sa presentation.
"Ayan, okay na. Yung sa part mo naman," sabi niya at kinuha ang isang malinis na papel.
Mabuti na lang at nandiyan siya para ituro sa akin ang mga dapat kong isulat. Tumatango-tango ako kapag may naiintindihan ako, pagkatapos ay magsusulat sa papel na binigay niya kapag may biglang pumapasok na idea sa isip ko.
Sa tulong niya ay nakagawa ako ng part ko. I smirked habang nakatingin sa presentation na natapos namin. I'm proud of myself dahil nakagawa ako ng part ko galing sa idea ko. Ngayon ay wala nang masasabi ang mga kagrupo ko.
Humarap ako sa katabi ko para sana pasalamatan siya ngunit nawala ang ngisi sa aking labi nang ma-realize kung gaano kalapit ang aming mga mukha. Halos gahibla na lang ang espasyo ng aming mga mukha.
Gusto kong lumayo, but it felt like his eyes were pulling me in like a magnet. His gaze shifted between my eyes, then suddenly dropped to my lips. Instinctively, my gaze followed his, lowering to his lips.
His lips are thin, with a natural pinkish-red hue. They have a subtle curve, giving them a soft and inviting appearance. The light caught them just right, accentuating their softness and making them appear irresistibly kissable.
Unti-unting lumapit ang mukha niya. Kusang pumikit ang aking mga mata, para bang alam na niya ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon. Ramdam ko ang hininga ng lalaki sa labi ko. Nanatili akong nakapikit at naghintay na may dumapo sa aking labi ngunit lumipas ang ilang segundo nang may maramdaman akong may kung anong malambot ang dumikit sa aking noo.
Dumilat ako at una kong nakita ang adam's apple ni nerdy. Bumaba ang mukha niya para pumantay sa mukha ko. I saw his eyes once again. Nang kumurap ako ay tsaka ko lang na-realize ang nangyari. Ilang beses pa ulit akong kumurap bago siya tinulak palayo.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan.
"What..." hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil ayaw pang tanggapin ng utak ko ang nangyari. Sumasabay pa ang pagtibok ng aking puso.
"I..." tumingin ako sa kaniya nang magsalita siya. "I'm sorry..."
Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na boses so I closed it. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon.
Tumayo ako at tumakbo paakyat sa itaas. Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at hinugasan ang kamay. Pati mukha ko ay nahugasan ko na rin. I looked myself at the mirror. Damn, ang pula ng mukha ko.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi. Pinakalma ko ang sarili dahil hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Inilagay ko ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, kung nasaan ang puso. I inhaled and exhaled para mabawasan iyon. Kumakalma naman ngunit kapag bumabalik sa isip ko ang nangyari ay bumibilis na naman ito.
"My goodness, Niona." Sabi ko sa salamin, kinakausap ang sarili. Kumuha ako ng suklay at sinuklay ang buhok. Maayos naman iyon pero kusa na lang gumalaw ang kamay ko. Pati ginagawa ko ay hindi ko na alam.
"Oh my god..." napatakip ako sa bibig nang maalalang pumikit ako kanina. "Oh my god, oh my god, oh my god..." paulit-ulit kong sabi habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng salamin.
Napahinto ako sa harap ng salamin.
"Why are you thinking about it too much? It's just a kiss on the forehead, not on your lips," sabi ko sa sarili.
I shook my head at hands. Pumadyak na rin ako at tumalon-talon para mahimasmasan. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin.
"It's okay, right? Wala lang 'yon. Just forget about it," I nodded, sang-ayon sa sinabi sa sarili.
I returned downstairs because I still had to pay him. When I reached the living room, I saw him standing by the side of the sofa, with his bag slung over his right shoulder. The table was already clean, and the cushions we sat on were neatly arranged on the sofa. I approached him and handed him the payment.
"Here," I said sharply. He didn't take it but instead just stared at me, as if analyzing my reaction. "What?" I raised an eyebrow in question.
He shook his head, his gaze dropping to the payment he still hadn't taken. "I'm sorry..." he said in a low voice.
I knew what he was referring to, but I chose to play dumb.
"Why are you apologizing? For what?" I pretended to ask.
He lifted his gaze, furrowing his brow briefly before returning to his usual expression. It seemed like he understood, as he nodded. He took the money from my hand.
"I won't escort you to the door because I'm feeling sleepy. Just close it," I said, then turned my back on him. Without looking back, I hurried upstairs. I knew he was still watching me, so I quickly made my way to my room.
Nanatili ako nang ilang minuto sa kwarto. Pinakikiramdaman kung nakaalis na ba siya. Twenty minutes akong nasa loob ng kwarto at walang ginagawa. Maya-maya ay napagdesisyunan ko na ring lumabas.
Dahan-dahan lang ang lakad ko. Nagtago ako sa pader at sinilip ang baba dahil kita na mula roon ang living room. I stretched my neck para makita kung wala na bang nakatayo roon. Nang makumpirma ay dahan-dahan pa rin akong bumaba dahil baka nandiyan pa rin siya sa pinto.
Nakatingkayad akong tumakbo papunta sa pinto ngunit nagtago muna ako sa pader at sumilip. Nang makitang wala nang tao at ako na lang talaga mag-isa rito sa penthouse ay para akong nanghina. Dumausdos ako paupo.
"Thank god"
Ang lalaking iyon. He took advantage of me. Napaisip ako. Hindi ko pa pala natanong ang pangalan niya. Huminga ako nang malalim at tumayo. Kailangan ko nang maglinis ng katawan at matulog dahil may pasok pa bukas.
Dire-diretso na sana ako sa paglalakad nang may mahagip ang aking mata sa lamesa kaya napahinto ako. Lumapit ako para tingnannang maigi kung ano iyon.
"What the..." nagulat ako nang makitang pera iyon na ibinayad ko sa kaniya kanina. "He didn't take it."
Agad akong lumabas para habulin siya. Sunod-sunod kong pinindot ang button sa elevator. Pagkabukas no'n ay mabilis akong pumasok at agad iyong isinara. Habang pababa ay tiningnan ko ang pera sa kamay.
Why didn't you take it?
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa baba na ako. Patakbo akong lumabas ng penthouse. Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin sa labas. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nang hindi siya makita ay tumakbo pa ako papuntang kalsada, nagbabakasakaling naglalakad pa siya or naghihintay ng masasakyan.
Bagsak ang balikat akong bumalik sa loob ng penthouse. Anong trip ng lalaking 'yon? Ayaw na ayaw ko pa namang nagkakautang. Siguro ay bukas ko na lang ibibigay.
Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa baba bago umakyat sa taas. Inilagay ko ang pera sa study table at pumasok sa cr. Hindi na rin ako nagtagal sa banyo dahil inaantok na rin talaga ako.
Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.
"I'm sorry..."
Hinawakan ko ang noo kung saan niya ako hinalikan. Magaan lang ang pagkakahalik niya roon kanina. Bahagya akong napangiti dahil akala ko ay sa labi.
But you closed your eyes, bitch.
Dumapa ako at sinubsob ang mukha sa unan. Doon ako tumili-tili habang ipinapadyak ang dalawang paa sa kama. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko roon. Hindi ko alam pero imbis na magalit o mainis ay iba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano iyon but it feels...good.