Lumipas pa ang mga araw, tuluyan na ngang nanumbalik ang kapayapaan at kaayusan sa buong bur'ungan at Ilawud. Napuno ng kasiyahan ang bawat isla at sabay-sabay nilang isinisigaw ang pasasalamat nila sa grupo nina Milo, Simon at Maya.
Maging ang tatlo ay napuno ng kagalakan dahil sa mga pangyayari, ngunit sa kabila ng nararamdamang kagalakan iyon ay nananatili ang pagkabahala sa tatlo. Dahil sa kanilang pagababalik sa kanilang mundo ay panibagong unos at pagsubok naman ang kanilang kahaharapin.
Pansamantalang itinula nila sa likod ng kanilang isipan ang mga isiping iyon upang kahit papaano ay hindi io maapektuhan ang masayang atmospera na namamayani sa kanilang kapaligiran.
"Mamayang gabi, bababa mula sa kaniyang tirahan si Bakunawa upang muling kainin ang buwan." Anunsyo ni Liway, habang nsa harap sila ng kasiyahan.
Nagislap naman ang mga mata ni Milo sa narinig ngunit kaagaran din nawala ang kislap na iyon nang maalala niya na mamayang gabi na rin sila babalik sa mundo ng mga tao.
"Makikita ba namin si Bakunawa?" tanong ni Maya.
"Oo naman, dahil doon natin gagawin sa sentro ang ritwal ng lagusan. Makikita niyo siyang makipaglaban sa alaga ni Bulan," nakangiting wika ni Liway. Muling nanumbalik ang pagkasabik ni Milo sa sinabing iyon ni Liway.
Tanghali pa lamang ay nakahanda na ang grupo nila at nagpapaalam na sa mga Mayarinan.
"Alam kong hindi na kita mapipigilan pa dahil ito ang iyong tagna. Liway, darating ang panahon na ang buong Mayarinan ay mababaon na sa limot kasabay ng pagbabago ng ating panahon. Lagi mo sanang tatandaan at alalahanin ang lahing iyong pinagmulan." Wika ni Apo Sela habang yakap-yakap ang kaniyang apo.
"Opo Inang Sela, lagi ko pong tatandaan ang mga payo at paalala niyo sa akin. Hindi ako makakalimot. Babalik ako kapag nagkaroon ng pagkakataon. Madal naman sa akin ang puntahan ang lugar na ito kahit wala na ang daan sa dagat." Wika pa ni Liway. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang dumaloy ang masasaganang luha sa mata ng maglola.
Batid nila pareho an kahit pa may kakayahan si Liway na makapaglakbay gamit ang kaniyang mga lagusan, ay matatagalan pa rin ito sa pagbabalik. Hindi ganoon kadali lalo pa't nasa ibayong mundo ang lugar ng Ilawud.
Matapos ang madamdamin nilang pamamaalam ay nagsimula na silang maglayag pabalik sa isla ni Bakunawa. Hapon na nang marating nila ang isla at nakita nilang nakaabang na ang alaga ni Bulan sa kanila sa dalampasigan, kumakaway-kaway pa ang tatlo nitong buntot habang tila sabik din na makita sila. Pagkadaong ay agad silang pinaikotan ng nilalang, masayang sumalubong naman si Milo sa nilalang at tulad ng dati ang nakipaglaro siya rito.
Sa kabilang banda ay naging abala naman sina Liway at Maya sa paghahanda ng kanilang mga gagamitin sa ritwal. Katuwang naman nila si Simon at Gustavo. Matapos maihanda ang lahat, ay sinimulan na ni Liway ang ritwal para sa kaniyang sarili.
Dahil ang lagusang gagawin niya ay tungo sa tunay na mundo, kailangan niyang bigyan ng harang ang kaniyang sarili upang kahit papaano ay maprotektahan niya ang kaniyang katawan. Kasama din sa ritwal ang pagtatago ng kaniyang tunay na pagkakakilanlan.
Habang pinapanood nila amg ginagawang ritwal ni Liway ay narinig naman nila ang pagdagundong ng kalangitan. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Agad na napatingala si Milo at ang nilalang na alaga ni Bulan. Nag-aangil ito habang nakatingala sa kalangitan, tila ba alam na nito kung ano ang paparating.
"Mukhang darating na si Bakunawa." Puna ni Milo at napatango naman si Simon.
"Sa tingin ko rin, hayaan mo na siya diyan Milo, hindi tayo maaaring makita ni Bakunawa." Wika naman ni Simon. Agad namang tinungo ni Milo ang kinaroroonan ng kaniyang mga kasama.
Kasalukuyan silang nagtitipon sa napakalaking bato na animo'y isang kuweba na malapit lamg sa dalampasigan. Sabay-sabay silang nag-usal upang maikubli ang kanilang mga presensya. Kitang-kita ni Milo ang pagtalon ng alaga ni Bulan sa mabatong parte ng isla.
Mula sa kinaroroonan nila ay malinaw nilamg nakikita ang lahat. Malakas na dagundong ng kulog at kidlat ang sumambulat sa kanila kasabay naman nito ang paglakas ng hangin. Mayamaya pa ay gumuhit ang liwanag sa kalangitang nababalutan ng maitim na ulap.
Mula roon ay lumitaw ang ulo ng isang dambuhalang serpente, pinaghalong asul at berde ang kulay nito na tila nahahaluan din mg kulay abo. Ulo pa lamang ito ngunit halos kasinglaki na nito ang toreng bato sa islang iyon. Dahil sa paglitaw na iyon ni Bakunawa at umalingawngaw naman sa tainga nila ang angil ng alaga ni Bulan.
"Iyan na ba si Bakunawa? Napakalaki niya." Gulat na bulalas ni Milo habang hindi maialis ang paningin sa nilalang. Noon ay naririnig lamang niya ito sa mga kuwento ng kaniyang Lolo Ador ngunit ngayon ay personal na niya itong nakikita.
"Hindi lamg siya malaki, tingnan mo Milo, para siyang Diyos ng kalangitan," maging si Simon ay hindi maiwasan ang hindi mamangha sa nilalang na iyon, lalo pa nang unti-unti nang lumitaw ang kabuuan ng katawan nito sa kanilang mga paningin.
Kitang-kita nila ang malaahas nitong katawan na punong-puno ng nagkikislapang mga kaliskis. Napakatikas ng nilalang na iyon ngunit hindi rin naman pahuhuli ang alaga ni Bulan. Dahil sa paglitaw ni Bakunawa ay agad na rin itong pumaimbabaw sa ere at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan nila ang dalawang dambuhalang nilalang na lumalaban na siyang nagpayanig sa buong Ilawud at Bur'ungan.
"Minsan sa isang buwan kung maglaban ang dalawang iyan. Kung napapansin niyo ang parte ng islang ito ay puro bato, dahil yan sa labanang nagaganap sa pagitan ng dalawang magigiting na nilalang." wika ni Liway.
Napalingon sila sa gawng iyon at napanganga naman sila nang makita ang bagong anyo ng dalaga. Mukha na itong normal na babae dahil na rin sa itim na itim nitong buhok, maging ang dating kulay asul nitong mga mata ay naging kayumanggi na rin. Mukha na talaga itong normal na tao at hindi mo na makikita rito na isa itong Mayarinan.
"O bakit, hindi ba bagay? Ang alam ko kasi ay ito ang wangis ng mga tao sa mundo niyo. Hindi na ako kakaiba tingnan, tama?" nakangiting tanong ni Liway.
"Oo, maganda. Hindi ka na kakaiba sa amin," tugon ni Maya habang napapakamot naman ang dalawang binata. Si Gustavo naman ay napapatawa na lang. Saglit nilang nakalimutan ang labanan sa labas ng kanilang pinagtataguan dahil kay Liway.
Kalaunan nga ay natapos na din ang oras ng pnanatili ni Bakunawa sa lugar, dahil sa ginawang pakikipaglaban ng alaga ni Bulan ay hindi nto nagawang kainin ang isa sa tatlong buwang natitira sa kalangitan. Halos pigil ang hininga nila dahil sa labanang iyon.
Matapos ang laban at nang maging kalamado na ang lahat sa paligid ay lumabas na sila at nagsimula na si Liway sa pagsasagawa ng ritwal. Dahan-dahan ngunit taimtim na nag-uusal si Liway ng mga katagang hindi pamilyar sa kanila. Hindi naman nila pinaapansin iyon dahil hindi na nila iyon kailangang kabisaduhin pa at isa pa,wala naman silang kakayahang kagaya ni Liway.
Kalaunan ay muli nilang nasilayan ang pamilyar na liwanag na siyang hudyat ng pagbubukas ng lagusan. Tumahip ang kaba sa dibdib ni Gustavo dahil sa isiping muli na niyang masisilayan ang kaniyang mag-ina. Magkahalong kaba at pananabik ang yumayakap ngayon sa buong sistema ng lalaki.
"Manong, handa ka na bang makita muli si Ate Agnes at ang anak niyo?" Tanong ni Maya.
"Kanina pa nga ako kinakabahan Maya, pero handa na ako, nais ko na silang mayakap at mahagkan. Sabik na sabik na akong makita silang dalawa," tugon ni Gustavo at hindi maikukubli ang sobrang kaligayahan sa mukha niya.