Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Etched | Geomet Agape

🇵🇭GeometAgape
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6k
Views
Synopsis
Sa mundo ni Elise may diyos na may pangalang Oliphius na napagtripan silang mortal na bigyan ng dalawang soulmate. Ang una niyang soulmate ay ang PE teacher niyang pang-makisig ang pangalan, iyong pangalawa ay hindi niya pa handang makilala.
VIEW MORE

Chapter 1 - 1 | That Guy

That one person who they ship you with.

Elise Montenegro

Ipinanganak akong hindi nakikilala ang tatay ko, habang ang nanay ko naman, madalas wala sa bahay para magtrabaho. Minsan uuwi pa siyang diretso sa kwarto nang hindi ako pinapansin. Kapag magkausap kami, parang hindi kami magkakilala, bawal magbitaw ng biro dahil hindi ko alam kung matatawa ba siya o magagalit.

Mahirap sukatin ang ugali niya dahil kahit ina ko siya ay hindi naman siya ang nagpalaki sa akin. Si Lola at Lolo ag tumayong magulang ko habang abala siya sa trabaho. Si Lola ang nag-aasikaso sa baon at gawain ko sa school, habang si Lolo naman ang nagturo sa akin maglaro ng chess at magbasa.

Marami silang kwento mula noon, hanggang ngayon kaya kahit kailan hindi ko naisip na may mali sa sitwasyon ko. Normal para sa akin na walang hinahanap na kalinga ng ina at ama kasi nand'yan silang dalawa sa tabi ko para punan lahat ng pangangailangan ko. Sila ang depinisyon ng gusto kong maging balang araw; payapa, masaya at mapagmahal.

Sila ang basehan ko sa gusto kong maging relasyon ng makakasama ko habang buhay. Gusto ko rin magkaroon ng kakwentuhan pagdating ng panahon. Kaya nga kahit natatakot ako sa kung sinoman ang magiging soulmate ko, tuwing nakikita ko sila Lola at Lolo napapanatag ako. Kasi kung sila naging masaya sa soulmate nila, baka gano'n din kami.

Sabi ni Lola kaya raw malungkot si Mama dahil namatay ang soulmate niya. Gusto ko sana tanungin si Mama kung totoo 'yon o hindi. Kung tatay ko ba ang soulmate niya o ibang tao kaso hindi pa ako masyadong komportable magtanong sa kanya.

"Opo, 'nay. Ayos lang kami ni Mama rito." Sagot ko kay Lola.

Medyo malabo ang mukha nila sa screen habang magka-videocall kaming tatlo. Pero malinaw na gusto na nila ako uli makasama. Lalo na ngayong may sakit si Lolo at napapadalas na siya sa ospital.

"Lagi kang tatawag anak ha?" Bilin ni Lola. "Sige na, matulog na tayo at may pasok ka pa yata bukas."

Tipid akong ngumiti bago kumaway sa kanila. "Lola, linggo po bukas." Paalala ko sa kanya.

Madalas na rin si Lola nakakalimot ng araw ngayon kaya madalas kailangan ko siyang paalalahanan.

"Ah talaga ba? Pero mas maganda na rin maaga matulog. Sige na, matulog na tayo." Paalam ni Lola bago in-end ang call.

Kung pwede lang sana na doon na rin ako sa probinsya mag-highschool para magkakasama pa rin kaming tatlo. Kaso hindi pwede kasi wala ng malapit na school at malayo pa ang byahe, natatakot din sila para sa akin kasi medyo may pagka-uto-uto pa naman ako. Madali akong maniwala sa mga tao.

Kaya kahit labag sa loob ko ay dito na ako kay Mama sumama para makapag-aral.

Every other Saturday may pasok si Mama sa opisina nila. Sa mga gano'ng araw nakakausap ko si Lola sa phone kahit mahina ang signal. Ang hirap kapag sanay kang laging may kausap tapos bigla kang laging naiiwan mag-isa.

Tulad ngayong araw, tahimik na naman sa bahay. Ang hirap mag-adjust mag-isa lalo na kapag nasanay kang may nag-aalaga at nag-aasikaso sa 'yo. Parang nabaligtad pa nga ang sitwasyon kasi ako na ang nag-aasikaso kay Mama sa trabaho. Dahil parati siyang wala, ako na sa gawaing bahay. Tapos madalas pa kaming nag-o-order na lang ng pagkain kaya lalo kong na-mi-miss ang luto ni Lola.

"Hays." Buntong-hininga ko. Napapindot na lang ako uli sa cellphone at naghintay kung sinong mag-chachat sa akin habang nag-s-scroll sa newsfeed ko. Pero ilang minuto na akong scroll ng scroll wala pa ring nagtangkang makipagusap.

Lahat ng kaibigan ko busy. Tapos ang lalayo pa namin sa isa't isa kaya kahit gusto ko silang puntahan, hindi pwede.

Kung pwede lang makita na ang soulmate ko.

Matutulog na lang talaga ako.

---

"Eli, may notes ka ba?" Tanong sa 'kin ng classmate ko. Hindi ko tanda ang pangalan niya kasi mahirap bigkasin, pati epilyido niya hindi ko ma-pronounce kaya kinalimutan ko na lang. Hindi rin naman kasi kami close. May mga kaibigan naman na siya kaya alam kong 'di na niya kailangan pa ng ibang kaibigan.

"Meron kaso may bayad." Biro ko sa kanya. "Five pesos per sentence lang."

Mahina siyang napatawa. "Nako, hikahos kami ngayon mare, kaya maawa ka na sa 'kin." Pakiusap niya pa.

Matalas kong tinignan ang ballpen niyang mas mahal pa sa notebook ko. May hikahos ba sa pera na mahal ang ballpen? Iyong notebook niya nga amoy aircon ng mall tapos may cover pa. Sabagay, siguro kaya wala siyang notes kasi tinitipid niya 'yung pang-sosyal niyang notebook at ballpen.

Kaya inabot ko na lang 'yung notebook ko sa kanya. "Ibalik mo 'yan ah."

"Oo, babalik ko agad!" Ngiting-ngiti siya nang abutin ang notebook ko.

"Wyzwyg ano na naman 'yan?" Tawag ng teacher namin sa kaklase kong inabutan ko ng notebook.

Parang bubuyog naman 'yung pangalan niya. Kaya pala kinalimutan ko na lang.

Nilingon naman niya ang teacher namin. "Ma'am nanghihiram lang po ng notes ni Eli." Paliwanag niya bago binalik sa 'kin ang tingin na parang sinasabing, 'Sabihin mo totoo 'yon.'

"No'ng nakaraang quarter iba ang pinagsulat mo, ngayon naman nanghihiram ka pa rin ng notes ng kaklase mo. Hindi ba sabi ko sa 'yo magsulat ka kapag lesson natin? Puro ka kasi titig kay Ms. Montenegro ayan tuloy."

Nanlaki ang mata ni Bizbiz bago nilingon si Ma'am. "Ma'am imbento ka!" Akusa niya sa teacher namin.

Imbento talaga si Ma'am, paano naman ako tititigan ni Bizbiz ang layo kaya ng upuan niya sa 'kin, mga three seats away. Baka naputol na 'yung leeg niya kung ako pa tititigan niya, pwede naman si Ericson na lang, ganda rin naman mukha no'n, makinis pa.

Sumipol naman ang iba naming mga kaklase at nag-ayiee. Namumula tuloy ang pisngi niya nang bumalik sa sariling upuan. Tapos mukhang kinakantyawan pa siya ng mga seatmates niya kaya lalo siyang namula.

Kawawang Bizbiz, mukha siyang lalagnatin.

"Sa susunod Ms. Montenegro huwag mo na 'yan pahiramin ng notes, pumaparaan lang 'yan." Bilin naman sa 'kin ni Ma'am.

"Ma'am hindi po!" Reklamo pa ni Bizbiz.

Napatawa na lang kaming lahat.

Normal naman na laging nanunukso si Ma'am ng mga estudyante, buti na lang hindi niya ako pinagtitripan. Madalas 'yung mga maiingay at makukulit ang tinutukso niya para hindi na maging makulit. Benta sa kanya si Bizbiz pero ngayon lang siya nahuling nanghihiram sa akin ng notes.

"Ma'am may nagseselos po rito!"

Tumaas ang kilay ni Ma'am at nilingon ang kaklase kong si Efren na nakaupo sa bandang unahan. Dito kami sa gitnang row nakaupo ni Bizbiz kaya kailangan pang bumalik ni Ma'am sa unahan para magtanong kay Efren.

"Aba sinong nagseselos?" Tanong ni Ma'am kay Efren.

"Si Kyle 'yan Ma'am, may crush kay Elise e!" Si Jeffry naman 'yon na katabi ni Efren.

Silang tatlo nila Kyle ang magkakatabi sa unahan kasi sila ang pinakamakulit sa klase.

"Ay nako, crush ka d'yan?" Natatawang tanong ni Ma'am. "May mga gatas pa kayo sa labi."

"Ma'am, graduating na kame!" Iyong katabi ni Bizbiz ang nag-komento.

"Ay wala akong pakialam, mga sanggol pa kayo sa paningin ko."

Natawa na lang kaming lahat uli. Panay ang reklamo ni Kyle at Bizbiz kay Ma'am kaya natapos ang lecture na wala kaming na-discuss bukod sa pagbibinata nilang dalawa. Nagkaroon tuloy kami ng assignment.

"Pero ayiie, si Elise dala-dalawa ang nagkaka-crush." Tukso naman ni Ella na katabi ko, siniko niya pa ako sa braso.

"Joke lang 'yon ni Ma'am, paniwalain ka rin e." Sagot ko sa kanya. "Sumbong kita kay Efren e." Tukso ko sa kanya pabalik. Natigil naman siya agad sa panunukso.

---

Tuwing lunch break, lagi akong tumatambay sa puno ng acacia na nasa likod ng gym. Lagi akong patakbo papunta ro'n para hindi ako maunahan ng magjojowa na gusto magharutan doon. Kaso ngayong araw parang may nauna na yata sa akin doon.

"Elise? Dito ka rin kakain?" Tanong sa 'kin ni Kyle, wala naman siyang ibang kasama pero parang ayaw ko na siya agawan ng pwesto. Sa classroom na lang ako kakain.

"Dito ka na kumain! Kasama natin si Sir." Turo niya pa sa PE Teacher namin na nakasandal sa katawan ng puno kaya hindi ko agad nakita. Nilingon ako ni Sir habang nakataas ang tupperware niya. "Kain!" Aya niya pa.

Grabe sa lahat naman ng teacher na pwede niyang kasabay 'yung takaw pa sa issue talaga?

Bago lang kasi si Sir na teacher tapos may mga estudyante at co-teachers na na-l-link parati sa kanya dahil nga kasama siya sa samahan ng mga magagandang nilalang dito sa school. Dapat sa kanila hindi na lang napasok sa school, dapat nag-artista na lang sila para lalong nasikat kapag may issue.

Umiling ako. "Balik na lang po ako sa classroom." Paalam ko sa kanila.

Hirap naman kung makiki-agaw pa 'ko sa pwesto nila. Mukha pa naman akong 'di nakakakain ng sampung taon kapag nakain.

"Lapit na matapos break time. Si Sir naman next class natin e, kaya dito ka na mag-lunch." Kumbinsi pa ni Kyle. "May pineapple juice oh!" Tinaas niya pa ang dalang pitsel.

Napatingin ako sa suot kong relo. 20 minutes na lang tapos na ang lunch break. Aabutin pa ako ng 5 minutes bago makagapang paakyat sa third floor kung nasaan 'yung classroom namin.

Pumayag na akong sumabay sa kanilang dalawa kahit medyo awkward. Nangibabaw ang gutom ko kaya bahala na silang dalawa d'yan. Mas maganda nga kung iwan na nila ako pagkatapos nilang kumain.

Magtatanong pa sana ako bakit sila magkasabay pero buti na lang likas na madaldal si Kyle kaya hindi na ako nag-effort.

"Kapitbahay kasi namin 'yan si Sir, lagi ko kaya siya dinadalhan ng ulam." Kwento ni Kyle. "Kaya lakas ko d'yan e!"

Napalingon naman ako kay Sir. "Ibagsak kita d'yan e." Natatawang sabi niya kay Kyle.

"Luh! Walang bumabagsak sa PE 'no!"

"Ikaw palang."

"Susumbong kita kay Nanay!"

Mahina akong natawa sa kanilang dalawa. Ubos na 'yung pagkain ni Kyle tapos si Sir paubos palang, hindi na ako nakikisali para maubos ko agad ang pagkain ko at makaalis na kami kaagad bago tumunog ang bell.

"May ulam pa rito oh." Ani Kyle bago nilagay sa baunan ko 'yung fried chicken nugget na nasa baunan niya. "Walang laway 'yan."

"Gusto mo ng ketchup?" Tanong niya pa sa 'kin bago lumingon kay Sir. "Ser, may ketchup pa ba d'yan?"

Tumuro naman si Sir sa dala niyang bag. "Huwag mo laklakin ah?"

Muntik na akong humagalpak ng tawa nung nakita kong bote 'yung lagayan ng ketchup, akala ko sachet lang 'yung dala ni Sir.

"Bakit po bote?" Tanong ko kay Sir habang nagpipigil ng tawa.

"Ah." Naiiling na panimula niya bago tumawa. "Wala na raw kasing nasa pack kaya 'yung bote na lang binili ko."

Pagkatapos namin mag-lunch, magkasabay kami ni Kyle na pumasok sa classroom. Kaya marami na naman nanukso sa 'min. Si Kyle ang asar-talo kaya siya ang laging nagrereklamo. Hindi ko na lang sila pinansin, hindi rin naman sila titigil at saka basta hindi ko katabi 'yung nanunukso okay lang.

Pumasok na si Sir sa classroom at parang kiniliti na naman sa singit ang mga nasa likod.

"Tahimik na mga bata." Saway ni Sir.

"Sir! Hindi na po ako bata!" Hiyaw ni Julian.

"Nako tigilan mo ako, Juliano ha? Isumbong kita sa tatay mo."

Napatawa ang lahat. Hindi naman na sumagot si Julian kaya nagsimula na ang lesson namin.

"Bukas pa siguro tayo magkakaroon ng activity 'no?" Tanong ni Ella sa 'kin.

"Siguro?" Hindi siguradong sagot ko. "Bakit may gusto kang partneran?" Tanong ko sa kanya.

Mahina naman niya akong sinampal sa braso. "Gaga hindi! May gusto lang akong makausap."

Hindi sana ako magtatanong kung hindi ako chismosa, kaso wala namang masyadong drama sa buhay ko ngayon kaya makiki-chismis na lang ako sa kanya. "Sino naman?" Usisa ka.

"Huwag kang maingay ha?" Tinaas niya pa ang hintuturo niya at sumenyas.

Napatango naman ako.

Huminga siya ng malalim. "Si Juliano ang soulmate ko." Nililis niya ang long sleeve uniform niya sa kaliwang kamay at pinakita sa akin ang naka-ukit na pangalan ni Juliano.

Napatakip ako sa bibig para pigilan na mapalakas ang, "Ha?!"

Tumango-tango siya. Parang naiiyak pa nga. "Paano na 'to?" Tanong niya sa 'kin. "Mukhang hindi naman niya ako type?"Â