Chereads / Etched | Geomet Agape / Chapter 10 - 10 | Murderer

Chapter 10 - 10 | Murderer

And he killed the god of love.

Elise Montenegro

Ikinwento ni Kyle–Oliphius sa'kin ang lahat tungkol sa kanya, at kahit hindi pa rin buo ang tiwala ko sa kanya ay nakinig ako dahil wala naman akong ibang choice. Ano nga bang mas mahalaga 'di ba? Gumraduate o ang pakinggan ang talambuhay ng isang diyos.

"At dahil do'n kailangan kong bawiin ang sumpa niya pero alam ko talaga wala na 'yon, ang teorya ko ngayon, siguro..." Humalumbaba siya sa mesa namin.

Nasa kusina kami ngayon dahil kakatapos lang namin kumain. Dahil hamak na mortal lang ako at nagugutom din. Hindi ko nga lang alam bakit nakikikain na rin siya, siguro nakasanayan na niya o baka trip niya lang ako sabayan kaysa tumitig sa akin.

"...baka mortal na uli si Xerxes?" Tuloy niya bago tumingin sa akin na parang alam ko ang sagot sa tanong niya.

"Kung mortal na siya bakit hindi mo siya sinubukan saksakin?" Tanong ko. Kaya naman niya sigurong gamutin si Sir kasi diyos siya hindi ba? O marunong man lang mag first aid bago lumala ang sugat.

Kung diyos ako at hindi pa rin marunong mag first aid sa tinagal-tagal ko sa mundo, baka nagpakalunod na lang ako.

"Ayaw ko nga siyang mamatay okay? At saka soulmate mo si Xerxes 'no bakit ko siya sasaksakin?"

"Bakit wala ka bang super healing powers?" Tanong ko sa kanya uli.

Tinignan naman niya ako na para akong tinubuan ng pangalawang ulo. "Hindi ko 'yon trabaho. Ano bang tingin mo sa amin?" Inis na tanong niya.

"Kaya niyong gawin kahit ano dahil diyos kayo." Simpleng sagot ko.

Umiling siya at napabuntong-hininga na parang pagod na siyang magkwento.

"Akala mo rin siguro hindi kami namamatay ano?"

Tumango ako sa kanya.

"Tama. Pero kaya naming patayin ang isa't isa."

Ako naman ang naguguluhang tumingin sa kanya. "Namamatay kayo?"

Tumango siya bago nagpaliwanag. "Basta diyos din ang papatay sa'min, pwede kaming mamatay."

"Saan kayo napupunta?" Tanong ko uli.

Kung kaming mortal pwedeng mabuhay uli bilang mortal uli. Anong nangyayari sa kanilang mga patay na diyos? Nagiging diyos ba sila uli? Nagiging damo?

"Naglalaho lang kami. Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko nawawala kami."

Walang nagsalita uli sa amin ng ilang minuto.

Gusto ko pa sana sa kanya magtanong pero ayaw ko namang paniwalaan ang sagot niya. Pero kung hindi siya ang tatanungin ko sino naman? Si Sir? Paano ko naman siya matatanong nang hindi nakadikit sa'kin si Kyle–Oliphius?

"Itanong mo lang, Elise." Aniya na parang nabasa niya ang nasa isip ko ngayon.

"Nagsasabi ka ba ng totoo sa'kin?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya.

Tumitig naman siya sa akin.

"Hindi ako magsisinungaling sa'yo."

Pero bakit pakiramdam ko may hindi pa siya sinasabi?

"Paano ko malalaman na nagsasabi ka sa'kin ng totoo?"

Hindi ko alam kung maiinis ako sa pag-ngiti niya o maiinsulto. "Bakit nakangiti ka?"

"Seryoso ka bang gusto mong malaman na nagsasabi ako ng totoo?" Makulit pa rin ang ngiti niya habang nakatingin sa'kin.

"Malamang." Seryosong sagot ko. "Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang na ikaw si Oliphius at prank lang lahat ng 'to."

"Fair enough."

"So paano?"

Ngumuso siya bago tumuro sa labi niya. "Kiss mo 'ko sa lips."

Napangiwi ako.

Sumimangot naman siya. "Totoo 'yon. Promise!" Tumaas pa ang kamay niya. "Promise, Elise. Mamatay man ako ngayon."

"Wala bang ibang paraan?"

"Meron naman, pero masakit. Kailangan mong inumin 'yung dugo ko."

Nangilabot naman ako sa narinig.

Mukhang okay lang 'yung kiss. Pero anong type of kiss?

"Kiss na niya 'ko." Tukso niya sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kung may tiwala lang talaga ako sa kanya hindi ko siya hahalikan.

Hinawakan ko ang makabilang pisngi niya. "Pikit ka." Utos ko.

Pumikit naman siya. Mabilis ko namang idinampi ang labi ko sa kanya bago lumayo kaagad.

"Okay tapos na."

Nasa pisngi pa rin niya ang kamay ko nang idilat niya ang mata niya. Parang disappointed pa siyang tumingin sa'kin. "Marz hindi gano'ng kiss."

"Alam mo huwag na lang ka–" Natigil ako nang siya naman ang maglapat ng labi niya sa'kin.

Nanlalaki pa ang mata kong tumingin sa kanya bago mahinang sinampal siya sa pisngi. Pero hindi pa rin siya lumayo sa'kin.

Sinong mag aakalang ang first kiss ko ay ang diyos ng tadhana?

Hindi ko na kayang makita si Kyle–Oliphius kaya pinalayas ko na siya ng bahay pagkatapos niya akong halikan. Siguro sa kanya parang normal na lang 'yon, siguro parang bumili lang siya ng candy sa tindahan.

Pero para sa'kin, first kiss 'yon na dapat para sa soulmate ko. Ang tagal kong naghintay tapos siya lang din pala kukuha? Pwede bang magpa-refund? Siguro pwede ko siyang pagbayarin sa ginawa niya? Pero kasalanan ko rin naman kung bakit niya 'yon ginawa.

Siguro dapat ininom ko na lang ang dugo niya baka nagkaroon pa ako ng powers.

Tama! Sana 'yon na lang!

Kyle Kendipot

| Bukas pag nagkita na tayo malalaman mo na hindi ako nagsisinungaling.

| May update na pala ako kay Sir

| Okay na siya

| Pero sa tingin ko hindi muna kayo pwedeng magkitang dalawa.

Hindi naman ako nag-reply sa kanya.

Siguro kapag naitulog ko na 'to makakalimutan ko na 'yung nangyari. Or pwede kong itanong sa kanya kung kaya niyang burahin 'yung alala ko?

Me

| Kaya mo bang mag memory wipe?

Kyle Kendipot

| Kaya ko

Napangiti naman ako. Buti na lang!

Kyle Kendipot

| Pero hindi lang kiss ang kailangan do'n

| habang buhay ko ng hawak ang buhay mo

| Gusto mo pa bang hindi maalala?

Hindi na lang ako nag-reply.

Mukhang mas malala pa 'yon kaysa sa mahalikan niya. At saka bakit ko pa nga ba iniisip 'yon? Ang mahalaga ngayon ay kailangan ko na gumraduate at kailangan ko na makita uli sila Lola. Kung hindi ko na pwedeng makita si Sir at mamamatay siya, edi 'wag. Mas naiinis ako sa idea na baka mas lumala ang sitwasyon niya kapag nakialam ako kaysa sa idea na magkalayo kaming dalawa.

Hindi naman siguro ako mamamatay? Pwede pa rin naman siguro kaming mag-usap online? Or baka pati 'yon hindi pwede?

Wala naman akong kahit anong attachment sa kanya at mas makakabuti sa kanya 'yon. Ayaw ko ring masaktan dahil lang bitter si Oliphius. Kung ayaw niya kaming magkasama, edi 'wag.

Sawang-sawa na ako sa soulmate-soulmate na 'yan.

Gusto ko na lang umuwi sa'min at makasama si Lolo. Atleast do'n wala na akong iisipin. Mas gugustuhin ko pang sila ang iniisip kaysa sa ibang tao. Siguro tama nga sila, wala talagang kwenta ang ginawang soulmate mark ni Oliphius. Hindi naman nakasalalay do'n ang future namin, 'di naman kami mamamatay kung wala na ang soulmate namin.