Chereads / Etched | Geomet Agape / Chapter 3 - 3 | Xerxes

Chapter 3 - 3 | Xerxes

The person you didn't expect to enter your life.

Elise Montenegro

Hindi ako pumasok sa school para magluksa.

Sinamahan ako ni Mama sa bahay at nagkwento siya tungkol sa soulmate niya. Hindi niya sinabi kung platonic o romantic, pero parehong malabo ang pangalan sa pulsuhan niya.

Wala ro'n ang pangalan ng tatay ko.

"Hindi mo siya soulmate?" Tanong ko kay Mama.

Tumango siya bago napakurap-kurap na parang pinipigilang tumulo ang luha sa mata niya. "Natatakot kasi akong mag-isa."

Hindi ko na napigilan mapa-iyak sa narinig. Kaya pala parang ang layo-layo ng loob niya sa akin kahit nung una pa lang. Kaya pala ayaw nila Lola magkwento tungkol kay Mama kahit anong kulit ko sa kanila.

Nang medyo tumahan na kaming dalawa, mahigpit niya akong niyakap.

Iyon ang unang beses na niyakap niya ako ngayong malaki na ako. Lagi kasi kaming hindi magkasama tapos kahit magkasama naman kami laging parang may invisible wall sa pagitan naming dalawa.

Ngayon lang siya lumapit sa akin.

Lalapit kaya siya kung hindi namatay ang soulmate ko?

"Sorry, anak." Alo niya sa akin. "Sorry." Ulit niya pa.

---

Kwento ni Mama, six years old siya nung una niyang makita ang soulmate niya. Hindi siya sigurado kung 'yun ang romantic soulmate niya, pero magkasama sila hanggang mag-highschool. Fourteen siya nung mamatay ang soulmate niya.

Matagal bago lumitaw 'yung pangalawang pangalan, matagal siyang naghintay. Pero tulad ng nauna, namatay din ang soulmate niya bago pa sila magkaroon ng pagkakataon na magkasama ng mas matagal. Hindi ko alam kung paano pero hindi na ako nagtanong pa.

Sa takot ni Mama na mawalan ng kasama, nakilala niya ang tatay ko. Hanggang doon lang ang kwento niya, hindi ko alam kung buhay pa siya dahil hindi rin alam ni Mama kung nasaan siya.

Kahit mabigat ang loob ko, pumasok pa rin ako sa school.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ella sa 'kin. "Parang ang lungkot mo ngayong araw."

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya na patay na ang soulmate ko o magluluksa muna ako hanggang graduation. At saka parang ang saya-saya nila ni Juliano ngayong araw, ayaw ko namang malungkot sila.

Okay na ako muna 'yung malungkot.

Pero tuwing naiisip ko na paano kung pareho kami ni Mama? Paano kung maghintay din ako ng matagal sa pangalawa tapos kuhanin din siya sa akin?

Naisip ko sila Lola at Lolo, gustuhin ko man sila makasama pa ng mas matagal, alam kong kakaunti na lang din ang oras na natitira sa kanila.

Magiging mag-isa lang din ba ako?

Sinumpa ba kami ni Oliphius kaya ganito? Bakit hindi ko man lang nakilala si Xerxes bago ak—"Aray!" Napaupo ako sa sahig dahil sa pwersang bumangga sa 'kin habang naglalakad.

Napatingala ako kung sinong nakabanggaan ko.

Si Sir PE pala.

Bakit hindi niya ako iniwasan?

"Sorry." Aniya bago inilahad ang kamay sa harap ko. Tinanggap ko naman agad 'yon para mahila niya ako patayo.

"Sorry din po."

Tumuloy na ako sa paglakad papuntang banyo, balak ko sana sa canteen pumunta para bumili ng pagkain kaso baka makita ako uli ni Sir tapos sumbong niya pa ako sa teacher namin ngayon. Paalam ko pa naman magbabanyo lang ako.

Brokenhearted na nga ako tapos mapapagalitan pa 'ko.

Wala na akong na-absorb na lesson kahit anong try kong makinig. Napansin din naman ni Ella 'yon, kahit nung ibalik na ni Bizbiz ang notebook ko wala pa rin akong maintindihan sa sinasabi niya. Gusto ko na lang umuwi at matulog.

Hanggang ngayon malamig pa rin ang pakiramdam ko. Para akong zombie.

"Ms. Montenegro?"

May tumapik sa braso ko. "Pwede ka nang umuwi."

Napakurap ako. Si Sir P.E. pala. "Ano po uli 'yon?" Tanong ko kay Sir.

Wala na pala ang mga kaklase ko sa classroom, nasa gym na sila para sa activity. Ako na lang at si Sir ang naiwan sa room.

Kanina pa pala akong wala sa huwisyo.

"Mukhang masama 'yung pakiramdam mo, kaya pwede ka na umuwi."

"Ah." Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong maiyak.

Siguro dahil sa tono ng boses ni Sir. O siguro dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para akong nalulunod sa dagat kahit nasa lupa lang naman ako. Tapos 'yung utak ko parang tinatangay ng hangin parati.

Brokenhearted ako sa taong hindi ko naman nakilala.

Nasasaktan ako sa taong hindi ko naman nakausap kahit minsan.

Hindi ba dapat hindi ganito ang pakiramdam? Malungkot ba akong namatay siya o nanghihinayang ako? Malungkot ba akong namatay siya o mas nalulungkot ako sa idea na baka balang araw, mag-isa lang din ako sa mundo.

Pero bakit ako?

Hindi ko na napansing tumutulo na pala ang luha ko habang nakatingin kay Sir. Dapat mahihiya ako sa kanya tapos tatakbo palabas pero mas nangibabaw 'yung lungkot.

"Anong masakit sa 'yo?" Tanong niya sa 'kin.

Napailing na lang ako. "Uuwi na po ako, sobrang sama po talaga ng pakiramdam ko."

"Ayos lang ba sa 'yong mag-isa ka?"

"O-opo."

Nilagay ko na lahat ng notebook ko sa loob ng bag bago isinukbit 'yon at tumayo. "Uwi na po ako." Paalam ko kay Sir.

"Hatid na kita hanggang gate baka mahilo ka sa hagdan."

Hindi na ako sumagot pa at tumuloy na lang palabas ng classroom. Nakasunod naman sa 'kin si Sir P.E. hanggang sa makarating kami sa may gate.

Kasama ko rin siyang naghintay ng tricycle kahit sabi ko pumunta na siyang gym.

Pagkarating ng trike ay sumakay na ako. "Salamat po Sir—"

Napababa ang tingin ko sa suot niyang name tag, 'Xerxes Zaragosa.'

Bago ko pa mabigkas ang pangalan niya ay umalis na ang trike.

Posibleng magkapangalan lang sila hindi ba?