Chapter 3 - Elites

'B-bakit? Anong ginagawa nila rito?'

"Couldn't believe you still have guts to come here," sabi ni Clent. Clent Fusteir ang pang apat na rank.

Hindi ako umimik. Mahigpit kong hinawakan ang bagpack ko. Ayaw ko na maalala ang nangyari noon. Sila ang pinaka-iniiwasan ko ngayon pero bakit nakulong ako sa elevator na kasama sila? Yes, para akong kinukulong kapag nasa paligid sila.

Napa-aray ako bigla nang may tumama sa ulo ko. Isang bola ng volleyball. Nakita ko si Mia, nakangisi sa'kin.

Mia Salvador. Hindi siya kasali sa rank 5 pero part siya ng Elites dahil isa ang pamilya niya na may malaking shares sa paaralang ito. Gusto ko umiyak sa sobrang sakit kaso pinipigilan ko lang. Nag-blur ang aking paningin dahil sa luha na pilit lumabas. Ang tagal naman ng elevator.

"Like huhuhu! Duh crybaby! What are you doing here anyway?," natatawang sabi ni Justine Mae Fusteir. Hinawakan niya ang mukha ko, sa magkabilang pisngi at pilit na pinapaharap sa kanya. Siya ang kapatid ni Clent at tulad ni Mia hindi rin kasali sa rank 5. May malaking shares rin sila rito sa ECU kaya kasali siya sa Elites, bukod sa siya ang queen bee rito at kasali ng cheering squad.

Tumunog ang elevator at nagpapasalamat ako roon.

Dali-dali akong lumabas nang makitang 7th floor na ito. Pinahid ko naman ang kunting luha na tumulo. Di pa nakisabay lumabas talaga!

"And where d'you think you're going?" Wala pang isang segundo, napatigil ako nang nagsalita ang Rank 1 na kahit anong gawin ko noon, hindi ko pa rin nalalamangan. Stuck to rank 2 lang ako. Pero iyon ang pinagsisihan ko, ang subukan na kalabanin siya sa ranking.

Jax Blaine Wilder. Ang may ari ng university na ito. Ang leader ng Elites at ang hari ng paaralang ito. Siya rin ang head ng student council dito. Hindi ko alam kung anong problema niya sa 'kin. Parang may galit siya na hindi ko alam. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang maging rank 2 at maging mahirap.

Agad akong yumuko nang lumapit siya, I mean sila sa akin.

"Jax, we're not here for this. We may not be able to see him," kalmadong sabi ni Reid Smith. Ang rank 5. Kasama siya sa Elites kasi bukod sa sila ang may-ari ng mga nagbebenta ng mga mamahaling kotse ay siya ang leader ng Elites Basketball Team. Nagsisilbing coach din.

'See him? Sinong him?'

Narinig ko ang tunog ng bubble gum na pumutok. Nakita kong dali-daling kinain iyon ni Kei Tamaki na nakaakbay kay Reid. Isa siyang sikat na model dito sa Pilipinas pati na rin sa Japan. Isa rin siyang varsity rito, isang swimmer. At wala pang nakakatalo na ibang school kapag siya ang representative namin. Gustohin ko ma'ng humanga sa kanya pero 'di ko magawa. Takot ang nararamdaman ko kapag marinig ang pangalan niya, nila.

"Akala ko naging mabait kana, Kei?" natatawang sabi ni Elayah nang binato sa'kin ni Kei ang kanyang kinain na bubble gum kanina. Nag-apir pa sila. Kagat labi ko namang tinanggal ito at nagmamadaling umalis kaso hinawakan ni Elayah ang braso ko nang mahigpit.

Elayah Mcgraw, half american kaya napakaganda niya. Siya ang leader ng cheering squad. Siya ang rank 3.

"You haven't had enough after that? Do you still want to piss me for still showing up here?" Sabi ni Jax na nakakatakot ang boses. Ganyan na talaga ang boses niya, maraming takot sa kanya hindi lang sa boses na iyan. Isa ako sa takot nito at ang boses niya ang pinaka-ayaw kong marinig sa lahat. Parang boses ng satanas!

Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang sasabihin. Kung pwede lang na mag-dropout ako rito ay ginawa ko na, kaso nakakahiya naman sa nag-sponsor sa akin at kay lolo. Bahala na! Ayaw kong biguin sila. Ayaw kong umalis dito kaya hangga't maaari ay kakayanin ko! Pero hanggang kailan ko kayang tiisin?

Ang pangarap namin ni Kuya...

"Jax, we're in a hurry! Do this later!" pangunumbinsi ni Reid at 'di man lang ako  tinapunan ng tingin. Ganito na siya noon pa. Walang paki sa kung anong pinaggagawa ng mga kasama niya. Hindi man niya ako pinagbuhatan ng kamay pero ilang beses na niya akong sinabihan na umalis dito para walang gulo. At hindi ko alam kung bakit.

Dahil lang sa mahirap ako?

"I don't want to see your face so always run when you see me!" galit na sabi ni Jax sa 'kin at umalis na sila.

Mabuti na lang at iyon lang ang ginawa nila. Nagpapasalamat ako roon. Importante siguro 'yong 'him' na tinutukoy ni Reid kaya hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Pero bakit? Bakit sila nandito?

Pupuntahan ko na sana ang room 732a pero napatigil ako nang may nakita akong lalaki na wagas na makatitig sa akin, nakasandal sa fence na naka-crossed arms. Nanindig ang balahibo ko nang biglang kumunot ang kanyang noo at sinamaan ako ng tingin. Mabilis siyang tumalikod tsaka pumatong sa fence at tsaka tumalon.

Unti-unting lumaki ang aking mata nang ma-realize ko kung ano'ng nakita ko. Wala sa sariling napatakbo ako papunta sa fence at tiningnan ang ibaba pero walang tao.

Anong nangyayari rito? Sino yun? Paano...

Paano niya natalon ang 7th floor? Anong...

...

"Lav? Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Kim.

Siya si Kimberly Heir, ang tanging kaibigan ko rito sa campus. Nandito kami ngayon sa greenhouse, nag-text kasi ako sa kanya kasi vacant ko na ngayon.

Napabuntong-hininga ako sa tanong niya.

Nilibot ko ang tingin sa loob nitong greenhouse. May dalawang set ng mesa at mahabang upuan na gawa sa kahoy. Naka-arrange rin nang mabuti ang mga halaman sa gilid. Malaki kasi itong greenhouse.

"Hey!"

"Ah! Oo okay lang," mahina ko'ng sagot sa kanya.

Marami akong inaalala ngayon, isa na 'yong lalaking tumalon sa 7th floor kanina. Kung guni-guni ko ba iyon o totoo. At kung taga-rito ba siya sa paaralang ito. Wala kasi kaming uniform kaya hindi ko alam kung estudyante ba siya rito.

"Really?" Napatingin ako kay Kim na bigla na lang naging sarcastic 'yong tono ng boses niya.

"So? How are you? What happened with you and the Elites this morning? May ginawa na naman ba sila sa 'yo?"

Ang bilis talaga ng balita, alam na niya kaagad na nakasalubong ko ang Elites.

Buntong-hininga lang ang sinagot ko sa kanya. Ayaw ko nang pag-usapan pa iyon. Paulit-ulit na lang kasi. Tsaka kakasimula pa lang ng klase, baka madamay na naman siya sa stress na nararamdaman ko.

"Ano ka ba? Gusto mo bang palagi ka na lang nilang inaapi? Gusto mo bang pagtatawanan palagi? Tatawaging loser? Nerd? Boplaks? Kasi kung ako ang nasa side mo, hindi! 'Cause as what as I remembered, I am born to be treated as a human not as an animal or a trash or something sh*t!" naiinis na niyang sabi.

Naiiyak na naman ako. Hindi dahil sa naalala ko ang nangyari noon kundi dahil sa alam kong meron pang naawa sa akin at nagtrato nang ganito like tinuring talaga na isang tao.

"Ang drama mo talaga, ayan tuloy naiiyak na ako."

"Tsk! Ang sarap mong iuntog sa pader. Nakakainis na 'yang palaging ganyan mo! Kailan ka ba matutong lumaban? O di kaya'y kahit depensahan man lang ang sarili mo? Ewan ko sayo!" ginugulo pa talaga ang buhok niya tsaka nag-cross arms ulit pagkatapos akong irapan.

Mahirap naman kasi gawin iyon, lalong-lalo na't alam kong wala talaga akong laban sa kanila. Mayaman sila kumpara sa akin. Mas makapangyarihan sila kumpara sa akin. Wala nga ako sa pwesto para pagkumparahin ang isang 'tulad ko sa kanila.

Pasalamat na lang ako na nandiyan si Kim para sa akin at laging nagpapagaan ng loob ko. 

"Huwag ka ngang ganyan, naiiyak ako eh. Alam mo, kung 'di dahil sa nangyari noon, hindi tayo nagkakilala at hindi tayo naging magkaibigan. Sabihin na lang nating let's look on the brighter side. The positive side. Oh diba hahaha ang drama."

Umiwas naman siya ng tingin. "Ewan ko sa 'yong lampa ka!" pagsusungit niya na naman. Bumuntong-hininga naman siya at may hinagis sa 'kin na kung ano. Pagtingin ko, isang Vcut.

"Wow thank you Kimmmm! Sa 'kin na 'to ha? Walang bawian," sabi ko at niyakap agad 'yong chichirya na Vcut, 'yong pinakamalaki talaga. Siya na talaga mayaman na mabait.

"Alam ko namang favorite mo yan. And here, you're fave drink!" Inabot niya sa akin ang paborito ko ring C2. Natawa naman ako sa laki nito. 'Yong pinakamalaki pa talaga binili niya. Ito pala laman ng dala niyang plastic.

Ilang minuto pa kaming nag-uusap doon habang  ina-arrange ko ang gamit ko. Minsan busy din siya sa cellphone niya. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magpalipas ng oras hanggang sa magpaalam siya.

"Sige una na 'ko sa'yo, may klase pa ako. Ingatan mo 'yang sarili mo at 'wag na 'wag kang magpapakita sa mga Elites," sabi niya at umalis na. Nag-smile naman ako sa kanya at noong nakaalis na siya ay unti-unting naglaho ang ngiti ko.

'Mabuti nalang at nandiyan si Kim.'

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang may isang oras at kalahati pa bago ang next class ko. Napag-isipan kong dito muna ako dahil walang disturbo.

Ako lang naman mag-isa rito. Matiwasay at nakakapag-isip ako sa lugar na ito. Nagustuhan ko na itong lugar na ito noon pa kasi walang pumupunta rito. Walang bully. Walang Elites.

Binuksan ko 'yung C2. Mamayang lunch na lang ang Vcut kasi hindi ko nadala ang lunch ko. Ang mahal kaya ng mga pagkain dito.

Habang umiinom, may biglang umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at hindi sinadyang nanlaki ang aking mata at maibuga sa harapan ko ang C2.

'K-kailan napunta ang lalaking 'to rito? Ba't hindi ko naramdaman.'

...