Once Upon A Time..In My Heart [TAGALOG]

🇵🇭KishJaneCy261928
  • 7
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1

"Anna! Ano ba 'di ka pa ba gigising dyan?" Isang malamig na tubig ang nagpa gising kay Anna. Binuhusan pala siya ng ina ng tubig sa pagmumukha.

"Marami pang labahin don, oh! Kumilos ka naman hindi yong puro higa ka lang. Palamunin ka na nga lang dito tapos ganyan pa gagawin mo!" Matapos mag buyawyaw ng ina ay lumabas na ito.

Bumangon si Anna kahit masakit ang kanyang katawan at mukhang lalagnatin pa siya. Labandera kasi ang kanyang ina kaya maraming labahin ang naka tambak ngayon. Mukhang siya lang din ang maglalaba nong lahat. Simula kasi mawala ang kanyang ama ay sinisisi siya ng kanyang ina kong bakit nawala ang kanyang ama.

Nabaril ang kanyang ama dahil malaking tao ang binangga nila. Anak kasi ng gobernador sa kanilang probinsya ang nang bastos kay Anna at sinugod iyon ng ama ni Anna. Pero dahil sa wala naman silang laban sa pamilya na yon ay wala rin silang nagawa. Agaw buhay na sinugod ang ama ni Anna sa hospital at tuluyan itong binawian ng buhay kinabukasan. Nalubog din sila sa utang dahil sa bayarin sa hospital at tanging paglalabada lamang ang hanap buhay ng ina. Sinisisi siya ng ina nya dahil kong 'di lamang siya nagpa gabi ng uwi nang gabing yon ay 'di siya matitipuhan ng anak ng gobernador. Edi sana raw ay buhay pa ang ama nya.

College na sana si Anna pero dahil sa hirap ng buhay ay tumigil siya. Lalo na ngayong wala na ang kanyang ama na tanging inaasahan nila.

Umupo na siya sa harap ng malaking palanggana at sinimulan kumusot ng mga labahin.

Dumating ang ina na may dalang pang ulam.

"Pagkatapos mo dyan maglaba maghugas ka ng pinggan. Sinabi ko naman sayo agahan mo gumising hindi feeling señorita ka dyan!"

Minsan na iisip nya ay baka ampon siya dahil sa biglaang pagbago ng trato sa kanya ng ina nya. Pero naiisip nya rin ay marahil kasalanan nya talagang lahat. Kahit kasi siya sinisisi nya rin ang sarili nya sa lahat ng mga nangyare.

Habang naglalaba siya ay tumulo ang kanyang luha. Gusto nyang ibalik yong mga araw na buhay pa ang kanyang ama. Pero kahit anong gawin nya ay hindi na ito maibabalik pa. Gusto nya na rin bumalik yong ina na kinagisnan nya hindi 'yong ganitong trato na parang 'di siya anak.

"Merlina!" may kumakatok sa kanilang bahay kaya agad na tumayo si Anna at binuksan ang pinto.

"Ay, ikaw pala Anna? San si mama mo? Naku, ang tagal na kasi nang utang nya umabot na ng apat na libo baka naman pwede mag bayad na siya. Kailangan ko kasi kong 'di ko sana kailangan ay 'di ako maniningil."

Kakarampot lang din kasi ang kinikita nila sa paglalabada. Tama lang sa kakainin nila pang araw-araw at kong minsan nga ay kinakapos pa sila. Hindi naman kasi araw-araw may nagpapalaba. Kinukuha lang kasi ng kanyang ina ang client sa pinapasukan din nitong resort sa kanilang lugar. Kusinera din kasi ang ina sa resort sa kanilang lugar pero minsan ay 'di naman ganon karami ang mga guest.

Hinanap nya ang ina sa kanilang bahay ay pero wala ito.

"Ate mukhang umalis po si mama," nahihiya nyang sabi kay Maricar. Si Maricar ay may-ari ng isa sa malaking tindahan sa kanilang lugar.

"Sabihan mo na lang siya, ah." tumango naman si Anna.

"Ma? Lumabas ka na dyan." Alam nya kasing nagtatago lamang ang ina nya. Wala naman kasi talaga silang ibabayad lalo na ganon kalaki ang babayaran. Saan sila kukuha ng ipapangbayad doon?

Lumabas naman ang ina na nagtatago, 'di nya nga lang alam kong saan ito tumago.

"Tapos mo na ba ang paglalaba? Para kapag natuyo yan magka pera na tayo. Limang daan din yan lahat bilisan mo na lang. Pupunta pa kasi ako ng resort maya-maya."

Nagluto naman ang ina nya ng noodles para sa kanilang agahan. Siya naman ay nag patuloy sa paglalaba. Inabot ng limang oras bago siya natapos maglaba puno na rin ng sugat ang kanyang mga daliri.

Alas dose na nang makakain siya ng agahan nya na dapat ay tanghalian nya na. Malamig na noodles na lamang din ang natira sa kanya. Ang kanyang ina naman ay wala kanina pa ito umalis at mukhang nasa resort na ito.

Pagkatapos nyang kumain ay sinampay nya na ang mga pinag labhan nya. Mabuti na lamang ay mainit ang panahon at mukhang matutuyo ang kanyang mga nilabhan.

Hindi nya na, na kaya pang hugasan ang mga pinggan dahil sobrang hahapdi ng mga sugat na nakuha nya sa paglalaba. Sumasama na rin ang pakiramdam nya kaya na higa na siya para mag pahinga. Sa sobrang pagod ay 'di nya namalayan na nakatulog siya.

"Anna!" Isang malakas na yogyog ang nagpa gising sa kanya. Pero 'di siya makabangon dahil ramdam nya ang bigat ng pakiramdam nya. Mukhang nilalagnat na nga siya.

"Nay, bakit po?" mahinang sagot nya rito dahil sa panghihina ng kanyang katawan.

"Sinabi ko naman 'di ba sa'yo hugasan mo ang mga pinggan? Ano ba naman yan nakauwi na lang ako wala mo pa nahugasan yan?! Ako pa hihintayin mo na maghugas nyan? Matuto ka naman kumilos ng kusa."

Gustuhin nya mang tumayo pero 'di kinakaya ng katawan nya sa sobrang bigat nito. Mukhang na halata din ng kanyang ina na masama ang pakiramdam nya. Pero sa halip na mag-alala ito ay mas lalo pa itong nagalit.

"Ano masama pakiramdam mo? Ang kapal naman ng mukha mong mag kasakit? Hirap na hirap na nga tayo tapos magkakasakit ka pa? Humanap ka ng pera pambili ng gamot mo wala akong maibibigay sa'yo! Hwag ka rin umasa na aalagaan kita, pagod rin ako." Padabog na lumabas ang ina sa kanyang kwarto.

Akala nya ay 'di siya matitiis ng kanyang ina pero 'di man lang siya nagawang i-check nito buong mag hapon. Narinig nya rin ang ina kanina na may kausap at mukhang nag bayad na ng labahin ang nag palaba sa kanila.

Pinilit ni Anna na bumangon para makakain man lang siya dahil gutom na gutom na siya. Pero nong binuklat nya ang kaldero ay wala man lamang sinaing at ulam. Bumalik na lamang siya sa kanyang higaan kahit gutom na gutom na siya.

Nagising siyang gabi na ang paligid. Hindi man lang siya inabala ng kanyang ina na gisingin o ayain man lang kumain. Binuksan nya ang ilaw pero di ito umiilaw. Mukhang pati kuryente ay wala na sila sa laki din ng bayarin nila rito.

"Ma?" wala man lang sumagot ito.

Hinanap nya ang gasera at posporo para lumiwanag ang paligid. Nagulat siya ng makita ang ina na nakahiga sa mahabang bangko nila na nasa kusina. Mukhang pagod na pagod rin ito kaya 'di rin magawang magalit ni Anna sa kanyang ina.

"Ma?"

"Hayy naku Gianna! Hwag mo akong artehan dyan ah, 'di kana bata para subuan ko pa."

Mabuti na lamang ay 'di ganon kasama ang pakiramdam nya kaya na kaya nya na tumayo. Tinignan nya ang kaldero at may sinaing na ito pero kakaunti lang ito. May nakatakip din na piniritong isda na nasa lamesa pero kalahati na lamang ito. May dalawang gamot din ng paracetamol na nakapatong sa lamesa.

"Isang kilong bigas lang ang nabili ko at isang takal lamang ang sinaing ko. Kailangan natin mag tipid dahil baka makalawa wala na tayong kainin. Wala na nga tayong kuryente baka pati sa sunod wala na rin tayong tubig. Magpa galing kana, nirecommend kita don sa resort para naman kahit pa paano may maitulong ka naman dito sa bahay."

Tahimik lamang na kumakain si Anna at 'di na sumagot pa sa kanyang ina. Wala rin naman kasi siyang mapapala rito kahit sumagot pa siya. Naiintindihan nya naman kasi ang ina kahit na tagos minsan sa puso nya ang mga sinasabi nito.