"Cheng Mansion at ang kababata"
Ang nakaraan...
Nakitulog ako sa mansion ng mga Cheng. At sobrang Ganda ng mansion. Yung mansion na makikita mo lang sa pelikula. Meron pa pala, nagkaroon ng konting confrontation scene kami ng nanay ni Charlie kagabi. Pero hindi ako dyan nanlumo ng Makita ko silang tatlo na naliligo sa pool. Tanging swimming trunks lang ang suot.
"Ang init kasi..." Pabebe ko sabay talikod sa kanilang tatlo.
Sa pagpapatuloy...
"Wait, Hindi kaba maliligo? And i am so sorry sa nangyari kagabi." Sabi ni Charlie.
Lumapit naman saamin sina Clint at Charles.
"Like what happen bro?" Tanong ni Clint.
"Oo nga anong nangyari kagabi?" Dagdag na tanong ni Charles saamin.
"No, it's okay I'm fine. You're mom is right. Anyway, nasaan ang Lolo nyo? Pwde ko ba syang makausap? Para Hindi na kayo maabala ko." Tanong ko sakanilang tatlo.
Nagkatinginan silang tatlo at unang nagsalita si Charles.
"Nasa Ospital pa din si Lolo. Hindi pa sya pinayagang lumabas ng doctor. But he's okay." Sagot ni Charles.
"Ah ganun ba. Sge pasok na ko sa Loob. Kelangan ko na ding umuwi saamin." Sabi ko at tuluyan ng nagpaalam sa tatlo.
Habang papunta ako sa kwarto ko nakasalubong ko ang nagpakilalang Nanay nina Clint at Charles. Binati Nila ako ng magandang umaga at humingi din ng paumanhin tungkol sa nangyaring pagsugod saakin kagabi.
"Ijo, ako nga pala si Celine. Ako ang mama ni Clint." Ngiting Sabi ng babae.
"Nice to meet you po miss Celine. " Sabi ko at gumanti naman ako ng ngiti sakanya. Sumunod naman ang nanay ni Charles.
"My name is Celestina Dominguez Cheng, and I am 20 years old." Wika nito na may British accent.
"20 talaga mare? Hindi 35?" Saway ni Miss Celine sakanya.
"Biro lang naman to naman. Anyway Ijo Celestine here, there! And ako ang pinaka sexy at magandang Nanay ni Charles." Pakilala nito pero nagpapatawa pa din ito.
"Nice to meet you po. I was thinking about your age Miss Celestina. Because you look mid 20's I thought, the both of you guys are mid 20's lang." Sabi ko sakanilang dalawa.
"See, Sabi ko sayo Celine effective yung pampabata natin. And look, bata to. Remember Hindi nag sisinungaling ang mga bata." Sabi ni Miss Celestina.
" Celestina! Narito Tayo para mag sorry sa ginawa ng halimaw." Mahinang sabi ni Miss Celine.
"Ay oo nga pala, Ijo pagpasensyahan mo na yung Isa naming mare. Pero hindi pala namin yun kumare. But we're so sorry about it. Narinig Kasi namin lahat. And Gusto na kita para sa Charles ko. Narinig namin yung pagsagot mo sa bruha. Bravo!" Sabi ni Miss Celestina at sabay silang pumalakpak.
Napangiti ako sakanilang reaction, Hindi dahil feeling maldita at feeling tough ako. Kundi sa mga pinagsasabi nila. Kung anong ikinabait ng mga Nanay nila. Nilukob ng kadiliman naman ang dalawang anak nila. Tuluyan na din akong nagpaalam sa dalawa.
Nang marating ko aking kwarto. Agad kung kinuha ang aking maliit na sling bag at nagpaalam na ulit kina Miss Celine at Celestina. Gumanti naman ito nagpakaway saakin habang papalabas ng gate ng mansion.
"Celine parang familiar sya saakin?" Sambit ni Celestina habang nakatingin Kay Dave na papaalis ng Mansion.
"Bakit? Have you met him somewhere?" Tanong ni Celine habang nakaharap sa kanyang laptop.
"Hindi ko lang alam kung saan. Pero parang nakita ko na yang Batang yan. Hidni ko lang matandaan. " Sabi ni Celestina.
Huminga ng malalim si Celine bago nag salita.
"Hindi effective yung pampabata natin Celeste, Kasi bumata nga yung mukha natin pero yung utak natin, mabilis nang makalimot. Teka nasaan na yung reading glasses ko. Teka hiniram mo yun kanina. Akin na!" Sabi ni Celine.
"Girl, Wag tanga! Nasa Ulo mo lang. Ginawa mong headband. Ay Hindi nga effective." Sabi ni Celestina.
Balik kay Dave, habang nag aantay ng taxi. May kotseng huminto sa kanyang harapan. At nang ibaba ng driver ang window ng sasakyan.
"Sakay na, ihahatid kita sainyo." Sabi ni Charles.
"Charles, Hindi na okay lang. Magtataxi nalang ako. Salamat. " Sabi ko sakanya.
"Bibihira lang ang dumadaang taxi dito. Sige na, sakay na. Wag Kang mag aalala. Hindi naman Kita aanuhin." Sabi ni Charles sabay kindat saakin.
"Sige salamat." Sabi ko.
"Mamaya kana magpasalamat kapag naihatid na Kita." Sabi nya saakin at bumaba ng sasakyan at binuksan nya ang pintuan ng koste katabi ng driver's seat.
Hindi sana ako uupo doon, Kasi nga medyo naiilang pa ako. Isa pa, Hindi natin alam galit pa din silang tatlo tungkol sa nangyari.
"Dyan kana umupo. Mas kampanti ako. Dyan ka uupo , baka bigla Kang tatalon kapag sa back seat ka." Ngiting Sabi ni Charles saakin at lumabas ang dalawang biloy sa kanyang magkabilang pisngi.
Wala na akong magawa kundi umupo katabi nya.
At habang nasa kalagitnaan kami ng byahe..
"Ayus ka lang? Bat ang tahimik mo?" Tanong nya saakin.
"Oo a-ayus lang ako." Matipid na sagot ko.
"Anyway, kamusta naman kayo ni Charlie? I've heard ginawan ka nyang kalokohan sa office." Sabi nya habang nakangiti pa din.
"Ah yun ba, hindi naman big deal saakin. Kasi ganun din ang mga studyante ko kapag pinaprank nila ako. Kaya sanay nako. Medyo nagulat lang. " Nahihiya kung sagot sakanya.
"Ah ganun ba? Ganun talaga yun maloko. Next week you will be assigned sa Hotel and Resort. Which is Dyan ako naka assigned. I'm so excited to work with you Teach." Wika nya.
"Teach ka dyan. Bakit studyante ba Kita?" Saway ko sakanya.
"Biro lang ano kaba. Ang cute mo Kasi pag iniinis yun Ang napansin ko." Sabi nya saakin.
"Talaga cute ako?" Tanong ko sakanya na kinikilig.
"Yes, you are. Walang halong eklat" Sabi nya sakin at kinindatan ako.
"Sandali nandito na Tayo. Ibaba mo nalang ako Dyan sa may eskinita." Sabi ko sa kanya.
"Sandali dito ka nakatira?" Tanong ni Charles saakin.
"Oo diba Sabi ko sainyo nasa squammy area ako nakatira. So impossible na magiging kabet o makikilala ko si Mr. Cheng." Sabi ko.
"It's not that, minsan na kaming nakatira dito ni mommy. Sandali, pagbubuksan Kita." Sabi ni Charles at mabilis itong lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.
Parang namangha si Charles ng makita nya ang mga dumadaang tao. At dikit-dikit na Bahay.
Napadaan naman si Aling Nene at agad kaming napansin ni Charles.
"Dave? Ikaw ba yan? Kamusta kana? Hindi na Kita nakikita dito? Daming chismis nakapag-asawa ka daw ng mayaman. Sya na bayun?" Sunod-sunod na tanong ni Aling Nene saakin.
"Hindi po, may bagong work lang. At ~ " Naputol ang sasabihin ko ng magpakilalang nobyo ko si Charles.
"Boyfriend nya po ako. " Ngiting Sabi ni Charles na agad kung inapakan ang kanyang sapatos.
"Araay! Ano ba!" Saway nya saakin.
"Sandali, Charles?" Sabi ni Aling Nene.
"Kilala nyo po sya Aling Nene?" Tanong ko sa matanda.
"Oo, Hindi mo ba sya naalala Dave?" Sagot ni Aling Nene.
"Po?" Tanging nasabi ni Charles.
"Sabagay, nasa edad limang taon o anim? Palagi kang iniiwan saakin nang nanay mo na si Celeste. At ako naman nasa edad dese otcho ako noong binabantayan ko kayong dalawa. Hindi nyo naalala Ang isat-isa?" Sabi ni Aling Nene.
"Si Biloy at Yakin nga ang tawagan nyo sa isat-isa noon. Ikaw Charles, Ikaw si Biloy at Ikaw naman Dave si Yakin, tawag ni Charles Sayo dahil iyakin ka." Bulalas ni Aling Nene.
"Tama naalala ko na. Ate Nene Ikaw nga yan." Sabi ni Charles at sabay yakap Kay Aling Nene.
"Aling Nene Hindi ko Po maalala. " Sabi ko.
"Hay nako! Kay bata mo pa! Mahina na Ang memorya mo. Ito may larawan ako sa wallet ko." Sabi ni Aling Nene at kinuha sa kanyang wallet ang isang larawan. At doon itinuro nya kaming dalawa ni Charles. Habang pinapaalala ni Aling Nene lahat, unti-unting nagbabalik ang aking mga alaala sa pagkabata.
"Biloy?" Sambit ko sabay tingin kay Charles.
"Yakin. Ikaw nga to! Alam ko kung saan ang Bahay mo." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay.
"Tara!" Ngiting Sabi ni Charles at hinatak ako papunta sa aming Bahay.
Nang nasa harapan na kami ng Bahay, itinuro nya kung saan nakatira si Aling Nene at kinumpirma naman ito ni Aling Nene.
"Ang Bahay namin ay nasa likud ng Bahay ni ate Nene. Nasa edad 9 or 8 years old nako nun, at Ikaw nasa 6 years old." Sabi nya.
"Tama..." Wika ni Aling Nene.
"Yakin, Ikaw nga. Kay tagal kitang hinanap dito. Hindi ko din maalala ang pangalan mo. Pero sinubukan kung hanapin ka dito kaso, Sabi ng nakatira Dyan sa Bahay ninyo Wala daw Arashi na nakatira. Kaya sinubukan ko ding puntahan si Ate Nene, kaso napaaway pa ako. " Paliwanag nya.
"Step mother ko yun, pero Wala na sya." Sabi ko.
"Matagal Kang nawala Charles.. ipagluluto ko kayo ng paborito nyo. " Ngiting Sabi ni Aling Nene.
"Biko" sabay naming Sabi dalawa.
Confirmed si Biloy at si Charles ay iisa...
Itutuloy...