Chereads / The Crown (M2M-Short Story -Tagalog) / Chapter 10 - EPISODE-TEN

Chapter 10 - EPISODE-TEN

"The Crown, Part 2"

Sa pagpapatuloy..

Nalaman na ni Dave kung bakit sya ang pinili napamanahan ni Mr. Cheng.

Ngayon ay maliwanag na sakanya Ang lahat.

Sa Party na idinaos para sa pagbabalik ni Mr. Cheng. Nakilala ni Dave ang mga taong malapit sa mga Cheng.

"Excuse me pwde ko bang hiramin ang Mahal ko." Ngiting Sabi ni Charlie at inabot nya ang kamay Kay Dave.

"Sure sure " ngiting sagot nang mga guest na kinakausap ni Dave.

"Uy nakakahiya naman, hindi ako sanay." Sabi ni Dave.

"Bakit ba? Halika ipapakilala Kita Kay papa." Sabi ni Charlie.

"Teka akala ko ba tsugi na papa mo?" Wika ni Dave.

"Basta.." Sabi ni Charlie.

Habang sa stage naman ay kumakanta si Clint at Charles.

Malakas na malakas ang palakpak ni Mr. Cheng sakanyang apo habang nasa stage ito.

" Mr. Cheng pagkatapos po nila Ikaw na yung susunod." Biro ni Miss Amara.

"Ano sasayaw ako? Di ako marunong kumanta. Ay Tama si Dave gusto kung marinig kumanta yun. Sabi ni Charlie maganda daw ang boses nang Batang yun. " Ngiting Sabi ni Mr. Cheng.

"Totoo po yun narinig ko na po syang kumanta noon. Sana may ganyan akong boses!" Sabi ni Amara.

"Amara? Pasensya na noon. Kung buhay lang sana Ang anak kung si Martin.~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Mr. Cheng nang sumagot na si Amara sakanya.

"Mr. Cheng naaintindihan ko po kayo pero I'm sure kung nasaan man si Martin Ngayon Masaya na sya. Mahal na Mahal ko po ang anak nyo." Sabi ni Amara.

Habang masaya silang nagdidiwang nang biglang umalingaw-ngaw sa loob nang Venue.

Mabilis ang mga pangyayari, hawak na ni Chelsea si Celine at nakatutok ang baril sa Ulo.

"Chelsea, bitiwan mo si mama. Wala ka na sa saiyong sarili please." Sabi ni Charlie.

"Atras! Kung ayaw nyong pasasabugin ko ang utak nang babaeng ito." Sabi ni Chelsea.

"Ija, dahan dahan naman sa hair ko.aray!" Saway nang babae sakanya. Ngunit mas hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sa buhok nang ginang.

"Chelsea, nakikiusap ako. Wag mo nang idamay si Miss Celine dito. Ako ang kelangan mo diba? Ako nalang." Sabi ni Dave.

"Oo nga Ikaw nga ang kelangan ko, masyadong teleserye na ang buhay mo kung ang babaeng ito pa ang papatayin ko. " Sabi ni Chelsea sabay tulak sa ginang at lumapit sya Kay Dave at itinutok nya kay Dave Ang baril.

"Walang lalapit kung ayaw nyong mamatay ang baklang ito." Sabi ni Chelsea.

Dahan dahan silang lumabas nang venue nang makarating sila pintuan nang hotel,

Nakaabang na si Celestina doon kasama ang mga kalalakihang dumukot sa general manager.

"Magaling, Dali ipasok mo na sya dito sa van!" Sigaw ni Celestina.

"Sa van talaga? Hindi naman nangyayari sa totoong buhay yan. So saan ninyo ako dadalhin? Sa bodega na malayo sa mga tao? Yung walang makakarinig saakin? Napaka teleserye nang mga Plano ninyo!" Sabi ni Dave. Nang makalapit na sila sa van agad itong itinulak papasok ni Chelsea at sabay sabing.

"Paki lagay nang duck tape sa bibig nya, ang ingay." At lumingon ito kina Charlie.

"Saan mo dadalhin si Dave?" Sigaw ni Charlie.

"Malamang sa bodega ganyan Kasi mga nangyayari pag dinudukot. Diba?" Sabi ni Clint. Kinurot naman sya ni Miss Amara.

"Loko ka, sundan ninyo. Iligtas nyo!" Sabi nya.

Agad tumakbo si Charlie sa parking lot at ginamit nya ang kanyang motor at sinundan ang van.

"Tara na Charles!" Anyaya nya ni Clint.

"Sige na Iligtas nyo kaibigan ko." Sabi ni Danny habang hawak ang kamay ni Charles.

"Oo naman magiging brother in law ko na yun. Tara na!" Sabi ni Charles at mabilis silang sumakay sakanilang mga motor.

"Tumawag na kayo nang mga police anong ginagawa nyo?" Sigaw ni Mr. Cheng.

"Sir Relax lang, tumawag na po ako." Sabi ni Amara.

Samantala, sa kalagitnaan nang byahe.

Biglang kinagat ni Dave ang kamay ni Celestina.

"Hayup ka!" Sigaw ni Celestina at pinalo Naman ni Chelsea sa batok si Dave at nawalan ito nang Malay.

"Totoo Pala yun sa mga telenovela?" Huling Sabi nya sabay bagsak nang kanyang katawan sa upuan.

"Anong Plano mo mama?" Tanong ni Chelsea.

"Ako nang bahala Dyan." Ngiting Sabi ni Celestina.

"Ma'am sinusundan padin Tayo nang mga apo ni Sir. Anong gagawin natin?" Sabi nang driver.

"Bobo! Edi patayin nyo. Kelangang Hindi sila makahabol saatin." Sabi ni Celestina. At ganoon nga ang ginawa nang kanyang mga tauhan.

Dahil sa putok nang baril ay medyo napahinto silang tatlo.

Gamit ang wireless earbuds nag-usap silang tatlo kung papano nila masusundan ang van nang di sila nasasaktan.

"Anong Plano nyo?" Tanong ni Charles.

"Mag iba nang direksyon. Harangan sila." Sabi ni Charlie.

"Approved Mr. Lover." Tukso ni Clint sa kanya.

At ganoon ang ginagawa nang dalawa, naghiwalay sila at dumaan sa ibang daan upang harangan ang van.

Balik sa Hotel...

"Sana ayus lang sila. Saan na ba Kasi ang mga police!" Sabi ni Mr. Cheng.

"Papunta na po, huminahon na muna kayo sir. Yung blood pressure nyo po." Sabi ni Amara.

"Tama si Amara papa. Relax lang!" Sabi nang anak na lalaki ni Mr Cheng.

"Daniel, akala ko ba nahuli nyo na si Celestina." Sabi ni Mr Cheng.

Balik sa habulan..

Matagumpay nilang naharangan ang van nang tatlong mga Cheng.

"Bakit tayo huminto?" Sabi ni Celestina.

"Yung tatlong asungot po ma'am!" Sabi ng driver.

"Patayin mo!" Sigaw ni Celestina.

"Wag! Wag nyong sasaktan si Charlie!" Sabi ni Chelsea.

Habang abala sila sa loob nang van, ginamit nila ang bagong invention ni Charles.

"Sure ka?" Tanong ni Clint.

"Mag tiwala ka lang!" Sabi ni Charles.

"Makakatulog din si Dave nyan.?" Sabi ni Charlie.

"Mabuti na yun kesa naman.~" hindi na natapos ang sasabihin ni Charles nang biglang pinaputukan ulit sila nang mga tauhan ni Chelsea ngunit dahil sa high tech gadgets na gawa ni Charles. Isang maliit na insekto ang lumipad papunta sa mga tauhan ni Chelsea at isa-isa itong naging paralisado.

"Ang galing!" Manghang Sabi ni Charlie.

"Antay ka lang. Sleepy smoke activate!" Sabi ni Charles.

Mabilis na pumasok sa sasakyan ang insekto at dito agad napuno nang usok ang loob nang kotse.

Tatakbo na sana ang isang tauhan ni Chelsea na agad namang pinigilan ni Charlie nang suntok at bumagsak ito sa lupa.

"Mag suot ka nang mask para Hindi mo langhap Ang sleepy smoke. " Sabi ni Charles at sabay abot nang dalawang facemask sa kanyang mga pinsan.

Mabilis nilang pinasok ang van dito hinanap Nila si Dave. Ngunit biglang may malakas na putok nang baril

"Dave??" Sigaw ni Charlie.

"Dave??" Sigaw naman Nina Clint at Charles.

Itutuloy...

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag