Natigilan ang gwapong binata. Sa Cloud Mountain dati naka-tayo ang Drakaya Kingdom. Subalit simula ng atakihin ng kanyang Uncle ang nasabing palasyo, nawasak ang pader na nag-po-protekta sa lugar. Ang dating malinis na ilog ay naging Blood River, dahil sa patuloy na pag-papatayan ng mga halimaw sa pinaka-puno ng Ilog na kung saan matatag-puan ang mana crystal na siyang dahilan ng pag-dami ng mga halimaw sa lugar.
"That won't happen." Malungkot na sagot ni Yohan sa kanyang knight.
Kung naka-takas siya sa pag-salakay, kabaliktaran ang nangyari sa kanyang mga magulang. Maaring buhay pa nga ang mga ito, subalit masyado ng na-expose sa Mana burst. Na naging dahilan ng pagiging out of mind ng mga ito.
Hindi nabaliw ang kanyang mga magulang, hindi rin Zombie. Sa dami ng mana na na-absorb nang kanilang katawan, their minds couldn't take it, naka-limutan ng mga ito kung sino talaga sila, pati si Yohan na anak ng mga ito.
"Veronica is important to me, alam kong siya lang ang makaka-tulong sa Drakaya." Makahulugang sambit ni Yohan bago tuluyang umangat at umalis na nga sa lugar kasama ang kanyang mga kawal.
May kalayuan ang lugar ng Cloud Mountain galing sa Drakaya kingdom. Bagamat sakop parin ng Drakaya ang lugar.
Makalipas ang halos kalahating oras na pag-float sa himpapawid sakay ng kanyang sword, narating ng grupo nila Yohan ang Cloud Mountain. Pero nanlaki ang mga mata niya ng makita ang tatlong hinahanap na kasalukuyang naka-harap sa bundok na tambak ng Srikiya!
"My King, tama ba ang nakikita ko? Isang tambak ng Srikiya?" Tanong ni Emil, isa sa kanyang mga knights.
"En.."
Bababa na sana si Yohan nang mapansin niya ang bahaging kanan ng grupo na kung saan ay pinupuntahan na ng mga ito.
"T-Thats..." Kanda-utal na sambit ni Yohan.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang iginalaw ni Veronica ang mga kamay paharap ang palad sa bagay na nasa harapan nito. Napa-tingala si Yohan, the clouds are moving. Isa lang ang ibig sabihin nun, thunder!
"No....! Don't kill my parents!!" Sigaw niya habang bumubulusok paibaba.
Gulat naman ang rumihistro sa mukha ng tatlong nasa ibaba habang pinapanood ang pag-bulusok ng hari.
"Pustahan tayo, subsob yan Pag-dating sa lupa." Si Rowel ang nag-salita.
Pinag-cross pa nito ang mga braso sa may dibdib. Samantalang tumango-tango lang si Ravi habang naka-tingala din.
Hindi nga nag-kamali si Rowel, dahil sa bilis ng pag-bulusok ni Yohan, na out of balance ito at muntik na ngang napa-subsob kung hindi lang nasuportahan ni Veronica kaagad.
"My king!"
"Your Highness!"
Magka-kasabay na sigaw ng mga kawal nito na humahabol din pala.
Inayos ni Yohan ang tindig bago tumingin kay Veronica na ngayon ay naka-tilt ang ulo sa kanan. Ang mga mata ng dalaga ay puno ng katanungan.
"W-What are you doing with them?" Tanong ni Yohan habang humahakbang papunta sa harapan ng kanyang mga magulang na naka-tayo subalit naka-tulala lang.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, subalit kahit ano pa man, hindi niya hahayaang patayin ng grupo ng babae ang kanyang mga magulang. Halos sampung taon na siyang nag-aaral kung paano ibabalik sa dati ang kanyang mga magulang. There's still hope.
"Killing it." Deritsahang sagot ni Veronica na nag-padilim ng anyo ni Yohan.
"Kill it? I'm sorry but you can't, as long as I'm here." Mabilis na pumwesto sa tabi ni Yohan ang limang knights na kasama niya.
Alam niyang malakas si Veronica, siguro pati yung lalakeng may aqua blue na buhok. But his parents is his parents. Kahit buhay niya pa ang kapalit, he will not allow anyone to kill them.
"Ha? But if I don't kill it, they will both die in one month." Inosenteng sagot ni Veronica na nag-pakunot naman ng noo ng hari.
"What?"
Nilingon ni Veronica si Ravi. Kaya lang, ang dalawang hinayupak, ayun! Nag-iihaw na ng Srikiya!
Napa-buntong hininga si Veronica tsaka muling humarap sa hari na in guard parin.
"Mr. King, those people behind you are still alive. But, if I won't kill the parasite that actually living in their bodies and controlling them, they will soon die."
Napa-kurap ang lalake sa harapan ni Veronica. Nababasa niya ang gulat, pag-aalala at takot sa mga mata nito.
"Relax, I won't kill them." Sambit ulit ni Veronica. "So step aside if you want them alive too." Dugtong pa niya.
Ilang sandaling tinitigan lang siya ng lalake. Pero pagkaraan ng ilang minuto, he slowly stepped aside together with his knights.
"Y-You can help them?" Nauutal na tanong ni Yohan.
"Hindi ba yun ang ginagawa ko? Pinigilan mo lang ako." Sagot ni Veronica habang inilalagay ang palad sa may noo ng lalake na ang buong katawan ay puno ng kulay itim na blood veins.
Ang ugat na dinadaluyan ng dugo ng mga ito ay kulay itim na, kaya talagang Kitang-kita na ng mga mata.
"I-I thought you're killing them." Muling sambit ni Yohan na nanginginig na ang boses.
"I'm not an idiot." Sagot ni Veronica na ngayon ay may manipis na kuryenteng kumikislap-kislap sa dulo ng kanyang mga daliri.
"The soul eater parasite is actually adult now. Sabi ni Ravi, mahigit sampung taon nang naninirahan sa katawan ng mga ito ang parasite."
"Mahigit sampung taon?! Pero.." Gulat na natigilan si Yohan.
Mahigit sampung taon, so ibig sabihin, someone placed those parasites to his parents bodies na hindi nila nalalaman. But who did it?
"Ack! Krrrkkk."
Napa-lingon siya nang marinig ang tunog na yun. Namimilog ang mga matang nai-kuyom niya nang mahigpit ang mga kamao ng makita ang unti-unting paglabas ng kulay itim na parasite sa bibig ng kanyang ama.
The parasite is like coconut rhinoceros worm, ang kaibahan lang, kung uod sa niyog ay kulay puti, ang Soul eater parasite ay kulay itim at medyo may mahaba ang buntot na kasing-bilog ng tingting at isang dangkal ang haba ng buntot.
"W-What is that?!" Nai-bulalas ni Yohan.
"En? You don't know that? Yan ang parasite na ginagamit ng mga black mages. Kleris ang tawag dyan." Si Ravi ang nag-salita.
Nakalapit na ito sa kanila habang hawak ang hita ng Srikiya na luto na.
"Eew! That gross!" Si Rowel naman ang nag-salita na tulad din kay Ravi. Kumakain din ng inihaw na Srikiya.
Ilang sandali pa, gumeywang ang naka-tayong lalake pagkatapos makuha ni Veronica ang Kleris sa katawan nito.
Mabilis namang sinalo ni Yohan ang lalake na unti-unting nawawala ang kulay itim na mga ugat sa katawan. Nag-kaka-kulay na rin ang mukha nito.
"Ehhh?! That's surprised me Master, dalawa talaga ang inilagay nila sa katawan ng babae? How weird." Ani Ravi.
"She's a Huluwa." Garalgal na sambit ni Yohan.
Napa-sulyap naman si Veronica sa lalakeng naka-alalay na sa babaeng nabuwal na din. Base sa reaksyon na nakikita niya. The king is very close to the two.
"Are they your parents?" Hindi na naka-tiis na tanong ni Veronica.
Naka-yuko lang naman ang lalake na napansin niyang may ilang butil ng luha ang pumatak sa pisngi ng babae na yakap-yakap nito.
She's right, sapat na ang luha na nakita niya para masagot ang tanong na binitiwan niya. It's just that, bakit ibinigay sa kanya ng lalake ang lugar, kung ang mga magulang nito ay nandito?
"You're Highness, I think I should decline your offer about this land. I don't like it anymore." Sambit ni Veronica maya-maya.
Mabilis siyang tumalikod sa lalake at inutusan si Ravi na kunin ang mga Srikiya na inipon nila.
"Wait! Please don't leave! Let me explain." Yohan immediately stood up para sana lapitan ang dalaga subalit natigilan siya ng gumalaw ang kanyang ina.
Napa-sulyap siya dito at muli itong niyakap.
"There's no need to explain, I didn't know that they're your parents. But I still helped them. Siguro naman wala na akong utang sayo. I came in this world na hindi ko kagustuhan. So basically, hindi ko kasalanan na napadpad ako sa kaharian mo."
"Wait.. Please, just let me.."
"Ipinadala mo ako rito, hindi lang para linisin ang lugar na ito upang maging akin. Kundi para subukan ang kakayahan ko kung matutulungan ba kita o hindi. Madali lang naman akong kausap, ang ayaw ko lang, yung ginagamit ako ng hindi ko alam. Let's go."
Naiwang naka-tulala ang hari habang hawak parin ang katawan ng kanyang ina.
Yes, he did that. Pero hindi niya inaasahan na ganito ang magiging resulta. Hindi na niya ba makikita ang dalaga?
"No.. That won't do. I will find you, kahit saan ka pa pumunta. Veronica.." Mahinang usal ni Yohan bago niya ginamit ang magic item na dala upang buhatin ang mga walang malay na mga magulang pabalik sa Drakaya Kingdom.
Samantala, somewhere in Drakaya Kingdom.
"The... The parasites has been removed?! How?! Who removed it?!" Sigaw ng lalake na kasalukuyang nasa loob ng isa sa mga kwarto ng Palasyo.