Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 16 - BLACK MAGE

Chapter 16 - BLACK MAGE

Kanina pa hindi umiimik si Veronica habang kaharap ang matandang lalake. Ito ang tinutukoy ng butler ng hari na pinaka-matandang taga-pagsilbi ng palasyo at ang pinaka-makapangyarihang mage na pumo-protekta sa palasyo. Ang hindi niya maintindihan, ay kung bakit nananatiling buhay ang lalakeng kaharap, kahit ang totoo, he's already more than 1thousand years old.

"Y-Young Miss, alam kong bisita ka sa palasyo ng hari. Subalit ilang minuto na ang nakakalipas, wala kapa rin bang sasabihin?" Tanong nito sa kanya.

Napa-kurap si Veronica at tsaka napa-buga ng hangin. Pagkatapos ay idinikwatro ang mga benti bago ipinatong sa palad ang kanyang baba.

"Yeah.. Hindi ko kasi alam kung paano at saan ko uumpisahan ang pag-tatanong sayo." Aniya.

Napa-kunot ang noo nang mga naroon sa council room. Kasama na ang hari na naka-titig sa kanya. Napa-ngiti naman ang matanda na kaharap at tsaka ikinumpas ang kamay bago nag-salita.

"Wag ka nang mahiya. Sige lang, magtanong ka lang. Baka sakaling masagot ko." Ani ng matanda.

"Really?" Ani Veronica na wala paring buhay ang tono ng pananalita.

"Yes yes, young Miss."

Napa-buntong hininga ang dalaga at tsaka sumulyap sa hari at sa butler. Pagkatapos ay kay Ravi na kasalukuyang naka-titig sa kanya na parang tanga. Si Rowel naman ay busy din kumalikot ng mga naka-display na gold sa loob ng malaking Hall.

"Alright." Ilang sandali pa banggit ni Veronica. "Then, my first question is, why the fuck are you still alive, even you're this old?"

"Veronica!"

"Miss Veronica!"

Mag-kasabay na bulalas ng hari at ni Jevro. Pero hindi ito pinansin ni Veronica, bagkus ay tumitig lang siya sa matanda na bahagyang nawala ang ngiti sa labi. Pero ilang sandali lang, ay muli din itong ngumiti sa kanya.

"Haha, nakakatuwa ang pagiging inosente ng bisita ng hari. Bata kapa kasi miss. Pero kung talagang gusto mong umabot sa edad ko ngayon, tuturuan kita kung paano." Anito.

"Ah, no thanks. You're still young compared to someone I know." Aniya.

"Someone you know?" Kunot noong tanong ng matanda.

"Let's not change the topic." Tumayo na nga si Veronica habang naka-tingala. "Ang pinupunto ko, bakit buhay kapa, kahit mahigit isang libong taon kana?"

Ramdam niya ang marahas na pag-tayo ng matanda sa kinauupuan nito. At ang marahas din na pag-tayo ng dalawang lalake na mag-katabi. Si Ravi ay naka-mulat na ang mga mata habang si Rowel ay naka-hawak sa gold na vase. May balak pa atang nakawin yung vase.

"A-anong sinasabi mo Miss? Pasensya na, parang hindi ko masyadong naintindihan." Kanda-utal na tanong ng matanda.

Sa paningin ni Veronica, naka-handa na ang matanda na atakihin siya kung sakaling mag-sasalita siya ng hindi naayon sa gusto nito. What a sly fox.

"Kailangan ko bang ulitin? Sigurado ka ba talaga na hindi mo naintindihan?" Ani Veronica na ikinumpas ang kamay.

Ganun na lang ang gulat nag apat na kasama niya sa Hall maliban kay Ravi, nang biglang makaramdam ng pag-yanig. Kasunod ng pag-liwanag ng sahig ng buong kwarto.

"You put this array inside this room, not to protect or even to help the king to interrogate the sinners. Kundi para mapanood at marinig mo ang mga pinag-uusapan at nangyayari sa loob ng Hall na ito." Bawat katagang binibigkas ni Veronica ay mariin.

Nakaramdam ng pag-babanta ang matanda at akmang tatakas sa pamamagitang ng teleportation, subalit nagulat ito ng hindi na maka-alis sa kinatatayuan.

"W-what, did you do to me?!" Sigaw ng matanda.

Hindi muna sinagot ni Veronica ang tanong, inayos niya ang array bago muling sinulyapan ang matanda.

"Wala akong ginawa sayo. Pinalitan ko lang ang array sa loob. Gusto mo bang malaman kung ano ang ipinalit ko?" Tanong niya.

Namimilog ang mga matang hindi makapaniwala ang matanda.

"Say it.. Sabihin mo sa akin kung ano ang pinalit mo!" Sigaw nito sa kanya.

Pinagdikit ni Veronica ang mga palad tsaka matamis na napangiti. Pagkatapos ay pinatulis ang nguso.

"Walang kwenta ang pag-uusap kung walang thrill. So, ehem. Bawat tanong, sasagutin ko kung magbabayad ka sa akin ng gold. Hehe, 1000 gold every question." Inuuna niya ang ang kamay at iginalaw na para bang humihinge siya ng bayad.

Nanginig sa galit ang matanda habang napa-iling lang si Ravi at Rowel. Si Yohan naman at Jevro ay literal na napanganga sa narinig. Tama bang gawing negosyo ang interogasyon! Labag ito sa batas ng palasyo!

"That is against the palace law!" Sigaw ng matanda.

Napa-tsk naman si Veronica. Tinaasan niya ng kilay ang matanda.

"Hello! FYI, hindi po ako myembro ng palasyo ninyo. Una ay dahil, ayaw sa akin ng hari ninyo. Pangalawa ay dahil, ayaw parin nya sa akin. At pangatlo, syempre, ayaw nya parin sa akin. So, hindi po ako sakop sa laws ninyo." Naka-snob na sagot niya sa matanda.

Naikuyom ni Yohan ang kamao habang pinag-tagis ang mga bagang. Pakiramdam niya ay may kumurot sa kanyang puso ng mga sandaling yun.

"Hindi ako sure kung bubuhayin ka ng hari kapag sinabi ko na ikaw ang naglagay ng Kleris sa katawan ng mga magulang niya. Kapag sinabi ko yun, for sure papatayin ka nya." Wala sa sariling pag-iisip na banggit ni Veronica.

Napa-talon at napa-tili na lang siya ng bigla nilang atakihin ng hari ang matanda na mabilis namang nabalutan ng magic shield ang sarili. Natutup ni Veronica ang bibig.

"Sorry, nakalimutan kong nandito pala ang hari, narinig nya na tuloy." Aniya na muling winagayway ang kamay.

Isang malakas na sigaw ng matanda ang halos magpa-bingi sa kanya.

"How dare you! I'm gonna kill you together with all the people of this pa.."

Hindi niya pinatapos ang matanda sa sinasabi nito ng pitikin niya ang eyeball nito.

"Por Dyos por santo, nakakatakot yang pag-luwa ng eyeballs mo. Nakakawala ka ng kagandahan. The hell with this fucking black mage?! Hey Ravi!" Sigaw niya sa dragon na ngayon ay katulong na ni Rowel magbalot ng ilang gold.

Napa-nganga si Veronica. "What the fuck are you doing?! Nagnanakaw kayo sa mismong presensya ng hari ng palasyo?! Ravi! Remove the barrier to the mage tower! Dalhin mo dito ang mga black mages na naka-tago sa tuktok ng tower!" Gigil na sigaw niya sa dalawa.

Sinulyapan niya ang hari at mabilis na nag bow dito. "Pasensya na po kayo, medyo taghirap lang talaga ang mga kasama ko." Aniya.

Napa-hagalpak ng tawa si Jevro habang hindi naman nabago ang ekspresyon ng hari. Kahit pa naka-balik si Ravi sa loob at pabagsak na inihulog ang mga black mages ng palasyo.

Anim na mga bagong mukha ang tumambad sa harapan ng hari na lalong NANGINIG sa galit. Hindi niya maintindihan kung paano nag-karoon ng itim na mahika sa loob ng Drakaya. Mali, kailan pa nag-simulang magkaroon ng traydor na black mage sa palasyo?

"W-who are you?!" Sigaw ng matanda kay Veronica.

This time, naging seryoso na ang mukha ni Veronica. Sa pag-pitik ng kanyang daliri, parang itim na usok ang bumalot sa katawan ng matanda habang unti-unting nagbago ang itsura nito. Madilim ang anyo ni Veronica ng tinitigan ang black mage na ngayon ay malinaw na ang totoong anyo sa paningin niya.

"Anong ginagawa ng Demi-God spirit beast sa mundong ilalim?" Malamig at mas malalim pa sa karagatan ang naging tono ng pagsasalita ni Veronica.