Sa labas ng nasabing barrier, labis ang pag-kagimbal ng lahat ng mga grupo ng sumasalakay sa Drakaya. May iilang tauhan ang mga grupo na parang hinampas ng malakas na hangin at magnetic force pabalik sa kanilang main base. Sugatan ang mga ito at ang ilan pa nga ay nawalan ng malay.
Napa-kunot ang noo ng komander ng kasundaluhan na galing sa Chuswar Kingdom. Isa sa tatlong palasyo na pumayag sa kasunduan na salakayin ang Drakaya kingdom. Mula sa bandang kanluran ng Drakaya ang lokasyon ng Chuswar na pinag-haharian ni Haring Gasnar Chuswar.
At nasa hilagang-kanluran naman ang Hanaj Kingdom na pinamumunuan ng nag-iisang Reyna na si Fidrina Kwotrav. Ang nasabing Reyna ay may kapangyarihan na hindi mailalayo sa kapangyarihan ng hari ng Drakaya na si Yohan. Bagamat walang kapangyarihan ang Hari ng Chuswar, ito naman ang kumopkop sa mga Huluwa na pinagtabuyan ng Drakaya.
"Anong nangyari? Tulungan ang mga sugatan at ang mga nawalan ng malay!" Sigaw ng Komander ng Chuswar Kingdom soldiers na si Loxim.
Isa sa malakas na sundalo ng Chuswar na may dugong Huluwa. Ang ina ng lalaki ay dating katulong sa Palasyo ng Drakaya na kasama sa pinahirapan at pinalayas ng bagong hari ng Drakaya simula ng tumuntong ito sa edad na kinse. Ang galit ni Loxim kay Yohan at hindi masusukat dahil nasaksihan niya kung paano pinahirapan ng Hari ng Drakaya ang kanyang ina.
"Report! Anong nangyari sa ginawa ninyong Expedition sa gilid ng nasasakupan ng kalupaan ng Drakaya?!" Pasigaw na tanong nito sa isa sa mga tauhan.
Mabilis na yumuko ang tinanong at bago nag-salita. "Paumanhin Komander. Tagumpay sana ang ekspedisyon kung hindi lamang dahil sa malakas na magnetic force na biglang bumalot sa kalupaan ng Drakaya. Lahat ng tauhan na ipinadala ng dalawang Palasyo sa Ekspedisyon ay parang parehas na inihagis palabas ng nasabing barrier. Yung iba na hindi kinaya ang pressure ay namatay bago pa tumilapon palabas." Sagot ng lalake.
Naikuyom ng Komander ang kamao. Iniisip kung kailan pa nagkaroon ng malakas at makapangyarihang Huluwa ang Drakaya. Mali, alam ng lahat na walang Huluwa ang natitira sa Drakaya.
"Anong balita sa Sediorpino Kingdom? Nasa bandang Timog-kanluran sila subalit medyo malayo sa atin." Tanong ni Loxim.
"Ayun sa isa sa mga Shadow warrior, parehas sa nangyari sa atin ang nangyari sa kanila. Sinubukan ding buksan ng ilang malalakas na Huluwa ang barrier subalit hindi rin nila nakayang gasgasan man lang. Komander, sa mahigit limangdaang Huluwa ng bawat grupo, isang daan ang sugatan dahil lang sa reflect damage ng Barrier."
"Akala ko ba wala ng Huluwa sa Drakaya?! Anong report ng intel na galing sa mga EMBERS?! Bakit wala silang nabanggit na may taong kayang gumawa ng Barrier protection ng Drakaya Kingdom?!" Galit na bulalas ni Loxim.
Alam ng tatlong Palasyo ang nangyayari sa Drakaya dahil na rin sa mga EMBERS na nakikipag-palitan ng pwersa at informasyon sa bawat Palasyo. Bagamat nitong huling isang linggo ay wala silang natanggap na balita galing sa mga Embers.
"Paumanhin Komander Loxim, eleven EMBERS lang ang nakaligtas sa barrier na inilagay sa Drakaya."
"What?!" Gulat na tanong ni Loxim.
So, hindi lang ang mga bagong pasok na gustong sumalakay sa kalabang palasyo ang pwersahang pinalabas, kundi pati ang mga taong matagal ng naninirahan sa Drakaya na may galit at kalaban ng nasabing Palasyo. Sa madaling sabi, tanging ang mga taong walang maitim na pakay lang pwedeng makapasok sa Drakaya?!
"Huh! What the fuck?! So this mission is fucking failed?!" Binalot ng kulay puting usok ang loob ng tent na kasalukuyang tinitigilan ng Komander.
Mabilis namang tinakpan lalakeng kausap ni Loxim ang kanyang ilong at bibig para hindi makalanghap ng poison fog ng komander. Yes, Komander Loxim has the power of Poison Fog. Isang uri ng kapangyarihan na iilan lang ang mayroon. At ang lason ng Fog ay hindi basta-basta, dahil kaya nitong pumatay ng isang Huluwa sa loob lang ng dalawang minuto.
"I'll be out for a while commander." Sabi ng sundalo at mabilis ng tumalikod.
Mabilis nitong kinuha ang antidote at ininom. Lahat ng kasundaluhan na nasasakop sa Chuswar Kingdom ay may antidote laban sa poison fog ni Loxim. Para narin sa kaligtasan ng lahat.
Samantala, sa loob ng Barrier, Drakaya Kingdom.
Dahan dahang bumaba si Veronica galing sa tuktok na pinag-bitawan niya ng protection barrier. Inutusan niya si Ravi na kunin si Rowel at dalhin sa kanya. Pagkatapos ay humarap siya sa mga taong nakatira sa Palasyo kasama na ang mga katulong. Ang dating hari at reyna kasama si Yohan at Jevro ay naka-titig sa kanya.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago siya lumapit sa tatlo. Yohan at ang mga magulang ng lalake.
"I put the protection barrier all around Drakaya kingdom. Lahat ng taong may masamang motibo sa kaharian ay pwersahang pinalabas ko sa Drakaya. Huluwa man o mga Drakanians. This Kingdom will be safe at walang sino mang pwedeng tumanggal ng barrier maliban na lang sa taong may kakayahang tanggalin ang Barrier." Aniya.
Muli siyang tumingala at tsaka muling nagsalita.
"Thank you sa ilang araw na pananatili namin sa Drakaya. We're going to leave now since I still have some--"
"You're leaving?!" Parang kulong ang lakas ng boses ni Yohan na pumutol sa sinasabi ni Veronica. Naka-kuyom ang mga kamao ng lalake habang matalim ang mga matang naka-titig sa kanya.
"Yes. Tulad ng nasabi ko noong unang araw namin sa Drakaya. We have to find the way out of this world para maka-balik kami sa original naming mundo. We can't find that portal kung patuloy kaming mananatili sa loob ng Palasyo." Sagot ni Veronica na iniiwas ang tingin sa binatang hari.
Maaring siya nga ang lumikha ng Terra Crevasse. Subalit simula ng bumalik sa kanya ang tunay na kapangyarihan niya, doon din niya nalaman na may lugar sa Terra Crevasse na hindi kayang tawirin ng kanyang mind vision. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ito sa nangyayaring kababalaghan sa buong Abysal Territory.
Kung tama ang kanyang hinala, ang nasabing space ay kagagawan ng sino mang Dyos na galing sa ika-anim na firmament. At iyon ang dapat niyang alamin.
"W-why do you want to go back up there?! Aren't you happy here?" Mabibigat ang mga salitang binigkas ni Yohan.
"Yohan!" Awat ng kanyang ama.
"My baby.." Ang kanyang ina.
Tinitigan ni Veronica ang lalake bago sumagot. "This is not where I belong. And.. Hindi ba at ayaw mo rin naman kaming manatili sa Drakaya sa simula pa lang?"
Parang itinulos sa kinatatayuan niya si Yohan. Nanlalamig ang buong katawan na parang may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. Yeah, sinabi nya yun noon. Pero....
"Let's go Ravi. Malayo pa ang lalakbayin natin." Tawag ni Veronica sa dragon na mabilis din siyang binalot ng tubig kasama si Rowel na kumaway pa kay Jevro.
Nakita ni Veronica ang mag-asawa na bumuka ang bibig para mag-salita pero hindi na rin nagsalita pa. Habang napansin naman niya ang mga metal na umangat sa lupa. Yohan si angry..
"I.. I'll go with you." Mariin nitong sabi.
Marahas na nilingon ito ng mga nakarinig. Lalo na ang mga magulang at si Jevro. Kunot ang noo na naka-titig ito sa binatang hari.
"No.. Ayaw kong isama ka sa delikadong paglalakbay namin. At isa pa, your people needs you here."
"I'm also powerful! Sa palagay mo ba mararating ng Drakaya ang sa ngayon kung hindi dahil sa akin?! You said this kingdom is safe! Then it'll be safe! I'll go with you!"
"No! This world is your world. Cherish it." Sagot ni Veronica kasabay ng Pag-snap ng kanyang mga daliri.
They.. Teleported out of the Barrier. Kung saan man sila dadalhin ng teleportation, malalaman natin sa susunod na chapter.