Makalipas ang ilang minuto, ang mga dating tauhan ni Nexus na nakapalibot sa kanila ay nasa harapan na lahat ni Veronica. Ang pulang mga mata ng mga ito ay bumalik na sa kulay itim. Ang dahilan ng pagbabago ng kulay ng mga mata ng Sediorpino ay dahil narin sa brainwashing na ginawa ni Agartha sa mga ito ayun na rin sa utos ni Nexus. At dahil patay na ang salarin, pati ang kanilang pag-iisip naging malaya na rin sa ano mang kumokontrol sa mga ito.
"Ano na nga ulit ang pangalan mo? Oki? Loki? Soki?" Kaharap at kausap ni Veronica ang matandang lalake na kumausap sa kanya doon sa batalyon ng mga sundalo ng Sediorpino kamakailan.
"Nika, pagkakatanda ko Roki pangalan niya." Sambit naman ni Rowel na ngayon ay karga ang isang taon na Devinian na tinuruan niya kung paano mga paliit ng katawan. Agartha is also carried by Ravi.
"Anong Roki ka dyan, pagkakatanda ko Boki pangalan niya. Sigurado ako dun!"
Ang matandang kasalukuyang naka-luhod sa harapan ni Veronica ay lihim na nanginginig sa inis at pagkainsulto. Maaring malalakas nga ang mga taong nasa harapan niya ngayon, subalit masyado naman atang puno na ang isip dahil pati pangalan niya ay hindi man lang natandaan. Kunsabagay, sino ba naman siya para matandaan pa ng mga ito? Hindi ba't minaliit niya ang grupo nung nasa loob ng tent ang mga ito?
"Miss.. Moki ang pangalan ko. M. O. K. I. Moki." Hindi na nakatiis kaya nagsalita na ang matanda.
"Ayah! Wala man lang tumama sa hula ko." Sambit ni Veronica habang bahagyang kinakamot ang tuktok ng ulo.
"At dahil walang tumama, ikaw parin ang bibili ng pagkain natin. Gutom na kami, Nika!" Pag-mamaktol ni Rowel.
Dapat kasi kakain sila kung hindi lang nangyari ang paghaharap nila ni Nexus. Wala na tuloy lugar na pwedeng paglutuan ng pagkain. Debale, siguro babalik na lang sila sa Drakaya para doon kumain. At isa pa, kailangan niyang iiwan sa palasyo ang dalawang bata para pansamantalang alagaan ng mga tao ng palasyo.
"Fine! My treat." Sagot ni Veronica na ang isip ay biglang na-focus sa binatang hari ng Palasyo. "Ehem.. So, Moki. Tell me what happened before Nexus brainwashed all of you." Ani Veronica habang naka-pangalumbaba.
Umangat ang ulo ni Moki na bahagyang nakasubsob sa lupa at tsaka nagsimulang mag-kwento.
"Nangyari ang lahat nang minsang nag-paalam si prinsipe Nexus sa hari upang mag-hunt. Nang umalis siya sa palasyo, normal pa ang lahat. Subalit bigla na lang bumukas ang langit ng araw na yun at nakita namin ang kulay itim na apoy na bumulusok paibaba. Nang malaman ng Hari na ang itim na apoy na bumulusok ay bumagsak kung saan naroon ang prinsipe, mabilis niya kaming isinama sa lugar upang sana hanapin si Nexus." Pagkukwento ni Moki.
"Then? Anong nangyari? Patay na siya nang makita nyo, tapos biglang nabuhay?" Tanong ni Rowel.
Sunod-sunod ang pag-iling ni Moki bago muling nag-salita. "Sa mismong pinag-bagsakan ng nasabing itim na apoy, nakita namin na naka-lutang si Nexus habang naka-higa ang dalawang matatangkad na tao sa lupa at walang malay. Maliban pa dun, nababalot ng itim na usok si Nexus at ang kanyang mga mata ay kulay pula. Nang tawagin ng Hari ang kanyang pangalan ay saka lang siya parang nahimasmasan, o yun ang akala namin." Nanginginig ang katawan ni Moki habang nagkukwento.
"Nang makabalik kami sa Palasyo, nagkulong lang si Nexus sa kanyang kwarto nang ilang linggo. Kahit ang hari ay hindi niya kinakausap. At nang dumating ang araw na lumabas na siya, doon na nagsimulang magbago ang lahat. Unti-unti na namin napansin ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ng mga taga Sediorpino. Hanggang sa isang araw, nang ipatawag ako ng Prinsipe, pagpasok ko sa kanyang silid, bigla na lang ako nakaramdam ng pagsakit ng ulo."
"Hmmm.. So sa madaling salita, hindi brainwashing ang ginawa ni Nexus." Seryosong sambit ni Veronica.
"Miss, nang sumakit ang ulo ko nakarinig ako ng mga salitang kakaiba." Ani Moki na ngayon ay nakikita sa mga mata ang takot habang inaalala ang nangyari.
"Anong salita?" Kunot noong tanong ni Veronica.
Napa-lunok si Moki bago nag-patuloy. "Sa pag-sapit ng paghahanay ng mga araw sa bawat pitong firmament, ay ang pag-takda ng pag-salakay sa nag-iisang hari ng God Domain. At sa araw na iyon, ang lahat ng mundo sa ilalim ng ika-firmament ay maglalaho." Ani Moki na ngayon ay tuluyan na ngang umiyak.
Samantala, napa-tuwid namang ang likod ni Veronica sa narinig. Sa paghahanay ng araw? Yes, base sa detalyadong plano ni Nyuweko sa pag-gawa ng anim na firmament sa ilalim ng God Domain, ang mga araw ay iisa lang at iisa lang din ang lokasyon na katulad ng sa ibang firmament. Tanging ang buwan lang mag-kakaiba ng bilang. Sa madaling salita, kung maghahanay ang mga pitong araw paitaas, nangangahulugan iyon ng paghina ni Nyuweko. At kapag mahina ang Dyos ng lahat ng mga Dyos, tungkulin ng mga Suzerain ang bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ni Nyuweko. Iyon ang kanilang totoong tungkulin.
"Kailan nangyari ang pagbagsak ng sinabi mong itim na apoy?" Seryosong tanong ni Veronica.
Hindi niya masabi na crystal ang bumagsak. Kailangan niyang itago ang katotohanan dahil kailangan niyang alamin ang lahat ng tungkol sa nangyari nung wala pa siya nakakabalik.
"It happened, 45 years ago." Sagot ni Moki.
45 years ago, ayun sa kwento ni Yohan, sampung taon siya ng salakayin ng Embers ang kanilang palasyo. Labing-limang taon bago nangyari yun, ay ang pag-simula ng pag-lutang ng mga huluwa sa buong Terra Crevasse. Ibig sabihin, hindi lang ang mga Embers o ang ina ni Yohan ang unang Huluwa na tumapak sa Terra. Kung gayun, sino-sino ang mga matatandang Huluwa sa Terra? At saan na sila ngayon?
"I see.. Stand up. Kailangan kong bumalik sa Drakaya upang iiwan sa pangangalaga ni Yohan ang dalawang Devinian bago ako muling maglakbay." Pag-iiba ni Veronica ng topic.
Maraming bagay ang nababalot sa buong Terra Crevasse at kailangan niya iyong tuklasin bago siya pumunta sa tabi ni Nyuweko kasama ng ibang Dyos ng ilang Suzerain.
"Miss, wala na kaming matitirhan, pwede bang..."
"Don't worry, this kingdom will be part of Drakaya under my protection. At gusto kong ikaw, Moki, ang mamuno sa Sediorpino sa ilalim ng hari ng Drakaya. You will be the Duke of Sediorpino palace." Ani Veronica habang naka-tingala.
"D-Duke? Ako? P-pero Miss, ang alam ko lang ay ang mamuno ng kasundaluhan ng palasyo." Kanda-utal na sambit ni Moki habang pinag-papawisan ng malamig.
Ang mga tauhan nito lihim na napapa-ngiti. Nakikita ni Veronica na malaki ang tiwala ng mga ito kay Moki.
"At yan naman talaga ang katungkulan ng isang Duke. You will be his right hand na magpo-protekta sa buong Drakaya. Ikaw ang huhubog sa lahat ng kasundaluhan ng buong kaharian. Mamaya, sa harap ng hari, ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan ng pag-hubog sa kakayahan ng lahat ng nasasakupan mo."
"Kapangyarihan?" Naka-tilt ang ulo ng matandang lalake habang naka-tingin sa kanya.
"En. The power called, The shadowless sword. At ikaw ang tuturo kung paano maging Shadowless swordman sa buong Drakaya." Seryosong tugon ni Veronica na nag-pabilog sa mga mata ng matanda.
Ang mga tauhan nito ay sabay-sabay na napa-singhap sa narinig. Samantala, mabilis namang umangat sa itaas si Veronica at tsaka iniunat ang kamay sa deriksyon kung saan ang Drakaya.
Samantala, nataranta ang mga tao sa buong Drakaya kingdom ng mapansin ang pag-galaw ng barrier sa buong kaharian. Patakbong lumabas ng palasyo sina Jevro at Yohan at kunot noong pinanood ang pag-galaw ng barrier. Bumukas ang barrier at nakita nila kung paano nag-dugtong ang barrier ng Drakaya sa barrier ng Sediorpino kingdom.
Lihim na napa-lunok si Yohan. Ibig-sabihin, nasakop na ni Veronica ang kaharian ng Sediorpino at pwede na siyang pumunta doon ng ligtas. Wait, does it mean, naroon si Veronica sa Sediorpino ngayon?!
"Veronica..." Bulong niya.
"Your Majesty, look!" Sambit ni Jevro habang itinuturo ang deriksyon ng Sediorpino.
Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ni Jevro. Ganun na lang ang pagkalabog ng kanyang dibdib ng makita ang isang grupo ng tao na parang mabilis na lumalapit sa Drakaya kingdom. Hindi nga siya nagkamali, ang nasabing grupo ay talagang lumalapit gamit ang teleportation.
"Damn! Don't tell me, she conquered the Sediorpino kingdom that easily?!" Gulat at mamamanghang sambit ni Jevro habang pinapanood ang pag-lapit ng mahigit 300 katao.
Hindi sumagot si Yohan. Ang kanyang mga mata ay kasalukuyang nakatutok sa iisang imahe na nasa unahan ng grupo. Her long hair has different colors compare noong umalis ito sa palasyo. And she's more beautiful than she was before.
"Eh? Anong ginagawa ng hari dito sa labas ng palasyo?" Tinig ni Veronica ang pumukaw sa naglalakbay na diwa ni Yohan. Nasa harapan na niya ang babae at kasalukuyang naka-titig sa kanyang mga mata.
Dahil na rin siguro wala siya sa sariling pag-iisip ng mga sandaling iyon, mabilis niyang hinawakan ang braso ni Veronica at hinila palapit sa kanya. Sa isang iglap lang, nakulong sa kanyang bisig ang gulat na si Veronica.
"You're back.." Sambit ni Yohan.
Ang mga kasama ni Veronica sa kanyang likuran kasama si Jevro ay napa-nganga na lang. Habang si Veronica ay ilang beses na napa-kurap bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.