Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 31 - BACKSTORY

Chapter 31 - BACKSTORY

Bata pa lang si Rowel ay bukambibig na ng kanyang Ina ang inaakala nilang namatay na Ama. Lumaki siyang ulila at may inggit sa puso habang pinapanood ang kanyang mga kaklase na kasama ang kani-kanilang ama't-ina tuwing family day sa school. Hanggang sa kanyang paglaki ay dala-dala niya ang pangungulilang yun. At ngayon na parang bombang sumabog sa kanyang kaalaman ang katotohanan na buhay pa ang kanyang ama, muling bumalik sa kanyang puso at isip ang pangungulila na matagal niyang sinubukang kalimutan.

Isang patak ng luha ang hindi niya naiwasang kumawala sa kanyang mga mata. Ang isa ay naging dalawa hanggang naging tatlo. Ang tatlo ay nadagdagan pa hanggang unti-unti nang naririnig ang kanyang mahinang pag-hikbi. Buhay ang kanyang ama, kapag nalaman ng kanyang Ina na buhay pa ang kanyang ama, alam niya na muling mabubuhay ang ngiti sa mga mata ng kanyang Ina na matagal nang nawala.

"Rowel.. Rowie.. Oh my God! Hindi ko akalain na makikita ko sa Terra crevasse ang pamangkin ko." Garalgal na turan ng inang Reyna.

Mabilis itong tumayo at patakbong umikot sa lamesa upang yakapin ang pamangkin. Habang nanatiling tahimik sa kanyang upuan si Yohan. Ang dating hari ay hindi man umiimik ay makikita mo sa mata ang saya habang pinapanood nito ang kasiyahan ng asawa. Si Ravi naman muling ipinagpatuloy ang pag-inom ng red wine habang lihim na pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ni Yohan.

"Yohan! Come here! Anak, this your cousin.. He's your uncle's son.." Ang excited na boses ng inang reyna ay unti-unting naging mahina.

Maaring naiisip niya kung ano na ang mangyayari sa susunod na mga segundo. She wished and hoped to see her blood relatives in the surface, yes. Pero alam din niya ang pinagdaanan ng kanyang anak sa kamay ng ama ni Rowel. At ngayon nga ay unti-unti nang bumabalik sa kanyang ala-ala kung paanong salakayin ng Ama ni Rowel ang dating kaharian ng Drakaya.

Yohan was just 10 years old that time. At sa tulong ng mga taong tumulong sa kanyang anak, nalaman niya kung ano ang pinagdaanan ni Yohan. Hindi na siya magtataka kung ang galit ng kanyang anak sa uncle nito ay maibunton nito sa sariling pinsan.

"Yohan.. Anak.. Rowie has no..."

"I know." Agaw ni Yohan sa sasabihin ng Ina. "At simula pa lang ng makita ko siya sa tabing dagat ng Drakaya, malakas na ang hinala ko na may dugo siyang Sifyola dahil sa fire attribute niya. Maliban pa doon, isn't he look exactly like your traitor older brother back then?" Malamig ang tono ng boses ni Yohan habang nagsasalita.

Binasa ni Veronica ang sariling labi dahil sa narinig. She was right. Pero bakit hindi sila pinatay ni Yohan nung panahong iyon? Actually no, sabihin na natin na hindi nga sila pinatay ni Yohan with his own hands, pero sinubukan parin nito sa pamamagitan ng pag-tataboy nito sa kanila papunta sa Black Fog Mountain.

"Nope! It's still a no." Bulong ni Veronica sa sarili habang nilalaro ng daliri ang bibig ng Kopita na nasa kanyang tabi. "Ako ang may kagustuhan na pumunta sa delikadong lugar na yun, and he was also tried to rescue us. Then, ano talaga ang dahilan kung bakit hindi niya kami pinatay dati?" Dagdag pa ni Veronica.

"What? So alam mo na, na pinsan mo siya, una pa lang?" Seryosong tanong ng amang hari.

Lahat ay napa-sulyap kay Yohan habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Honestly no. It was just a hunch." Umiiling na sagot ni Yohan. Bahagya pa itong pumikit bago sumandal sa upuan. "Naging sagrado lang ang hinala ko nung makita ko ang naging reaksyon ni Uncle nung makita niya si Rowel nang minsan niyang sinubukang ambush-in ang grupo. He even called him Rowie several times." Dugtong pa ni Yohan.

"Ambush?" Gulat na tanong ng amang hari.

"Ah.. That was before, your Highness. That was also the time that my master got seriously injured." Si Ravi ang sumagot.

"But I'm curious. Paumanhin sa bigla kong pagsalita, kamahalan." Hindi na nakatiis si Veronica. "Ano ang totoong dahilan ng pag-rerebelde ng mga Embers?"

Sa kanyang tanong, lahat ay napalingon sa Inang Reyna na yakap-yakap parin si Rowel na tahimik lang sa pag-hikbi.

"That was my fault." Turan ng Ginang.

"Mom! It wasn't your fault! Kasalanan yun ng traydor mong kapatid! Alam niya sa sarili niya na walang pag-asang makabalik pa kayo sa mundong ibabaw pero ginamit niya ang sitwasyon mo para mag-alsa! He was so envious of you dahil narito sa Drakaya ang pamilya mo! He doesn't wants you to be happy!" Padabog na napatayo si Yohan habang malakas ang boses na nagsalita.

"Yohan! Lower your voice!" Awat naman ng Ama nito na makikita ang otoridad sa kanyang pagkaka-upo. His presence can intimidate everyone except Veronica and Ravi of course.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo. At alam ng lahat na walang sino mang Huluwa ang nakaka-labas sa Terra Crevasse kapag napadpad na sila dito. Even those elders knows that! Ilang hundred years na ang lumipas, have you ever heard the news na may naka-labas ng Terra crevasse?" Seryosong sagot din ni Yohan sa Ama na natahimik.

Tama ang tinuran ng kanyang anak. Kahit ang mga pinaka-matatandang Huluwa sa Drakaya ay dito na namatay at nagkapamilya dahil walang sino man ang nakahanap ng lagusan pabalik sa mundong ibabaw.

"You're right. Pero anak, hindi mo kailangang sabihin yan ng harap-harapan sa pinsan mo. He has no idea what had happened. At isa pa, hindi ko sinisisi ang uncle mo kung sakaling magtanim man siya ng galit sa akin. He has his own family he missed. Kahit sinong tao ay makaka-isip mag-rebelde kung siya lang ang makakaramdam ng pangungulila." Mahinahong sabi ng ina ni Yohan.

Hindi umimik si Yohan. Pero mahigpit na naka-kuyom ang kanyang mga kamao.

"Rowel, wag ka sanang magalit sa pinsan mo. He has his own reason too. Wag kang mag-alala, susubukan kong kausapin ang iyong ama para makita ka niya at makasama." Sabi pa nito nang muling sulyapan ang binatang walang imik pa rin.

"Hindi na kailangan, Your majesty." Ang tahimik na si Veronica ang nagsalita. "I will personally help my friend." Aniya.

Lahat ay naging magaan ang ekspresyon ng mukha maliban kay Yohan na ngayon ay nakaramdam ng matinding pagkabahala. Magiging kalaban na ba ng Drakaya si Veronica?

"Nika, are you still mad at me dahil sa ginawa ko sa'yo nung una tayong magkita?" Tanong ni Yohan na lihim pang napa-lunok.

Seryosong nilingon ni Veronica ang binatang nag-tanong. She tilted her head and open her mouth to asked.