"Your Highness, may i speak with you alone?" Tanong ni Veronica kay Yohan.
Ayaw niyang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang grupo na kasalakuyang mag-kaharap sa hapagkainan kaya lahat ng gusto niyang itanong kay Yohan ay gusto niyang sa kanilang dalawa lang. Bukod pa doon, alam niya na kailangan ng inang reyna na maka-usap ang pamangkin na kahit papano ay gusto din niya ring makita ulit.
Ilang beses lang tinapik ni Yohan ang lamesa habang naka-titig kay Veronica bago ito tumayo. Si Veronica naman ay kinausap ang dalawang batang Devinian upang pansamantalang sumama kay Ravi. Pagkatapos ay tumayo na rin siya at sumunod sa binatang hari. Huminto lang ang binata ng marating ang hardin na kung saan ay may halamang pader na nakapalibot sa paligid ng isang gasibo. Amoy na amoy ni Veronica ang halimuyak ng iba't-ibang uri ng bulaklak na tanging sa Terra Crevasse lang matatagpuan.
"Anong gusto mong sabihin na ayaw mong marinig ng iba?" Agad na tanong ni Yohan ng sa wakas ay maramdaman ang kanyang presensya.
Kung babalikan ni Veronica ang unang araw ng kanilang pagkikita, masasabi niya ngayon na hindi katulad ng dati ang anyo ni Yohan. Maaring dahil sa Sinag ng araw at sa hampas ng hangin na bahagyang nilalaro ang kulay light brown na buhok ng lalake, ay naramdaman ni Veronica ang isang kurot sa sulok ng kanyang dibdib. Yohan eyes are like emeralds, reflecting the sun rays of light, na para bang magnet na humihila sa kanya palapit sa binata.
Aaminin niyang minsan na rin siyang humanga sa gwapong lalake sa mundong ibabaw, subalit iba ang dating ni Yohan pa ra sa kanya. Pakiramdam niya ay na sa loob siya ng isang comic book at si Yohan ang cold blooded protagonist at siya ang Villain na nabighani dito ng husto.
"Well.. I, I just want to asked you, bakit hindi mo kami tinuluyang patayin noon kung iniisip mo na spy kami ng kalaban? Were there any reason behind it?" Sinikap ni Veronica na titigan ang kulay emerald na mga mata ni Yohan upang ipakita ang kaseryosohan ng kanyang tanong.
However, sa bawat segundo na magka-ugnay ang kanilang mga mata, her heart also dancing in its beat. She feels the urge to hold him in her hands and capture those red lips. Kung hindi lang siguro dahil sa lamig ng ekspresyon na ipinapakita sa kanya ng lalake, baka sinamantala na niya ang pagkakataon. Sandali, kailan pa siya naging pervert?!
"Sabihin na natin ayaw ko sa Huluwa, dahil sila ang dahilan ng pagkawasak ng dating masayang kaharian ng Drakaya. I'm not that stupid to just kill anyone dahil lang isa silang Huluwa. My mother is one of them, and also that only woman who saved me back there." Malungkot ang naging boses ni Yohan ng sabihin nito ang huling sinabi.
A woman saved him. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya magawang akitin ang binata kahit pa tinulungan na niya itong i-secure ang kaligtasan ng buong Drakaya? Kung tama ang kanyang hinala, then, wala nga siyang katiting na pag-asa. Kaya lang, ano ang ibig sabihin ng mga kilos at salita ng lalake kapag sa iba nakatuon ang isip at atensyon niya sa oras na kaharap niya si Yohan?
"Hindi ko kayo pinatay dahil wala akong matibay na ebedensya na kalaban nga kayo ng kaharian. Which I now feel thankful. Kung sakaling pinatay ko kayo noon, maaring walang ganitong nangyayari ngayon. As a king of this kingdom, I will bow my head to you to thank you for bringing me back my parents to life. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil alam kong kulang ang mga salita kumpara sa mga ginawa mo sa buong kaharian." Mahabang salaysay ni Yohan sa kanya habang naka-yuko.
A king, should bow his head only to his parents, but he bowed his head sa harapan ni Veronica sa pangawalang pagkakataon. Ang ganitong prinsipyo ni Yohan ang patuloy na bumubukas sa sarado at inosenteng puso ni Veronica.
"Then be my boyfriend. Kung papayag ka na maging boyfriend ko, ipapangako ko na gagawin ko ang lahat para lang masiguro ang kaligtasan ng buong nasasakupan mo." Naka-ngiti niyang sabi.
Pangalawang beses na niyang sinabi ang ganito, pero kumpara nung una, Veronica is currently struggling inside. Hindi alam ni Yohan na sa bawat salitang binitawan niya, naroon ang kaba at pag-nanais na pumayag na ang binata.
"Veronica.. How old are you?"
Ang tanong na iyon ni Yohan ay parang bulkan na nagpapahiwatig ng pag-alburoto. Yes or No lang naman ang pwede isagot ng binata, bakit napunta sa kanyang edad ang tanong?
"20.. I'm not that young, don't worry." She keeps smiling to hide her nervousness.
"You're too young. Wag mong gawing biro ang pakikipagrelasyon. I'm telling you this hindi para saktan ka."
"But you already did." Mahinang sabi ni Veronica.
Mahina ang kanyang tinig para maitago ang panginginig ng kanyang boses. Iniiwas niya rin ang paningin sa lalake. She got rejected before, but this time, why does it feel like, the rejection hits different? Ganito ba ang naramdaman ng mga lalakeng ilang beses din niyang benasted noon sa mundong ibabaw?
"Veronica, what I mean is.."
"Naiintindihan ko. I'm still young and innocent. Wala akong alam tungkol sa pakikipag-relasyon. I understand." Putol niya sa sasabihin ng binata.
"Wait, papag-salitain mo muna ako.." Ani Yohan na umaktong hahawakan ang dalaga.
Subalit mabilis na humakbang paatras si Veronica at tsaka yumuko upang magbigay galang sa Hari.
"Ipag-paumanhin mo ang kapangahasan ko, kamahalan. Ipinapangako ko na hindi na mauulit. Wag kang mag-alala..." Veronica raise her head this time at tsaka tuwid na tumingin sa mga mata ni Yohan. "This, will be the last time. I won't and will never make a joke with you again tungkol sa Boyfriend." Tipid ang ngiting sabi niya.
Pagkatapos ay binawi niya ang tingin at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Wala siyang narinig na kahit ano kay Yohan sa loob ng ilang segundo. Subalit ng muli itong nag-salita, Veronica felt something that stabbed her heart.
"Salamat naman at naintindihan mo na rin sa wakas. Alam ko na matalino ka at makapangyarihan, kaya hindi ako nagdadalawang isip na sabihin sayo ang laman ng aking isip. Malaki ang utang na loob ko sayo, kaya gagawin ko rin ang lahat para makabawi sayo." Ani Yohan habang naka-titig sa dalaga.
Kung ano man ang laman ng kanyang isip ay walang nakakaalam. Higit sa lahat, kung ano man ang ibig-sabihin ng kanyang mga sinabi ay siya lang din ang nakakaalam.
"There's no need. This world is my subject, at tungkulin ko na muling iayos ang lahat. I accept your rejection but Your Highness, gusto ko lang sabihin sayo, na sa bawat salitang binibitawan ko, naroon ang totoong nararamdaman ko. Aaminin ko sayo na gusto kita, hindi dahil isa kang Hari, kundi dahil kaya mong magpatuloy kahit hindi mo alam kung magtatagumpay ka."
Parang itinulos sa kinatatayuan si Yohan ng marinig ang kanyang sinabi. Hindi ito makapaniwala na bibigkasin ni Veronica ang mga salitang "Gusto kita". Then, ibig sabihin totoo ang nararamdaman ng babae para sa kanya. No, impossible, he tried to kill her before, paano kung gusto lang gamitin ni Veronica ang nararamdaman para makaganti sa kanya?
"Paumanhin sa magiging kapangahasan ko, but before i leave. Gusto kong ibigay sa yo ang control ng barrier na naka-palibot sa kaharian mo. Come closer, your Highness." Sabi pa ni Veronica.
"Leave? To where?"
"You don't need to know. Pero kung sakaling hindi na ako makabalik, ibig sabihin nun, I already find the exit." Makahulugang sabi ni Veronica.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yohan ng mga sandaling yun. The girl is leaving without coming back?! But what about his plan?!
Bago pa siya makapag salita, naramdaman na niya ang mainit na enerhiyang pumasok sa kanyang noo. Napapikit siya ng mariin kasabay ng pagdaloy ng detalye sa kanyang isip. Detalye kung paano i-control ang barrier. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, tiim ang mga bagang na malakas niyang pinakawalan ang kanyang inner strength. (Guys, pinalitan ko ng words na inner strength yung energy wave.) Veronica is no longer in front of him. She's gone..
Gamit ang sariling espada, mabilis siyang bumalik sa palasyo upang kausapin ang dalaga subalit para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sinabi ng ina.
"They left already. Ang sabi ni Nika, kailangan niyang magmadali dahil upang matapos na ang kanyang mission. Son, I couldn't believe that she really likes you. Hahaha, sabi ni Ravi, Veronica is protecting this kingdom because she cares about you and your people. Ahhh.. What if you make her as your queen... Yohan? What's wrong?" Natigilan ang Inang Reyna ng makita ang pag-dilim ng anyo ng binata.
Oh come on! Maaring isang Huluwa nga si Veronica, pero sa kabila ng lahat ng ginawa ng babae sa buong kaharian, hindi pa ba iyon sapat para kahit papano ay alisin na ng kanyang anak ang galit para sa tulad ni Veronica?
"Kamahalan! Please come to the palace hall. May natagpuang bagong Huluwa sa tabi ng karagatan ng Drakaya!" Biglang sulpot ni Hasseen at report sa binatang hari na kasalukuyang madilim ang anyo.