Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 29 - SHADOWLESS SWORDSMANSHIP

Chapter 29 - SHADOWLESS SWORDSMANSHIP

"My love! I miss you so much-ack!!" Mahigpit na niyakap ni Veronica si Yohan para sana mang-asar lang subalit mabilis siyang naitulak ng binatang hari palayo dito.

Parang gusto niyang manipa ng tao ngayon. Ang lalake ang bigla nalang nanghila at nangyakap kanina pero ito pa ang may ganang manulak. Napa-pout siya bago hinarap si Jevro at talikuran ang hari na ngayon ay naka-talikod na sa kanya.

"Maligayang pag-babalik sa Drakaya Kingdom, Miss Veronica." Magalang na pagbati sa kanya ng lalake.

"Mabuti pa itong si Jevro, masaya nang makita ako ulit. Saglit, Rowel, sa palagay mo ba gwapo din si Jevro?" Bulong niya sa kaibigan na napa-buntong hininga na lang.

"Antaas masyado ng standard mo. Gusto mo pala magkaroon ng jowa, dapat sinagot mo na yung manliligaw mong panot doon sa airport! Piloto yun at may malaking sweldo, yayaman kapa agad!" Sagot ni Rowel habang ibinababa si Agartha sa lupa.

Ang tinutukoy nito ay ang matandang binata na piloto. Mayaman nga ang lalake dahil na rin wala nga itong asawa, kaya lang, for goodness sake. Sige, kayo na ang makisama sa panot na lalakeng yun. Pati mansion at pera nya, inyo na! Go!

"Manliligaw?" Biglang napa-harap si Yohan nang marinig ang pinag-uusapan nila Veronica at Rowel.

Ang tono ng boses niyo ay malalim at malamig. Para bang galit na ewan.

"En, Veronica has a manliligaw back sa mundo namin. Kaya wag mo nang pansinin ang sinasabi ng kaibigan ko tungkol sa gusto ka nyang maging boyfriend." Sagot ni Rowel.

Si Ravi naman ay nananatiling karga ang kapatid ni Agartha na tulog sa kanyang braso, habang ang mga bago nilang kasamahan ay nanatiling nakikinig lang.

"But I'm serious tho?" Naka-pout na sagot naman ni Veronica.

"Anong palagay mo sa akin? Tulad ng mga manliligaw mong panot? Maghanap ka ng iba mong jojowain o baka gusto mong bumalik na lang sa mundo nyo para makita ang mga manliligaw mo." Pabalagbag na sabi ng hari na naka-titig sa kanya.

Napataas ang kilay ni Veronica habang pinipigil ang pagtawa. Why does it sounds like jealousy? Gusto niyang makasiguro at itanong sana kung tama ang kanyang hinala subalit nanatili na lang siyang walang imik. Napapa-isip kung bakit ayaw sa kanya ni Yohan pero bakit parang gusto naman siya ng binata? So weird..

"Don't worry, matapos lang ang mga ginagawa ko at mahanap ang daan pabalik sa mundong ibabaw, I'll leave. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin." Sagot niya habang tumatalikod at hinarap ang mga kasamahan galing sa Sediorpino.

Sa narinig, mahigpit na naikuyom ni Yohan ang mga kamao habang tiil ang mga bagang na naka-titig sa likuran ng babaeng halos bumaliw sa kanya sa kakaisip. Gusto niya itong sundan pero hindi niya magawa dahil kailangan siya ng buong kaharian. Ilang beses din siyang nagbigay ng salaysay kaharap ang mga Drakanians at muli niyang ipinakilala ang kanyang mga magulang. Subalit pagkatapos nun, ilang beses din niyang pinaglabanan ang pag-nanais na lumabas ng barrier at sundan ang grupo ni Veronica.

"By the way, these people will be your accomplices. Pwede bang pahiram ng sword mo Jevro?" Lingon ni Veronica sa binatang nakikiramdam lang sa katabing kaibigan.

Iniabot sa kanya ng lalake ang sword at kinuha niya iyon. Pagkatapos ay ipinatong niya sa balikat ni Moki na nakaluhod na sa harapan niya.

"I, Veronica Manalo, the Suzerain and the creator of this world, appointed you, Moki, to be the Duke and the right hand of his majesty the king." Ani Veronica.

"Teka lang, Duke? Nagbigay ka ng posisyon sa isang tao na hindi man lang ako kinakausap?" Nadagdagan ata ang galit ni Yohan ng mga sandaling yun. "At anong sinasabi mong Suzerain? I'm the king of this Kingdom, Veronica, have respect kahit papano."

Napa-buntong hininga siya, may punto naman ang lalake. Kaya lang, nagmamadali kasi siya kaya hindi na niya nagawang sabihin dito ang nararapat.

"I'm sorry. I'm in a hurry. Don't worry, ang mga taong ito ay mananatili sa dating Sediorpino Kingdom. Pero syempre, yun ay pagnatapos na ang gagawing small palace ng Duke. Moki will be your strength na hahawak at tuturo ng Shadowless Swordsmanship sa buong Drakaya." Paliwanag ni Veronica.

Maaring mahaba ang kanyang sinabi pero tanging ang salitang "hurry" ang tumatak sa isip ni Yohan.

"Hurry?" Anito.

"Shadowless swordsmanship?!" Tanong naman ni Jevro.

Natuon ang atensyon ni Veronica kay Jevro at winalang bahala ang hari na lumalim ang kunot ng noo.

"Yes. Ibibigay ko ang shadowless swordsmanship kay Moki para ituro sa buong Drakaya soldiers. Nang sa gayun, pag-alis ko, may kakayahan ang lahat na lumaban." Sagot ni Veronica bago muling humarap kay Moki.

"But Miss, gaano ka kasiguro na hindi nila ta-traydurin ang kaharian pagkatapos?" Nag-aalala ang tinig ni Jevro.

"The barrier will automatically kill them kapag nag-traydor sila sa Drakaya." Sagot niya habang inilalagay ang kanyang daliri sa noo ni Moki na ngayon ay naka-ngiti lang habang naka-tingala sa kanya.

"Don't worry, My Lord. Ako at ang buong Sediorpino ay hindi kayo ta-traydurin." Anito habang napapapikit.

Napatango lang si Veronica. "Close your eyes. Tiisin mo ang sakit habang ipinapasa ko sayo ang will of the sword." Aniya.

Ilang sandali pa, ang dulo ng daliri ni Veronica ay umilaw. Kasunod nun ang malakas na sigaw ni Moki habang tinatanggap ang kanyang regalo.

Shadowless swordsmanship, iniisip siguro ninyo na ang pag-gamit ng pamamaraan na ito ay tulad ng pangalan. Nagkakamali kayo. Ang shadowless swordsmanship ay tinatawag niya sa pangalan na iyan dahil kapag ginamit ang ability and footwork ay kailangang nasa loob ka ng itim na dimension barrier na kung saan ay hindi ka nakikita ng kalaban mo. Hindi ka niya nakikita subalit nakikita mo siya. Ang pamamaraan na ito ay orihinal na nilikha at pinag-aralan ng anak ni Phosveros na kinilala bilang pinaka-magaling na swordsman sa God Domain.

Ang dimensiyonal barrier ay kayang burahin ang presensya ng gumagamit ng shadowless swordsmanship. Sa madaling salita, ito ay ang nagiisang technique for assassinations. Kapag nasa loob ka ng ginawa mong barrier, your sword can also multiply. And that's how you can easily kill your opponent.

"Done.. I'm amazed dahil hindi ka manlang nawalan ng malay." Pag-pupuri niya sa tatag ni Moki.

"T-thank you, my Lord." Nanginginig pa ang boses ng lalake habang nanghihina din.

Tumango lang si Veronica at tsaka muling hinarap ang Hari ng Drakaya. "We will be leaving again, Your Highness. Ikaw na ang bahala sa regalo ko sa iyo. With their help, pwede mo nang harapin ang dalawang kaharian na kasalukuyang naka-palibot pa rin sa buong Drakaya." Ani Veronica sa lalake na madilim pa rin ang anyo.

"Leaving again?" Tanong ni Yohan habang sinusulyapan ang dalawang batang hawak nila Ravi at Rowel. "Those kids seems tired. Bakit hindi muna kayo mag-pahinga? My parents also wants to see you. I'll ask the palace chefs to cook for you. Jevro, ikaw na ang bahala sa mga bagong myembro ng Drakaya kingdom." Sabi naman ni Yohan na sinang-ayunan ni Jevro.

"Master, Agartha and Devaugn are hungry and tired." Sambit naman ni Ravi na nagpalingon kay Veronica.

Devaugn ang pangalan ng batang kapatid ni Agartha. Ang cute talaga ng bata. Naka-ngiting tumango siya at humarap kay Yohan.

"Sorry to trouble you again, Your majesty. Hindi sila Huluwa at Hindi rin sila taga-Terra Crevasse. Pero wag kang mag-alala, hindi sila banta sa buong Drakaya." Ani Veronica. "At tsaka, isasama ko rin sila kapag umalis kami ulit..."

"Bakit ba gustong-gusto mong umalis sa Drakaya?!" Naputol na ang ga-sinulid na pagtitimpi ni Yohan kaya literal na napa-taas ang kanyang boses.

"Eh? Hindi ba at ayaw mo rin na tumagal ako sa nasasakupan mo?" Sagot ni Veronica na nagpatigil sa binatang hari.

"That... That was before.." Tipid at mahinang sagot ni Yohan.