"Ugh! Anlamig.. Nika, bakit dito tayo nag-teleport? Para tayong na sa north Pole. Puro ice ang nakikita ko, wala man lang mapag-pahingahan." Nanginginig na turan ni Rowel. Yakap nito ang sarili habang kagat ang mga labi.
Napadpad sila sa timog ng Terra crevasse dahil na rin doon magsisimula ang kanilang paglalakbay patungo sa lugar na nakita niya sa kanyang mind vision. Kailangan niyang personal na makita ang lugar para malaman ang totoong dahilan ng pag-dami ng currupt spirit beasts sa mundong ilalim.
"You're a fire type Huluwa, pwede mong gamitin ang fire attribute mo to warm yourself." Sagot ni Veronica sa kaibigan.
Natigilan naman si Rowel habang naka-titig kay Ravi na ngayon ay naka-ngisi na parang nakakaloko. Pagkatapos ay nag-snap si Rowel at tsaka binalot ng katam-tamang lakas ng apoy ang sarili.
"I just forget about my power." Naka-pout na turan niya kay Ravi habang sumunod na kay Veronica sa paglalakad. "Pero saan ba tayo pupunta?" Tanong pa ni Rowel.
"Wala rin akong edeya. Pero sa palagay ko, may kailangang makita at ayusin si Master." Sagot naman ni Ravi na ngayon ay nababalot na ang katawan ng mga makakapal na kaliskis.
Nakasuot man sila ng mga damit na makakapal, tagos parin ang lamig sa kanilang katawan dahil sa 7°F na lamig sa paligid. Pwede kang mamatay kung aasa ka lang sa mga kasuotan mo. Frostbite will kill you.
"We're going to find the reason kung bakit nagkaroon ng portal ang bawat firmament na hindi dapat nangyari." Ani Veronica na nakikinig lang pala sa kanila.
"Portal? You mean, wala dapat dragon's Triangle sa mundong ibabaw?" Tanong ni Rowel.
"Yes." Sagot ni Nika na huminto na sa paglalakad at humarap sa dalawang kasama. "Kung tama ako, hindi lang iisang portal ang nabuo sa bawat firmaments, maaring marami pa. Natatandaan mo ba? Mayroong Bermuda Triangle sa ibang bansa ng mundong ibabaw." Naka-tingin siya kay Rowel sa ngayon.
Bermuda Triangle, lugar kung saan katulad din ng Dragon's Triangle sa Romblon, iniiwasan din itong daanan ng mga sasakyang pandagat at pang-himpapawid. Marami ding nawawalang mga sasakyan doon na walang nakakasagot kung saan napupunta.
Malakas ang kutob ni Veronica na ang Bermuda Triangle at Dragon's Triangle ay dalawang Dimensiyonal Portal papunta sa bawat Firmaments. Kung tama nga ang kanyang hinala, then isa na lang ang dapat niyang malaman.
Sino at ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Portals sa bawat firmaments?
"Yes, nabasa ko nga sa internet na marami na ring nawala sa Bermuda Triangle. Pero wala pa akong nakikitang mga foreigner dito sa Terra crevasse." Sagot ni Rowel na sumunod na ulit sa paglalakad ni Veronica.
Si Ravi naman ay nakikinig lang habang patingin-tingin sa paligid.
"Well, because we didn't go out of Drakaya. Maraming kaharian ang Terra Crevasse. Tulad din ng Earth, may kanya-kanyang bansa na may mga namumuno." Sagot ni Veronica."
"Then, Terra crevasse is also just small, madali nating mahanap ang mga Portals." Naka-ngiting sagot ni Rowel.
"No.. Terra Crevasse is not small. Ang bawat firmaments ay may pare-parehas na sukat. Ang mga kontinenteng nakita mo sa mapa sa mundong ibabaw, ay wala manlang 1/4 sa lawak ng totoong sukat ng buong mundong ibabaw." Seryosong turan ni Veronica na nag-patigil sa paglalakad ni Rowel.
"Wait.. You mean.."
Nilingon ni Veronica si Rowel na may seryosong ekspresyon.
"Yes.. Ang kontinenteng alam mo sa Earth ay tulad lang ng Drakaya Kingdom na binalot ko ng Protective Barrier. If my hunch is correct, nilagyan ni Siyuha ng protective Barrier ang buong kontinente laban sa mga nilalang na pwedeng umubos sa buong sangkatauhan." Napa-buntong hininga si Veronica bago napa-tingala. "At malakas ang kutob ko na ginawa niya iyon dahil sa pagbubukas ng mga dimensiyonal portals sa bawat firmaments. Kung may currupt spirit beasts and spirit world, meron ding currupt immortals sa bawat firmaments." Mahabang sagot ni Veronica.
There are some Fallen Angels, from sixth firmaments. Ibig sabihin, nagkaroon ng glitch sa bawat firmaments na nilikha ni Nyuweku. Kung ang mga Aliens na nakita niya sa internet ng mundong ibabaw ay ang mga currupt divine people from 5th firmaments, hindi na nakapagtataka kung may mga immortals narin sa iba't-ibang firmaments na galing sa 4th firmaments. Ang tanong, bakit walang ginagawang action ang King of all Gods na si Nyuweku?
"Master, pagkatapos kong magising after 10,000 years napansin kong may isang kaharian sa Terra Crevasse na may kakaibang mahika ang bumabalot sa buong lupain na nasasakupan ng lugar." Biglang nagsalita si Ravi na nag-palingon kay Rowel.
Kunot ang noong napalingon si Veronica dito. "Anong kaharian?"
Bago pa nakasagot si Ravi, isang itim na usok ang biglang bumalot sa lugar na pinag-lalakaran nila. Napa-twitch ang kilay ni Veronica ng malanghap ang usok. It's a power from Huluwa. Nilingon niya ang pinang-galingan ng usok.
"Palagay ko, napadpad tayo sa kampo ng mga kalaban ng Drakaya?" Ani Rowel na naka-tingin din sa direksyon kung saan nakatingin si Veronica.
Sa di-kalayuan, may mahigit tatlong daang katao ang mga nakatayo. Nakasuot ang mga ito ng kulay puting roba na may kulay itim na trival drawing sa may bandang braso. Ang mga tao ay nakasuot ng masks na kulay pula na tanging ang mga mata at ilong lang natatakpan.
"Master, ang tinutukoy kong kaharian ay ang, Sediorpino Kingdom. And, those people are from that kingdom." Seryosong turan ni Ravi.
Gamit ang kanyang mind vision, sinuri ni Veronica ang mga tao na nakaharang sa kanilang daraanan. Bawat isa sa mga ito ay may mga crystal na kulay itim sa noo. It's not just crystal, dahil ang crystal na nakalagay sa noo ng mga ito ay katulad sa puting crystal na kinuha niya sa Cloud Mountain.
"En.. Now I know why you said that." Makahulugang sagot ni Veronica. "Those people are bound to be a black mages who learned black magic from currupted mana crystal."
"Currupted mana crystal?! So, hindi lang iisang mana crystal ang bumagsak sa mundong ilalim, kundi may posibilidad na marami?!" Bulalas ni Ravi.
"Ayun sa nakikita ko, yes. Pero.. Those currupted mana crystal are originally from immoral world the 4th firmament." Sagot ni Veronica.
Kung ang black crystal ay galing sa Immortal world, maaring inilagay ni Nyuweku ang white crystal to fight against black crystal. Kung gayon, the King of God is not just watching. But still doing his job without touching every firmaments. How wise..
"I see now.." Ani Rowel.. "Then, those human in the surface who do evil, are affected by black crystal." Tumantango pa ang ulo na mahinang sambit ni Rowel.
"Of course not." Hindi pagsang-ayon ni Veronica. "Those human being are just human. Nature na nila ang piliin ang pagiging masama. But those people who have black powers like vampires, witches and etc are those who affected by black crystal." Sagot ni Veronica.
Kumapal pa ang itim na usok na bumalot sa kanila. Hinawakan niya ang kamay ng dalawang kasama at tsaka binalot ng transparent protection barrier para hindi maapektuhan ng poison fog ng kalaban.
"I see.. But, are we going to fight those people?" Naka-tilt ang ulo na tanong ni Rowel.
"Heh.. What do you think?" Naka-ngising sagot ni Ravi na ang mga mata ang may Electricity na kumikislap.
"No we're not. Pero kung kakantiin nila tayo, of course we will." Sagot naman ni Veronica. "I need to know the secret behind their knowledge about how to use the black crystal." Dugtong pa ni Veronica.
Ang mga tao sa Terra Crevasse ay walang alam sa bawat crystal ng ibang firmaments. Kaya nakapagtatakang alam na nila gamitin ang kapangyarihan ng black crystal. Maaring may taong nag-turo sa mga ito kung paano gamitin. Kung meron man, then... Who the fuck is that person?!
"Oh! Hindi ko naisip yun.." Sagot ni Ravi.
"Wala ka kasi nag-iisip. Gusto mo lagi action. Tsk! That's why you're single for thousands of years.." Ani Rowel.
"Hey! Kung gusto kong magkaroon ng partner, I can just easily find someone!" Bulalas ni Ravi.
Napailing nalang si Veronica habang naka-tingin parin sa di kalayuan. Ilang sandali pa, nawala na ang usok na itim sa paligid. Nakita din niya ang limang tao na lumalakad palapit sa kanila. Natahimik din ang dalawa sa kanyang likuran.
The man in front seems like a...
"Oh my G.. Veronica, palagay ko, makakalimutan mo kaagad si haring masungit. That man in front is quite handsome." Ani Rowel.
"Oh wow! So alam mo ang handsome pero hindi ka bumabanggit ng maganda. Ang totoo?" Ani naman ni Ravi na nakataas ang dalawang kilay.
"Shut up you two.." Ani Veronica na naka-tingin lang sa limang lalaki na nasa 20 dipa ang layo sa kanila.
Ang mga mata ng lalake na nasa di-kalayuan ay kulay pula. No, actually, lahat ng mga nasasakupan nito ay kulay pula ang mga mata. Matangkad ang lalake. Siguro mga nasa 6'2 ang height.. Well build ang katawan habang itim ang kulay ng buhok.
"Who are you people?" Tanong ng lalake na ang boses ay parang paos na malalim. Cold and quite sexy..
"We are... Huluwa.." Sagot ni Veronica na nag-patuwid sa likod ng dalawang kasama niya.
Tinitigan siya ng ilang sandali ng lalaki bago ito lumingon sa mga kasamahan nito. Pagkatapos ay muling humarap sa kanya.
"Follow me.." Anito saka tumalikod.