Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 20 - BACK TO PALACE

Chapter 20 - BACK TO PALACE

Kanina pa naka-tulala sa kawalan si Yohan habang nasa loob ng kanyang opisina sa loob ng palasyo. Pagkatapos ng nangyari sa Cloud Mountain ay mabilis din silang bumalik sa Palasyo dahil na rin kalagayan ni Veronica. Nawalan kasi ng malay ang dalaga pagkatapos nitong ma-absorb ang buong mana ng cystal.

Hindi dahil doon kaya siya naka-tulala. Ang dahilan ay ang katutuhanan na ang lalakeng kasama ni Veronica na may aqua blue na buhok ay walang iba kundi ang sinasambang Diyos ng buong Terra Crevasse. Ang nakapag-tataka lang, bakit Master ang tawag nito kay Veronica? Gaano ba kalakas si Veronica para luhuran ng isang makapangyarihang nilalang sa buong mundo ng Terra Crevasse?

"This is mind wrecking, seriously." Sambit ni Yohan habang sapo ang sariling mukha habang nakatukod ang mga siko sa lamesa.

Hindi maipag-kakaila na pati ang totoong pangalan ni Ravi ay nangangahulugan ng "Dragon at Diyos ng Kailaliman", nabasa na niya ang kwento ng Drakaya noong bata pa siya. At ngayon, mukhang kailangan niyang manaliksik ng husto patungkol dito.

Tumayo si Yohan at lumapit sa bookshelf na nakatayo sa gilid ng silid. Inisa-isang tingin niya ang mga aklat na naka-salansan doon at hinahanap ang aklat ng Drakaya.

" Your Highness, ipag-paumanhin ninyo subalit, nagkamalay na ang inyong Ina."

Marahas siyang napalingon sa nag-salitang si Haseen. Nakalimutan niya ang kanyang ginagawa at mabilis na lumabas ng opisina kasunod ang shadow soldier. Tinahak niya ang hallway patungo sa kinaroroonan ng silid ng mga magulang. Isa sa mga staff ng palasyo ang bumukas ng pinto ng silid ng makita siya nito kahit ilang hakbang pa bago siya makalapit sa nasabing pintuan ng silid.

Pag-pasok niya ay naroon na ang nga doktor ng palasyo at kasalukuyang sinusuri ang kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay naka-upo katabi ng kanyang ina sa gilid ng kama. Nanginginig ang buong katawan na unti-unti siyang humakbang papasok sa kwarto.

Dalawampung taon, ganun katagal siyang nangulila sa mga magulang simula ng mangyari ang huling pag-salakay ng mga Embers. Ganun din katagal na namuhay ang mga magulang na parang puppet ng Kleris. Isang patak ng luha ang kumawala sa kanyang mga mata.

"Your Highness.." Sambit ng isang Doktor na ngayon ay naka-yuko sa harapan niya.

Magkasabay na lumingon sa kanya ang mga magulang na ngayon ay bumalik na ang totoong kulay ng balat. Naka-titig ang mga ito sa kanya na para bang inaaral ang kanyang mukha. Na para bang kinikilala siya kung sino ba talaga siya.

"Yohan.. My son.. Come here." Ang boses ng kanyang Ama ang tuluyang pumutol sa tinitimping emosyon ni Yohan.

Parang sampung taong gulang na bata na patakbo siyang lumapit sa mga magulang at mabilis na lumuhod sa harapan ng mga ito at tsaka yumakap sa beywang ng ama. Ramdam niya ang pag-sapo ng kanyang ina sa likod ng kanyang ulo habang parang bata siyang humagulgol ng iyak.

Noong sampung taon palang siya, pagkatapos ng pag-salakay, ilang beses siyang nawalan ng malay ng mahanap siya ng ibang mage ng palasyo at sinabi ang nangyari sa kanyang mga magulang. Sa batang edad, tinanghal siyang hari ng Drakaya kahit tuluyang nawasak ang kanyang puso sa sinapit ng mga magulang. Tatlong taon din siyang tulala at sinisikap na tanggapin ang katotohanan na bumagsak ang buong palasyo na pinangangasiwaan ng kanyang ama.

"Hush.. There you go.. I'm sorry my Son.." Muling sambit ng kanyang ama.

Patuloy lang sa pag-iyak si Yohan habang inaalala kung paano siya naging tyrant ng Drakaya kingdom. Lahat ng Huluwa ay pinag-tabuyan niya sa lugar ng Drakaya. Marami ang nagalit subalit mas marami ang nag-aproba ng kanyang desisyon. He was 15 years old nang simulan niya ang pag-buklod ng Huluwa sa totoong mga tao na naka-tira sa Drakaya.

Simula noon ay tinawag na siyang Tyrant king ng Drakaya. Dahil na rin sa ginawa niyang pag-patay sa mga sumubok na mag-matigas sa kanyang naging disisyon.

"Hindi ko akalain na ganito ka na kalaki, Yohan. Ang pagkakatanda ko, sampung taon ka palang noon." Ang boses ng kanyang ina ang kanyang narinig.

Iniangat niya ang kanyang ulo at lumipat sa kandungan ng ina. Umiiyak pa rin na niyakap niya ito at doon na siya tumagal ng pagkaka-luhod.

"Salamat sa ginawa mo para sa buong Drakaya. Alam namin ng iyong ina na nahirapan ka habang wala kami. Nalulungkot ako kapag ini-imagine ko kung paano ka nag-simula. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo anak." Muling sambit ng kanyang ama.

Umiling lang si Yohan bilang tugon. "It's.. Alright. Lahat ng pag-hihirap ko noon ay nasuklian na ngayon. Masaya ako na kasama ko na kayo ulit." Sagot niya habang naka-yuko parin.

"Sabi ni Jevro, may isang Huluwa na tumulong sa amin ng iyong Ama para maalis ang Kleris sa katawan namin. Gusto namin siyang makita at mapasalamatan man lang."

Iniangat ni Yohan ang ulo at sumisinghot na pinunas ang luha sa mga mata.

"I-I'll try to asked her to come here." Aniya.

"Her? She's a girl?" Tanong ng kanyang ama.

Tumango lang ang binatang Hari at hindi napansin ang pamumula ng pisngi. Hindi naman iyon naka-ligtas sa matalas na paningin ng mag-asawa na nagkatinginan pa.

Hinarap ni Yohan ang kanyang tauhan na naghihintay lang din na utusan niya.

"Asked them to come here." He said.

Mabilis na sumunod ang inutusan habang inaayos naman ni Yohan ang sarili. Ilang sandali din silang nag-hintay habang naka-upo. Dumating pa nga ang ilang tagapag-luto ng palasyo na may bitbit na mga pag-kain para sa mga bagong gising na dating Hari at Reyna.

Ilang sandali pa, narinig na nila ang maingay na boses ni Ravi at Rowel na of course, nagbabangayan na naman. Muling nag-katinginan ang mag-asawa habang nakikinig sa maingay na boses ng mga paparating. Ilang sandali pa ay pumasok na nga ang lalaking may mahabang buhok na kulay aqua blue, kasunod si Rowel na naka-amba pa ang mga braso na hahampasin sana si Ravi sa likod. Pero ng makita ang sitwasyon sa loob ng silid, mabilis din itong napatayo ng tuwid.

"Hello.." Sambit ni Ravi na pinag-cross ang mga braso. "Naliligo pa si Nika kaya kami na muna ang nauna. Susunod na lang siya mayaya konti. What concern do you have here?" Tanong ng dragon na napa-sulyap sa dalawang middle aged persons.

"My parents wants to thank you ang your master for saving them." Yohan said while taking his seat.

Hindi umimik si Ravi at nanatiling naka-titig lang sa dalawang naka-upo. Si Rowel naman ay naka-kunot ang noo habang naka-titig sa babaeng naka-upo din. Ito ang ina ni Yohan pero bakit parang nakita na niya ang babae. Saan nga ba?

"I see, your parents are in a good condition now. Kailangan lang nila ng konting pahinga." Sambit ni Ravi. "But the thing na kailangan mong pag-tuunan ng buong pansin ay ang tatlong palasyo na ngayon ay nasa boarder na ng Drakaya."

Lahat ng naroon ay bigalang napatayo ng tuwid. Mababasa sa mga mata ng mga ito ang pagkabahala. Sa sunod-sunod na pangyayari sa kaharian, halos hindi na napag-tuunan ng pansin ang mga pagsasanay ng mga kasundaluhan. Tapos bigla nalang mangyayari ang ngayon?

"Pag-salakay ng ibat-ibang palasyo? Anong dahilan?" Kunot noong tanong ng dating hari ng palasyo.

"Oh! It's because someone displayed his ugly appearance a week ago." Naka-pout na sambit ni Rowel na nakatanggap ng malakas na siko galing kay Ravi.

"Doesn't matter. But, Your Highness the king, what is your plan?" Ravi seriously asked the king.

Napalingon ang lahat sa hari na ngayon ay naka-kuyom ang mga kamao. Bumuka ang bibig nito para magsalita subalit naudlot din ng biglang pumasok ang babaeng nakasuot ng kulay pulang fitted pants na tinernuhan ng kulay itim na boots. Ang suot nitong damit ay fitted long sleeves na kulay pula din na V-neck ang design. Makikita ang maliit na parte ng cleavage ng babae.

Dumilim ang anyo ni Yohan sa nakita at mabilis hinablot ang kanyang balabal at inilang hakbang lang si Veronica. Ibinalot niya ang balabal sa leeg ng dalaga upang takpan ang nakikitang cleavage. Lahat ay napanganga sa naging kilos ng hari. But not Veronica.

"Your Highness, you once rejected me as your girlfriend. Hindi mo kailangan umarte ngayon na boyfriend ko na sobrang higpit. We don't have label, yah know?" Ani Veronica na iniiwas ang tingin sa lalakeng biglang natigilan.