Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 21 - BARRIER

Chapter 21 - BARRIER

Nilampasan ni Veronica ang lalake at tsaka lumapit sa dalawang naka-upo. Gayunpaman, hindi niya inalis ang balabal sa kanyang leeg na tumakip sa kanyang cleavage. Aaminin niyang nag-bibiro lang naman siya nang minsang banggitin niya sa lalake ang tungkol sa gusto niyang maging boyfriend ang binata. Gusto niya lang itong asarin para kahit papano ay makabawi man lang siya sa ginawa nitong pananakit sa kanya. Ang sarap kaya mang-asar paminsan-minsan.

"Your Highnesses, how are your feelings?" Tanong niya sa mag-asawa na ngayon ay naka-titig sa kanya.

Ang inang reyna ay naka-ngiti habang inaabot ang mga kamay niya. Samantalang ang dating Hari ng Drakaya kingdom ay parang natigilan ng makita siya. But then, dahil na rin sa kapangyarihan na lalo pang pinalakas ng mana crystal, mabilis niyang na-check ang kalusugan ng dalawa.

"Hello, please don't be so formal to us. Alam namin na ikaw ang tumulong sa amin para maka-balik pa sa piling ng anak namin. I'm so thankful." Sambit ng ina ni Yohan.

Isang ngiti lang ang iginanti ng dalaga bago siya humarap kay Ravi at Rowel. Naka-tingin lang naman sa kanya ang dalawa habang pinapanood siya na nakikipag-ngitian sa mag-asawa.

Si Yohan naman ay naka-titig sa kanya kaya nilingon niya din ito at mabilis na nginitian. Napa-flinch ang binata na mabilis na iniiwas ang tingin sa kanya. Napa-tilt naman ang kanyang ulo at napa-kunot na rin ang noo.

"Your name is Veronica, right? How old are you?" Tinig ng hari ang nagpa-lingon sa kanya.

Tumango si Veronica dito. "20 years old, Your Highness." Sagot niya.

Sa kanyang likuran, napa-tuwid ng tayo sina Jevro at Yohan. Ngayon lang naman nila nalaman ang edad ng dalaga. Lihim na naikuyom ni Yohan ang mga kamao, kung ano man ang nasa isip niya ay siya lang ang nakakaalam.

"You're so young, yet so brave. Sayang, malaki ang pagitan ng edad ninyo ng anak kong si Yohan." Maka-hulugang sambit ng inang reyna.

Napataas ang mga kilay ni Veronica tsaka napa-ngiti. "Yes po. He's older than me." Aniya.

"Then, how about that man behind you?" Nilingon nito ang dalawang magkatabi na sina Rowel at Ravi.

"Oh! Ravi is way more older, but Rowel is one year older than me. He's my bestfriend too. He saved me nung sumabog ang eroplanong sinasakyan namin. That's why, maybe I can't live without him from now on." Sagot ni Veronica.

Totoo naman ang sinasabi niya. Kung tutuusin, wala sana siya sa mundong ito kung hindi dahil kay Rowel. Utang niya kay Rowel ang buhay niya. Kaya hanggat maari, gusto niyang ligtas palagi ang lalake.

"Living without him? It sounds like you want him to be your husband." Everyone both silence when the King suddenly spoke with coldness in his voice.

Hindi sumagot si Veronica. Bagkus ay muling humarap sa mag-asawa na ngayon ay naka-tingin lang sa kanya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya muling nag-salita.

"Mawalang-galang na po mga kamahalan. Hindi ito ang tamang oras para sa ganitong pag-uusap. Gusto kong itanong kung gaano kalakas ang kasundaluhan ng palasyo sa kasalukuyan? Siguro naman ay nakarating na rin sa inyong kaalaman ang kasalukuyang banta sa buong Drakaya?" Seryosong tanong ni Veronica.

Napa-lingon ang ina ni Yohan sa anak, habang napa-yuko naman ang matandang lalake. Sa ganitong klase ng reaksyon, alam ni Veronica na mahina ang Drakaya. Lalo na at konti na lang ang Huluwa sa lugar. Ang ibang Huluwa kasi na dating pinalayas ng kasalukuyang hari ay pumunta at nagpasakop sa ibang kalapit na palasyo.

Sa madaling salita, ang dapat na kakampi ng buong Drakaya ay kalaban na nila ngayon. Hindi naman niya masisisi ang hari dahil malaki ang dahilan ng naging pasya nito. Gayunpaman, ito rin ang dahilan kung bakit naghihina ang kaharian ngayon.

"Alright." Mahinang nasambit na lang ni Veronica bago tumalikod. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Ravi na naintindihan din kaagad ang ibig sabihin ng kanyang titig.

Mabilis siyang nilapitan ni Ravi at tsaka kinabig bago sila tuluyang naglaho sa paningin ng lahat. Ang dating Hari at ang dating Reyna ay napa-balikwas pa ng tayo dahil sa nasaksihan. Si Yohan naman ay lihim na naikuyom ang mga kamao bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Subalit bago pa siya makalabas ng silid kasunod si Jevro at si Rowel, isang malakas na magnetic vibration ang kanilang naramdaman. Natigilan ang lahat lalo na ang mag-asawa.

"Nag-uumpisa na ba ang pag-salakay?!" Natatarantang tanong Hari. "Sasama ako sa paghahanda." Anito pa.

"Relax your Highness. Hindi yan dahil sa pag-salakay. Malakas ang kutob ko na si Nika ang may-gawa niyan. Kung hindi ako mag-kamali, nilagyan niya ng barrier ang buong Drakaya para maging proteksyon ng buong kaharian." Mahabang paliwanag ni Rowel na ngayon ay naka-tingin sa Inang Reyna.

Kanina pa siya nagkaka-interes na mag-tanong dito subalit pinipigil niya ang sarili.

"Barrier? Paanong..." Bago pa matapos ang tanong ng Amang hari, narinig na nila ang ingay sa labas ng palasyo na tumagos sa terrace.

Mabilis na lumabas ang mga ito at sinilip ang labas.

Mabilis na sumakay si Yohan sa kanyang naka-floating na espada habang mabilis din na nag-float si Jevro gamit ang Wind Power nito. Napa-tingala sila sa kalangitan. Kasalukuyang nasa ibabaw ang malaking anyo ng Drakaya. Hindi maipagkakaila na makita ito ng buong kalapit na palasyo kung ganito ito kalaki. Patuloy ang pag ikot nito sa babaeng nababalot ng maliwanag na Sinag na kasing-silaw ng liwanag ng araw.

Sa isang iglap lang, parang isang malakas na hangin ang umihip sa buong Drakaya kingdom at nasasakupan nito ng pakawalan ni Veronica ang magnetic Barrier na ginawa nito. Parang may isang glass bubble na naka-taob sa buong kalupaan ng Drakaya. Ang nasabing barrier ay parang bolang hinati sa gitna at itinaklob sa buong kalupaan ng Drakaya.

Sa bawat paghinga ng bawat Drakanians, ramdam nila ang ga-hiblang mana na naka-lutang sa hangin. Ramdam nila ang pagkabuhay ng maliit na kapangyarihan sa bawat ugat ng kanilang katawan.

"Yohan, who really is she?" Tanong ni Jevro sa lalakeng katabi.

"I also have no Idea. Pero isa lang ang alam ko, hindi natin siya pwedeng maging kaaway." Sagot ng lalake.

Napalunok na man si Jevro habang patuloy na nanonood. Sa isang kisapmata , Nagkaroon ng malamig na simoy ng hangin sa bandang Norte ng Drakaya. Nang muli silang umangat, napansin nila ang unti-unting pag-yelo ng buong palibot ng Barrier. Para bang nag-karoon ng ice wall ang palibot ng kalupaan na nag-hihiwalay sa ibang kaharian ng buong Terra Crevasse.

Bukod pa doon, Napansin din ni Yohan ang pag-bago ng ikot ng araw sa kaitaasan. No, wrong, hindi ito ang dating araw ng buong Terra Crevasse. Dahil sa sa tulong ng kanyang mahika, nakita niya ang pag-dilim sa kabilang panig ng lugar. It's as if, nahati ang araw at gabi sa buong kalupaan.

"A new, world?" Mabilis ang pintig ng puso na bulalas ni Yohan.