Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 14 - AWAKE

Chapter 14 - AWAKE

Kanina pa pabalik-balik sa may pintuan ng kwarto ng tatlo si Yohan. Pagka-galing nila sa dagat ay bumalik din sila kaagad upang ma-ihiga sa kama si Veronica na hanggang ngayon ay wala paring malay. Sinabihan siya ni Ravi na wag mag-papasok ng kung sino sa loob ng kwarto, kahit siya pa.

Noong una ay nais niyang gamitin ang King's order dito subalit nag-bago din ang isip niya. Bakit kailangang gamiting ang King's order kung hindi naman masyadong importante? It's just that, he feels anxious.

"My king."

Nilingon niya ang tumawag sa kanya. It's Jevro.

Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito at halatang may importanteng sasabihin.

"What is it?" Tanong niya.

Tumigil din siya kaka-lakad paroo't-parito. Kunti noong hinarap niya ang Butler.

"Sorry kung naistorbo kita. Pero kailangan ang presensya mo sa council. Kasalukuyang dumulog ang mga mages ng tower sa palasyo at pinag-pipilitan nilang makita ang tatlong bisita ng palasyo na binibigyan mo ng atensyon."

"Mages? Bakit naman sila nagka-interes sa grupo ni Veronica?" Nag-tatakang tanong niya.

Sa dami ng mga naging bisita ng palasyo, ngayon lang nagka-interes ang mga mages ng palasyo sa kanyang mga bisita. Meron ba siyang hindi nalalaman?

"Hindi ko masagot ang tanong na'yan." Sagot naman ni Jevro.

Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Yohan. "Haseen!" Tawag niya sa isa sa mga shadow guards niya.

Segundo lang ang kanyang hinihintay na lumipas at sumulpot agad ang kanyang tinawag.

"My king?"

"Kumusta ang bagay na ibinilin ko sa'yo?" Tanong niya habang nag-simula naring humakbang papunta sa council room.

Actually, council room ay tinatawag din na interrogation room sa palasyo. Iyon ay kung i-a-activate ang magical arrays na ipinalagay niya sa pinaka-matanda at pinag-kakatiwalaang mage ng kanyang mga magulang. At tanging siya lang at ang kanyang mga magulang ang pwedeng pumasok doon. Ayon sa mage, ang array ay ipinamana pa sa kanya ng kanyang ninuno noon. At tanging ang totoong gumawa lang kayang sumira ng array at wala ng iba.

"I'm sorry your Highness. Hindi ako maka-pasok sa tower. May isang mahika na nag-babawal sa sino mang mag-tatangkang pumasok ng palihim. But set that aside, I noticed something interesting too." Pagbabalita ni Haseen na nanatiling naka-yuko habang sumusunod.

"What is it?"

"My king, ang tuktok ng tower, I feel something un-natural in there. At sa palagay ko, kailangan mong pag-tuunan ng pansin."

Napahinto sa paglalakad sina Yohan at Jevro at mag-kasabay na nilingon si Haseen. Nasa kanilang mga mata ang tanong kung tama ba ang narinig nila at kung totoo.

"Thank you for your report. Back to your post." Utos ni Yohan.

Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay talagang nakakatakot na. Madilim ang kanyang aura at naka-tiim ang kanyang mga bagang.

"It seems like, someone has a fucking guts?" Nilingon niya si Jevro na madilim din ang anyong inayos ang reading glass na suot.

Yohan and Jevro, they are the most scariest tandem living in Terra Crevasse. The killed people without blinking and even smiling. Silang dalawa lang naman ang dahilan kung bakit kahit malapit sila Black Fog Mountain na kuta ng EMBERS, ay nag-aalangan parin na sumalakay ang mga ito.

Kung ang kapangyarihan ni Yohan ay Telekenis, Jevro has the power of wind. The perfect combination na hindi kayang sirain ng kahit sinong Huluwa sa mundo ng Terra Crevasse.

"Heh, sounds interesting." Sagot ni Jevro habang naka-ngisi.

Naka-ngising nag-patuloy sa pag-lakad ang dalawa na mag-kasabay pa na pumasok sa council room.

Samantala, sa loob ng kwarto ng walang malay na si Veronica.

Isang nakaka-silaw na liwanag ang kasalukuyang naka-palibot sa buong katawan ni Veronica. Naka-nganga si Rowel habang sinusubukan nitong titigan ang liwanag subalit ilang beses din siyang kumurap.

Si Ravi naman ay bahagya ding napa-pikit habang matamis na naka-ngiti.

"I'm happy to finally see you being completely awakened, Master." Bulong niya habang pinapanood ang pagkabuhay ng totoong may-ari ng Terra Crevasse. Ang totoong lumikha ng buong Terra Crevasse. The Suzerain. (Suzerain means, Overlord. Pwede nyo i-research yan.)

Naramdaman niya nang kalabitin siya ni Rowel kaya napalingon siya dito.

"You mean, hindi pa totally awakened si Nika kahit dalawa na ang powers nya?" Tanong nito.

Napa-smirk naman si Ravi bago sumagot. "My master is the owner of all the powers in this land." Sagot nito.

Lalong namangha si Rowel sa narinig. Kaya lang, may isa lang siyang katanungan.

"If she's that powerful. Bakit siya namatay?" Kunot noong tanong niya.

Napa-simangot naman si Ravi. Sasabihin ba niya? Sasabihin ba niya ang katangahan ng kanyang master? Paano kung marinig siya at parusahan? Paanong hindi niya tatawagin na katangahan. Nakita niya lang na namatay yung isang nilikha niyang kalahating paru-paru at kalahating isda. Na-stress na ng husto. Sino ba naman kasing matinong tao na maglikha ng klase ng hayop na hindi pwede sa tubig at hindi pwede sa kalupaan?!

Ilang beses niya pa itong iniyakan dahil nga sa gusto daw nitong maranasan ang mamatay. Kaya siya naka-ipon ng maraming Dragon's tears.

"I can't tell you that. Just focus on watching." Malamig na sagot ni Ravi.

Ang hindi alam ng dalawa at ng mga tao sa loob ng palasyo. Kasalukuyang nag-kakagulo na ang mga tao sa buong Terra Crevasse. Kasama ang ibang palasyo na malayo sa Drakaya Kingdom. Dahil sa ibabaw ng kalupaan ng Drakaya, parang naka-silong sa makapal na ibat-ibang kulay ng ulap ang buong seyudad. At ang ganitong phenomenon, ay Kitang-kita sa buong patag na kalupaan ng Terra Crevasse.

Nang mawala ang liwanag na naka-saklob sa buong katawan ni Veronica. Muling lumapag sa higaan ang kanyang katawan na kanina ay naka-lutang. Kasunod ng kanyang unti-unting pag-mulat ng mata.

"Leviathan Ravine. Where are you?" Isang malambing na boses ang narinig ng dalawang lalake na napa-flinch pa.

Mabilis pa sa tick-tock ng orasan na naka-lapit si Ravi sa gilid ng kama at mabilis na lumuhod bilang papugay sa muling pag-babalik ng kanyang master.

"Suzerain..im here." Sagot ni Ravi na bahagya pang gumaralgal.

"Ugh."

Napa-angat ng tingin si Ravi ng marinig ang sound na ginawa ng kanyang master. Nakita niya itong sapo ang mukha habang naka-tilt ang ulo at naka-titig sa kanya.

"The hell with your addressing?! Call me Nika or Master!" Anito na mabilis na inalis ang kumot sa katawan.

Natigilan si Ravi, Nika or master? Teka, don't tell him, Nika is not the Suzerain?! Kunot ang noong tanong niya sa sarili.

"How's this world since I left?" Tanong ni Veronica.

Nang marinig niya iyon. Isang butil ng luha ang kumawala sa mata ng Dragon. Mabilis itong nagbago ng anyo at tsaka nawala sa paningin ni Rowel. Napa-buga naman si Veronica ng hangin.

Sa labas ng palasyo. Isang malakas na roar ang halos bumingi sa lahat. Lahat ay takot na takot na napa-tingala ng makita ang kulay dagat na nilalang na parang ahas subalit may apat na paa. Ang dalawang unahang paa nito ay parang kamay ng tao na may mga matutulis na kuko. Ang buntot ay parang sa isda. Ang ulo ay may sungay na parang sa usa. It's eyes is shining like lightning. Bawat kaliskis nito ay kumikislap na parang bituin.

"D-Drakaya!!!" Sigaw ng ilang matatanda sa kabayanan.

"The Drakaya has returned! It's going to save us now!!" Sigaw pa ng iilan.

Sa loob ng Council room, patakbong naglabasan ang mga nag-pupulong ng marinig ang balita galing sa isang kawal. Nagmamadali ang nga itong lumabas upang masaksihan ang pangyayari na sa loob ng libo-libong taon, ay ngayon lang ulit nangyari.

"Yohan.." Bulong ni Jevro sa kaibigan na ngayon ay naka-tingala rin.

Nanginginig na napa-kurap si Yohan. Maaring magandang pangitain nga ang kanilang nakikita, subalit, isa rin itong senyales na may madugong mangyayari sa mga susunod na araw. Lalo na at sa Drakaya mismo nag-pakita ang Dyos ng buong Terra Crevasse.

"I should order all soldiers and mages to prepare. We will be facing the bloody fucking war, sooner or later." Aniya.

Ilang sandali pa, parang bulang nag-laho sa kalangitan ang imahe ng Drakaya. Patuloy ang bulongan ng mga nakakita. Habang napa-kuyom naman ng kamao si Yohan. Kung sakaling sasabak siya sa madugong labanan, tutulungan kaya siya ng babaeng minsan din niyang sinubukang patayin?

Samantala, sa loob ng kwarto ni Veronica.

"Hold him still!" Sigaw ni Veronica kay Rowel na kasalukuyang dinadaganan si Ravi na kababalik lang pagkatapos mag-padisplay sa kalangitan.

"I'm sorry master! I won't do it again! I was just so excited!" Nag-papalag na paliwanag ng dragon na ngayon ay nasa anyo ng isang binatilyo.

"Nika! He's too strong!" Reklamo naman ni Rowel na pinagpapawisan na.

"Of course I'm strong! I'm her apprentice!" Bulyaw ni Ravi. "Let me go! I wanna hug my master!" Sigaw pa nito na sinabayan ng malakas na iyak.

Naitakip ni Veronica ang mga kamay sa tenga. Gosh! She is actually surprised pagkatapos niyang maalala kung sino ba talaga siya. Para ngang sasakit ang kanyang ulo sa dami ng mga detalye na sabay-sabay na pumasok sa kanyang isip.

"Nika! He's too strong! Help me!" Muling reklamo ni Rowel.

Napa-buga ng hangin si Veronica at akmang magsasalita na nang biglang bumukas ang pinto. Parang natuklaw ng ahas ang lima na nag-kagulatan pa. Napa-kurap sina Yohan at Jevro habang mabilis namang kumawala si Ravi kay Rowel at mahigpit na niyakap si Veronica na nag-padilim sa anyo ng Hari na bagong dating.