Ang madilim na anyo ng hari ang nag-patahimik sa tatlong kanina pa nagka-kagulo sa loob ng kwarto. Napa-lunok si Rowel habang nanatiling walang imik si Veronica. Si Ravi naman ay walang pakialam at patuloy na sumisiksik sa leeg ni Veronica na naka-tuon ang buong atensyon sa dalawang bagong dating.
"I'm glad that you're finally regained consciousness but, bilang isang pasyente, dapat ba talaga na naka-tayo ka at nakikipag-yakapan sa.. who is that?" Malamig na boses ni Yohan ang pumukaw sa nag-lalakbay na diwa ni Veronica.
Tinapik niya ang likod ni Ravi na nababalot ng mahaba nitong buhok at tsaka binulungan ito na mag-bihis. Sa isang iglap lang, bumalik ito sa dati nitong anyo na lalakeng 'di nalalayo sa edad ng dalawang bagong pasok.
"I'm indebted to you, your Highness. Sinabi sa akin ng kaibigan ko na, tinulungan mo silang dalhin ako dito upang mabilis na maagapan ang lason sa akin katawan. At dahil hindi naman tayo friendship, tell me, what do you need from me." Sabi ni Veronica habang humahakbang pabalik sa gilid ng kama at dahan-dahang umupo doon paharap sa Hari.
Ngayong bumalik na sa kanyang ala-ala ang lahat, simula sa taong 32, hanggang sa taong 10,714. Masasabi niyang marami nang nagbago sa mundong kanyang ginawa. Suzerain, siya lang naman ang nag-iisang nilalang na kaibigan ni Siyuha, ang Dyos ng mundong ibabaw.
Mundong ibabaw ang tawag sa mundo na nasa pangalawang firmament ng karagatan. Spirit World ang tawag sa mundo sa itaas ng pangalawang mundo. Ang pag-kaka-alam niya, si Banawa ang hari ng Spirit World. Ang ika-apat naman na firmament ay ang mundo ng immortals, dito naka-tira ang mga taong umaabot sa sampung talampakan ang taas at may mga makikinang na mukha na halos hindi mo matitigan.
"I-its fine, you were attacked inside my protective land. And as king of this Drakaya, tungkulin ko na tulungan kita." Sagot ni Yohan.
"Is that why you also tried to kill me?" Ipinilig niya ang ulo sa kanan.
Nag-bibiro lang naman siya, ngayon na bumalik na rin sa kanya ang tunay na kapangyarihan, alam na niya kung bakit nagawa ng hari ang maging brutal sa una nilang pag-kikita.
"I.. have a reasonable reason about that. Pero syempre, gusto ko humingi ng pang-unawa sa nagawa ko." Sagot ng lalake.
"It's fine. I understand. But, there's something I wanna ask."
"Tell me."
Sagot ng hari habang tuluyan na ngang pumasok. Binigyan ito ni Rowel ng mauupuan. Habang si Ravi naman ay pumwesto sa likuran ni Veronica.
"Paano naka-labas ng barrier ang mga halimaw na nabubuhay sa kabilang dako ng Terra Crevasse?"
Seryoso ang mga matang tanong ni Veronica. Wala siyang matandaan na nag-lagay siya ng mga halimaw sa Terra Crevasse. Lalo't ang mga halimaw na nakita niya ay bago sa kanyang paningin. May kapangyarihan ang mga ito na walang pinag-iba sa mga rejected spirit beasts ng Spirit World.
Iniisip tuloy niya kung nagka-problema ba sa dalawang firmament sa itaas.
"Barrier? Anong barrier?" Tanong ni Yohan.
Hindi sumagot si Veronica. Kung ganitong walang ideya ang lalake, maaring may nangyari nga nung panahong wala siya sa Terra. Then isa lang ang posibleng sagot. Banawa, experienced death. May nag-traydor ba sa kaibigan niya?
Si Banawa ay isang Spirit Beast in the form of Phoenix. Kung tutuusin, wala itong kamatayan, subalit kung naka-salalay ang buhay ng asawa nitong si Yuso, then she will be an idiot.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Veronica. Pagkatapos ay lihim niyang ginamit ang Suzerain vision para makita ang buong lagay ng mundo na kanyang nilikha. Bigla siyang natigilan at napa-kunot ang noo.
"What's that?!" Kunot noong tanong niya.
Napa-titig sa kanya ang apat na kasama sa kwarto. Nag-tataka ang mga ito at halata ang mga tanong sa mga mata.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Yohan.
Nag-tiim bagang pa ito ng makita ang pag-pulupot ng braso ng lalakeng kulay aqua blue ang buhok sa katawan ni Veronica. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng abot langit na inis sa tuwing nakikita niya kung paano ito yumakap sa babae.
"Nothing, gusto kong bumalik sa Cloud Mountain. Nag-bago na ang isip ko. Tinatanggap ko na ang lugar. May I go there with my comrades?" Tanong ni Veronica.
Masayang napa-salampak ng upo si Rowel. Iniisip niya na sa wakas, magkakaroon na sila ng matitirhan. Hindi na sila mag-papalaboy-laboy sa kung saan.
Si Ravi naman ay tahimik lang na nakikinig. Alam niya ang klase ng interes na ipinapakita ng kanyang master sa lugar. Malakas ang kutob niya na may nakita itong kakaiba sa lugar. Well, to be honest, kahit siya din ay may naramdamang kakaiba sa Cloud Mountain.
Parang may isang malakas na pwersa na bumabalot sa buong lugar na nag-aanyaya ng mga halimaw na pumunta doon. Mostly, ang klase ng kapangyarihan na bumabalot sa lugar ay parang hindi galing sa Terra Crevasse, at hindi nilikha ni Suzerain.
"Yes, of course. Pero gusto kong sumama. Gusto kong masiguro ang kaligtasan ninyo." Sagot ni Yohan.
Natigilan si Veronica. Their safety, them?! Ah.. Yeah, muntik na nga pala siyang napahamak dahil sa pag-a-underestimate ng kalaban. Well, it was because she's not aware about her enemies.
Pero, mabalik tayo sa pangyayaring yun, that beast, is not an ordinary beast. Saan galing ang Acon?
"Sure, pero may isa pa akong tanong." Ani Veronica.
Nakikita na niya ang dumadagdag na pag-tataka sa mga mata ng dalawang kaharap. Pero hindi niya pwedeng sayangin ang oras. Kailangan niyang magtanong.
"Kailan nag-simulang maka-pasok ang mga taga-ibang mundo dito sa mundo ng Terra Crevasse?"
"That..." Nag-alangan sa pag-sagot si Yohan.
So, he doesn't know either. Bulong ng utak ni Veronica.
"Then, let me rephrase my question. Sino ang nakakaalam kung paano nag-simula ang pag-pasok ng mga mortal sa mundo ng Crevasse?" Ang ekspresyon ng mukha ni Veronica ay puno ng kaseryosohan.
Napa-ayos ng salamin sa mata si Jevro habang lihim na naikuyom ng hari ang kamao.
Si Jevro ang sumagot. "There's one old person living in this Land, Miss. Siya din ang pinaka-matandang mage ng palasyo." Anito.
Napatango si Veronica. "Bring me to him. Gusto ko siyang makausap." Aniya.
Napa-tuwid sa pagkaka-upo ang dalawa. Inuutusan ba sila ng babae? Sila? Na ang isa ay hari ng palasyo at ang isa ay ang matalik na kaibigan ng hari?!
"Oh! by the way.." Ani Veronica habang tumatayo. "I think, you guys should prepare. Two to three days from now, susubukang pabagsakin ng kalapit na mga palasyo ang Drakaya Kingdom. At ang mga kalaban ninyo, ay kasalukuyan ng nag-hahanda sa napipintong pag-salakay." Pagkatapos ay sinuklay niya ang sariling buhok.
Pabiglang napa-tayo ang dalawang lalake sa pagka-gulat. Alam nila na posibleng salakayin nga sila ng kalaban, pero 'mga palasyo?' Ilang palasyo ang naka-tayo sa buong mundo ng Terra! Lahat ba ay sasalakay?! Then it means, Drakaya will soon be fall!
"Don't worry, Ravi and Rowel are powerful. Tutulungan sila sa inyo." Naka-ngiting turan ni Veronica na nag-patayo sa dalawang binanggit.
"Nika! Ayaw ko pang mamatay! Hello!" Palag ni Rowel na nagpa-tawa kay Ravi.
"Don't worry Master, I'll help them as you ordered me." Ani naman ni Ravi.
Patuloy sa pag-babato ng tantrum si Rowel habang tinatawanan ito ni Ravi. Ang dalawang lalake naman ay lihim na pinag-papawisan. Ilang sandali pa, nag-salita si Yohan.
"H-How about you? Aren't you going to help us?"
"Your Highness!" Gulat na bulyaw ni Jevro.
Kapag ganitong salita ang lalabas sa bibig ng hari, isa lang ang ibig sabihin nun. He's helpless and desperate. Natatakot ito para sa buong kaharian.
"I know I've sinned you. Muntik kitang patayin. Pero yun ay dahil sa akala ko, isa kang spy ng kalaban ng Palasyo. I'm sorry about that. Nang makita ko ang kapangyarihan mo, I know you're different from them, especially when I see you being hit by Ember's leader. I made a mistake, but I hope you understand. Kaligtasan ng buong Drakaya ang isinasa-alang-alang ko, kaya kung kinakailangan na lumuhod ang hari sa harapan mo, I'll do it, for my people. So please, help us."
Mahabang sabi ni Yohan na ngayon ay naka-yuko na sa harapan ni Veronica na unti-unting namumula ang mukha. Napa-kurap ang dalaga at gayun din ang dalawang lalake na katabi niya. Si Jevro naman ay naka-yuko na rin.
"Ahh.. Well, you shouldn't have to bow your head actually. Pero kung talagang gusto mong tulungan kita, then.. Be my boyfriend." Aniya na wala sa sariling katinuan.
Isang malakas na batok ang tumama sa likod ng kanyang ulo. It was Rowel.
"Are you fucking crazy?!" Bulyaw nito sa kanya.
Napa-pout naman si Veronica. Aba! Minsan lang siya magkaroon ng pag-nanasa, hello! Sa gwapo ba naman ng lalakeng hari, di ka magkaka-gusto. Apaka-tanga mo kung walang maramdaman.
"I'm sorry, I can't do that." Ang sagot ng hari ang napa-tigas sa buong katawan ni Veronica.
Teka lang, "Na-basted ako, best." Aniya habang napapa-hawak sa kamay ni Rowel.
Si Rowel naman ang natahimik at gulat na napa-sulyap sa hari. Tama ba ang narinig niya?! Tinanggihan ng mahinang nilalang na ito ang totoong Dyos ng Terra?! Seriously?!
"T-that... Well, it's because.." Kanda-utal na sambit ng hari.
Isang malalim na buntong hininga ang pinaka-walan ni Veronica.
"Relax, hindi porke't binasted mo ako, ay hindi na kita tutulungan. I know from the start that you don't like me. But anyway, forget it, and bring me to that old mage." Aniya na iniwasan na ang hari na lihim na naikuyom ang kamao.