Kenneth's Pov
Hinihingal akong napaupo sa isang bench matapos kong sumuko sa paghabol kay Luke. Nakakaasar talaga yung lalaking iyon. Ibang saya yung naramdaman ko ng sinabi niyang pumapatol sa bakla si James. Shuta! Akala mo naman papatulan ako ni James eh noh?
"Kenny!" napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Au. Napakunot ang noo ko ng makita kong nasa tabi niya si Luke at may dala dalang tray ng pagkain. Napansin ko ring nakapagpalit na siya ng damit, kanina kasi ay suot niya ang basketball uniform niya. Tiningnan ko si Au with what-is-the-meaning-of-this? look. Hindi lang niya pinansin ang titig ko at nagpatuloy lang siya sa paglapit sa akin. Napansin ko namang masama ang pinta ng pagmumukha ni Luke.
"Anong ginagawa niyan dito?" pabulong kong tanong kay Au nang umupo siya sa tabi ko.
"I told you tutulongan kitang lumandi" bumubungisngis niyang sambit at kinindatan ako. Hindi makapaniwala akong tumalikod sa kaniya habang napapailing. Nagulat ako nang biglang umupo si Luke sa tabi ko.
"Nalapag kona. Pwede na ba akong umalis?" diretsong sagot ni Luke at nakapamulsang tumayo pagkatapos niyang mailapag ang pagkain.
"Wait lang! Samahan muna kaming kumain, pathank you kona sa pagbuhat mo ng tray." pigil ni Au kay Luke. Pasekreto akong tinadyakan ni Au, hudyat na gusto niyang tulungan ko siya sa pagkumbinsi kay Luke. I just rolled my eyes and stood up.
"Sige na. Sabayan mo na kaming kumain, hindi ka titigilan niyan." pikit matang pangungumbinsi ko kay Luke. Nabigla ako nang maglakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. Akala ko ay tatangi siya!? Dapat tumangi siya! ASAR!
"OH EM GEEEE!" sumisigaw na ani ni Au at tumabi rin sa amin. So bale pinagigitnaan ako ng dalawang to. "You notice that? He listened to you!" paimpit na sigaw ni Au na ikinaikot na naman ng mata ko. Jusme! Kung ano ano nalang talaga itong naiisip ni Au.
"Au, ikain mo lang iyan. Kung ano ano na iyang iniisip mo." pabulong kong ani kay Au.
Kumuha si Au ng isang burger at coke in can mula sa tray na dala ni Luke kanina. Tiningnan ko ang binili ni Au, medyo nadismaya ako nang mapansing puro coke in can ang binili niyang panulak. May sakit kasi akong UTI so masama sa akin ang uminom ng softdrink. Anong gagawin ko? Parang ang rude naman kung tatanggihan ko yung linebreng pagkain sa akin ni Au. HAYST! Bahala na nga! Pikit mata kong pinulot ang coke in can pero nagulat ako ng may humablot nito sa akin. Nang iminulat ko ang mata ko napatigil ako nang bumungad sa akin ang isang bote ng binibiling mineral water. Mas lalong dumagdag sa pagtataka ko nang mapagtantong kay Luke itong mineral water na nasa harapan ko.
Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari. Nakatulala lang ako at nakapako ang paningin sa kaniya na umiinom ng coke. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha ni Luke na tila kumikinang. Natigil ako sa pagiging tulala ng biglang ginalaw ni Luke ang bote ng tubig. Agad ko naman itong kinuha at nahihiyang napayuko. Ang init ng pisngi ko pasimple ko itong pinapaypayan gamit ang kamay ko habang kinakalma ang sarili ko.
"Oh Gosh! I forgot Kenny. I'm sorry" nagaalalang paumanhin sa akin ni Au nang maalala niyang may UTI ako.
"Okay lang" simple kong sagot. Nakahinga nang maluwag si Au at tumatangong napatingin kay.
"You knew?" tanong ni Au na tinutukoy kung alam ba ni Luke ang sakit ko. Wala sa sarili ko namang naiusog ang sarili ko palapit kay Luke. Ewan ko ba sa sarili ko! Basta ang alam ko ay gusto kong marinig ang sasabihin niya. Not that it matters it's just that, I'm curious.
"Sa?" tila walang ganang tanong ni Luke. Bumagsak naman ang balikat ko at umusog palayo sa kaniya. Why am I feelimg disappointed?
"I thought you knew about Kenny's condition. I mean that he has UTI. Akala ko alam mo kaya inagaw mo sa kaniya yung coke at ibinigay yung bote ng mineral water." halata sa boses ni Au ang pagkadismaya. Sana lang ay hindi ito halata dahil baka kung ano ang isipin ni Luke.
"Itong coke? Pambawi niya ito sa akin" kaswal niyang sambit. Nakakunot ang noo kong napatingin sa kaniya. Pambawi ko sa kaniya? Napansin kong makahulugang tingin ang ipinupukol sa akin ni Au. Napataas ako ng balikat para sabihin kay Au na hindi ko alam ang sinasabi ni Luke.
"Pambawi saan Luke?" interesadong tanong ni Au.
"I treated him last time" walang pagaalinlangang sagot ni Luke na nakatuon lang ang atensyon sa lata ng coke. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang nangyari ng araw na iyon.
"Bakit sinugatan mo ba siya---I mean nasugatan ba siya?" pasigaw na tanong ni Au. Matalim ko namang tinitigan si Au dahil parang may ibang ibig sabihin yung pagkakatanong niya.
"Nadapa kasi ako Au tapos tinulungan niya akong gamutin yung sugat ko" paliwanag ko na ikinatango naman ni Au sabay sabing, "Ganoon ba?"
"Kenny, punta lang ulit ako sa canteen. Nagugutom pa kasi ako, bibili lang ako tas bilhan narin kita ng choco-flavored drink." nagmamadaling paalam ni Au at tumakbo paalis.
Bumalot sa pagitan namin ni Luke ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagtatangkang magsalita o magopen up ng conversation. Dahan dahan naman akong umusog palayo sa kaniya. Pasimple kong tinutungga ang inuming tubig na hawak ko
Napatigil ako sa kalagitnaan ng aking paginom sa bote nang makita ko sa gilid ng mata ko ang biglang pagtanggal ni Luke ng kaniyang pang itaas na uniform. Napalunok ako pagkatapos ay nagpatuloy sa pag inom nang tuluyan niyang natanggal ang pang itaas na uniporme at tanging puting sando niya nalang ang natitira. Dahan dahan kong iniikot ang mukha ko sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatingala habang nakapikit ang mata. Nakasandal siya sa katawan ng puno na nasa likod lang ng bench na kinauupuan namin. Ginawa niyang unan ang kaliwa niyang braso. Muli akong napalunok nang matitigan ko ang kabuuan ng kaniyang itaas na katawan. JUSME! Nababaliw na ata ang mga gay hormones sa katawan ko. Oh Diyosa ng mga bakla ilayo niyo po ako sa tukso!
"May sasabihin kaba?" nagulat ako nang biglang magsalita si Luke. Agad kong inilayo ang tingin ko sa kaniya.
"Ako?"
"hmm"
"Wala" kinakabahan kong sambit.
"Kanina mo pa ako tinititigan pero wala ka palang gustong sabihin sa akin. Crush mo ko?" nakangisi niyang sambit.
Ayan na naman yung ngisi niya! Pakiramdam ko tila isang pindutan ng bomba ang ngisi ni Luke. Sa tuwing makikita ko yung ngisi niya ay parang may bombang sumasabog sa dibdib ko dahilan para magkagulo ang nasa loob ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinilit na pakalmahin ang sarili. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko kaya agad ko siyang tinalikuran.
"Kapal mo!" nauutal kong bulyaw sa kaniya.
"Spill it" bulalas niya na ikinakunot ng noo ko.
"ang?"
"Alam kong may gusto kang sabihin sa akin" napabuntong hininga ako hudyat na sumusuko na ako. Hindi ko alam kung bakit wala akong naitatago sa lalaking to. Pikit mata akong humarap sa kaniya. Iminulat niya naman ang kaniyang mata, umayos ng upo at tinitigan ang mata ko.
"Thank you sa chocolate" nahihiya kong sambit na ikinakunot ng noo niya.
"chocolate?" taka niyang tanong.
"Yung ibinigay mo sa akin nung nakaraan. Iniwan mo siya sa desk ko. Hindi mo ba naalala?" paliwanag ko sa kaniya.
"Wala akong naalala" madiing pagtanggi ni Luke.
"Diba sayo to?" hinugot ko yung natitirang chocolate na nasa bulsa ko."May nakita akong ganitong wrapper ng tsokolate na nahulog mula sa ilalim ng desk mo" kinuha niya yung tsokolate mula sa kamay ko.
"May ganito nga ako but i can't remember giving you this." sasagot na sana ako sa kaniya nang biglang magring yung bell hudyat na magsisimula na ulit ang klase. Napalingon ako sa bandang klasrum namin para tingnan kong nakarating na si Ma'am.
Naramdaman kong tumayo si Luke. Paglingon ko ay nasa harapan ko na siya. Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. Ginulo niya ang buhok ko at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.
"Sa susunod kong gusto mong bigyan kita ng tsokolate sabihan mo lang ako. Hindi yung nagnanakaw ka." mapang asar niyang ani na sinundan ng ngisi. Hindi ko nagawang makapagreact agad sa sinabi niya. Namalayan ko nalang na ako nalang mag isa ang nakaupo sa bench. Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng pagguhit ng nakangiting mukha ni Luke habang ginugulo niya ang buhok ko sa aking isipan. Sa pangalawang pagkakataon na nagawa niya na naman akong pakabahin. Bakit ang weird ng kabang nararamdaman ko? Is this really what nervousness feels? Napasigaw nalang ako out of frustration kasabay nang pagsabunot ko sa sarili ko.
©introvert_wizard
"Kenny" nagising ako sa malalim na pagiisip ng tawagin ni Au ang pangalan ko.
"Oh?"
"May pantasa kaba? Pahiram naman"
"Andiyan sa bag ko, kunin mo nalang" wala sa sarili kong sagot at itinuro ang bag ko. Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kawalan habang inaalala parin ang nangyari kanina. Hindi parin mawala sa isipan ko yung scenario na iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing maalala ko kung paano niya ginulo ang buhok ko.
"KENNY?" nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Au."What is this?"
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang hawak hawak niya. Napatingin sa gawi namin ang iba naming kaklase at nagsimulang tumawa. Agad kong hinablot sa kamay ni Au ang Magazine na nakuha niya sa bag ko. Paano nagkaroon ng magazine sa bag ko? Hindi naman yung magazine yung issue. Yung issue ay yung nakapanty lang na babae sa cover ng magazine!
"I thought you're gay" mapagbirong sabit ni Au at pinagcross ang kamay niya sa katawan niya na tila shield para sa akin.
"Hindi ito sa akin! Hindi ko alam kung sino yung naglagay nito." nauutal kong sambit dahil sa labis na kaba. Narinig ko ang kabi-kabilang kantyaw ng mga kaklase namin na dumagdag sa kahihiyan na nararamdaman ko. Simula kahapon ay hindi ko pa binubuksan ang bag ko, wala rin akong time para buksan ito kanina dahil PE namin. Napaharap ako kay Luke na ngayon ay nakangisi.
"IKAW!" sigaw ko nang maalala ko na siya pala yung kumuha ng bag ko kahapon.
"Hindi ko alam na nanakawin mo yan sa akin. Pwede mo namang hiramin yan sa akin kung gusto mo ng mga nakahubad na babae, tol!" umiiling na hinablot ni Luke yung magazine sa kamay ko. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Ano ba yung gusto mo? Yung malaki o maliit?" pigil ang tawa niyang sagot. Ipinakita niya sa akin ang isang pahina ng Magazine na mayroong litrato ng dalawang halos hubad na babae na may malaki at maliit na hinaharap. Sinundan naman ito nang mas malakas pang tawanan mula sa kaklase ko. Hindi ko magawang magsalita. Hindi makapaniwala akong ngumingiti ng mapait.
"Sayo nato" pinunit niya ang pahina na ipinakita niya sa akin. Ikinakulo ng dugo ko ang sunod niyang ginawa. Ipinasok niya sa bulsa ko ang punit na pahina at tinapik ang likod ko."Regalo kona sayo para hindi mona ako nakawan" nakangisi niyang ani na ikinatawa muli ng aming mga kaklase.
LETCHE KA TALAGA LUKE!
©introvert_wizard
✒End of Chapter 08 : Magazine