Kenneth's PoV
"Sure ka bang uuwi kana sa bahay niyo Bruha?" tanong ni Jay sa akin. Magkasabay kami ni Jay na naglalakad, papunta ako sa school habang siya naman ay papunta sa trabaho sa may café.
"Oo Bruha, halos magdadalawang linggo narin akong hindi umuuwi. Tsaka magaling na yung sugat at pasa sa mukha ko. Alam kong nagtataka na sina Nanay sa totoo kong kalagayan" sagot ko sa kaniya.
"Ganoon ba" napapatangong ani ni Jay. "Ngayon yung exam niyo diba?"
"Oo"
"Goodluck Bruha"
"Nga pala, may iniwan akong notes sa bahay mo. Siguraduhin mong babasahin mo yun, next month na yung early registration ng school namin." pagpapaalala ko sa kaniya.
"Don't worry. Ako pa!" mayabang niyang lintaya na ikinatawa ko. Nang malapit na ako sa school ay nagpaalam na ako kay Jay habang siya ay nagpunta na sa café.
First Sem Exam namin ngayon. For sure maiistress na naman ako. Ang bilis ng panahon, nasa kalahati na kami ng school year. Magdamag akong nagstudy kagabi kaya medyo inaantok ako. Dahil nga scholar ako malaki ang expectation ng school sa kagaya ko. Kaya every exam sinisigurado kong masasagutan ko ang lahat ng tanong. Mahirap nang maalisan ng scholarship. Isang taong nalang mahigit ang kailangan kong tiisin.
"Kenny!" bungad ni Au sa akin nang dumating ako sa room. Kagaya ni Au ay abala rin ang iba kong kaklase sa pagrereview. Napalingon ako kay Luke na natutulog. Jusme, hindi niya ba alam na magtatake kami ng exam ngayon? Alam ko naman na athlete scholar siya kaya wala siyang pakialam sa exam. Pero kailangan niya paring pumasa. He still need to maintain a certain grade. Kung matutulog lang siya baka hindi manlang mangalahati ang score niya. Napailing nalang ako at umupo na sa pwesto ko para magreview ulit.
"I can't do this anymore!" frustrated na ani ni Au. "I really hate exams!" napatawa ako ng muli siyang sumigaw at napasabunot sa buhok niya out of frustration.
"Makakalbo ka lang sa ginagawa mo. Sinabihan na kasi kitang magreview every week ayan tuloy nagcracram ka ngayon. You always do things last minute." pangangaral ko sa kaniya.
"Kenny, I don't need your nagging right now. All I need is your knowledge from your brain. Can you let me have it just once?" parang bata niyang reklamo.
"Kung pwede lang Au, binigay ko na itong utak ko sayo. Kaso--"
"Kaso ano?"
"Lugi ako" natatawa kong ani dahilan para panliitan niya ako.
"Exam is really students' worst enemy!" deklara niya at isinubsob ang ulo niya sa nakabuklat niyang libro.
Napalingon ako kay Luke na kasulukuyan paring natutulog. Napangisi ako nang may kalokohan akong naisip. Mukhang ito na ang araw kung kailan babawi ako sa lahat ng ginawa niya sa akin. Mula sa talong--Sa magazine--sa lahat ng kahihiyang aking ininda dahil sa kaniya. This is it! It's my time to shine.
Dahan dahan akong lumapit sa upuan ni Luke. Napalingon sa akin si Troy pero sinabihan ko siyang huwag maingay. Maingat akong lumuhod sa gilid ni Luke at tinali ang dulo ng bag niya sa may upuan. Nakangisi akong napatingin kay Troy na pinipigilan ang sarili niyang tumawa. Nakita kong may isinulat si Troy sa notebook niya.
Hindi ka ba natatakot?
Umiling ako bilang sagot pagkatapos kong mabasa ang isinulat ni Drake. Bahagya akong umatras at inabot ang notebook ko.
Bakit naman ako matatakot?
Nakangisi kong ipinakita kay Troy yung sinulat ko.
"Naks Matapang"he mouthed.
Agad akong umupo nang mapansin kong gumalaw si Luke. Pasimple akong nakatitig sa bawat galaw na ginagawa ni Luke. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko nang bigla siyang tumayo. Pagtayo niya kasi ay biglang napunit ang pangtaas niyang uniporme. Gulat akong napatingin sa kaniya, doon ko lang napagtantong naisama ko pala sa pagtali sa upuan ang dulong bahagi ng kaniyang uniform. Napatingin ang lahat ng kaklase ko kay Luke na ngayon ay kita ang kaliwang bahagi ng kaniyang katawan. Ang ibang kaklase kong babae ay napalunok pa patunay ng magandang hubog ng katawan ni Luke. Agad akong tumayo at pumunta sa harap ni Luke para humarang.
Napalunok ako nang balingan niya ako nang matatalim na tingin. You can really sense that he is in a bad mood right now. Patay ako nito! Pasimple akong napatingin kay Troy upang magpatulong.
"Tara sa Cr" tinapik ni Troy ang balikat ni Luke.
"Ikaw" nanindig ang lahat ng balahibo ko nang magsalita si Luke.
"Ako?" nauutal kong sambit. Napapikit ako nag bigla niyang suntukin ang desk nila. Napahiyaw rin ang ilan kong kaklase dahil sa gulat at sa lakas ng suntok ni Luke.
"You're really gettin' on my nerves huh?" hindi makapaniwala niyang ani.
"Sorry" nahihiya kong ani. Ngayon ko lang napatunayan yung katagang, magbiro kana sa lasing huwag lang sa bagong gising. Jusme! Pakiramdam ko ay kaya akong patayin ni Luke ngayon sa harap ng maraming tao.
"Sorry?" sinundan ito ng nakakalokong ngisi niya na nagbigay sa akin ng kakaibang takot.
"Tara na Luke" biglang sabat ni Troy nang mapansin niya ang bahagyang panginginig ko.
"Are you okay Kenny?" nagaalalang tanong sa akin ni Au. Napaupo ako sa desk nila Luke dahil sa sobrang panginginig at panghihina ng tuhod ko. Sariwang sariwa parin sa isipan ko ang nakakatakot na titig ni Luke.
"Okay lang ako" pilit ang ngiti kong ani. Inipon ko ang natitirang lakas ko at nagsimula akong maglakad papunta sa banyo namin para humingi ulit ng tawad kay Luke. Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko si Troy.
"Saan ka pupunta?"
"Kay Luke" simple kong sagot sa tanong ni Troy.
"Sure ka? Mainit ulo niya, I think it's better to talk to him another time." nagaalalang lintaya niya.
"Hindi ako makakapagfocus pag alam kong may atraso ako sa isang tao" dahilan ko.
"Pero--"
"I'll be fine. I can handle it." I smiled to reassure him. I turn around and took a deep breath before taking a step forward towards the restroom.
Kinakabahan kong kinatok ang pinto ng banyo. Inilapit ko ang tenga ko para marinig ang nangyayari sa loob.
"Luke?" tawag ko sa pangalan niya at muling kumatok. Narinig ko ang yapak ng paa niya papalapit sa pinto. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang hubad niyang itaas na katawan. Mabilis akong tumalikod.
"What?" seryoso ang tono ng pananalita niya dahilan para mas lalo akong matakot.
"Sorry" ang tangi kong nasabi.
"Kunin mo yung damit ko sa locker" napaharap ako sa kaniya nang tila naging mahinahon na ang tono ng pananalita niya.
"Pinapatawad mo na ako?" nakangiti kong sambit. Pasimple akong napatingin sa magandang hubog ng kaniyang katawan. I can't deny that he looks hot with his well built upper body complementing his brown skin tone. Jusme, nakuha ko pa talagang humarot sa sitwasyon kong to.
"I didn't say anything and please stop staring at my body"
"Ako! TUMITINGIN--HAHAHAHA!--PATAWA KA!" madiin kong pagtanggi na ikinangisi lang niya.
"Just go get my clothes" putol niya sa usapan namin. Tumango nalang ako at mabilis na nagtungo sa locker niya. Napakunot ang noo ko nang mapansing basketball uniform lang niya ang nakalagay.
Don't tell me, ito yung susuotin niya?
Gago ba siya?
Alam na niyang exam ngayon! Siguradong malilintikan siya kay Prof pag itong basketball uniform niya ang suotin ko.
Kasalanan mo kasi to Kenneth!
Jusme, dise-syete na ako pero asal bata parin.
"Pati ba naman sa damit takot ka" nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Luke at inabot ang pangitaas na basketball uniform niya. Naramdaman ko ang pagtama ng hubad niyang katawan sa likuran ko. Tila may kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan sa paglapit niya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko.
"Sigurado ka bang iyan ang susuotin mo?" nauutal kong ani na hindi magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Napagdesisyunan kong humarap ng maramdaman kong tapos na siyang magdamit. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya kaya humakbang ako palayo sa kaniya.
"Sorry ulit" muli kong paghingi ng tawad. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Luke at napagdesisyunan kong bumalik sa room dahil magsisimula na ang exam namin.
"Anyare?" simpleng tanong ni Au na abala sa last minute review niya.
"Ok na" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Kasabay nang pagdating ni Prof ay ang pagdating ni Luke. Umalingawngaw ang kabikabilang bulongan nang makita ng kaklase ko ang suot ni Luke na basketball uniform. Akala ko ay negatibo ang maririnig ko mula sa kanila, ngunit walang humpay na papuri sa hubog ng katawan ni Luke ang narinig ko.
"What with the outfit Mister?" usisa ni Prof kay Luke.
"Bagong trend Sir" nakangiting ani ni Luke.
"You're currently in school taking up an exam, you aren't in stage for a runway. Go change it!" utos ni Prof.
"Nasira ko po yung uniform niya" napalingon si Prof sa gawi ko nang magsalita ako.
"At anong ginawa niyo para masira mo yung uniform ni Luke?" usisa ni Prof dahilan para mapuno ng kantyawan ang klase. "Let's stop with all of this. We're running out of time. Let's start the exam." deklara ni Prof dahilan para rumeklamo ang mga kaklase ko, ngunit sumunod naman sila sa huli.
©introvert_wizard
"Punta lang ako sa Cr Au" paalam ko kay Au habang inuunat ang mga kamay ko. Kakatapos lang ng exam namin kaya halos lahat sa kaklase ko ay pagod.
Nang malapit na ako sa banyo bigla akong nakarinig ng bagay na nabasag. Dahan dahan akong sumilip sa banyo ng mga babae kung saan ko narinig yung tunog. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Helli na dumudugo ang palad.
"Mom would beat me! Dad will definitely kill me! What will I do? What will I do? What will I do?" nanginginig ang katawan niyang sambit. Nakaramdam ako ng kilabot ng walang pagaanlinlangan niyang sinabunutan nang paulit ulit ang buhok niya.
"Ang bobo mo talaga Helli! Istupida! Bobo! Bobo! Bobo!" paulit ulit niyang sambit habang sinasampal niya ang sarili. Nakaramdam ako ng kilabot ng mapuno ng dugo ang mukha niya.
Hindi ko lubos akalain na humantong sa ganto si Helli dahil lang sa exam.
Helli is a consistent honor student.
She has been my competitor of being rank 1 since then.
Alam kong pressured siya dahil lahat ng myembro ng pamilya niya ay gumraduate at the top of their respective batch.
Naalala ko tuloy nung minsan kong nahuli na pinapagalitan si Helli dahil natalo ko siya sa isang math competition. Noon ay akala ko simple at normal na reaksyon lang yun ng isang magulang, since respectable at tanyag na Doctor at Educator ang pareho niyang magulang. I didn't know that the pressure will make Helli risk her own life.
I know how hard it is for Helli to handle the pressure the people around her is giving.
Isa rin akong honor student-a scholar to top it all. The pressure to stay on top and get the highest grade is actually suffocating. Alam ko naman na hindi ko kailangan maging top 1 or get the highest grade. Maintaing the desired grade needed to keep my scholarship is enough but, I think the expectation of people around me made me think twice, if I should aim to maintain a certain grade or thrive to reach the top. Aaminin kong kinakabahan ako tuwing examination at card day. I'm afraid that I won't be able to reach what other people expected me to reach. I feel scared. Anxious. Suffocated.
Nahinto ako sa malalim na pagiisip nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Bumungad sa akin ang malinis na mukha ni Helli. Masama ang titig na ipinupukol niya sa akin dahilan para mapaatras ako.
"Were you eavesdropping?" inis niyang sambit.
"Ah kasi--Helli--"
"You're still nosy as usual. Stop acting like you care. Mind your own fckin life!" may diin at bigat ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil agad siyang umalis.
Bumalik ako ng room na walang gana. Naisipan kong umidlip bago ako umuwi. Naimulat ko ang mata ko nang may maramdaman akong tumakip sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiting si Luke.
"Sinabi ni Aurora na hindi siya makakasabay sayo paguwi" nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Parang may mali. He's acting weird. Something's going on.
"Okay" naaawkward kong sagot.
Dahan dahan akong tumayo habang ang buo kong atensyon ay na kay Luke na malapad ang ngiti. There is really something going on. Napansin ko rin na tanging desk at upuan ko ang nasa gitna. May performance kasi kami bukas ng umaga kaya iginilid yung mga upuan at desk. Pero bakit nasa gitna pa yung sakin? Ah---Natutulog pala ako, so hindi magagalaw. HEHEHE! Medyo OA self. You're over thinking again.
ERASE.
ERASE!
ERASE!
Iwinaksi ko ang lahat ng pagduda ko kay Luke at isinukbit ang bag ko. Halos mahulog ako nang pahiga dahil sa bigat ng bag ko. Mabuti nalang ay mabilis kong naibalance ang sarili ko kung hindi ay mababasag ata ang ulo ko. Napatingin ako kay Luke na nakasandal sa pintuan at nakangisi.
"HUWAG KA TALAGANG MAGPAPAHULI SA AKIN!" sigaw ko.
Humakbang ako pero bigla akong natumba dahil nakatali pala ang sintas ng sapatos ko. Mabuti nalang ay naitukod ko ang kamay ko kaya hindi gaanong natamaan ang mukha ko.
"LETCHE KA TALAGA!" inis kong sigaw. Sinuklian lang niya ako ng nakakainis niyang sigaw at tumakbo na siya paalis ng room.
Now, I know.
Exam isn't my worst enemy!
It's LUKE!
©introvert_wizard
✒End of Chapter 14 : Student's Worst Enemy