Kenneth's PoV
"What was that?" tanong ni Luke sa akin na ikinapikit ko, tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Anong what was that?" inis kong tanong. "Tinulungan kita. Bakit nagtatanong kapa? Kailangan mong iimprove yung grades mo at sadyang gusto akong utusan ni Ma'am na itutor ka, kaya umoo ako. Anong hindi mo magets doon?"
"Why are you helping me?" Napafacepalm nalang ako sa isipan ko dahil sa kakulitan ni Luke. Bakit ba dumadagdag pa siya sa iniisip ko? I'm already frustrated, dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Troy.
"Tutulungan kita para pambawi sa ginawa mo kahapon."
"But--" Agad kong tinakpan ang bibig niya ng kaliwa kong kamay at hinila sa sulok nang makita kong paparating sa gawi namin si Troy. Hinihingal akong humarap kay Luke at napalunok nang mapagtantong tanging ang kamay kong nakatakip sa bibig niya ang naghihiwalay sa mukha namin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin. Doon ko lang napagtanto na sobrang ganda pala ng mata ni Luke at tila hinihigop ako nito palalapit sa kaniya. Agad akong humiwalay sa kaniya at nahihiyang tumalikod. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pasimple akong sumilip para tingnan si Troy. Nang mapansing wala siya ay agad akong tumakbo papuntang room.
Papasok na ako ng room nang bumungad sa harapan ko si Troy dahilan para manlaki ang mata ko. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok dahlil sa kaba. Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng ilang butil ng pawis mula sa noo ko.
"Kenne--"
"Troy, Let's talk about it next time" putol ko sa sasabihin niya at agad siyang nilampasan.
"I was just going to ask you what happened yesterday" napahinto ako sa sinabi niya at hinarap siya.
"Ano? Anong sabi mo?"
"Tatanungin sana kita kong anong nangyari kahapon. The truth is, I was drunk yesterday. Uminom ako kahapon bago maglaro kaya nga mabilis akong pinalitan ni Luke." nahihiya niyang ani habang kumakamot sa ulo niya. Tila bumagsak ang puso ko sa talampakan ko kasabay nang pagbukas ng bibig ko dahil sa gulat. All this time, I was hiding from him because of what happened yesterday pero hindi manlang niya iyon maalala. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kagagahang ginawa ko. The only good thing, is that I didn't take what he did yesterday seriously. Muntik na akong umasa. Good thing I was in my sane mind.
"Ganoon ba" I uttered with a bit of disappointment. Hindi ko naman maiiwasang hindi maramdaman iyon. After all I'm just a human. "Wala namang importanteng nangyari." Liar. I plastered a fake smile and went on my seat feeling defeated.
"Kenny, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Au.
"Ang tanga ko" bulalas ko at sinubsob ang mukha ko sa desk.
Buong klase ay wala akong ganang makinig sa discussion. Mabuti na nga lang ay wala ni isa sa mga teacher ang nagpaquiz dahil kung nagkataon ay baka bumagsak ako. Kasalukuyan akong magisa sa room dahil recess time. Niyaya ako ni Au pero tinanggihan ko dahil wala akong ganang kumain. Paulit ulit kong tinatama ang noo ko sa desk ngunit mahina lamang ang ginagawa ko. Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang may kamay na humarang sa noo ko. Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko ang nakakunot ang noong si Luke.
"Nababaliw kana ba?" seryosong ani niya.
"Baka" walang gana kong ani at tinapik ang kamay. Muli kong isinubsob ang mukha ko sa desk.
"Akala ko ba ay itutor mo ako" bigla akong napalingon sa kaniya na hindi parin iniaangat ang ulo ko mula sa desk.
"Bukas--bukas nalang tayo magsimula" sagot ko.
"Mamaya puntahan mo ako sa gym. Hindi pwedeng ipagpabukas mo pa yung pagtutor mo sa akin."
"At bakit naman?" nakataas ang kilay kong ani.
"May quiz tayo bukas. Hindi mo ba narinig?" nanlaki ang mata ko at napatayo.
"Quiz? Kanino?"
"Kay Sir Martin" sagot niya sa tanong ko.
"Ganoon ba" ani ko at dahan dahang umupo. Nakita kong naglakad si Luke paalis pero agad itong huminto. Humarap ito sa akin at nilagay sa desk ko ang isang burger at chocolate drink. Napakunot ang noo ko at takang napatingin kay Luke.
"Ano to?"
"Pinapabigay ni Au, baka hindi kapa daw kumakain" nauutal niyang ani. Pinanliitan ko siya ng tingin dahilan para tila naiilang siyang tumingin sa ibang direksyon.
"Thank you" masigla kong ani at sinimulang kainin ang burger. "Nakakatouch naman, huwag mong kalimutang sabihin kay Au na thank you." Let's eat my disappointment away! Tama! Kailangan ko ng kalimutan yung nangyari kahapon, especially dahil wala naman iyong halaga kay Troy. Ibabaon ko nalang iyon sa limot at iisiping walang ganoong nangyari. Erase! Erase! Erase!
Napansin kong tumalikod si Luke at nagsimulang humakbang. "Thank you nga pala sa paghatid nito sa akin" nakangiti kong ani dahilan para mapahinto siya. Nanlaki ang mata ko at ilang beses kinusot ang mata ko nang mapansing bahagyang ngumiti si Luke. Nagmamalikmata ba ako? Hindi ko madalas makitang ngumiti si Luke. I must say, gwapo talaga siya kahit side profile lang niya ang nakikita ko mula sa kinauupuan ko. Hindi na sumagot si Luke sa akin at umalis na habang ako ay ipinagpatuloy ang pagkain.
Ilang minuto bago magsimula ang sunod naming klase ay dumating si Au. Sinalubong ko siya nang may ngiti sa labi at niyakap. Nagtataka naman itong humiwalay sa pagkakayakap sa akin at umayos nang upo.
"What happened? Why are suddenly being clingy?" naguguluhan niyang ani dahilan para ikakunot ang noo ko. Napalingon ako sa gawi ni Luke na kasalukuyan palang nakatingin sa amin dahilan upang tingnan ko siya ng masama.
"Hindi ba sinabi ni Luke sayo yung pinapasabi ko?"
"Na?"
"Thank you doon sa burger at chocolate drink na binigay mo" lintaya ko. Tila naguguluhan si Au sa sinasabi ko kaya napabaling ang tingin niya kay Luke. Ako lang ba? o sadyang tila may pinapahiwatig ang tingin na ipinupukol nilang dalawa sa isa't isa.
"Ah--Ah--Oo--you're welcome kenny!" biglang ani ni Au dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
"Naks! I Love you na talaga! Ikaw nalang kaya jowain ko para may lifetime supplies ako ng pagkain." mapagbiro kong ani na ikinatawa ko.
"Ayoko baka may magalit sakin" mahina niyang ani.
"Anong sabi mo?"
"Huh?--Ako?--Wala iyon!"
©introvert_wizard
"Asan naba si Luke?" inis kong ani habang hinahanap ng paningin ko si Luke sa buong gym.
"Sino hinahanap mo Kenneth?" napalingon ako kay Jeffrey nang tanungin niya ako.
"Si Luke?" nahihiya kong tanong.
"Ah si Luke. Feel ko nasa loob pa siya, pasok ka nalang at hintayin mo siya."
"Salamat" nahihiya akong pumasok sa room ng mga player. Pagkapasok ko ay wala ni isang player ang naroon marahil ay umalis na silang lahat. Sa pagkakalam ko ay dito nakalagay yung mga locker kung saan nila nilalagay yung mga gamit nila. Umupo ako sa tila bench at inilibot ang paningin ko sa kabuoan ng room. Naghahalo ang amoy ng pawis at mabangong sabon sa loob ng room though hindi naman itong nakakadiri. Nasa room rin kasing ito ang cr kung saan naliligo ang mga players. Tanging ang mga lockers ang naghihiwalay sa dalawa.
"Naliligo ba siya" tanong ko sa sarili ko. Biglang may kalokuhang pumasok sa isipan ko at tumayo ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pasukan kung saan makikita ang cr. Bago pa ako makapasok ay bigla akong nakakita ng ipis dahilan para magsisigaw ako at matumba dahil sa takot. Napaupo ako sa sahig at nakita kong natumba ang ilang gamit na nasagi ko. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa harapan ko ang kakaligo lang na si Luke. Napalunok ako nang mapansing tanging tuwalya lamang ang nakatakip sa ibaba niyang bahagi.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tinakpan ang mata ko ng bagay na nahawakan ko.
"Binubusohan mo ba ako?" Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isipan ko ang nakangisi niyang mukha nang marinig ko ang sinabi niya.
"Hindi ah!" madiin kong pagtanggi na patuloy paring nakapikit.
"Bakit mo hawak yang boxer ko?" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Agad kong tiningnan ang bagay na hawak ko na ginamit kong pangtakip sa mukha ko. Napaawang ang bibig ko at tila huminto sa pagproseso ang utak ko nang makitang boxer nga ang napulot ko kanina. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok at nahihiyang napatingin sa kaniya. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha, pinantayan niya ako at dahan dahang lumapit.
"Kung gusto mo nitong boxer ko, sana sinabihan moko willing naman akong bigyan ka. Baka nga ibigay ko pa sayo yung boxer kong kakahubad palang" nakaramdam ako ng labis na inis at hiya.
"Anong akala mo sa akin? Bastos!" bulyaw ko at marahas na ibinigay sa kaniya ang boxer niya. Inis akong tumayo at namumula sa hiyang tumakbo paalis. Bago paman ako makalayo ay narinig ko ang mapangasar niyang tawa na ikinapikit ko dahil sa labis na inis.
Bakit walang nangyaring tama sa akin ngayong araw?
Naging tanga na nga ako dahil umasa ako kay Troy--
Tapos--
Tapos---
Naging mamboboso pa ako!
©introvert_wizard
Naiilang akong pumasok sa room nang makita ko ang nakangising si Luke. Napapikit nalang ako dahil sa inis at umupo sa upuan ko. Sinadya kong tumingin sa kabilang direksyon para hindi magtama ang tingin naming dalawa. Napatingin kaming lahat nang dumating si Julie Ann, ang dakilang chismosa ng room. Mukhang may ichichika na naman siya dahil hinihingal itong dumating.
"Guys, alam niyo na ba?" tanong niya habang hinahabol ang hininga.
"Obviously, hindi. Ikaw lang naman itong may interes sa mga chismis Julie Ann." mataray na ani ni Helli.
"Tumahimik ka impyerno! Umalis ka ng room kung ayaw mong marinig yung balita ko" inis na ani ni Julie Ann na ikinairap lang ni Helli.
"Ano bang chika mo ngayon?" tanong ng isa kong kaklase.
"May nahuli daw na maboboso" Tila bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ni Julie Ann. Bigla akong nakaramdam ng labis na inis dahilan para pagpawisan ako. Napatingin ako kay Luke na nakangisi sa akin.
"Huh? Nahuli siya?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakatingin sa akin. Napalingon naman ang lahat ng kaklase namin sa kaniya.
"Bakit Luke? Kilala mo ba yung mamboboso? Binusohan karin ba?" sunod sunod na tanong ni Julie Ann na nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko. Paano pagsabihin niya yung nangyari kahapon? Patay! Mababansagan pa ata akong mamboboso.
"Saan ba siya namboso?"
"Sa girl's cr" sagot ni Julie Ann. Mas lalo akong naiilang dahil hindi inaalis ni Luke ang tingin niya sa akin.
"Ibang tao ata yung namboso sa akin. Nangyari kasi iyon sa gym" simple niyang sagot at ibinaling sa mga kaklase ko ang tingin niya. Halo halong reaksyon ang narinig ko mula sa kaklase ko nang malaman nilang may isa pang mamboboso.
Nakakainis!
Hindi naman kasi ako mamboboso!
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone dahilan para kunin ko iyon sa bulsa ko. May isang message? Kanino kaya ito galing? Binuksan ko yung message.
[From : Tanda]
Binalik mo ba sa akin yung boxer ko kahapon?
Inis akong napatingin kay Luke na ngayon ay nakangisi. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang inis at napahigpit nang hawak sa phone ko.
"HINDI NGA AKO MAMBOBOSO!" sigaw ko sa isipan ko.
"Kenny? Anong sabi mo?" napalingon ako kay Au at bumungad sa akin ang nagtataka niyang tingin. Inilibot ko ang paningin ko at napansing lahat sila ay nakatingin sa akin. Napalingon ako kay Luke na ngayon ay tumatawa na nang malakas.
Oh!
Em!
Gee!
Did I?
Did I just said it out loud?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko at nahihiyang isinubsob ang mukha ko sa desk.
LUKE!
HUMANDA KA TALAGA SAKIN!
✒End of Chapter 18 : Mamboboso