Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 20 - Chapter 20 : The Line between Friendship and Lovers

Chapter 20 - Chapter 20 : The Line between Friendship and Lovers

Kenneth's PoV

"Bata!" napalingon ako sa likuran nang marinig ko ang sigaw ni Luke. Nagmamadali siyang lumapit sakay ang bisekleta niya. "Sakay!" nakangiti niyang alok nang huminto siya sa harapan ko. Walang pagaanlinlangan naman akong umangkas sa likuran ng bisekleta. Humawak ako nang mahigpit sa upuan nang magsimula na siyang magpedal.

"Katatapos lang ng practice niyo?" tanong ko.

"Oo. May inaasikaso daw kasi si Coach, kaya pinauwi kami ng maaga." sagot niya. Napatangotango naman ako at tumahimik nalang.

"Bakit ang tahimik mo?" basag ni Luke sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa..

"Magdedeadline na kasi para sa bayarin ng kuryente, pero hanggang ngayon wala parin akong pera pambayad." walang gana kong lintaya.

"Hindi ba kakasweldo lang natin?" tukoy niya sa sweldong nakuha ko mula sa pagpapart-time sa café.

"Alam mo naman maliit lang ang sinasahod ko doon dahil part-time lang ako." Paliwanag ko.

"Wala ka bang ibebenta ngayon?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"I mean talong—gulay---Hindi ba nagtitinda ka nun" dugtong niya ng mapansing natahimik ako sa tanong niya. Napa-ah naman ako habang tumatango.

"Wala…Ubos na yung paninda naming gulay." Nagulat ako nang biglang hininto ni Luke ang bike at inilihis ito sa kaliwang banda. Pagkatapos ay agad siyang nagpedal at lumiko sa kaliwang daan.

"Saan mo ko dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa atin." Nagtataka kong ani.

"Kalimutan mo muna yang problema mo."

"Huh?—Ano bang pinagsasabi mo? Hoy!—" ani ko habang hinahampas ang likuran niya.

"Kumapit ka!" nakangiti niyang sigaw at mabilis na nagpedal.

"Luke! Bagalan mo!" gulat kong sigaw dahilan para mapayakap ako sa kaniya. Napalunok ako ng mahawakan ko yung matigas at humuhulmang abs sa tiyan niya. Hindi ko maiwasang mamula at kabahan. Tanging ang malakas na kabog ng puso ang naririnig ko.

"Saan ba tayo pupunta?" ramdam ko ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Ilang minuto ang lumipas ay naaninag ko ang baywalk at ang kumikinang tubig dagat. Agad kong hinampas ang braso ni Luke.

"Hoy! Bakit nandito tayo?"

"Para magenjoy! You need to de-stress." Ramdam ko ang saya sa boses niya. Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Anong de-stress? Hindi pa ako stress Luke. Namromroblema lang naman ako dahil malapit na ang deadline ng bayarin hindi pa ako stress."

"So you'll wait until you're stress before you have fun? Take a break. You need it." Napalunok ako ng maramdam kong sinsero siya sa kaniyang sinasabi.

"Pero-"

"No buts---" ani niya at mabilis na nagpedal. Muli akong napayakap sa kaniya. Napapikit ako at inihiga ang ulo ko sa likod niya kasabay nito ay pagguhit ng matamis na ngiti sa labi ko. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong huminto na siya sa pagpepedal.

"Nag-eenjoy ka yata sa pagyakap sakin" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at agad na humiwalay sa kaniya. Sunod ko naramdaman ang pagtama ng pwet ko sa buhangin. Pagmulat ko ay nakita ko ang nakalahad na kamay ni Luke. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumisi si Luke.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ako nag-eenjoy sa pagyakap sayo? Aba! Asa ka!" inis kong ani at tinabig ang kamay niya. Tumayo ako at hinarap ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa kumikinang karagatan. Tila nawala ang lahat ng problema at pangamba ko. Napapikit ako kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa aking labi, dinadama ang paghaplos ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat at tunog ng hampas ng alon na tila naging musika sa aking tenga. Naramdaman ko ang unti-unting paglapit sa akin ni Luke.

"Hindi ba kakalipat mo lang dito? Bakit parang mas alam mo pa itong lugar namin kaysa sa akin." Ramdam ko ang paglingon sa akin ni Luke kahit patuloy parin akong nakapikit.

"I enjoy life" napakunot ang noo ko sa sinagot niya. Minulat ko ang aking mga mata at napalingon sa kaniya na may nagtatanong ekspresyon sa aking mukha.

"I enjoy life—Lumalabas ako ng bahay para mag-enjoy sa labas—a thing that you can't do" ani niya na mas kinakunot ng noo ko.

"I enjoy my life tho—"

"Kahit pasan mo ang problema ng pamilya mo? You're only 17 you should enjoy life."

"You're 19 but you think life is all about enjoying" sagot ko.

"You're just too complicated"

"You just think too simple" ani ko na ikinangisi niya.

"Hindi talaga ako mananalo sayo" natatawa niyang sambit.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na hindi ako nag-eenjoy sa buhay ko? Helping my family is a hard task—nakakadrain physically, mentally, and emotionally—Ano nga ba kasing magagawa ko? Hindi kami mayaman. It's hard, but I enjoy it. Mapapagod pero hindi susuko." Mahaba kong lintaya.

"Can I be part of your family?" bulalas ni Luke. Napalunok ako kasabay nang pagtama ng aming mga tingin. Kita-kita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso.

"or we can make our own family" pahabol niya. Ano bang sinasabi niya? Naramdaman ko ang tila pagtaas ng dugo mula sa paa papuntang pisngi ko dahilan para mamula ito. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kaniya.

"Ano bang sinasabi mo!?" inis kong ani. Hinihintay ko ang sagot niya ngunit isang malalim na buntong hininga ang aking narinig.

"Sineryoso mo naman!" sigaw niya at tumawa ng malakas, pagkatapos ay tumakbo papuntang dagat. Bigla akong nakaramdan ng inis. Gago ba siya?

"Leche ka!" sigaw ko at hinabol siya.

Nahinto ako sa paghabol sa kaniya nang lumusong na siya sa tubig. Patuloy parin siya sa pang-iinis sa akin habang umaatras. Ayaw kong lumusong sa tubig lalo na at maggagabi na kaya mas lalong lumalamig ang simoy ng hangin.

"Hindi kaba maliligo?"

"Ang lamig ayoko" ani ko at napaatras.

"Ayaw mo?" ani niya kasabay ng pagguhit ng pilyong ngiti sa kaniyang labi. Pagkatapos ay bigla niyang hinubad ang pangtaas niyang uniporme dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa hubad niyang katawan. Nanginginig ang katawan ko, nakikiliti ang aking tiyan, at tila may nagwawala sa luob ng isip ko. Pakiramdam ko ay huminto sa pagproseso ang buong sistema ng katawan ko.

Sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang purihin ang magandang hubog ng katawan niya. Tila kumikinang ang katawan niya dahil sa pagtama ng liwanag sa kaniyang katawan. Pakiramdam ko ay ano mang minuto bibigay ang tuhod ko at mapapaluhod ako.

Sunod ko nalang naramdaman ay ang pagyakap sa akin ni Luke at ang pagtama ng malamig na tubig sa buong katawan ko.

Bakit niya ito ginagawa sa akin?

He's dangerous for my heart.

Dapat ba akong lumayo sa kaniya?

Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng sakit sa puso kong palagi ko siyang kasama.

Natatakot ako sa nararamdaman ko. Hindi ako tanga para hindi maisip na baka nahuhulog na nga ako sa lokong ito. Hindi pwede. Kung kailan naging magkaibigan kami.

© introvert_wizard

Napapikit ako nang tumama ang sinag ng palubog na araw. Naramdaman ko ang paghiga ni Luke sa buhangin katabi ko.

"Anong iniisip mo?" tanong niya.

"Kung paano kita papatayin" sarkastiko kong ani.

"Sweet mo naman"

"Maliit na bagay" ani ko na ikinatawa niya ng bahagya. Pagkatapos ay binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Tanging ang pagtibok lang ng aking puso ang naririnig ko.

"Luke" tawag ko sa pangalan niya na sinuklian niya naman ng "hmm" mukhang napagod rin siya sa halos isang oras naming pagtatampisaw sa dagat.

"Nasaan ang pamilya mo?" tanong ko. Pakiramdam ko ay natigilan siya dahil sa sagot ko.

"Wala ako nun"

"Huh?—Anong wala?—Ahh—sorry—Patay naba sila?" nahihiya kong sambit. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kaniya, tumango naman siya bilang sagot.

"Ganoon ba" mahina kong sambit at muling humiga sa buhangin. Muli kaming binalot ng katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagtatangkang ibukas ang bibig. Naputol lamag ang katahimikan nang magring ang telepono ni Luke.

"Pre?" bungad ni Luke

[Pre—Si Leah] naramdaman ko ang pagtayo ni Luke nang marinig niya ang pangalang Leah. Kung hindi ako nagkakamali girlfriend niya iyong Leah. Napabangon ako sa pagkakahiga at tiningnan si Luke. Halata sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Pupunta na ako diyan" ani ni Luke at tumakbo papuntang bike niya. Napahinto siya at napalingon sa akin.

"Mauna na ako" ani niya. Bago paman ako makatango ay agad na siyang nagbike paalis.

Hayst!

Paano ako makakauwi nito!

Ang layo pa naman nito sa bahay namin. Bwesit! Bakit pa niya ako dadalhin dito kong iiwanan niya rin naman ako!?

Ano kayang nangyari sa girlfriend niya?

Nakaka-asar!

Napahawak ako sa dibdib ko nang tila sumikip ito.

Leah?

Girlfriend ni Luke.

Bakit kumikirot yung puso ko?

Nagseselos ba ako?

Bakit naman ako magseselos?

Hindi.

Hindi ako nagseselos.

Nasasaktan ako.

Pero—

Bakit naman ako masasaktan?

Wala akong karapatang masaktan. Kaibigan lang niya ako.

Kaibigan lang ako ni Luke.

I'm just his friend—

A friend—

Kaibigan—

A friend that should draw a line between friends and lovers—

And I should not cross that line—

Cause even I do—

He won't—

He will never cross the line between friendship and a romantic relationship.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 20 : The Line Between Friends and Lovers.