Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 9 - Chapter 09 : The New Worker

Chapter 9 - Chapter 09 : The New Worker

Kenneth's Pov

"Papasok ka na ba?" napalingon ako kay Nanay habang ang kamay ko ay abala sa pagtatali ng sintas ng sapatos ko.

"Opo, maaga kasi magbubukas yung café ngayon." ani ko at pinagpag ang suot kong damit.

"Huwag mong kakalimutan na may lilipat diyan sa tabi. Siguraduhin mong ikaw yung tutulong sa paglinis at pagayos para may pera tayo malapit na due date ng kuryente." bilin ni Nanay bago ako makaalis

Malalim akong napabuntong hininga nang maglakad palabas ng bahay. Pikit mata kong hinarap ang sinag ng araw kasabay ng pagguhit ng isang ngiti sa aking labi. Let this day be a great day! Fighting!

"Bruha! Hali ka dito!" tawag ni Jay pagkapasok ko sa cafè. Abala siya sa paglilinis ng mga table. Nagtataka naman akong lumapit sa kaniya. Tumingin muna siya sa paligid bago inilapit ang mukha niya sa akin.

"May bago tayong katrabaho" halos pabulong na niyang ani. Kunot ang noo ko siyang tinitigan.

"Ano naman kung may bago tayong katrabaho? Tataasan ba sweldo natin? Ang saya saya mo dahil lang may bago tayong katrabaho? Gwapo, for sure! Hindi ka naman magrereact ng ganito kung hindi gwapo." hindi makapaniwala kong sambit kay Jade.

"Baka hindi lang gwapo---" napakunot ang noo ko nang may biglang magsalita sa likuran ko. Bakit parang pamilyar yung boses niya? Puno ng pagtataka akong humarap sa lalaking nagsalita.

"Gwapong gwapo" nakangising ani ni Luke.

"Gwapong gwapo talaga Bruha" bumubungisngis na sambit ni Jay at sinundot ako sa tagiliran.

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako" inis kong ani na bahagya niyang kinatawa.

"Nandito ako para magtrabaho hindi para sayo" nakaturo ang daliri niya sa aking noo dahilan para makaramdam ako ng labis na inis. Inis ko itong tinabig at pinantayan ang tingin niya.

"Medyo asyumera ka Bruha" mapangasar na lintaya ni Jay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Andito ka na pala Kenneth" Otomatikong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi ng sumulpot si Boss.

"Si Luke, bago niyong katrabaho. Maya nalang kayo magusap dahil magsisimula ng magdatingan ang ating mga kostumer." sabay naman kaming tumango at nagsimula ng kumilos.

"Caramel Macchiato for Mr. Bob" sigaw ko kasabay ng pagtapik ko sa bell. Nakita ko ang paglapit ng isang matabang lalaki na nakasuot ng business attire. Kapansin pansin ang lumalago nitong balbas at ang nakakatakot nitong awra. Inilapag ko ang order niya at ipinagpatuloy ang pagbibilang ng pera.

"Ano ito?" napalingon ako sa lalaki na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Caramel Macchiato po? Ayan po yung inorder niyo" sagot ko habang pinipilit na pakalmahin ang sarili. "Heto po oh! Nakasulat dito, Caramel Macchiato for Mr. Bob"

"Hindi ito ang gusto ko" halata ang pagkainis sa tono ng pananalita niya.

"Pero sabi dito Caramel Macchiato for Mr. Bob" nauutal kong ani.

"Sino ba yang punyetang Bob na iyan?" nagulat ako sa bigla niyang paghampas sa counter.

"Hindi po ba kayo si Mr. Bob? Sa kaniya po kasi itong kapeng ito. Hindi niyo po ba narinig yung sinabi ko? Caramel Macchiato for Mr. Bob, yan po yung sinigaw ko tapos ikaw yung lumapit. Akala ko ikaw si Mr. Bob?" naguguluhan kong ani.

"Tang ina naman! Sinabi ko bang ako yang Bob na iyan? Yung order ko yung gawin mo! Bilisan mo!" binalot ang buong café nang malakas at nakakatakot niyang sigaw. Nahihiya naman akong yumuko at bahagyang tumango. Naramdaman kong ang lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa akin. Dahil sa labis na kaba ay aksidente kong nahawakan ang mainit na bahagi ng isang machine.

"Ang tanga tanga naman! Asan ba yung manager dito?" agad akong napalingon sa lalaki nang sumigaw ito.

"Boss, Huwag po kayong mageskandalo dito." nagulat ako sa biglaang pagdating ni Luke sa harapan ng lalaki.

"Sino ka ba? Ikaw ba yung manager dito?"

"Hindi Boss" magalang na sagot ni Luke.

"Hindi naman pala ikaw. Bakit ka sumasabat? Tawagin mo yung manager niyo!" galit na ani ng lalaki."Ikaw naman, ang bagal bagal mo! Hindi pa ba iyan tapos? Bilisan mo!" baling niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kapeng ginawa ko kanina. Itinaas niya ito sa ere at itinapon sa banda ko. Akala ko ay ako ang matatapunan ng kape pero agad na humarang sa harapan ko si Luke.

"What's happening here?" napalingon ako kay Boss nang dumating siya."Guard! Palabasin mo itong lalaking ito!" turo niya sa kaninang nagwawalang lalaki. Agad naman dinampot ng gwardiya ang lalaki na madiing nagpupumiglas habang kinakaladkad.

"Okay kalang Luke?" nagaalalang tanong ni Boss Allan kay Luke. Nakangiti namang tumango si Luke."Magpalit ka muna ng damit" pahabol na utos ni Boss Allan na agad namang sinunod ni Luke.

"Sundan mo si Luke, si Jay muna dito" baling ni Boss Allan sa akin na ikinatango ko.

Hindi parin ako makarecover sa nangyari kanina. Sa ilang months na pagtratrabaho ko dito ay ngayon lang nangyari sa akin ang ganun. Napahinto ako at agad napatalikod nang maabutan kong nakahubad na pala ng pangitaas si Luke. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Luke na sinundan ng tsk.

"Tapos na ako, pwede ka nang tumingin" pikit mata akong humarap kay Luke. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakapamulsang nakasandal sa pader habang nakacross ang magkabila niyang paa. Hindi ko maiwasang mapatingin sa puting damit na suot niya na tinatangay ng hangin dahilan para humulma ito sa katawan niya. Napansin kong nakakunot ang noong napatitig sa akin si Luke kaya agad kong iwinaksi sa isipan ko ang kalokohan na iniisip ko.

"Kailangan ko bang maghubad ulit?" nakangising tanong ni Luke na ikinakunot ng noo ko. Nakapamulsa itong naglakad sa harap ko.

"Anong pinagsasabi mo?" nauutal kong ani.

"Sabi ko baka nahihirapan kang tingnan yung katawan ko, gusto mo bang maghubad ako ulit sa harap mo?" walang pag aalinlangan niyang tanong habang nilalapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mata niya na tila hinihila ako papasok. Ngayon ko lang napagtantong sobrang taas niya pala talaga kumpara sa akin. Kailangan niya pang yumuko at bahagyang ibaba ang katawan niya para mapantayan niya ang tangkad ko.

"Ang problema bawal sa bata to" nakangisi niyang ani at ginulo ang buhok ko sa ulo. Bakit ba ang hilig niyang manggulo ng buhok? Sumandal siya sa pader na malapit at may hinugot na isang pirasong sigarilyo.

"Ako bata? Dise syete na po ako anong bata ka diyan!" nakataas ang kilay kong ani at sumandal rin sa pader.

"Dise syete? Ang bata mo pa talaga" nakangisi niyang ani at inilagay sa bibig niya ang sigarilyo habang ginagalugad ng kabila niyang kamay ang bulsa niya.

"Kapal! Akala mo naman matanda na siya. Ilan taon kana ba? Baka nga mas matanda pa ako sayo. Mas matangkad kalang sa akin noh!" nakakunot ang noo ko siyang tiningnan habang seryosong sinisindihan ang sigarilyo niya.

"Dise-nuwebe na ako. Dalawang taon tanda ko sayo bata." mayabang niyang sambit at binugahan ako ng usok mula sa sigarilyo niya. Nauubo kong iwinasiwas ang usok.

"19? Nice joke. Hindi ako naging top 1 ng klase natin para lang mauto sa sinabi mo." nakapameywang kong ani at muling iwinasiwas ang usok na ginawa ng kaniyang kaswal na pagbuga ng usok mula sa sigarilyo.

"Alam kong sa sobrang gwapo ko ay inakala mo na magkasingedad lang tayo. Dalawang taon ang tanda ko sayo bata, tandaan mo yan." kaswal niyang ani at nandidiri ko siyang tingnan.

"Itigil mo nga yang kakabuga mo ng usok hindi ka naman tambucho ng kotse. Ngayong sinabi mo yung totoo mong edad, napansin kong ang tanda mo nga talagang tingnan dahil sa halos na ngingitim mo nang labi. Itigil mo nga yang kakahithit mo ng sigarilyo!" pangaral ko sa kaniya at pinilit agawin ang sigarilyo sa kamay niya. Mabilis niyang inalayo ang kamay niya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Narinig ko ang pag-tssk niya.

"Sekswal harassment yan bata" nakangisi niyang sambit kaya agad akong lumayo sa kaniya.

"Kapal! Excuse me? Wala akong balak na gawin sayo" inis kong sambit at pinagkross ang magkabila kong braso.

"Wala rin naman akong balak magpagalaw sayo" mapangasar niyang ani at kinaltukan ako sa noo. Napahimas ako sa noo ko dahil sa lakas ng pagtama niya dito.

"Thank you nga pala doon sa ginawa mo kanina" pagiiba ko sa usapan. Nahihiya akong napatingin sa kaniya.

"Okay lang, ayaw ko lang makakita ng inaagrabyadong bata" muli siyang humithit ng sigarilyo at ibinuga ito sa mukha ko.

"Sabi nang itigil mo yang paninigarilyo mo!" inis kong sigaw at muling sinubukang kunin ang sigarilyo mula sa kamay niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nailayo niya ang kamay niya habang hinawakan naman ng kabila niyang kamay ang kamay ko.

"Hindi pa nga tayo pinagbabawalan mo na ako" nakangisi niyang ani. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong saan ako titingin dahil nag aalinlangan akong tumitig sa mata niya. Napansin koring namumula na ang pisngi ko. Marahas kong hinila ang kamay ko at humakbang paatras sa kaniya.

"Nakalimutan kong hindi pala ako pumapatol sa bata" pahabol niyang sambit at muling gumuhit ang nakakaloko niyang ngisi. Muli niyang ginulo ang buhok ko na nagbigay ng kakaibang kuryente sa katawan ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang bawat galaw na ginagawa niya.

Inihagis niya sa direksyon ng trashcan ang upos niyang sigarilyo at hindi nakapagtatakang pumasok ito, sa galing niya ba namang magbasketball. Inayos niya ang damit niya bago siya naglakad paalis. Matagal pa bago bumalik ako sa wisyo at humarap sa gawing pinto.

"Pakyu ka! Hindi rin ako pumapatol sa matanda!" sigaw ko at sinundan ito ng nakakainis niyang tawa.

Nakakaasar talaga yung lalaking iyon! Paano ko matatagalan yung ganoong ugali? Talaga bang makakasama at makikita ko siya tuwing weekends? Hanggang dito ba naman sa pinagtratrabahuan ko may asungot!

STRESS!

©introvert_wizard

✒End of Chapter 09 : The New Worker