Kenneth's PoV
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata ng tumama ang sinag ng araw sa maliliit na butas ng aming lumang yero. Nakangiti akong bumangad at nagunat-unat. Pagkatapos kong magunat ay naglakad ako papauntang bintana para buksan ito. Saktong pagkabukas ko ng bintana ay tumama sa mukha ko ang isang bola. Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakatama sa mukha ko. Inis akong tumayo at tiningnan kong sino ang nakatama sa akin. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Luke.
"Sorry" bulong niya sa hangin.
"YAH! Hintayin mo akong makababa diyan makakaisa ka talaga sa akin!" ilang beses akong napamura habang naglalakad pababa at mahigpit ang pagkakahawak sa bola ni Luke.
"Morning Na--" hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Nanay dahil humarorot ako palabas para sugurin si Luke. Ang aga aga bwinebwesit niya ako.
"Sorr-" agad kong ibinato ang bola niya sa tiyan dahilan para matahimik siya.
"Tng ina naman! Nagsorry na nga yung tao." inis na ani ni Luke habang iniinda ang sakit.
"Bakit kasi naglalaro ka niyan umagang-umaga? Alam mo nang may natutulog pa!" pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi makapaniwalang napangisi si Luke at dahan dahan akong nilapitan. Sa bawat paghakabng niya palapit sa akin ay ang pagatras ng aking paa. Namalayan ko nalang na nakasandal na pala ako sa pader ng makaramdam ako ng malamig na semento. Napalunok ako ng mapagtantong walang pangitaas na damit si Luke. Mas lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko nang makita ko ang tumutulong pawis sa hubad niyang katawan.
"It's already 10 and you still call this early in the morning?" he said in gritted teeth. He locked me between his two hands at both sides. Pag may makakita sa posisyon namin ngayon for sure pagpyepyestahan kami ng mga chismosa. Mabuti nalang at mataas ang bakod ng bahay ni Luke at kahit ang gate niya ay walang kung anomang butas. "Kung ayaw mong madisturbo yung pagtulog mo, sa bundok ka tumira"
"Lumayo ka nga sa akin! Ang lagkit ng pawis mo!" nauutal kong sambit at malakas siyang tinulak.
"Baka nga hinubad mona pati shorts ko diyan sa isipan mo" mayabang niyang ani. Pinadilatan ko naman siya.
"ASA KA! HINDI KITA TYPE!" bulyaw ko sa kaniya.
"Huwag kang magalala, dahil kahit type pa kita hindi ako pumapatol sa bakla" tila may bombang sumabog sa harapan ko na nagpabingi sa akin nang marinig ko ang sinabi niya. Tila huminto ang utak ko sa pagproseso at napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Tanging ang malakas na kabog nalang ng puso ko ang nariririnig ko. Nakapako ang paningin ko sa mga mata niyang tila inaakit ako.
"Nak?" otomatikong humakbang palayo kay Luke ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Nanay. Sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ni Nanay, nakangiti namang lumapit siya.
"Ikaw ba yung bagong lipat?"
"Ah Opo" magalang na sagot ni Luke.
"Sumabay kana samin kumain" yaya ni Nanay napatingin naman sa gawi ko si Luke.
"Sige Nay, susunod nalang kami doon" hinila ko papasok ng bahay niya si Luke.
"Magbihis ka" ani ko.
"Bakit? Mas komportableng kumain nang nakahubad." dahilan niya.
"Sasabay sa pagkain natin sina Lolo at Lola. Matatanda nayun ayokong may makuha silang kung anong mikrobyo sayo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo maliligo at magpapalit ka ng damit." hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong umangal sa halip ay pilit ko siyang hinila papasok ng banyo.
"Bilisan mo!" maotoridad kong ani at malakas na sinara ang pinto ng banyo. Bahagya kong narinig ang pag-tssk niya bago ko tuluyang masara ang pinto.
"Abot mo sakin yung tuwalya" napatayo ako sa matagal na pagkakaupo nang marinig ko ang sinabi ni Luke.
"Nasaan?" tanong ko habang hinanap ng mga mata ko ang tuwalya.
"Hanapin mo sa kwarto" sagot niya. Pumasok ako sa kwarto niya. Bumungad sa akin ang karaniwang kalagayan ng kwarto ng isang lalaki, magulo na tila may nangyaring gera. Napapailing akong hinanap ang tuwalya nang mahanap ko ito ay agad akong nagtungo sa harap ng banyo.
"Heto yung tuwalya" kinatok ko ang pinto. Nang mapansin kong bahagya itong bumukas ay agad akong tumalikod. Naramdaman ko ang pagabot ng isang kamay sa tuwalyang hawak ko. Nang marinig ko ang pagsara nang pinto ay nakahinga ako nang maluwag. Humarap ako sa bandang pinto ngunit nagulat ako nang bumungad sa akin ang kakalabas lang sa banyo na si Luke. Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa basang mukha at katawan ni Luke. Natigil ako sa pagtitig sa kaniya nang makita ko ang bahagyang pangisi niya.
"Bilisan mong magbihis, nagugutom na ako" nauutal kong sambit. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata kaya napagdesiyunan kong hintayin nalang siya sa labas ng bahay niya. Pinaypay ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil nagiinit ang pisngi ko. Pagkatapos ng ilang minuto kong paghihintay ay dumating na si Luke na nakasuot ng pambahay na damit. Nakakunot ang noo kong napatingin sa puti niyang damit na may pahabang hiwa.
"Wala ka bang ibang damit?" mataray kong ani."Masyado mo namang pinagmamalaki yang abs mo"
"Yung hiwa ng damit ko nasa gilid hindi nasa harapan. Sabihin mong gusto mo lang ulit makita" mayabang niyang sambit.
"Nasa gilid nga yung hiwa pero jusme mas malaki pa yung hiwa mo sa gilid kesa sa pasukan ng damit sa ibaba. Sana naghubad ka nalang" sarkastiko kong ani at nagsimulang maglakad papunta sa bahay.
"Just tell it frankly that you want to see me naked" nilingon ko siya at tinaasan ng kilay ngunit isang kindat at nakakalukong ngiti ang sinukli niya sa akin. Hindi kona nagawang makasagot pa sa kaniya kaya naglakad nalang ako papasok sa bahay. Bumungad sa amin ang anim kong kapatid, si Nanay, si Tito, si Lolo at Lola. Magalang na naglakad si Luke sa hapagkainan at umupo sa tabi ko.
"Maraming salamat po pala tita" nakangiting sambit ni Luke.
"Walang anuman iho. Pagmay problema ka hanapin mo lang tong si Kenneth, pwede ano mang oras basta may---bayad" natatawang ani ni Nanay na ikinapikit ng mata ko.
"Naku Melding tumigil ka diyan, nasa hapagkainan tayo tapos puro pera yang nasa utak mo" suway ni Tito kay Nanay na ikinataas naman ng kilay ni Nanay.
"Jude, ikaw manguna sa pagdadasal" pagiiba ni Nanay. Agad namang sumunod ang bunsong kapatid ko na si Luke. Mataimtim kaming nagdasal na kinaugalian na ng aming pamilya dahil narin sa pagiging relihiyosa ni Lola at Nanay. Pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Natatawa ako sa isipan ko habang tinitingnan si Luke na nahihiyang kumakain at mababatid ang paggalang at respeto sa bawat sagot niya.
"Ikaw ba yung nagbabasketball kanina?" biglang tanong ni Tito kay Luke. Natigil naman sa pagkain si Luke at napatingin kay Tito.
"Ah Opo, basketball player po kasi ako sa school namin. Naistorbo ko po ba kayo?" pinipigilan ko ang sarili kong hindi matawa habang pinapakinggan ko si Luke magsalita. Jusme, pag ako kausap kulang nalang murahin niya ako pero sa harap ng pamilya ko parang anghel.
"Hindi naman iho, gusto ko lang na yayain mo naman tong si Kenneth. Tingnan mo naman yung katawan patpatin tsaka ang putla ng kutis." narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Luke."Ikaw naman pamangkin, magpaaraw ka naman. Samahan mo itong si Luke at magpaturo ka sa kaniya magbasketball. Kahit hindi araw araw, mabuti na yung maarawan ka para hindi ka naman pagkamalang bakla ng mga kapitbahay natin dahil sa putla at puti ng kulay ng balat mo." baling ni Tito sa akin.
"Huwag kayong magalala Tito, ako bahala dito!" ikinulong ni Luke ang ulo ko gamit ang kaniyang braso habang nakangiti ginugulo ang buhok ko.
"Don't worry Tito, sa susunod na linggo sasamahan ko siyang maglaro" awkward akong nakangiti habang inilalayo ang sarili ko kay Luke.
Nagpatuloy kami sa pagkain habang masayang naguusap si Tito at Luke tungkol sa basketball. Abala ako sa pagkain nang mabasa ko ang text ni Au tungkol sa pagsundo ko sa kapatid niya sa airport. Agad naman akong naligo pagkatapos naming kumain.
Naabutan kong naninigarilyo si Luke pagkalabas ko nang bahay. Prente siyang nakasandal sa pader habang abala sa paghithit at buga nang malapit nang maupos na sigarilyo. Hindi ko nalang siya pinansin at inayos ang damit ko.
"Psst!" nakataas ang kilay kong napalingon kay Luke.
"Ano?" walang gana kong tanong. Naglakad siya papalapit sa akin.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at binugahan ako sa mukha. Naikuyom ko naman ang kamao ko kasabay nang pagpikit ko ng mata at pagpigil ng hininga ko.
"HOY! Huwag ka ngang manigarilyo dito! Alam mo ng may mga matanda dito tapos dito mo pa nakuhang manigarilyo. Lumayo ka dito, doon ka sa bahay mo magpausok nang mawala yang kademonyohan mo." inis kong sambit at hinila siya palayo sa bahay. Huminto ako sa pagtulak sa kaniya nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay niya. Hindi na ako nagpaalam pa sa kaniya at napagdesisyunan kong umalis na.
Nang makarating ako sa airport ay tinext ko si Au kung ano ang pangalan ng kapatid niya. Ilang minuto ang lumipas at nareceived ko ang text ni Au. Troy Lenard Agusto? Bakit parang familiar yung pangalan ng kapatid niya?
"Troy Lenard Agusto" bulalas ko.
"Hi" napatingala ako nang may magsalita sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha nang lalaking bumati sa akin.
"Troy!?" abot langit ang ngiti kong sambit.
"Kenneth?" nakangiting sambit ni Troy at bigla akong niyakap. Tila huminto sa pagproseso ang buong katawan ko dahil sa yakap niyang iyon. Doon ko lang napagtanto ang malaking pagbabago na nangyari sa katawan niya dahil sa pagbibinata niya. Kapansinpansin ang maumbok niyang dibdib at matigas niyang braso na halatang madalas magwork-out. He also became taller. Hanggang ngayon ay maputi parin siya na bumagay lang sa gwapo niyang mukha. He really is my first crush. The first man who made my gay heart skip a beat and the one who introduce me to the rainbow world. Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siya for almost 9 years na hindi kami nagkita, mas lalo siyang sumarap--char gumwapo, I mean.
"Why are you here?" tanong niya nang humiwalay kami sa pagkakayakap.
"Susunduin ko yung kapatid ng kaibigan ko. You're Troy Lenard Agusto? Tama ako hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. What's with this coincidence? Feel ko talaga destined kami para sa isa't isa.
"Ikaw yung sinasabi ni Au na kaibigan niya?" tumango ako bilang sagot sa tanong niya."Haven't she read my text?" nagtataka niyang tanong.
"Text? Na?"
"I sent her a text that I'm letting my friend pick me up but-- I guess I'm destined to meet you" halos matunaw ako sa kinatatayuan ko nang magpakawala siya nang nakakamatay na kindat na sinabayan pa niya ng makalaglag brief niyang ngiti. Jusme! Kunin niyo na po ako Lord! Feeling ko sasabog yung pantog ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko.
"Tol!" natigil ako sa pagpapantasya ko at napatingin sa likod ko nang may tawagin si Troy. Nanliit ang mata ko nang makita ko ang lalaking naglalakad papunta sa amin.
"This can't be happening" mahina kong ani sa sarili ko. Masigla silang nagbody bump(Ps. ito yung banggaan ng dibdib na madalas gawin ng mga lalaki).
"How the fck are you?" excited na sambit ni Troy.
"Still goodlooking" mayabang na ani ni Luke habang nakangisi at nakatingin sa akin. Piinipilit ko namang hindi magtama ang tingin namin.
"Tarantado ka parin talaga" natatawang lintaya ni Troy. Napatingin siya sa akin kaya otomatikong kumurba ang labi ko."By the way this is--"
"I know him" putol ni Luke sa sasabihin ni Troy.
"Magkakilala kayo?" baling ni Troy sa akin.
"Hindi--No!---I have never seen him---Never!" mabilis kong pagtanggi.
"Come on babe, no need to be shy" nakangiting ani ni Luke at naglakad papalapit sa akin.
"Babe?" takang tanong ni Troy. Napatango naman si Luke at inakbayan ako.
"Shota ko tol!" mayabang na ani ni Luke na ikinakuyom nang kamao ko.
SHOTA!?
SHUTANG INA SIYA!
©introvert_wizard
✒End of Chapter 11 : Shuta!