Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 10 - Chapter 10 : The New Neighbor

Chapter 10 - Chapter 10 : The New Neighbor

Kenneth's PoV

Abala ako sa pagtatali ng sintas ng sapatos ko nang may malamig na bagay  ang idinikit sa pisngi ko. Tila nakuryente ang buo kong katawan dahil sa lamig. Inis kong binalingan ang bagay na iyon at bumungad sa akin ang isang iced coffee na hawak hawak ni Luke. Otomatikong nawala ang kunot sa noo ko at gumuhit ang ngiti sa labi.

"Naks naman Tanda, Thank you" abot langit ang ngiti kong sambit sa kaniya habang inaabot ang iced coffee na binili niya. Humigop ako ng kaunti na nagbigay ng kakaibang kilig sa buong katawan ko. Nagtataka akong napatingin kay Luke na  patuloy paring nakatayo sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko sabay sabing,"60 pesos plus delivery fee na 10 pesos, 70 pesos lahat bata" Mahina akong napamura ng mapansing seryoso siya sa sinasabi niya.

"Ayan saksak mo sa lalamunan mo!" inis kong iniabot sa kamay niya ang isang daan. Otomatikong gumuhit ang ngisi sa labi niya, isinuksok niya sa bulsa ang isang daan at umupo sa tabi ko. Nakataas ang kilay kong binaling ang paningin ko sa kaniya.

"Sukli ko?" inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Halos kumawala sa dibdib ko ang puso ko nang makita ko ang sunod niyang ginawa. Mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa palad ko at hinalikan ito. Tila may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan na nagbigay ng kakaibang saya. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa kamay ko. Ano ba ang ginagawa ng lalaking to? Bakit niya paulit ulit na binabaliw ang mga gay hormones ko?

"Bente para sa sightseeing mo kanina at sampo para sa halik ko. Dapat nga may utang ka sa akin dahil mahal yang halik ko." mayabang niyang sambit at sumipsip ng inumin niya.

"Kung isaksak ko kaya itong straw sa mata mo!" inis kong ani at itinutok sa kaniya ang straw ng inumin ko.

"Kung ikaw kaya tusukin ko?" makahulugan niyang ani at kinindatan ako.

"Che!" mataray kong ani at tumayo.

"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Luke. Hindi ko siya nilingon sa halip ay itinaas ko ang kaliwa kong kamay at iwinagayway ito hudyat na nagpapaalam na ako sa kaniya.

Matapos kong ibaba ang kamay ko ay nakangiti akong naglakad paalis. Pasimple akong napatingin sa likuran ko nang tila may sumusumunod sa akin. Humarap ako kay Luke dahilan para mapahinto siya.

"Sinusundan mo ba ako?" nanliliit ang mata kong sambit.

"Asa" walang gana niyang ani at nakapumulsang naglakad paalis.

Nakakunot ang noo ko habang nakapako ang buong atensyon ko sa malapad na likod ni Luke. Bakit pareho yung lugar na dinadaanan niya sa lugar na palagi kong tinatahak pauwi sa bahay? Nakatira ba talaga siya malapit sa amin? Habang papalapit nang papalapit kami sa bahay ay mas lalong nagsasalubong ang dalawa kong kilay. Napaawang ang bibig ko ng huminto si Luke sa  bahay rentahan na katabi ng bahay namin.

"Ikaw yung bagong lipat?" Hindi makapaniwala kong ani at naglakad sa tabi ni Luke. Abala siya sa pagbukas ng kandado ng gate, nakangisi naman akong napatingin sa rinentahan niyang bahay. Pagkaharap na pagkaharap ni Luke ay bumungad sa kaniya ang nakangisi kong mukha. Nakakunot ang noo niyang napatingin sa akin. Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi ko. Itinapat ko ang kanan kong kamay sa dibdib ko at magalang na yumuko sa harap ni Luke.

"Good evening Sir, ako nga pala ang tutulong sayo para ayusin ang bahay mo" masigla kong ani at parang sundalong sumaludo kay Luke. Hindi makapaniwalang napapikit si Luke at tila napamura sa isipan niya.

"Let's just do it tomorrow" mahina niyang sambit at akmang isasara na ang gate ng bahay niya nang bigla kong iharang ang kamay ko.

"May gagawin po ako bukas Sir. Ngayong gabi lang po ako may oras" pilit ang ngiti kong ani habang isiniksik ang katawan ko papasok ng bahay niya.

"Okay, saan tayo magsisimula" masiglang sambit ko nang makapasok ako sa bahay."It's a total mess" hindi makapaniwala kong sambit nang makita ko ang kabuoan ng bahay niya. Biglang sumakit ang ulo ko ng makita ko ang nagkakalat niyang mga gamit.

"Sabi kong bukas na lang" bungad ni Luke na kakadating lang pagkatapos niyang isara ang gate.

"Shhh--Ilagay mo iyon sa kwarto mo!" pagpapatahimik ko sa kaniya. Hindi na siya sumagot pa at sinunod nalang ang utos ko. Abala ako sa pagpulot ng mga nagkakalat niyang mga damit. Napahinto ako ng mapulot ang boxer niya, nakakunot ang mata kong ipinakita ito kay Luke.

"Ang dugyot masyado, sa susunod huwag mong itatapon kung saan saan yung mga underwear mo!" bulyaw ko at agad niyang hinablot ang boxer niya.

"Tssk baka nga iuwi mo to sa inyo" mapangasar na sambit ni Luke.

"Asa! Bumalik kana nga doon. Tapusin mo muna yung ginagawa mo." utos ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang paglilinis.

"Saan ko to ilalagay?" turo niya sa sofa.

"Try mong ilagay sa labas" sarkastiko kong ani at nilapitan siya."Doon nalang! Tulungan mo akong itulak to"

Nagpatuloy ang pagaayos namin at paglilinis ng bahay ng halos apat na oras. Kasalukuyan akong nakahiga sa malamig na sahig habang nakapikit ang mata. Narinig ko ang yapak ni Luke na papalapit sa akin. May malamig na bagay siyang idinampi sa pisngi ko dahilan para imulat ko ang aking mga mata.

"Umiinom ka?" tanong niya nang bumungad sa harapan ko ang isang nakakalasing na inumin.

"Hindi" mabilis kong pagtanggi. Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa pader. Nagulat ako ng biglang may ibinatong chocolate drink si Luke sakin.

"Bata kapa kaya yan muna" pangaasar niya at tumabi sa akin.

"Lumabas ka ng bahay ng walang suot na pang itaas?" nakakunot ang noo kong ani habang tinuturo ang hubad niyang katawan. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa magandang hulma ng kaniyang katawan.

"So you're acting like a possessive wife now?" nakangising tanong ni Luke na ikinataas ng kilay ko.

"As if! Wala akong paki kahit maghubad kapa sa harapan ng maraming tao!" sambit ko at uminom ng chocolate drink. Hindi ako sinagot ni Luke sa halip ay  nagpatuloy siya sa paginom ng delatang beer.

"19 kana ba talaga?" basag ko sa katahimikang pumapagitan sa amin. Tumango siya bilang sagot.

"Bakit lumipat ka dito?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Wala lang" mararamdaman ang kawalan ng interes sa sagot niya.

"Saan ba nakatira parents mo?" pahabol kong tanong.

"Doon" sagot niya at ipinikit ang mga mata niya.

"Saan ka dati nagaaral?" pangungulit ko. Natahimik ako nang bigla niyang iniharang ang isang daliri niya sa labi ko. Halata sa mata nito na inaantok na siya. Kaya ba ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko ay dahil napagod siya?

"Aren't you tired?" tila musika sa aking tenga ang malalim at inaantok niyang boses. Why does every little detail of him make my heart crazy? Dahan dahan kong iniling ang ulo bilang sagot sa tanong niya.

"Well, I am. So let me sleep" malambing niyang sambit at biglang humiga sa paa't binti ko para gawin itong unan. Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng aking puso na wari ay kakawala sa aking dibdib. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gwapo niyang mukha. Ngayon ko lang nakita ng maayos at malapitan ang kabuoan ng mukha niya.

Pakurbang pilikmata

Makapal na kilay

Matangos na ilong

Makinis na mukha

Matatawag na sanang perpekto ang mukha niya kundi lang dahil sa bahagyang maitim niyang labi dahil sa paninigarilyo niya. Hindi naman siya sobrang itim pakiramdam ko nga mapula talaga yung labi niya kung hindi lang siya naninigarilyo. Bumaba ang paningin ko sa hubad niyang katawan. Why the fck am I acting like a pervert now? I felt a strange energy throughout my body as I scan his whole body. Napamura ako sa isipan ko habang tinititigan ang well-built niyang katawan. Halatang athletic siya dahil sa ganda ng pagkakahulma ng abs niya at ang dibdib niyang bahagyang umuumbok. Idagdag mo pa ang kayumanggi niyang kulay na mas lalong nagpapalakas ng sex appeal niya. Jusme! Tukso layuan mo ako! Hindi ko namalayang kinakagat ko na pala ang mga daliri ko.

"Anong oras na?" nagulat ako nang biglang magsalita si Luke. Agad kong inilayo ang tingin ko sa hubad niyang katawan.

"Alas onse na" nauutal kong ani. Naramdaman ko ang pagbangon niya at muling sumandal sa pader. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagiinat niya.

"Aalis na ako,anong oras na." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at mabilis akong naglakad paalis ng bahay niya. Hindi ko namalayang nabuksan ko na pala ang pinto ng bahay namin. Hiningal akong sumandal sa sinara kong pinto at napahawak sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ng palad ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Hindi pa nga nakakalipas ang isang araw simula ng malaman kong kapitbahay ko na siya at ganito na agad ang nangyayari sa akin. My gay heart can't take this anymore" mahina kong sambit. I frustratedly close my eyes.

Araw araw ko siyang makikita?

Pumasok sa isipan ko ang tanong na iyon at otomatikong gumuhit sa labi ko ang isang matamis na ngiti. Sinundan ito ng paimpit kong paghiyaw. I surrender! Bakla talaga ako!

©introvert_wizard

✒End of Chapter 10 : The New Neighbor