Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 6 - Chapter 06: What our eyes can't see

Chapter 6 - Chapter 06: What our eyes can't see

Kenneth's PoV

Hindi ko parin maialis sa isipan ko yung tungkol sa chocolate. Si Luke ba talaga ang nagbigay sa akin nun? Bakit niya naman kasi ako bibigyan ng tsokolate? AHHHHH! Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung may ari ng tsokolateng iyon. Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit ko sinusundan si Luke. Katatapos lang ng klase namin tapos nakita ko siyang naglalakad. Ewan ko ba sa sarili ko at bakit kusang sinundan ng aking mga paa ang nilakaran niya. Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumingon sa likod niya kaya agad akong nagtago sa mga halaman.

"Anong kagagahan na naman ba to Kenneth?" inis kong tanong sa sarili ko. Sumilip ako sa gitna ng mga halaman para tingnan kong naglakad na siya. Agad akong napatayo nang hindi ko na siya nakita. Napakamot ako sa ulo habang iniisip kong saan siya naglakad.

"Looking for me?" na-out of balance ako dahil sa gulat nang biglang magsalita si Luke sa likod ko. Napapikit ako dahil akala ko ay babagsak ako sa mga halaman ngunit naramdaman ko ang biglang paghatak ng isang tao sa akin. Sa isang iglap ay nasa kabilang banda na ako kung saan walang mga halaman. Napalunok ako nang makita ko nang mas malapitan ang mukha ni Luke. Ilang segundo rin akong tila nakalutang sa ere pinilit kong makawala sa pagkakahawak ni Luke. Isang nakakalokong ngisi ang muling gumuhit sa kaniyang labi at ang sunod ko nalang naramdaman ay ang pagtama ng ulo ko sa likuran ng bag ko.

"Hoy!" inis kong sigaw. Dahan dahan akong tumayo habang hinihimas himas ang ulo ko. Nakaramdam ako ng labis na inis nang magbingibingihan siya at tinalikuran ako. "Kinakausap kita!" muli kong sigaw pero tila walang epekto ito sa kaniya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Talaga bang hindi mo ako kakausapin?" itinaas ko ang nakakuyom kong kamay at akmang susuntukin na siya nang bigla siyang humarap. Walang kahiraphirap niyang hinawakan nang mahigpit ang kamao ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na pagsusuntukin mo ako siguraduhin mong tatamaan mo ako." mayabang niyang sambit at marahas na binitawan ang kamay ko.

"Imbes na  magpasalamat ka sa akin sinisigawan mo pa ako. Pwera nalang kung ganito ka magpasalamat." ayan na naman yung nakakainis na ngisi sa labi niya.

"Magpasalamat saan?" nakapameywang kong sambit at tinaasan siya ng kilay.

"Dahil niligtas na naman kita sa kapahamakang dulot ng iyong katangahan" natatawa niyang ani.

"ANO?KATANGAHAN?" hindi makapaniwala kong sigaw sa kaniya. Mapangasar niyang tinakpan ang kaniyang kaliwang tenga gamit ang kaliwang bahagi ng earphone.

"Huh? Wala akong naririnig" pangiinis niya. Nakangisi niyang pinasok sa kanan niyang tenga ang naiwang earphone. Tinalikuran niya ako at nakapamulsang naglakad.

"Akala mo hindi ako makakabawi sayo?" inunat ko ang kamay ko. Mabilis akong nagwarm up na tila sasabak ako sa suntukan sa boxing ring. Pagkatapos ko ay pinosisyon ko ang sarili ko na parang sumasabak ako sa isang running competition. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at buong lakas akong tumakbo papunta kay Luke. Nang kunti nalang ang distansya ko kay Luke ay agad kong itinukod ang kaliwa kong paa pagkatapos ay tumalon ako ng mataas gamit ito. Inuunat ko ang kanan kong paa para matadyakan ko si Luke.

Nanlaki ang mata ko nang biglang gumilid si Luke dahilan para magdirediretso ako at mapasubsob sa kalsada. Naramdaman ko ang paghapdi ng mga gasgas na natamo ko dahil sa lakas nang pagkakabagsak ko. Dumagdag pa sa sama ng loob ko ang malakas na tawa ni Luke. Napapikit ako habang umaayos ng upo dahil sa sobrang hapding nararamdaman ko. Sinamaan ko ng tingin si Luke dahilan para tumugil siya sa pagtawa. Pigil hininga kong inaalis ang mga maliit na buhanging bumaon sa nagasgas kong palad at tuhod. Maluhaluha ko itong hinipan para mawala ang hapdi.

"Okay ka lang?" mahinang sambit ni Luke. Tiningnan ko naman siya ng masama, sino ba namang tao ang magtatanong tapos hindi tumitingin sa akin.

"OO!" sarkastiko kong lintaya at namimilipit na tumayo. Tila naestatwa ako nang bigla siyang maglakad sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong braso. Naramdaman ko ang kakaibang kiliting bumalot sa buong katawan ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko at umiinit rin ang pisngi ko. Nakatitig lang ako sa kulay brown niyang mata. Hindi nga maipagkakailang gwapo ang lalaking ito.

"Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko sa kaniya. Bago paman ako makawala ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at pinilit pinaupo sa dulo ng kalsada.

"Diyan ka muna" utos niya at mabilis na tumakbo paalis.

Agad ko namang pinakalma ang sarili ko. Bakit ba ganito ang inaakto ko? Nagugustuhan ko na ba ang lalaking iyon? Jusme ka Kenneth umaatake na naman kaharutan natin! Pero--Bakit ganoon yung nararamdaman ko? Ang weird dahil sigurado akong hindi ito yung nararamdaman ko sa mga lalaking nagugustuhan ko. Ewan, hindi pagiging jowa yung gusto ko sa kaniya kundi pagiging kaibigan. Sobrang weird but I feel like I'm at my real state when I'm with him. Parang siya lang yung taong hindi ko kayang pagtaguan ng totoo kong nararamdaman. He was the first person to make me feel nervous, curious, irritated and excited in a short span of time. I remembered what he told me about my friendship with Au. Aminin ko man o hindi ay malaki ang naitulong ng sinabi niya para maiayos namin ni Au ang pagkakaibigan namin. Interesado ako kay Luke not in a romantic way, alam mo yung feeling na curious ka sa kung ano pa yung kakaibang maipapakita niya sayo. Luke really captured my attention.

Natigil ang malalim na pagiisip ko nang biglang hinihingal na dumating si Luke at may dalang supot. Nakakunot ang noo ko habang tinitingnan ang supot na dala niya. Nagulat ako nang pantayan niya ang tingin ko---iniluhod niya ang kanan niyang tuhod at itinukod ang kaliwang paa. Hinugot niya sa supot ang isang supot ng bulak at betadine. Nakaramdam ako nang kakaibang saya sa aking puso. Hindi ko maiwasang mapangiti. I didn't expect that he would be this thoughtful. There are really things that our eyes can't see like what a real person's attitude is.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang binubuksan ang takip ng betadine. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinugot ang isang bote ng alcohol. Singbilis nang kidlat niyang binuksan ang takip at madiin na pinisil ang bote dahilan para tumagas ang alcohol diretso sa sugat ko. Napasigaw ako nang malakas dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko. Napahiga ako sa kalsada at namilipit sa sakit. Yakap yakap ko nang mahigpit ang kaliwang tuhod ko na nilagyan niya ng alcohol. Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni Luke.

"Humanda ka talaga sakin" nagtitimpi kong sambit sa sarili ko. Buong lakas akong lumapit sa kaniya at pinagsasabunutan siya. Lalo lang akong nainis nang tila walang epekto sa kaniya ang pagsabunot ko dahil tumatawa lang siya nang malakas. Walang tigil ko siyang pinagtatadyakan ng hindi umepekto ang pagsabunot ko. Mas lalo lang akong nakaramdam ng sama ng loob ng lahat ng tadyak ko ay hindi tumama sa kaniya. Nagawa niya pa akong asarin na sundan siya kaya walang pagaalinlangan ko siyang hinabol kahit umi-ikaika ako.

Hindi ko napansing sa tagal naming naghahabulan ay napadpad kami sa isang parke. Hinihingal akong napaupo sa dulo ng slide. Napansin kong palubog na pala ang araw kaya agad kong hinanap ang bag ko. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong naiwan ko ang bag ko dahil sa paghabol ko kay Luke. Sinamaan ko mg tingin si Luke na hindi parin nawawala ang nakakainis niyang ngiti sa labi niya. May bulate ba tong lalaking to? Bakit hindi man lang siya pinagpawisan at hinihingal samantalang halos kapusin na ako ng hiningi dahil sa walang tigil na paghabol ko sa kaniya.

"Dito kalang" ani niya nang mapansing tila may hinahanap ako. Huwag mong sabihin na kukunin niya ang bag ko para sa akin. Bago paman ako makasagot sa kaniya ay agad na siyang tumakbo paalis.

Ilang minuto ang lumipas ay naaninag ko na ang pigura niyang papalapit sa akin. Tila nagslow-mo ang nasa paligid ko habang nakatingin ako sa kaniyang nakangiting naglalakad papunta sa akin at iwinawagayway ang bag ko. Inilahad niya ang bag niya sa harapan ko at agad ko naman itong kinuha.

"Alis na ako" bigla niyang paalam.

"Teka lang"

"Bakit? Miss muna ako agad" nakangisi niyang ani na inismiran ko.

"Pinapaalalahanan lang kita na bukas na magsisimula yung punishment natin. Yung linguhang paglilinis natin ng basketball court." ani ko na ikinatango naman niya.

"Copy" maikli niyang sagot at tinalikuran ako. Agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Sorry" nahihiya kong ani at napayuko ako. Hindi ako sanay na humingi ng tawad sa isang tao lalo na sa katulad niyang nakakainis. Mapride kasi akong tao minsan lang ako nagpapakumbaba. Naramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa tuktok ng ulo ko. Napatingala ako, ngayon ko lang napagtantong mas mataas pala siya sa akin dahil nga basketball player siya. Napako ang paningin ko sa mata niyang tila ngumingiti rin kagaya ng mga bibig niya.

"Okay lang" bulalas niya at ginulo ang buhok ko. Asar ko namang tinabig ang kamay niya. Anong akala niya sa akin tuta?Tssk.Sinenyasan ko siyang ilapit ang mukha niya sa akin na agad niya naman sinundan.

"Hahalikan mo ba ako? Sayang hindi ako pumapatol sa bakla" mapangasar niyang ani na ikinataas ng kilay ko.

"Asa! Hindi kita type noh!" madiin kong pagtanggi.

Bago paman siya magsalita ay may hinugot ako sa bulsa ko. Tinaggal ko ang band aid na binili ko talaga para sa kaniya. Walang pagaalinlangan kong itinakip ito sa maliit na gasgas sa mukha niya dulot ng pagkakasapak ko. Napalunok ako nang mapansing sobrang lapit na pala ng mukha namin. Hindi korin maiwasan ang mapatitig sa mata niyang tila hinihigop ang buong presensiya ko. Nang makaramdam ako ng pagkailang ay agad akong humiwalay sa kaniya at tumingin sa kung saan.

"Kuneho?" nakangisi niyang ani. Ang tinutukoy niyang kuneho ay ang desinyong nakaimprinta sa band aid na binili ko. Bakit ba? Ang cute kaya ng kuneho."Bakla talaga" napapailing niyang ani habang nakangisi. Agad ko naman siyang pinandilatan at kinaltukan sa batok.

"Edi magbakla karin kung naiinggit ka" mapagbiro kong lintaya.

"Sayang kagwapohan ko pagnagkataon" mayabang niyang ani at agad akong tinalikuran. Hayop nato! Bigla akong may naalala, tatawagin ko na sana ang pangalan niya nang mapansing nakalayo na siya. Nang tuluyan nang naglaho ang kaniyang pigura ay gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa aking labi.

"Salamat sa tsokolate" mahina kong sambit at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko.

There are things that our eyes can't see but can be felt by our heart. I admit that I misjudge Luke. Hindi ko inasahan na ganoon pala siya umakto, ibang iba sa ugaling aasahan mo base sa mukha niya. I'm glad that he let me see what other people can't see from him.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 06 : What our eyes can't see