It was really unusual for Michael na makita si Eiji na nagmumukmok sa bisperas ng bagong taon, gayon din ang biglaang paanyaya nito na uminom ng alak kasama sila dahil si Ryza lagi ang namumuhunan para sa tagayan nilang magkakaibigan.
"If you really missed your parents too much, pwede ka namang umuwi muna sa Japan tutal hindi naman na ata masyadong strict ang protocols doon sa mga airport. Sigurado naman akong makakauwi ka ng safe lalo na't laging nakaalalay sa mga pasahero si Ms. Nissa." Michael suggests to him the possible way para gumaan naman ang loob ni Eiji kahit paano.
"Hay Naku! Hindi ako nakakasigurado dyan bro. Kung alam mo lang, siya yata ang dahilan kung bakit ako mahilig sa paglalasing ng ganito ngayon kung kailan ako tumanda." Natatawa si Eiji habang nagkukwento nang maalala nito ang unang biyahe niya papuntang USA.
⏱Flashback⏱ ►
It was his first flight to New York City at tila hindi mapakali si Eiji sa tuwa dahil sa sobrang excitement. Although he was known sa mga pasang-awa na grado sa paaralan, he still managed na maging qualified enrollee sa isang prestigious university na walang halong scholarships for athletes na nakakabit sa pangalan niya.
"Yes, I do. No, I don't." Bulong ni Eiji sa eroplano habang nag-aaral pa siya ng English. Sa hindi inaasahan ay biglang inalok ng flight attendant si Eiji para sa snacks.
"Good day sir. Would you like something to eat?" Tanong ni Nissa sa binata ngunit hindi siya pinansin. She tried again to disturb him.
"Would you like some wine instead?" Tanong ulit ni Nissa at saka pa lang niya narinig ang alok ng flight attendant.
"Uhhmm... Ye-yes! I do..." Eiji blurted out without knowing what Nissa had just asked him.
Kaya makalipas ang ilang minuto ay biglang nagsisi si Eiji kung bakit siya pumayag sa alok ni Nissa dati. "Bwisit iyan! Akala ko pa naman grape juice iyon, lasing lang tuloy ako ngayon." Inis na sabi ni Eiji sa kanyang kahangalan at pinilit na lamang niyang matulog habang nasa biyahe.
◄ ⏱End of Flashback⏱
"Is that so? Pero aminin mo, maganda din siya diba?" Biglang sabi ni Michael at pasalamat siya na hindi siya narinig ng girlfriend niyang si Ryza.
"Ewan ko. Ni hindi ko naman iyon masyadong pinapansin lalo na kapag kasama ko siya sa biyahe." Kibit balikat na lamang ni Eiji sa kanya.
"Ang boring mo naman bro. Hindi mo dapat pinalampas ang ganoong klase ng pagkakataon." Komento ni Michael na napatagay na rin sa kanilang pinag-uusapan.
"Para ano? Singilin niya ako ng mas malaking bayad dahil sa airline services nila sa pagkain? Hindi naman kasi ako katulad mo na masyadong atat magkaroon ng girlfriend kaya hindi kayo nagtagal ng ex mo. Eri ba ang pangalan nun?" Sabi ni Eiji na muntik nang ibuga ni Michael sa mukha niya ang iniinom niyang blend drink.
"Huwag mo namang ungkatin ang nakaraan ko." Nasamid si Michael sa sinabi ni Eiji, "Pero sa totoo lang, masyado kasing selosa si Eri at lagi na lang niya akong hinihila pababa. Napakatoxic niyang babae kung tutuusin at kung meron mang magtatagal na lalaki sa kanya eh baka tadhana na lang ang nagpapasya nun para sa kanya." Napainom na lang ulit si Michael habang naaalala nito ang pinagsamahan nila noon ni Eri Fujisawa sa Ryokufu High School.
"Eh ano naman ang nakita mo kay Ryza na wala sa ex mo at parang gusto mo na ata siyang solohin sa nanay niya?" Napatingin na lang si Eiji sa kausap niya.
"Kababaang loob bro. Sabihin man nating masiba siya sa alak pero hindi mo maikukumpara ang kabutihan niya sa iba. Walang makakapantay doon." Pinagmamalaking sabi ni Michael sa girlfriend niya at tila natutuwa si Ryza sa mga naririnig niya kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang ibang pinag-uusapan nila Eiji.
"Kung sabagay, isang milestone talaga sa career niya ang Bright Learners na ipinundar niya ng panahon para sa mga bata." He commended her achievements and Eiji was also overwhelmed na kasama siyang maglecture sa platform ni Ryza tungkol sa Japanese dialects gayon na rin sa Basketball basics.
"Diba... kaya kuntento na ako na kasama ko na si Ryza at napagtiyagaan niya ako kahit may naging relasyon kami ni Eri dati." Birong sabi ni Michael.
"Baka sadyang ganun talaga ang buhay. Hindi lahat ng first love ay nagtatapos din sa kasalan. Yung iba dinaanan ka lang at hindi na nagbalik-tanaw sa mga mabubuting bagay na ginagawa mo sa mga taong katulad nila. Madalas pa nilang isinusumbat sa'yo ang kamalian mo gayong pareho lang naman kayong makasalanan." Walang ganang katwiran ni Eiji at nagtataka na rin ni Michael kung ano talaga ang problema niya.
"Ang pait naman ng sinabi mo. May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Michael ngunit hindi siya pinansin ni Eiji na tila umiiwas sa intrigang tanong.
"Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?" Deretsahang sabi ni Michael kay Eiji at tila hindi niya inaasahan ang sumunod niyang pahayag.
"Wala ito." Pagdedeny ni Eiji, "Ninakaw lang naman ang passport ko kaya paano ako uuwi sa Japan niyan at ang masaklap pa nito, paano kung bigla akong damputin ng sheriff kapag nalaman nilang illegal settler na ako rito?" aniya sabay punas ng namumuong luha sa mukha.
"Teka, sino ba ang huling kasama mo nung nasa nightclub ka?" Nag-aalala na tanong ni Michael nang marinig ang masamang balita.
"Si Asher, yung tropa ko sa basketball team namin. Pagkatapos kasi nung pasko eh nagkayayaan kasi sila ng inuman doon din sa madalas nating pinupuntahan kaya pumunta na din ako para pakisamahan sila ng maayos." Natataranta na tugon naman ni Eiji sa kanya at tila nabahala ng husto si Michael sa pwedeng nangyari sa kanya.
"Yung anak ba ng mayor sa ibang siyudad ang tinutukoy mo?" Gulat na pahayag ni Michael sa tinuran ni Eiji at mahinahon siyang tinanguan ng binata biglang pagsang-ayon sa kanya.
"Sa itsura niyang iyon, magagawa niya ang kabulastugan na iyon sa'yo? Ibang klase naman iyan." Dismayadong sabi ni Michael kay Eiji na hindi makapaniwala.
"Kaya nga unexpected eh. Hindi naman siya makakabiyahe overseas na gamit ang passport ko. Bakit iyon pa ang napagdiskitahan niya?" Natatawa na lang si Eiji habang naaalala ang kagaguhang ginawa sa kanya noong isang masalimuot na gabi.
"Hindi naman sa pinag-aalala kita ngayon pero baka siya din ang kumuha ng passport mo." Sabi ni Michael kaya lalong nagtaka si Eiji.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Eiji na tila pinapalabas na hindi siya makapaniwala sa ibinibintang ni Michael sa kanyang teammate gayong matagal na siyang naghihinala sa intensyon ni Asher bukod sa mawala siya sa landas niya.
"May nangyari na kasi sa workplace ko na kaparehas sa sitwasyon mo ngayon. Madalas nila ginagawa iyon sa mga dayuhan lalo na sa mga Asyanong gaya natin para ipahiya sila sa pamamagitan ng pananakit at madalas pa nilang hinaharrass ang kahit sino para lang maramdaman nila sa sarili nila na mas lamang sila kaysa sa ibang lahi. Although mukha akong natural born dito sa USA, hindi ko naman tinatakwil na isa akong Asian at nabuhay rin as Japanese citizen." Paliwanag ni Michael at bigla na lang nagliyab ang kumpiyansa at determinasyon ni Eiji para kumprontahin si Asher na madalas naglilibang sa casino malapit sa Time square.
"Ganun ba? Mga astang superior at entitled talaga ang mga bwisit eh no?! If that's the case, kailangan kong turuan ng leksyon ang siraulong iyon." Biglang tumayo si Eiji at medyo pasuray-suray itong maglakad.
"Hoy! Hindi mo pa kaya. Saan ka pupunta?" Nag-aalala na sabi ni Michael nang makita niyang palabas si Eiji ng walang saplot na jacket sa kanyang katawan.
"Ipapamukha ko lang sa kanya na nagkamali siya ng kinalaban." Seryosong sabi ni Eiji na tila maghahamon pa ng away samantalang napatayo na lang si Michael at biglang nagpaalam rin sa kanyang girlfriend na babalik rin sila kaagad para sa soup na niluto niya.
"Just what exactly are you planning to do?" Galit ang tono ni Ryza nang matanaw niya si Eiji papalabas ng pinto kasama si Michael.
Balisa ang pakiramdam niya kaya bago sila umalis ay pinakalma muna ni Michael ang sitwasyon. "I'm sorry my love if I need to leave you behind for a while. Looks like there is some misunderstanding that happened between him and their schoolmate." Paliwanag ni Michael kay Ryza.
Hinalikan niya ito sa kanyang right cheek at bumulong sa tenga niya ng mga katagang, "I'll make it up to you later, my love." at saka niya sinundan si Eiji sa labas ng condo.
It's almost twelve midnight na kaya medyo kinakabahan na rin si Michael sa anumang binabalak ni Eiji. "Hula ko lang naman iyon pero hindi ko sinasabi na ganun talaga ang nangyari." Paglilinaw na sabi ni Michael kay Eiji habang naglalakad sila sa gitna ng blizzard.
"New year naman diba? Kung alam mo lang bro na matagal na akong nagtitimpi sa lalaking iyon, bibigyan ko lang siya ng bagong buhay na hinding-hindi niya makakalimutan kahit kailan." Seryosong sabi ni Eiji na mukhang sasabog sa galit anumang oras niyang naisin.