Binalikan ni Asher ang kanyang mga gamit sa loob ng facility para sa panibagong yosi na susunugin niya samantala ay sumunod naman si Eiji para matapos na rin ang pakikipag plastikan nito sa kausap. "Adik ka nga!" Giit ni Eiji sa kinikilos ni Asher.
"Siguro nga tama ka. Eh ano naman sa'yo kung ganito ako?" Walang ganang sabi ni Asher at binalewala lang ang sinabi ni Eiji sa kanya.
"Maswerte pa din pala ako kumpara sa'yo." Ngising sabi ni Eiji na tila nang-iinggit pa.
"Parehas man tayong loner tuwing special occasions pero concern pa din sa akin ang mga naiwan kong pamilya at barkada doon sa Japan. Eh ikaw, every New Year ka na lang nag-aaya ng sugal kasama ako dahil wala ni isa sa kilala mo ang pumapatos sa pag-uugali mong marahas maski na iyong mga alipores mo at mismong kapatid." Dagdag pa nitong sabi.
"Hmmp! Wala ka sa pedestal para manermon ng ganyan sa akin. Alalahanin mo itong dokumento mo, baka bigla ka na lang ipadeport at blacklisted ka na lang sa isang iglap." Nang-uudyok na sabi ni Asher habang pinakita niya ang passport ni Eiji na nakakubli sa pwesto nito.
"Ano bang gusto mong mangyari?!" Naiinis na tugon ni Eiji habang pilit niyang hinahabaan ang pasensya nito kay Asher.
"Masyado nga akong naiinip sa mga taya ko noong nakaraan pa. Paano kaya kung ganito ang gawin natin..." Ipinaliwanag ni Asher sa kanya kung ano ang kondisyon na nais niyang ipusta ng kasama niya para sa tatlong set ng laro nila sa Pachinko.
"Sabi nga nila, ang taong nagigipit sa patalim kumakapit. Alam mo naman siguro ang rules ng Pachinko, diba? Sa inyo din naman nagsimula ang larong iyan." Panimula ni Asher.
"Kailangang mahulog sa win pocket ang mga metal balls for more chances of winning. Kung pustahan ang pag-uusapan, sino man ang may pinakamaraming metal balls na maipasok sa win pocket ay tatanghaling panalo." Sabi ni Eiji ng harapan sa kanya.
"Napakasimple diba pero paano kung manalo ako? Pupunitin ko ba sa harapan mo ang passport mo or we will just have another collab video like what happened to you last time?" Pagbabanta ni Asher kay Eiji at tila nang-aasar pa siya ng hindi nakakatawang biro.
"Deal! Gawin mo ang gusto mo tutal binahiran mo na din naman ako ng kalapastanganan pero kapag ako ang nanalo sa pustahan natin, siguraduhin mo lang na babayaran mo ang lahat ng danyos na ginawa mo sa akin makalipas ang ilang taong pagkukunwari na kaibigan kita kahit hindi naman talaga." Seryosong sabi ni Eiji sa pagmumukha ni Asher.
"Iyon ay kung mananalo ka nga sa akin, Eiji. Gaya nga ng sinabi mo kanina na addict nga ako sa usaping illegal kaya wala sanang samaan ng loob kung iiyak ka na naman pag-uwi sa unit mo." Pagmamayabang na sabi ni Asher.
"At bago tayo magsimula, magkano ba ang gusto mong iuwi kung sakali mang matiyempuhan mo ang swerte?" Tanong ni Asher kay Eiji habang pinirmahan na niya ang tseke ngunit wala pang money value.
"A Million dollars at ibabalik mo sa akin ang lahat ng kinuha mo kasama na ang passport ko." Seryoso siyang tinititigan ni Eiji at tila hindi nagbibiro.
"What the heck!" Nagulantang si Asher sa gusto ni Eiji pero dahil walang atrasan ang napagkasunduan nila ay sapilitan na lamang siyang pumayag sa nais niya.
"Discounted pa nga iyan kung tutuusin. Sinagot ko lang naman ang tanong mo kaya huwag kang magreklamo dyan." Paglilinaw ni Eiji na may sama pa rin ng loob kay Asher.
Unlike sa slot machine na low-risk bet at low chance rin ang panalo na pwedeng mangyari sa buhay ng isang gambler, Pachinko can set a high risk lalo na at mismong players pa ang nagkasundo sa maaari nilang makuhang kapalit ng tagumpay.
Lumipas na ang ilang minuto ngunit wala pa ring hudyat na nakarating na ang pulis sa casino kung saan sila naglalaro. "Bakit ang tagal naman ni Michael? Pagod na rin ang kamay ko sa kakahila ng lever para lang mashoot sa win pocket ang mga metal balls na ito." Reklamo ni Eiji sa kanyang isip samantala ay tila nag-eenjoy si Asher sa kanyang paglalaro.
Solo nila ang buong Pachinko area sa casino dahil karamihan sa mga matandang hukluban ay naglalaro ng mahjong at roleta. Sa mga sandaling iyon ay tila kakaiba na ang inaasal ni Asher towards Eiji.
Nilapitan niya si Eiji at niyakap siya mula sa likuran. "Pwede ba akong mangumpisal sa iyo?" Tanong ni Asher kay Eiji sa pinakamalambing nitong tono.
"Kalma!" Paulit-ulit na paalala ni Eiji sa kanyang sarili upang hindi na lalong mapahamak pa sa kamay ni Asher. Kinilabutan man si Eiji sa ginawa sa kanya ngunit nangibabaw na lang ang pag-unawa niya sa pagiging addict sa droga ng kasama niya.
"Kahit nga magdasal eh hindi ko na magawa ng maayos. Ano na naman bang trip yan hah?!" Tugon ni Eiji sa request ni Asher.
"Matagal na kitang gusto pero hindi mo lang napapansin dahil masyado kang makasarili." Bulong ni Asher kay Eiji ngunit tagos hanggang buto ang mga salitang binitiwan ng binata.
"Ano?" Inis na sabi ni Eiji and he missed several times in his Pachinko bet after that.
"Hmmp! Paano ba yan, kulang ka ng fifty eight pieces kumpara sa akin na nabuo ang set ng 200 metal balls na tinaya nating pareho." Sabi ni Asher na tuwang tuwa sa resulta ng unang laro.
"Teka? Kailan ka pa natapos?" Nagulantang na sabi ni Eiji.
"Within 15 minutes lang. So gusto mo na bang simulan magphotoshoot?" Biro ni Asher ngunit halata sa mukha niyang atat siyang makita ang katawan ni Eiji.
"Tumigil ka. Babawiin ko lahat ang kinuha mo sa akin sa susunod." Banta ni Eiji sa kanya at habang sumisikat na ang araw sa labas at saka pa naudlot ang kanyang pagkakataon na makabawi.
The second round has yet to commence pero sa kaso ni Eiji ay tila wala ng saysay na paniwalaan pa ang anumang sasabihin ni Asher. "But that's the truth Eiji. I think I've fallen in love with you ever since you came here two years ago. I know hindi ito pangkaraniwang pagmamahal pero this is what I really feel inside." Asher said to him sincerely ngunit hindi kumibo si Eiji at nagpatuloy lang siya sa paglalaro ng Pachinko.
"Bukod tanging sa iyo ko lang nakita ang pakialam na hinahanap-hanap ko sa pamilya ko na hindi nila maibigay. I don't know why you're so kind to me but thank you at sinamahan mo ako rito." Dagdag pang pahayag ni Asher na tila ikinasama lalo ng loob ni Eiji.
"Asher, I don't really care if you are gay, bisexual, or kung dinoktor man iyang pagmumukha mo. Tanggap ko naman kung naguguluhan ka sa sarili mong expressions but how can I trust you now gayong sinira mo na ako sa buong Fordham University na entry point ko sana para makilala pa ng iba ang galing ko sa basketball. You took advantage of me and do you really expect that I will repay that gratitude of yours para magpagamit pa ulit sa iyo? Boy huwag na oi!" Nangigigil na tugon ni Eiji sa kahibangan ni Asher sa kanya.
Gumuho na ng tuluyan ang moral ni Asher para sa kanyang sarili. Bukod pa sa nabasted ni crush ay dumagdag pa sa sama ng loob niya ang biglaang pagsulpot ng mga authorities sa harapan nila.
"Freeze!" Sorpresang bungad ng Sheriff na kakarating lang sa kinaroroonan nina Eiji. Parehong nakataas ang dalawang kamay nila ngunit si Asher lamang ang dinampot nila.
"What's the meaning of this?!" Naguguluhang tanong ni Asher kay Eiji na nag-uumpisa ng umiyak upon realization na iyon na ang simula ng kabayaran niya sa kanyang mga kasalanan.
"You're under arrest for drug abuse and sex trafficking." Bulyaw ng pulis habang si Asher naman ay hindi makapalag sa dami ng baril na nakatutok sa kanyang paligid.
"Teka, you set me up on this didn't you?" Naiinis na sabi ni Asher kay Eiji habang pinoposasan siya sa kanyang kamay.
"Wala akong balak na patagalin pa ang kalokohan mo kaya pasensya na lang sayo kung nagsinungaling ako." Walang ganang sabi ni Eiji na damang dama na ang nagbabadyang peace of mind for him sa mga oras na iyon.
"Arrgh! Sinusumpa kong pagsisisihan mo ito at babalik ka rin sa akin. Tandaan mo ito Eiji, AKIN KA LANG!!!" Like a raging bull, Asher threatens Eiji again with foul words dahil mawawala rin sa kanya ang freedom gayon din ang milyones na kasunduan nila kanina.
Hindi man natapos ang pustahan sa pagitan nilang dalawa ngunit nakuha pa rin ni Eiji ang gusto niya. Naisoli na sa kanya ang passport niya at kailangan pa ring paghandaan ng kampo ni Asher ang isang milyong pinangako niya dahil itinuloy pa rin ni Eiji ang Pachinko sa mga sandaling iyon.
"Five hundred twenty sa akin over two hundred balls na pinasok niya? Hindi na rin masama at mukhang may pambalato na din ako sa mga kalbong iyon." Napapangiting sabi ni Eiji sa sarili habang naaalala ang kanyang former teammates sa Sannoh High School.