Freedom is not absolute nor permanent. Once it was abused, consequences would definitely follow and bring nightmares to anyone who claims themselves as righteous, yet they only show the exact opposite expectations.
The flashy lights coming from police vehicles started to dim magmula ng nahuli nila si Asher na isa rin sa mga naging notorious dealer ng weed para sa mga estudyanteng tulad niya. Bagamat hindi na muling naungkat ang ginawang pagmamaltrato ng grupo ni Asher kay Eiji ay sapat na para sa kanya ang makita ang kaibigan niya na pinagdurusahan ang kanyang kasalanan.
Rumors have also been circulating that he was the mastermind behind maidens' kidnappings for the sole purpose of having a great time with them kahit labag naman sa kalooban nila na makasama siya buong magdamag.
Samantala ay tila swerte ngayon si Eiji mula sa kanyang mga napanalunan kanina kung kaya't gaano man siyang pinipilit na imbitahan ng mga dealer sa bawat sugal na manatili pa siyang maglaro ay siya na mismo ang nagkukusang tumanggi at pinuntahan na agad ang casino banker na nakatalaga sa mga oras na iyon.
[Eiji Sawakita…]
Mukhang napakabusy talaga ng banker sa ngayon dahil tila marami din ang nakakuha ng jackpot prize sa slot machines nila kaya umupo muna ako sa gilid ng snacks hall para magpahinga.
Kung tutuusin, ang mabaon sa utang ay isa sa kinakatakutan kong mangyari habang nag-aaral ako dito sa ibayong lupa bukod sa pagmumukha ni Masashi na laging asar talo sa kasikatan ko. Hindi ko lang alam kung may lihim pa siyang galit sa akin pero problema na niya siguro iyon kung hanggang ngayon ay naiinggit pa din siya sa narating ko sa basketball.
Mahirap iwasan ang tawag ng laman sa pera lalo na kung kusa itong nagpapagamit sa'yo upang mabili ang anumang naisin mo. Kahit nga ang mga bagay na di mo mahawakan eh kaya na rin palang mabili gaya ng prinsipyo at dignidad ng iilan diyan. Kung tinatamaan ka man sa mga sinabi ko, alalahanin mo rin na nagkakamali tayong lahat without exceptions to the rule.
Treating everyone with fair judgement is how justice supposed to work, iyon eh kung talagang peace of mind ang pinaglalaban mo. Nakakalungkot lang isipin na umabot pa kami sa samaan ng loob at patayan hanggang huli ni Asher na naging matalik ko ring kaibigan bago pa siya nalulong sa masamang gawain. Maybe, all of these things were bound to happen eventually. Iyon na lamang ang iniisip ko para mawala kahit papaano ang guilt na nararamdaman ko tungkol sa nangyari sa kanya, sa samahan namin in particular.
Para sabihin ko sa inyo ang totoo, that one million dollar bet was just a bluff para lang ma-intimidate si Asher kahit ilang seconds lang sa mga posibleng mawala sa kanya sa aming duelo pero I didn't expect that someone would really care to fulfill that wishful thinking of mine.
Jester was behind me all this time pala nang bigla niya akong istorbohin. "What's up!" He greeted me like he was planning something hideous.
Tumabi siya sa upuan kung saan ako nakatambay ngayon habang naghihintay ng oras na matawag ako. "Hey... What brings you here?!" Nakangiti man ako pero I asked him awkwardly lalo na't ilang beses pa lang kami nagkikita noon as rival players ng magkaibang koponan and aside from that, nangingilabot talaga ako sa mukha niya dahil si Asher ang nakikita ko sa katauhan niya.
"Actually, I'm the one who is in charge of monitoring his actions but I can't believe that you would really resort to that kind of strategy." Sabi niya na parang may gana pa atang makialam para makalaya pa sa kulungan ang Asher na iyon.
"Well, I'm sorry about what happened to him a while ago." I replied to him as if nothing happened. Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at bigla siyang naglabas ng tsekeng papel sa harapan ko at sinusulatan niya iyon.
"Don't worry about that. It's obviously the right thing to do anyway." Seryosong sabi niya sa akin at walang pag-aalinlangan niya akong tinitigan sa mata.
"What are you trying to say?" I clarified everything bago magcomment sa kadramahang ito na kasama si Jester.
Hindi ko na kinuha ang tseke na galing kay Asher kanina dahil baka madawit pa ako sa illegal businesses niya at ako pa ang mapagbintangan. Nakakapagtaka lang ngayon sa panig ni Jester kung bakit parang may fixation sila pareho sa tseke.
"Asher really deserves to be in prison or somewhere else that he was totally isolated from ruining our peaceful lives." Jester said to me in reply. Alam ko namang mahirap din para sa kanya ang mawalay sa sariling kapatid lalo na at kambal niya pa pero mas makakabuti na siguro sa aming lahat kung wala siya sa lipunang ginagalawan namin diba?
Hindi man niya ipahalata sa akin ang totoo niyang saloobin ay ramdam ko naman na sincere siyang nag-aalala para sa kambal niya. "On his behalf, We're really sorry for disturbing you. Please accept this." Sabi ni Jester at nung nakita ko ang mga numero sa tseke ay magugulantang talaga ako sa dami ng zero nun sa dulo ng papel.
"W-wait! Ten million freaking bucks?" Nagulantang ako sa pinakita niya sa akin dahil hindi niya naman kailangan pang mag-abala ng ganitong katindi.
"I'm not quite sure how we could repay your kindness to him despite everything that has happened these past few months. I don't even know him anymore and I guess I'm really the one to be blamed for letting our parents degrade his worth in front of the public without even trying to protect him on a hundred percent scale." Kwento ni Jester sa akin nang bigla akong kalabitin ng nasa kabilang table.
"You're next in line." Sabi ng banker habang inaasikaso niya ang ibang customer na nakajackpot. I just simply nod to her response at ready to leave na din naman ako.
"So, what are you trying to imply here? That you can buy my silence regarding that matter? You don't have to do this Jester. I can't accept that because if you still have the guts on playing the victim for what he has become right now, then stop this nonsense already." Paalalang sabi ko sa kanya at tumayo na ako sa pwesto ko noong nakita ko na ang banker sa counter nito.
"It's not what you think. Just accept that money. I don't even need that anymore." At talagang mapilit siya sa gusto niya. "But why all of the sudden?" Tanong ko at saka niya ako sinagot ng deretsahan.
"That money is from my savings so don't worry. I realized that he was envious of my success and if it means to be a failure in front of him, maybe he could widen his perspective and understand that he can really count on me without being hesitant about what others may say about us. We'll be invisible to everything even in the scope of the media if we want to." He said and he left without saying any more words except the truth.
"Also, Asher ruined me for my potential investors. They were blaming me for something I didn't actually do. As far as you know, I could never rape someone but he actually used my name again to hide his identity from the authorities." Sabi pa niya sa akin na hindi ko magets kung ano ang pinupunto niya sa akin at tila sinusuhulan ako ng pera.
Jester was really insane kung makapagsalita siya ng ganoon. Minsan talaga ay hindi ko rin maintindihan kung ano ang naglalaro sa utak nilang parehong abnormal at nainvolve pa ako sa mga Martinez na iyan. Puro sakit sa ulo na lang ang dala kaya tinago ko muna ang tseke at saka ko na lang ibabalik kung may iba pang pagkakataon.
- BACK TO SCENE -
Right now, the banker assists Eiji with regard to his won prizes. "Do you want to cash out everything or send this to a bank deposit?" The staff inquired him what kind of transaction he wanted to pursue.
"The first option please." Tipid niyang sagot sa staff at agad nitong inasikaso ang kailangan niya. Wala man sa orihinal niyang plano ang makipagkita kay Jester ngunit tadhana na rin marahil ang gumagawa ng paraan upang magkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap.
Makatwiran nga ba ang ginawa nilang pareho ng ipinagkanulo si Asher gayong nasasadlak naman ang kanilang kalagayang emosyonal? Totoo nga siguro ang sabi-sabi na kapag napabayaan ang sinuman ay mahirap silang mapagsabihan at mapagkatiwalaan. Ito man ay tungkol sa simpleng kahilingan o mahirap na desisyon na kailangang gawin para sa ikabubuti ng marami.
Nang makuha na ni Eiji ang kanyang premyo ay agad siyang lumibot sa loob ng pasilyo ng gusali para hanapin ang babaeng kasama ni Asher kanina. Samakatuwid, pinaglipasan ni Eiji ng oras ang kanyang kaibigan upang mapaghigantihan ang mga naging biktima niya.
"Miss!" pagtawag ni Eiji sa babae. "Take these with you and treat yourself." bilin niya dito sabay inabutan ang babae ng balato na halos kalahati ng lahat ng kanyang napanalunan sa sugal.
"Ahh! You're that baldy head." sarkastikong komento ng babae sa kanya habang hapong hapo ito sa kakahanap sa kanya.
"Yeah?!" nakakunot ang noo ni Eiji nang marinig niya ang panunukso sa kanya.
"Thanks for saving me a while ago and I really need this money. Asher has not paid me yet even a single cent." Natutuwang sabi ng babae habang nagbibilang ng perang napanalunan ni Eiji.
Lalo naman nagduda ang binata sa kanyang nalaman. "Don't tell me he's paying you to be his girlfriend?" Eiji tries to confirm his thoughts about her.
"Not really. It's more like I'm his comfort woman even though I'm dating Jester who was really my boyfriend a few days back." Paliwanag ng babae kay Eiji at natahimik bigla ang babae sa sobrang kahihiyan. This also gave Eiji shivers based on what he heard.
"I'm really a scam, wasn't I? Because I'm easily turned on to guys that are aggressive under the bed sheet and Asher is one of them. I know it's such a shame for me to be involved in the adult entertainment industry that is why Jester breaks up with me and by any chance, do you also wanna have some fun with me?" Malisyosang saad ng babae habang hinahawi niya ang sarili niyang buhok.
Tila nadala si Eiji ng adrenaline rush kaya nagmadali na itong makatakas sa ganoong klase ng sitwasyon. "Ah... N-no t-thanks. I'm already committed to somebody else." Pagdadahilang sabi ni Eiji at saka siya kumaripas ng takbo sa exit door upang maasikaso na ang kanyang papeles na kailangan niya para makabalik na siya ng Japan.
After thirty six hours ay nagpasya na si Eiji na ayusin ang ilan sa kanyang mga gamit at nagsimula ng mag-impake. Kasama rin sina Ryza at Michael sa kanyang simple despedida party sa mismong tinutuluyan nila pero Eiji was bothered sa natanggap niyang call mula sa dean's office.
"Hello Sir?! Yes...It's me. What can I do for you?" Tugon ni Eiji sa tumawag na College Dean sa kanya.
"You're actually expecting good news from me?! Well, you better think twice after what you all have done to our school's integrity and reputation." The dean's voice was really disappointing at that moment na lubhang nagpakaba sa bunbunan ni Eiji.
"What did I do wrong sir?" Nagtatakang tanong ng binata sa dean. The professor sighed countlessly. "You are indeed an excellent player but I'm sorry to tell you this Mr. Eiji Sawakita, the admin decided to expelled you from this institution along with other students." Masamang balita sa kanya ng dean na lalong ipinagtaka ni Eiji.
"Wait... but why?" Balisa siyang nagtanong sa dean ng kanilang college department. "It was proven that you violated the moral etiquette of what a decent student should act. The administrator also decided to disband the Basketball Club for cleansing and rehabilitation of student-athletes since you are all involved in let's say indecent clips." Paliwanag ng dean kay Eiji.
"But I don't really know what you're talking about, Sir." Naguguluhang sabi ni Eiji na tila wala ng ideya sa mga nangyayari. Napahinga na lang ng malalim ang dean mula sa narinig niya kay Eiji.
"Concerned students confessed about your scandal as a reference and I don't even permit any students to go to clubs for year-end parties. Were you not listening to your professors when the announcement was made?" Naiinis na tanong ng dean sa kanya and Eiji finally realized what the heck Jester was talking about in his ruined reputation.
"Paano ko naman malalaman na bawal pala ang nightclubs for year-end parties kung dinaig pa ng rapper ang pananalita ng mga professors ko tuwing nagpapaliwanag sila?!" Napagtanto na lamang iyon ni Eiji sa kanyang sarili.
"I sincerely apologize for that, sir. T-thank you for letting me know." Tipid na sagot ni Eiji at saka pinatay na ang tawag. Humiga siya saglit sa kanyang kama as he stared blank sa kisame. Eiji was finding the courage na tawagan niya ang kanyang magulang sa Japan about his issues but his fingers almost stopped from moving habang nakatingin si Eiji sa screen ng kanyang phone.
"That bastard really crossed my boundaries. Damn it!" Gumugulo sa isip ngayon ni Eiji kung paano pa niya malulusutan ang gusot na kinasangkutan niya sa America.