Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 64 - 8.7 Best Ever Souvenir

Chapter 64 - 8.7 Best Ever Souvenir

⏱Flashback⏱ ►

Matapos ang pagkatalo ng Sannoh High School sa koponan ng Shohoku ay pursigido na si Eiji na mangibang bansa bago pa man sumapit ang kamalasang iyon sa kanilang winning streak bilang isang team.

Gaya din ng ibang nangangarap ng matayog ay kinailangang isakripisyo ni Eiji ang sarap ng buhay na kasama ang pamilya niya noong nakaraang dalawang taon para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at paglalaro ng basketball sa professional arena.

"Mukhang wala na talagang makakapigil sa'yo anak. Pagbutihan mo lagi Eiji at balitaan mo kami kapag nakarating ka na sa New York City." Payo ng mama niya sa kanyang unico iho.

"Naks... proud parents nga naman as usual. Dibale, wala po kayong sasayangin na tuition fee sa akin kahit pasang awa pa ang mga grades ko ngayong second year." Pagyayabang ni Eiji na tila malaki ang kumpiyansa na mapagtatagumpayan niya ang hamon ng pagiging homesick.

"Lagi naman kaming proud sa achievements mo Eiji pero huwag mo sanang kalimutan na hindi kami magsasawang mahalin ka dahil ikaw lang ang kayamanan namin." Natutuwang sambit ng kanyang ina at muli siyang yumakap kay Eiji sa huling pagkakataon na masisilayan niya ang anak sa kanyang tabi.

Sa mga pagkakataong kailangan niyang magpakatatag at saka naman bumaha ng luha sa bahay ng mga Sawakita. "Ang sweet niyo naman po, baka langgamin na iyang dila niyo sa mga habilin niyo." Birong saad ni Eiji na lalong nagpaalab sa emosyon nilang pangungulila.

"Basta mag-ingat ka palagi sa mga taong makikilala mo doon sa America, anak. May tiwala naman kami sa'yo pero marami ding nagkalat na masasamang tao doon gayon din naman dito." Prankahang sabi ni Mr. Tetsu na may kasama pang tears of joy and a glimpse of loneliness.

"At palagi niyo pong alalahanin na mahal ko po kayong dalawa." Eiji assures them na magiging maayos ang kalagayan niya sa ibang bansa kahit mahirap sa kalooban niyang humiwalay sa tabi nila at isang mahigpit na yakap ang naging pabaon ng anak sa kanyang mga magulang bago ang kanyang tuluyang paglisan sa kanilang ,mapagmahal na kalinga.

◄ ⏱End of Flashback⏱

[Eiji Sawakita…]

Hay naku tadhana, ang saklap mo talagang magpaikot ng mundo ko. Parang kailan lang noong huli kong sinabi ang mga pangako na iyon sa parents ko. It was frustrating enough na hindi na nga ako makaporma ng engrandeng entrance sa gate ng Fordham University at saka pa dumagdag sa pasanin ng konsensya ang pag-aalala sa akin ng magulang ko.

Sa totoo lang ay wala ng bearing sa akin kung ako man ang maging pinakamagaling na college rookie sa kapanahunan ko ngayon pero nawala na lang iyon sa akin na parang bula dahil lang sa inggit ng iilang mapagsamantala tulad ni Asher Martinez.

Matagal man iproseso sa akin na tanggapin ang pagkatalo pero mas grabe pala ang panghahamak sa pangalan mo ng pinagkakatiwalaan mong kaibigan. Ayaw ko na lang din makihalubilo muna sa iba lalo na sa dalawang kahati ko ng space dito sa unit ko. Hindi ko na din maintindihan kung anong meron sa tinitirahan ko at dito pa pinili ni Michael na tumambay kaysa sa condo unit kung saan sila nanunuluyan ngayon ng girlfriend niya.

I guess sadyang nangyayari talaga ang dapat maganap. Although it hurts so much na mawalan ng saysay ang salitang pangarap sa buhay ko ng dahil lang sa kagagawan ng taong may sira sa ulo, maybe gumagawa talaga ang tadhana ng paraan para maibalik rin sa dati ang kumpiyansa ko.

My dad was demanding a video call from me through the phone na hawak ko kanina and I was kinda not enthusiastic to be relaxed at this time of the day. "Ang tagal mo ng hindi tumatawag sa amin. Kamusta ka na anak?" Dinig sa buong kwarto ko ang boses niya mula sa tawag.

"Ito po hoping na makakauwi na din po ako sa wakas after a few years na puro lockdown." Birong sabi ko sa kanya.

"You better make us all proud, iho." Ngiting sabi pa ni Papa which almost crushed my conscience at this moment.

"Opo, I promise." Pagdadahilan ko na lang sa kanya at mukhang hindi pa nakarating sa kanila ang bad news from Fordham.

Samantala, may ilang asungot pala ang nakapasok sa bahay namin. Ilan sa mga former teammates ko sa Sannoh ay kasama ni mama na nagsisiga ng apoy na para yata sa kanilang lulutuing pananghalian.

"Hoy! Huwag mong kakalimutan iyong rubber shoes ko, size 30, at saka damihan mo rin yung pasalubong namin dito." Satsat ni Masashi na tila naghahangad pa para sa kanyang sariling interes. Ang kapal talaga ng mukha at hindi pa numipis kahit minsan.

"At saka isama mo na rin yung signed merchandise ni MJ kung meron ka man makita, yo!" Pahabol na sabi ni Captain Fukatsu at sinang-ayunan rin nila Masahiro at Minoru.

"Eh mga sira pala kayo! Ngayon pa talaga kayo naghahabol ng request gayong pauwi na ako dyan." Bulyaw ko sa pagmumukha nila at kung makautos naman itong mga ito ay para namang nagbigay sila ng ambag nang mabili ko ang mga gusto nila.

"At isa pa, ang layo kaya ng North Carolina mula rito sa New York." Reklamo kong inihayag iyon sa mga kausap ko through wearing a fake smile na hindi halata dahil kabubwisitan mo ang mga taong gaya nilang mapagsamantala.

"Pero di hamak naman na mas malayo ang Japan kaysa sa North Carolina, diba?!" Pangangatwiran ni Mikio noong narinig niya ang kanyang mga senpai sa bahay namin.

"Ayun na nga!" At gumagawa talaga sila ng paraan para mapagbigyan dahil ginatungan pa ng bwisit na Michael na ito ang request nila nang pumasok siyang bigla sa kwarto ko. Hindi naman ako tumatae ng pera para lang sa luho nila..

"Hey! I found you some available flights for tomorrow evening at Charlotte City. You can actually send your balikbayan boxes after purchase there if you will buy souvenirs for them. Papunta din naman kami doon ni Ryza para sa date namin." Paliwanag ni Michael kay Eiji at bukas palad pa siyang tinutukso ng kanyang kasama na nanghihingi ng pambili.

"Ayos lang ba talaga sa inyo na isama niyo pa ako sa lakad niyong dalawa?" I just want to clarify everything bago ako sumang-ayon sa balak nila Michael para sa plano nila bukas.

"Don't you worry about that Eiji. As if I would be so jealous of you because of what you did with Michael last time in dealing with your crazy friend." Tinitigan talaga ako ni Ryza ng matalim na para bang gusto na niya akong mawala sa landas ng boyfriend niya.

"Are you really sure?" Tanong ko ulit kay Ryza this second time around.

"Yeah. Just take care of yourself on your way home." She said to me at mukhang pinalampas na niya ang hindi namin paglamon sa niluto niyang soup na amoy paa dahil napanis na iyon noon para sa amin. Sorry sa mga kumakain ngayon at pasintabi lang po.

"Ang agang pamasko naman niyan." Ngiting sabi ni Nobe.

"We're expecting a lot from you. Ingles pa iyon hah 😏." Gatong pa ni Ichinokura at hindi ko inexpect na may tinatago

pala siyang greedy side.

"Kakatapos lang ng New Year at saka niyo pa isusumbat sa akin iyan." Inis na sabi ni Eiji sa kanila.

"Napunta ka lang naman dyan dahil sa parents mo tapos makakalimot ka lang sa amin ng ganyan. Huwag ka namang buraot." Dagdag pa ni Minoru at tila tumatawa pa ang ilan sa kanila sa background. Mga wala talaga sa timing ang mga ito kahit kailan.

"Hindi ako buraot!" bulyaw ko sa kanila at wala man lang nakikinig sa akin. "Tsk! Sige na nga. Mamamakyaw na ako dito ng souvenirs kaya manahimik na kayo." Napipilitang pahayag ko sa kanila at tuwang-tuwa naman ang mga palamunin sa narinig nilang balita mula sa akin.

"Ibigay niyo na nga yung phone kay mama. Gusto ko siyang makausap ng hindi kayo nakikisali." Sinabihan ko na sila ng malala para lang makita ko si mama kahit sa harap lang ng screen.

"Happy New Year sa'yo anak. Parang hindi na kita namumukhaan nang dahil sa porma mo ngayon." Ito talagang si mama ay likas na palabiro in which namana ko sa kanya, obviously.

"Kayo talaga ma puro kayo biro. Baka magselos pa si Papa sa akin niyan. Kamusta na po kayo dyan? May gusto po ba kayong pasalubong?" I asked her sincerely para maihanda ko na ang budget list ko for them.

"Kailangan mo pa ba akong tanungin tungkol dyan gayong alam mo naman na ikaw lang ay sapat na. Basta mag-ingat ka sa pag-uwi mo anak." Pinaiyak pa talaga niya ako at nagtataka pa si mama kung bakit ako naluluha gayong alam naman niyang mababaw lang ang luha ko.

"Sige na nga po. Ako na ang bahala sa lahat." At ang lumalabas ngayon ay tila sinagot ko rin ang tanong ko sa kanya.

"Maya-maya pa ang pagdating ng coach Doumoto kaya medyo busy lang kami ng tatay mo dito. Ang balita namin ay may journalist siyang sinusuyo ngayon at mukhang nagkakapalagayan na din sila ng loob." Dagdag nitong pahayag.

"Ganoon po ba ma? Kung gayon nga eh ikamusta niyo na lang po ako sa kanya kung maaari." Ngiting sabi ko kay mama at nag-aalangan pa rin ang konsensya ko kung makakabuti ba na sasabihin ko sa kanila ang totoo.

"Oo nga pala anak, may gusto ka bang kainin pag-uwi mo dito sa atin?" Nakakamiss talaga ang pagkalinga ni mama sa akin.

"Wala naman po... Ma, sorry nga pala sa lahat ng sinayang kong oras na hindi ko kayo napakisamahan ng maayos dati. Sorry kasi naging suwail akong anak sa inyo ni papa na pinilit ko pa kayong isuko ang kaligayahan niyo dahil lang sa ambisyon kong malabo ng matupad ngayon." Nagbreak down talaga ako ng malala sa harapan ng nanay ko. Mag-isa na lang ako sa kwarto ngayon dahil nilayasan na ako ng dalawang magkasintahan para ihanda ang mga gamit nila for tomorrow's escapade.

There was a moment of silence. Hinahayaan lang ako ni mama na ilabas ang sama ng loob ko kahit narinig niya lang ako sa call habang nagdadrama. "Ano ba ang ibig mong sabihin Eiji? Kung may problema ka man, alalahanin mong handa kaming makinig ng papa mo sa'yo."

I know she was concerned for me pero I guess it was better to be discussed ng harapan ang naging mitsa ng pagbagsak ng pangalan ko sa buong Fordham University. Hindi ko alam kung sadya lang ba nanghihinayang ang pakiramdam ko tuwing gusto kong umamin sa kanila tungkol sa naging issues ko sa eskwelahan.

"It's nothing ma. Namimiss ko lang talaga siguro kayo ni papa ng sobra." I gave her assurance na maayos ko pang masosolusyonan ang problema ko sa university kahit hindi ko na din alam kung paano. Sana lang ay hindi ako nagkamali sa desisyon kong ilihim muna sa kanila ang totoo dahil mayroon na ding pagkakataon na hindi ko maikwento ang lahat sa kanila.