Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 65 - 8.8 Struck Intimidation

Chapter 65 - 8.8 Struck Intimidation

Another day passed by and it was already four o'clock in the morning. Matapos ang walang kabuluhang kahilingan mula sa itinuturing ni Eiji na mga palamuning teammates ay agad naman sila sumabak ni Ryza kasama si Michael bilang chauffeur sa road trip to heaven para sa mga fans ng basketball especially ni MJ.

"I can't believe that this is really happening on our first date this year. I thought we would just drop him off at the airport but why did you suddenly change the plan?" Walang ganang tanong ni Ryza sa tabi ni Michael.

"Oh come on! This was his last day here at New York and Eiji will have to go back to his family from our hometown immediately." Naglalambing na pahayag ni Michael at hindi man lang siya pinansin ni Ryza.

"Please, let him enjoy his last day here in USA, my love." Request ni Michael at saka niya hinawakan ang kamay ni Ryza na mukhang nagsusumamo ng konting pasensya.

"But it's too damn early to wake me up at this time. Why Michael?!" Naiiyak si Ryza sa kabwisitan dahil hindi siya nakapag-ayos ng bongga para sa date nila.

Agad lamang siyang inimbita ni Michael na bumiyahe patungong Charlotte City without knowing kung anong sorpresa ang inihanda nito para sa kanya. "I'm sorry my love. Please forgive me? 🥺" Maamong sabi ni Michael as he held her hand and gently kissed it while driving.

"Ehem! Don't worry, I promise you that this will be my last request from both of you so please bear with me. Besides, I'm not yet ready to face their anger because of unfulfilled demands." Paliwanag ni Eiji na tila seryosong nakikiusap dahil ayaw niyang maranasan muli ang sinasadyang pananambang sa kanya ni Masashi tuwing naiinis siya sa madalas na kahibangan nito sa sarili niyang kasikatan.

"Ilang stiff-neck at pain reliever na ba ang pinagdaanan ko sa kamay niya bago ako nasanay sa trato niya sa akin? Alam ko naman na biro lang para kay Masashi ang pang-aaway niya sa akin pero masakit talaga iyon sa katawan. Sabihin ko mang malayo iyon sa bituka pero tagos kasi hanggang buto ang panghahamak niya sa ego ko bilang lalaki." Bulong ni Eiji sa kanyang sarili at tila natatawa pa ito sa kanyang kinauupuan sa kotse ni Michael.

"Bro, hindi ka ba marunong makiramdam sa sitwasyon namin?! Dumidiskarte ako dito, ano ba naman iyan..." Nagpipigil ng inis si Michael sa kanyang imahinasyon dahil sa pang-aabala kuno ni Eiji sa kanilang intimacy ni Ryza.

"May problema ka ba Michael?" Tanong ni Eiji nang mapansin niyang di maipinta ang mukha ng kasama niya sa sobrang panghihinayang nito sa pagkakataon.

"WALA." Tipid na tugon ni Michael.

"Okay fine but I must tell you frankly Eiji that your teammates were such a weirdo. I saw your old pictures before you went to highschool and yet you all look the same. I could literally think that all of you were a pile of stones outside a temple." Komentong saad ni Ryza at natawa naman si Michael sa kanilang biyahe.

"We had no other choice but to let our coach do whatever he wanted for the team. I almost felt restrained due to countless hours of practice and he sounds like an authoritarian dictator to his players if you asked me why we all have the same face." Kwento ni Eiji sa kanila.

"At least you've experienced becoming a champion within consecutive years of hardwork in basketball. Unfortunately, we didn't have a chance to beat you with my Ryokufu guys in a tip off battle." Michael praises him as he accelerates the vehicle to reach their final destination in North Carolina.

Napasandal na lang si Eiji sa gilid ng backseat. "Oh well, I guess the only perks of having to deal with an inhumane basketball coach was the sweet victory of being a champion." Pinagmamalaking sabi ni Eiji at tila inoobserbahan lang siya ng dalawang kasama niya mula sa rear mirror.

"Woah! You're such a cocky brat aren't you and congratulations for making it this far." Natatawang biro ni Ryza kay Eiji habang pinapalakpakan niya ang kabaliwan ni Eiji sa kanyang sarili.

"Will you shut it now you two?! I'm kinda out of place here and distracted on my driving, my lady, and a strange Humpty Dumpty." Inawat na ni Michael ang kanilang asaran at nagmamadali na ito sa biyahe dahil labing anim na oras pa ang kanilang gugugulin bago tuluyang makaalis si Eiji sa USA.

[Eiji Sawakita…]

Ito talagang Michael na ito hindi madaan sa biro kung minsan. Being stuck for nine hours in a journey was really a headache lalo na kailangan naming tiisin ang matinding traffic and a lot of detours along the way. Nararamdaman ko na kulang pa rin ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Michael sa kabila ng lahat ng itinulong nila sa akin rito sa America kaya I let them enjoy their planned date sa shopping mall dito sa Charlotte City.

"We'll catch up with you later bro!" Pagpapaalam na sabi ni Michael at saka sila nagsolo ng agenda.

Minsan talaga ay pinangungunahan nila ako sa mga desisyon ko kaya noong narinig ni Michael ang pinag-uusapan namin ng mga barkada ko sa Sannoh ay agad siyang nagpaschedule ng flight para sa akin dito sa international airport ng Charlotte City.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kung dito lang ang may bakanteng flight palabas ng USA? Maswerte na lamang ako at may ticket akong aabangan sa airlines dito unlike sa New York City na punuuan ang booked flights papuntang overseas.

Wala naman akong magagawa kung sa capital city ang pinakamalapit na international airport mula sa bahay namin. Halos domestic flights lang kasi ang madalas na pagpipilian doon sa amin kaya tiis-tiis muna ang paggastos ko sa pamasahe hangga't hindi ako nakatungtong sa sariling kwarto ko sa aming bahay.

Sa ngayon ay tila nabighani ako sa bagong modelo ng Air Jordan series ng Nike na nakadisplay sa labas ng stall. Agad kong tinanong ang staff kung may stocks pa sila ng parehong modelo ng nakadisplay ngunit nadismaya ako sa nasaksihan ko.

Ang nakakabit na 199 USD sa barcode ng 35th Air Jordan ay hindi ko kinaiinisan pero nawalan ako ng pasensya sa ingay ng katabi kong mestiza na para bang laging dinadatnan ng red days kung magalit sa kausap niya.

"MATE KO SANANG ANIMAL KAYU!!!" (Mamatay sana kayong mga hayop kayo!) Bothered kaming lahat ng nakakarinig sa rants ng aleng masungit. Hindi naman ako si Tolits na kapatid ni Marites para makialam pa sa problema nila pero nakakaintriga naman kasi ang eksena ng ale na ito.

"Sandeng, makiramdam na ka man kanaku. Ala na ku mang balu ketang litratung sasabyan mu. Aminadu ku naman na atin ping milyari kekaming adwang Kozue pero megkamali kami mu." (Sandeng, making ka naman sa akin. Wala akong alam sa sinasabi mong litrato. Aminado naman akong mayroon ngang nangyari sa amin ni Kozue pero isa lang iyong pagkakamali.)

"Amupin! Nanu wari ing buri mung isipan ku, Shinichi, na ala mu ita? Susmaryosep!! Nanung panyaptan niyu ot meglitratu kayung adwang Kozue a alang susulod a malan? Keta pang kilub ning kwartu." (Sandali nga! Ano ba ang gusto mong isipin ko sa bagay na iyon, Shinichi, na wala lang? Susmaryosep!! Ano bang pinaggagagawa niyong dalawa ni Kozue at may picture pa kayong dalawa na walang kahit anong saplot? At doon pa talaga sa loob ng kwarto hah?!)

"Balu ku naman na ala kung karapatang magselus karela uling ali pa naman kami mag-on kanita ng Maki peru ot asnang kasakit ku lub kaya?!" (Alam ko namang wala akong karapatang magselos sa kanilang dalawa dahil hindi naman kami magjowa ni Maki noong panahong iyon pero bakit ang sakit sa kalooban ng ginawa niya?!)

Sandeng pala ang tawag sa kanya ng kausap niya. Kaya nga ayaw kong maging committed sa isang relasyon kung ganyan lang din ang pagtrato sa akin ng magiging future partner ko if ever na may magtatangka sa akin. Ang ibig kong sabihin ay ang seryosong relationship at hindi lang basta fling. The first and last lang kung pwede dahil ayaw ko sa lahat ay ang pinagmumukha akong tanga sa gwapo kong ito.

"I'm sorry the subscriber cannot be reached. Please try again never." Nang-iinis na sabi ng kausap niya sa tawag at hindi man lang nakapalag ang babaeng kasama ko sa mall.

"Leave us alone Kozue. Binabalaan kita, alam mo namang irrelevant ka na sa buhay namin ni Maki kaya ano pa ba ang gusto mong mangyari at sinisira mo ang relasyon naming dalawa?!" Tanong ni Sandeng habang nagpipigil ng luha sa galit.

"Huh?! I honestly don't know what you are talking about and besides, I'm not stupid like you na basta-basta lang iniiwan si Maki dito tapos magdadahilan ka ng cheating issues niya na wala naman kayong label that time. Masyado ka lang praning sa nangyaring secret love affair namin ni Maki na possibly matuloy ang naudlot naming pag-ibig ngayong wala ka na sa tabi niya." nang-aasar na sagot ni Kozue at mukhang kinontra siya agad ni Maki.

"Tigilan mo na nga iyang kakasabi ng mga walang kabuluhang mga bagay. Isa lang malaking pagkakamali ang nangyari sa pagitan nating dalawa. Tandaan mo iyan Kozue." Mukhang seryoso ang tono ng pananalita ni Maki sa kanya.

"Okie po. Anyways, just keep up the good work and be busy studying there and let me handle him for the meantime while you're away, buh bye!" Tugon ni Kozue at saka natahimik na ang aking pandinig.

Base sa pagkakasabi ni Kozue ay tila nakikisipsip pa siya ng pagkakataon para masolo si Maki. Teka! Ibig sabihin may girlfriend na si Shinichi Maki ng Kainan at kasama ko ngayon sa Nike stall? What a coincidence.

Ewan ko na talaga kung ano na ang nangyayari sa mundo. She was indeed hysterical at ang malas ko talaga na nagkatagpo pa ang tinginan namin sa isa't isa. "What are you looking at?!" Galit na banta sa akin ng mga titig ni Sandeng samantalang nananahimik lang naman ako dito sa gilid.

"Nothing!" Palusot kong pahayag upang tigilan na niya ang intimidation dahil wala naman iyong ibang patutunguhan kung hindi isang drastic waste of time in the afternoon.

I know it's a bit awkward sa pagitan naming dalawa ni Sandeng pero mabuti na lang ay nakita ng salesperson na interesado akong bumili ng pares ng rubber shoes na hindi din naman para sa akin.

Never naman sumagi sa utak ko na kaya ako nangibang bansa para lang magpaalipin sa trabaho at pag-aaral mula sa mga dayuhan pero iba ata ang expectations nila na tipong tumatae na ako ng sarili kong pera para lang bilhan sila ng mga bagay na imported at dito lang mabibili ang original item na mas mura kuno kaysa kapag inexport na.

[Sandy Margaux…]

Hay bwisit! Ni minsan ba ay hindi sumagi sa utak ng Kozue na iyon ang salitang delikadesa? Kung sabagay I'm already foolish enough waiting for answers gayong naputol na ang tawag ko with Maki and big thanks for her nagging with our privacy.

Kakauwi ko lang noong isang umaga mula sa Kanagawa and another school semester have started. I'm not sure kung magiging excited rin ba kayo sa imamarites ko sa inyo pero pinadala ako sa isang mental hospital as part of my OJT course. Yes at wala itong halong biro 😭.

Sa totoo lang, one hysterical and crazy woman like Kozue is enough comparison kung gaano kahirap magpasensya sa mga taong may sira sa ulo. Hindi sapat ang awa para matulungan silang gumaling sa karamdaman. Much worst nga ata ang ganap ko noong nakilala ko na ang pasyenteng pakikisamahan ko for counseling kaya I take a break muna bago ko siya harapin for a heart to heart discussion.

Sumusumpong pa din ang aking jet lag kaya namasyal muna ako ulit sa mall para lumafang ng Mcdo na namimiss ko din. Wala kasing Jollibee franchise dito kaya tiis-tiis muna sa makunat ngunit crispy fried chicken. Nagtake-out na lang ako para makabalik na din ako agad for my patient.

A ten minutes drive by a taxi is all that it takes para makarating sa mental hospital mula sa South Park Shopping District and everything I see now was full of toxicity. Tila mga alagang hayop na nakawala sa hawla ang sitwasyon ng mga pasyente dito na maski ang mga nasa medical personnel ay nahihirapan ding ikontrol ang gawi ng mga mentally disabled patients.

Sa kabilang dako naman ay napunta ako sa top floor ng hospital para kamustahin ang patient na pinapaconsult sa akin ng mga seniors ko sa Psychology department. Naintriga lang ako kung bakit wala sa sarili ang mga pulis sa paligid ng kwarto niya.

"Sir, what just happened?" Tanong ko sa kanila.

"Please move out for a while. It sounds like the patient fell down from something." Sabi ng pulis sa akin which made my blood evaporate.

Out of adrenaline ay sinugod ko na mismo ang kwarto ng pasyente kahit super secured nito mula sa mga pulis. "Hey! Is everything alright?" I shouted at the top of my lungs habang kinakatok ko ang pinto. Tinakpan ata ng pasyente ang bintana sa pinto niya kaya wala kaming ideya sa ganap niya sa loob.

I tried my best na buksan iyon pero mukhang may mabigat na bagay na nakaharang dito kaya we forced ourselves to barge in and I could tell from our reactions that we couldn't bear to see what we had just witnessed inside the room.